Nanlamig si Tamara nang mabasa ang placard. Ang placard pa laban kay Reid ang ibinigay sa kanya. Dahan-dahan siyang lumingon kay Sharon Joy na handang-handa na para sa protesta nito. “Idinala mo ako dito para mag-rally?”
“Oo. Babae ka rin kaya dapat kang makiisa.” Itinuro nito ang gate ng Stallion Riding Club. “Ine-exploit ng mga lalaking iyan ang mga kababaihang tulad natin. Sinisikil na nga ang karapatan ng mga babae sa loob ng riding club na iyan, pinagsasamantalahan pa ang kanilang dangal. At di kami papayag! Hindi ba mga kasama? Dapat isara ang Stallion Riding Club!”
“Tama!” sabay-sabay na sagot ng mga ito.
Oh, no! Di siya pwedeng sumali sa rally na iyon. She was Mrs. Reid Alleje. Kahit pa sabihing di sila nagsasama ni Reid, asawa pa rin siya nito. Wala silang problema na dalawa. Ang totoo nga niyan, hinihintay na lang niya ang sagot nito para sa maayos at tahimik nilang annulment.
Iginagalang niya ang karapatan ng grupo nila Sharon Joy na magprotesta at magpahayag ng sariling pananaw. Kung tingin ng mga ito ay may violation ang Stallion Riding Club, nirerespeto niya ang paniniwala ng mga ito. She just didn’t want to be a part of any protest against her husband.
Kailangan niyang makagawa ng paraan para makaalis doon. Lumingon siya kay Shaj na kausap ang isang kasamahan habang naghahanda na ang mga ito sa pagsisimula ng rally. Hindi rin naman niya ito pwedeng iwan doon.
“Excuse me, Shaj. Do you think it’s okay for you to join protests? Ang init-init ng araw. Baka makasama sa inyo ang anak mo,” malumanay niyang wika. “Siguro hindi mamasamain ng mga kasamahan mo kung magpapahinga ka sa bahay.”
Itinaas nito ang nakakuyom na kamao. “Hindi! Dito maririnig ang boses ko. Sino ang makakarinig ng mga protesta ko sa bahay?”
“Pero paano naman ang kondisyon ninyo ng anak mo?”
Ngumiti lang ito. Parang di alintana ang posibleng panganib dito. “Huwag mo kaming alalahanin. Mabuti nga habang maaga malaman na niya ang dapat naming ipaglaban. Isa pa, mas maganda ngang tingnan sa rally kung buntis ako at nagpo-protesta. Ibig sabihin pinoprotektahan ko ang karapatan ng susunod na henerasyon. At ayokong maging biktima ng riding club na iyan ang magiging anak ko. Kaya ipaglaban mo rin ang kinabukasan ng magiging anak mo.”
Bumuntong-hininga siya. “No. I won’t do this.”
Hindi naman siya aktibista. Kung gusto niya ng pagbabago, sinisimulan niya sa mga taong involve sa isang problema. Tulad sa mga environmental issues na kinakaharap ng organization nila. They device ways to solve the problems. Kahit kailan ay di niya ugali na pumunta sa kalsada para magpahayag ng opinion niya.
“Iiwan mo ba ako dito?” mataray nitong tanong.
“Siyempre hindi.”
Matamis itong ngumiti. “Pwes, makisigaw ka rin tulad namin. Kailangang isara ang riding club na iyan para wala nang maabusong mga kababaihan.”
“Iligtas ang mga kababaihan!” sigaw ng leader ng rally.
“Stallion Riding Club, isara!” sagot naman ng mga miyembro kasama na si Shaj na hyper na hyper. Di nito alintana ang init ng araw o ang maselang kalagayan nito. Everyone was so passionate about it.
Siya naman ay nakayuko habang nakatakip sa mukha ang placard. Palinga-linga siya sa paligid habang malakas ang kaba ng dibdib. Paano kung makita siya ni Reid na sumasama sa protesta laban dito? Ano na lang ang iisipin nito sa kanya?
Ilang beses niyang tinanggihan ang imbistasyon nito na magtungo sa riding club. Pagkatapos ay bibisita lang siya doon para mag-rally?
Napapitlag siya nang sikuhin siya ni Sharon Joy. “O, bakit hindi ka nakikisigaw? Saka itaas-taas mo naman ang placard mo.”
“Masakit na kasi ang lalamunan ko saka nahihilo na ako sa init ng araw.”
“Kailan ka pa naging sensitive? Okay ka naman kanina, ah!”
“Siguro dahil magkakasakit ako.” She tugged her friend’s arm. “Ikaw, di ka ba nahihilo? Magpahinga ka na. Umuwi na tayo.”
“Mamaya na. Nagsisimula pa lang naman tayo.”
“Naku! Nandito na ang mga sinapian?” narinig niyang bulong ng kasamahan ni Sharon Joy nang makitang may paparating na grupo.
Subalit sa halip na mga protestors ay mukhang miyembro ang mga ito ng isang fan’s club. Nakasuot ang mga ito ng pink na shirt at may malalaking banners na ‘We love the Stallion Boys Forever!”.
Tumapat ang mga ito sa kanila. Maarteng lumakad sa harap ng grupo ang pinaka-leader na nakasuot pa ng mini-skirt at sleeveless blouse. Mukha itong miyembro ng isang cheering squad. “Who do we love, girls?”
“Stallion Boys!” sabay-sabay na sagot ng mga ito. Kasunod niyon ay kanya-kanya nang tili sa mga paborito ng mga ito.
“We love you forever!”
“You are so cool, Reid! I love you!” halos mapaos ang lalamunan na sabi ng ilang babae. Nasapawan na ang protesta nila.
Tumaas ang kilay niya. “Asawa ko iyon!”
“Anong sabi mo?” tanong ni Sharon Joy na matalim ang tingin.
“Sabi ko grabe naman ang fans club nila. Hindi ba may asawa na ang isang iyon,” aniya at itinuro ang isang babae kahit di niya kilala. “Tapos nagtititili pa para kay Reid. Paano na ang asawa niya?”
“Nakita mo na ang epekto ng Stallion Riding Club sa mga babae? Aba! Ayon sa survey, ninety-eight percent ng mga babae gustong makapasok sa Stallion Riding Club. Gusto daw nilang mag-ala Cinderella at makapag-asawa ng lalaki diyan. Hindi naman pwedeng buong mundo na lang umikot sa riding club na iyan,” paliwanag ni Sharon Joy. “Kaya dapat talaga isara na ang riding club na iyan.”
“Hoy, buntis! Anong isasara ang riding club?” nakapamaywang na tanong ng leader ng cheering squad. “Nandiyan sa riding club ang mga dream guy namin. Kaya huwag ka ngang intrimitida diyan!”
“Di ba ninyo alam na demonyo ang mga lalaki diyan sa loob? Wala silang pagpapahalaga sa karapatan nating mga babae,” katwiran ni Sharon Joy. “Kaya ang Stallion Riding Club ay kuta ng mga demonyo.”
“Wala kang karapatan na tawagin silang demonyo! Bitch!” narinig niyang sigaw ng isang babae kasabay ang angalan mula sa kabilang grupo.
Kasunod niyon ay humaginit ang isang malaking bato papunta sa direksiyon ni Sharon Joy. “Shaj, look out!” sigaw niya.
Awtomatikong gumalaw ang katawan niya upang harangan ang kaibigan. Naramdaman na lang niya ang pagtama ng malaking bato sa noo niya. Napaurong siya sa sobrang lakas ng tama sa kanya. “P-Parang nahihilo ako,” usal niya at sinapo ang nasaktang noo.
“Tamara, may sugat ka sa ulo!” histerikal na sabi ni Sharon Joy. Nang tingnan niya ang kamay niya ay marami ngang dugo doon.
Pinagkulumpunan na siya ng mga kasamahan ni Sharon Joy. “Kailangan natin siyang isugod sa ospital!”
“Hindi. Okay lang a…” Bago pa niya matapos ang sasabihin ay tuluyan nang nagdilim paningin niya.
UMUNGOL si Tamara nang idilat niya ang mata niya. Pakiramdam niya ay binibiyak ang ulo niya. She was in hospital room. Nang kapain niya ang nasaktang noo ay may gasa na iyon. Nagamot na siya.
Nakita niya si Sharon Joy na nakaharang sa pinto. “I am sorry. Hindi kita papayagan na lumapit sa kaibigan ko. Baka ano pang gawin mo sa kanya.”
“Sharon Joy,” tawag niya dito.
Lumingon si Sharon Joy at mabilis siyang dinaluhan nang makitang gising na siya. “Tamara, I am sorry. Nasaktan ka sa pagprotekta sa akin. Ano pang masakit sa iyo? Bukod sa masakit sa ulo mo, wala ka bang nararamdaman na kakaiba? Natatakot ako na baka magka-brain damage ka.”
“Ulo ko lang talaga ang masakit,” wika niya.
“I am glad to hear that you are okay,” anang lalaki na pumasok na ng silid niya. “Sabi ng doktor makakaalis ka na rin dito bukas.”
Napasinghap siya nang makilala ang lalaki. “Reid!”
He was there. Hindi siya naghahalusinasyon lang. Dinalaw siya nito. Nakadama siya ng kakaibang excitement. Madalang niyang makita ang asawa pero di niya maikakaila ang kakaibang nararamdaman niya kapag nakikita ito. Siguro dahil di naman niya ikinakaila sa sarili na crush niya ito unang beses pa lang niyang nakita. Wala tuloy siyang ipinagkaiba sa mga babaeng nahuhumaling dito.
Namutla siya nang mataman siya nitong tinitigan. He didn’t look happy to see her. Alam na marahil nito na kasama siya sa protestors ng riding club nito.
Ginagap ni Sharon Joy ang kamay niya habang matalim ang tingin kay Reid. “Sinabi ko sa inyo na huwag kang lalapit sa kaibigan ko, Mr. Alleje. You will upset her. So please leave!”
“No. I am okay,” aniya at bahagyang natawa. “Medyo masakit nga lang ang ulo ko. Ganoon pala kapag tinamaan ng malaking bato.”
“There is nothing funny about it. You almost died,” Reid said in a cold voice. Subalit hindi maikakaila na galit ito. “Tapos nagagawa mo pang tumawa.”
Napayuko siya. “I am sorry.” Wala ngang nakakatawa sa nangyari lalo na’t ito ang head ng Stallion Riding Club. Ang riding club nito at ang mga kalalakihan doon ang dahilan kung bakit nagkagulo kanina.
Namaywang si Sharon Joy. “Ano ngayon sa iyo kung gustong tumawa ng kaibigan ko? Buti nga natatawa pa siya kahit na nasaktan siya. Kasalanan ng mga babaeng baliw na baliw sa inyo kung bakit nadisgrasya ang kaibigan ko. Saka bakit ganyan ka magsalita sa kay Tamara? Di naman kayo magkaano-ano?”
Taas-noong sinalubong ni Reid ang tingin ni Sharon Joy. Mukhang nahamon ang pride nito. “Well, she is my…”
“Friend,” putol niya sa sasabihin ni Reid. Baka mamaya ay masabi pa nito ang totoo. Mas malaking gulo iyon kapag nagkataon. “Magkaibigan kami.”
“May kaibigan kang tulad niya? The King of Chauvinists?” bulalas ni Sharon Joy. “Ni hindi mo sinasabi sa akin. Kailan pa? Alam mo ba kung anong klaseng lalaki iyan? Kung anong klaseng riding club mayroon siya? Baka nakakalimutan mo ang mga babaeng naging biktima nila.”
Nakita niyang kumukunot na ang noo ni Reid subalit nanatili pa rin itong tahimik. Siya tuloy ang nahiya kay Reid. Di kasi mapipigil ang bibig ni Sharon Joy. Basta may gusto itong sabihin, sasabihin nito.
“Sharon Joy, bakit di ka muna umuwi sa inyo? Magpahinga ka,” malambing niyang sabi. “Makakasama sa baby mo ang pagpapagod.”
Humalukipkip si Sharon Joy. “Di kita iiwan kasama ang lalaking iyan. Baka mamaya akitin ka rin niya tulad ng ginawa niya sa ibang babae.”
“Wala naman siyang gagawing masama sa akin,” protesta niya.
“See? Pati ikaw naengkanto na ng lalaking iyan.”
“Sharon Joy!” tawag dito ng lalaking nakatayo sa pinto.
“Marlon, anong ginagawa mo dito?” tanong ni Sharon Joy na bahagyang naging malumanay ang boses.
“Dinadalaw si Tamara,” anito at inilapag ang bulaklak sa table. “Nalaman ko kasi sa kasamahan mo ang nanyari sa kanya. Napanood ko rin sa news.”
Nagulat siya. “Nasa news ang tungkol sa nangyari sa akin?”
“May nakatakas sa gatekeeping team namin,” wika ni Reid. “I am sorry. Pero di ka naman guguluhin ng press.”
Sumimangot si Sharon Joy. “Anong guguluhin ng press? Dapat ngang malaman ng buong Pilipinas kung ano ang masamang epekto ninyo sa mga babae. Gusto ninyong maging maganda ang image ng riding club ninyo pero sasabihin ko ang totoo. Na wala kayong pakialam sa nararamdaman ng mga babae…”
Inakbayan ni Marlon si Sharon Joy. “Magpahinga ka na. Umuwi ka na sa bahay. Pabayaan mo na si Tamara dito. May magbabantay naman sa kanya.”
“Sino? Iyang lalaking iyan?”
“Tamara is safe with me,” Reid said coolly.
“I miss you, Shaj,” malambing na wika ni Marlon.
Lumambot ang anyo ni Sharon Joy at nakalimutan nang makipagtalo kay Reid. “Talaga? HIndi ka na galit sa akin?”
Tumango si Marlon. “Kaya umuwi na tayo.”
Nakita niya ang pagsilay ng ngiti sa labi ni Sharon Joy. Ibig sabihin ay tapos na ang problema nito at ng asawa nito. “Tamara, uuwi na kami ni Marlon. Kinukulit ako, eh! Tatawagan kita mamaya.”
“Mag-ingat ka, ha?” aniya nang humalik ito sa pisngi niya.
“Ikaw ang mag-ingat,” bilin ni Sharon Joy at inirapan si Reid nang palabas na ng kuwarto niya. Pansamantalang nawala ang tensiyon sa silid nang makaalis sina Sharon Joy at Marlon. Ibang tensiyon naman ang naramdaman niya nang sila na lang ni Reid ang naiwan. She was alone with her husband after a long time. Tiyak na mamamatay sa inggit si Shiela oras na malamang kasama niya ito.
“Pasensiya ka na kay Shaj,” wika niya. “Mainit talaga ang dugo ng mga women’s group sa inyo, eh!”
“Sanay na ako,” anito sa malamig na boses at nanatiling nakatayo sa gilid ng kama. Hindi siya makahinga habang tinititigan ito. Pakiramdam niya ay natutunaw ang katawan niya sa titig lang nito.
“Thank you for visiting me, Reid. I really appreciate it. I know how busy you are.” Lagi naman siya nitong dinadalaw basta may sakit siya. Di nga lang ito nagtatagal dahil itinataboy niya ito. Pero nang mga oras na iyon ay gusto niyang nasa tabi lang niya ito at nakabantay sa kanya.
“What are you trying to prove, Mrs. Alleje?”
Natigagal siya. “What? I don’t get it…”
“Stop playing dumb. Bigla kang humingi ng annulment. Nang di ka agad napagbigyan, hinatak mo ang mga kaibigan mong feminist sa harap ng riding club ko. Ganyan ka ba kapag hindi napagbibigyan?”
Napaawang ang labi niya. “Hindi naman ganoon ang nangyari…”
Nagdilim pang lalo ang anyo nito. “Akala ko member ka ng animal welfare group. Bakit bigla kang na-involve sa mga feminist? You really surprise me, Mrs. Alleje. Bakit hindi ko na-anticipate na ganito ang gagawin mo?”
Nagpanting ang tainga niya. “Will you stop calling me Mrs. Alleje?” Napaka-sarcastic kasi ng pagkakatawag nito sa kanya.
Idiniin nito ang mga kamay sa kama niya. Then he leaned forward. “But you are my wife. Hindi mo naman siguro nakakalimutan.”
Walang kangiti-ngiti niyang tinitigan ang itim nitong mga mata. He didn’t come there to visit her. Di naman yata ito nag-aalala sa kanya. “Nagpunta ka ba dito dahil nagagalit ka na nakasama ako sa mga protestors sa riding club mo?”
“No! I am mad because you nearly died. Ano na lang ang sasabihin ng mga tao oras na malaman ang nangyari sa iyo? Napahamak ka habang nasa labas ka ng property ko at nagpoprotesta sa akin. Iisipin nila na iresponsable akong asawa. Gusto mo bang patunayan na totoo ang ibinibintang sa akin ng mga kasamahan mo? That I am a rotten person?”
“Wala akong intensiyon na pasamain ka, Reid. Wala namang iisiping masama ang mga tao tungkol sa iyo dahil di nila alam na asawa mo ako. Baka nga hero pa ang tingin nila sa iyo dahil di mo naman ako pinabayaan. Samantalang ang alam ng lahat, aktibista ako, di ba? I won’t taint your reputation.”
He nudged her chin. “You already did. Kinalaban mo ako. Iyon ang una mong pagkakamali. You even put your self in danger by doing so. Kung di nakialam ang mga security ko, baka kung ano pa ang nangyari sa iyo.”
“Those women are crazy over you,” aniyang handa nang ipagtanggol ang sarili niya. “Kung tutuusin sila ang nagsimula ng gulo at hindi kami.”
“They were provoked according to the guards.”
Napaawang ang labi niya. “Sila ang kinakampihan mo?”
“Wala akong kinakampihan. Pero pumasok ka sa gulo na di mo na di mo kayang lusutan. It means that you are not capable of taking care of your self. As your husband, I must take over your welfare.”
“What do you mean take over?”
“I am taking you home.”
“Home? Sa bahay ninyo?” nanlalaki ang mata niyang usal. “Bakit pa? It is just a gash on the head. It is not…”
“Are you complaining, Mrs. Alleje?” he asked with those cold dark eyes staring at her.
Napipilan siya. With those eyes, she didn’t have the power to complain at all. “H-Hindi naman ako kumokontra.” Parang bawal yata dito ang sariling kontra.
Umangat ang gilid ng labi nito. “Good. Take a rest then.”
Napilitan siyang humiga at pumikit habang nakabantay ito sa kanya. Bukas ay iuuwi daw siya nito sa bahay nito. Sa Stallion Riding Club. She must be nuts when she married this cold man.