Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 162

Wala pang alas sais ng gabi ay nasa labas na ng opisina ni Reid si Tamara. She was fuming over what he did to April. Di niya palalagpasin ang treatment nito. Tuturuan niya si Reid Alleje ng tamang pagharap sa isang babae.

Tumayo siya nang bumukas ang pinto. Isang lalaki ang nakita niyang nasa loob ng opisina nito na halos manikluhod na kay Reid. “Sir, maawa na po kayo sa akin. Maawa po kayo sa pamilya ko. Sino na po ang bubuhay sa amin? May sakit pa po ang anak kong bunso sa ospital.”

“My decision is final, Mang Pilo. Ipinahanda ko na ang huli ninyong sweldo. Pwede na ninyong daanan sa Accounting department,” anang si Reid sa malamig na boses. Hinintay niya na magkaroon man lang ito ng kaunting konsiderasyon sa nagmamakaawang lalaki pero nanatiling malamig ang mga mata nito.

“Parang awa na ninyo, Sir,” hirit pa muli ni Mang Pilo.

“Huwag na po kayong magpilit,” anang sekretarya ni Reid. “Baka lalo pang magalit si Sir sa inyo.” At inilabas ang lalaki.

“Doctor Trinidad, you’re next,” wika ni Reid at umupo sa desk nito.

Di maipinta ang mukha niya nang pumasok sa opisina nito at mariing isinara ang pinto. “Anong nangyari doon?”

“It is none of your affair,” he said in a cold voice. “Tapos mo na ba ang initial impression mo tungkol sa cloning project?”

“Matapos mong tanggalin ang isang tauhan mo, naiisip mo pa ang report mo?” di makapaniwala niyang usal.

“I can’t dwell on a person alone. I am very busy. I have this huge establishment to run and maintain. Limitado ang oras ko,” anito at panaka-nakang sumusulyap sa LCD screen ng computer nito habang nakikipag-usap sa kanya.

“Reid, that person is practically begging. Nasa ospital ang anak niya habang siya langang nagtatrabaho sa pamilya niya. Sana nagkaroon ka man lang ng kaunting konsiderasyon.”

“It is a decision that I have to make.” There was finality in his tone. At mukhang wala nang sinuman ang makakabago pa.

Huminga siya nang malalim at nagbilang ng sampu para kalmahin ang sarili. “Hindi ko maintindihan kung bakit mo ginawa iyon.”

“Doctor Trinidad, it is not in your hands. Lahat ng empleyado dito iniisip ko ang pamilya. Lahat sila may binubuhay. Pero may limitasyon ang lahat.”

Namaywang siya. Kahit ano pang sabihin nito, di pa rin niya matanggap na hinalis nito sa trabaho ang isang taong nangangailangan sa buhay. “Wala ka ba talagang puso? How could you be so heartless over this?”

Di ito kumibo subalit nanatili lang sa pagkakatitig sa kanya. Parang nang-iinis pa ito. Ni wala man lang ekspresyon sa mukha nito. Sinasabi ng mga mata nito na wala itong pakialam sa opinion niya at wala itong dapat na ipaliwanag.

She gnashed her teeth. “Ganyan ka ba talaga, Reid Alleje? Wala ka ba talagang pakialam sa nararamdaman ng mga tao sa paligid mo? Look what you’ve done to April. Matapos mo siyang paasahin, itatapon mo na lang na parang basahin. Is that the right way to treat a person who gives importance to you?”

She saw a flicker of fire in his eyes. Subalit saglit lang iyon. Agad iyong napawi dahil nagmistula na namang yelo ang mga mata nito.

“Kung hindi mo ipapasa ang report mo ngayon, make sure to submit it tomorrow morning. Dagdagan mo na rin dahil mas marami ka nang oras para magbasa,” pormal nitong sabi at itinutok ang mga mata sa computer nito. “I will see tomorrow, Doctor Trinidad.”

She wanted to roar and scratch his face. He was unfeeling! The most unfeeling man on earth. Padabog niyang inilapag sa harapan nito ang report niya. “That’s your precious report. Maging masaya ka sana habang nasasaktan ang mga ibang tao dahil sa iyo.”

Pabalabag niyang isinara ang pinto ng opisina nito paglabas niya. She was mad. Raving mad. Marami pa siyang gustong sabihin dito pero parang wala namang epekto. O sadyang wala lang itong pakialam sa ibang tao.

Iyon ba ang tunay na mukha ni Reid Alleje? Hindi lang ito malamig sa ibang tao. Wala rin itong pakialam sa pangangailangan at nararamdaman ng iba.

Isang halimaw ba ang pinakasalan niya?

TAMARA was picking on her dinner. Hanggang ngayon ay di pa rin mawala sa isip niya ang huli nilang pagtatalo ni Reid. Paano nakakatagal ang mga tao sa paligid nito sa pagiging insensitive nito? Noon lang siya nakakita ng lalaki na talagang walang pakialam sa ibang tao. Wala itong awa. Palibhasa ay parang hari ito kung tratuhin ng mga tao sa paligid nito kaya wala itong compassion sa nakakababa dito.

“Bakit wala kang ganang kumain? Hindi mo ba nagustuhan ang in-order mo? Bago iyan sa menu ni Chef Gino,” untag sa kanya ni Celeste. Dapat ay sa Rider’s Verandah sila kakain ng hapunan. Subalit dahil wala siyang gana na lumabas.

“Masarap naman siya. Kaso may iniisip lang ako.”

“Sa akin na lang kung ayaw mo,” anito at kinuha ang plato niya. “Sa dami ng nagugutom at naghihirap na tao sa mundo, mahirap magsayang ng pagkain.”

“Oo nga. Naisip ko tuloy si Mang Pilo.”

“Sino? Iyong tauhan sa stable na tinanggal ni Reid kanina?”

Tumango siya. “Siya lang pala ang naghahanap-buhay sa pamilya niya. May sakit pa ang bunso niyang anak. Tapos wala pa siyang trabaho. Kawawa naman ang pamilya niya. Ano na ang mangyayari sa kanila?”

“Kawawa talaga ang pamilya niya. Ikaw ba naman ang magkaroon ng iresponsableng padre de pamilya tulad ni Mang Pilo. Lasenggo na, sugarol pa. Mamalasin ka talaga sa buhay.”

“Ano? Sugarol at lasenggo si Mang Pilo?”

“Matagal na!” anito at sumubo ng lettuce rice. “Inuubos niya ang sweldo niya sa pagsusugal at paglalasing. Wala siyang pakialam kung wala mang matira sa pamilya niya. Ang mahalaga sa kanya may pantustos siya sa bisyo niya.”

“Pero nakita ko siyang nagmamakaawa kanina kay Reid. Baka naman nagbago na siya. Sabi niya kailangan daw niya ng trabaho para sa anak niya.”

Tumawa ito ng pagak. “Drama lang niya iyon. Ilang beses na siyang nahuli ni Reid na naglalasing sa oras ng trabaho. Ayaw ni Reid sa lahat iyong pabaya sa trabaho. Ilang beses na siyang nakiusap at pinagbigyan. Sabi niya magbabago na siya para sa pamilya niya. Ganoon pa rin. Naglalasing pa rin. Ni di nga niya mabilhan ng gamot at pambayad sa ospital ang asawa niya.”

Kung ganoon ay sobra-sobra na pala ang konsiderasyon ni Reid dito. “Bakit ngayon tuluyan na siyang natanggal sa trabaho?”

“Napuno na si Sir Reid. Di nilinis ni Mang Pilo ang stable na dapat ay lilinisin niya. Nag-inom lang pala siya doon. Buti na-check ng stable manager ang mga basag na bote sa stable. Kundi baka napahamak ang kabayo na nandoon. Pati si Sir Reid, mapapahamak,” kwento nito.

“Oo nga naman. Ingat na ingat pa mandin si Reid sa pangalan niya.” Kaya naman pala wala na itong kahit anong konsiderasyon na ibinigay kay Mang Pilo. Si Mang Pilo mismo ang umubos sa pagkakataong ibinigay dito.

“Pero mabait pa rin si Sir Reid. Siya ang gumastos sa pampa-ospital at gamot ng anak ni Mang Pilo. Kaya nga sobra ang pasasalamat ng asawa ni Mang Pilo sa kanya. Ngayong wala na si Mang Pilo sa trabaho, ang alam ko kukuha ng private nurse si Sir Reid para sa bata. Ang asawa naman ni Mang Pilo ang bibigyan niya ng trabaho dito sa riding club.”

Siya naman ang nakonsensiya. Sa dami ng masasamang akusasyon na sinabi niya kay Reid, hindi nito deserve ang karamihan doon. Ito pa pala ang nagbibigay at sobra-sobra ang konsiderasyon. Ginagawa lang nito ang makabubuti sa lahat.

“Mabait naman pala si Sir Reid,” usal niya at uminom ng basil tea.

“Hay! Pwede ko na siyang I-nominate na santo.” Napaisip ito. “Hindi pala bagay sa kanya ang maging santo. Magrerebolusyon ang mga fans niya. Mas bagay sa kanya na maging sex god. Iyong sinasamba ng mga kababaihan.”

“Hindi ba may girlfriend siya?” tanong niya.

“Oo.” Itinuro siya nito. “Ikaw iyon, di ba?”

Matalim niya itong tiningnan. “Hindi ako. Si April Princess Uy!”

“That spoiled brat? Siya yata ang nagpasakit sa ulo ni Sir Reid nang todo. Sukat ipagkalat niya sa press na magpapakasal na sila.”

“Nabasa ko nga ang article na iyon.” Iyon din ang nag-trigger sa kanya para maghain ng annulment.

“Aba! Muntik nang mapikot si Sir. Ang mga parents ni April, umuwi galing sa Singapore. Pati parents ni Sir Reid, napauwi galing Spain. Biglang kinaladkad si Sir Reid sa mga Uy para mamanhikan. Mabuti na lang malakas ang loob ni Sir Reid. Sinabi niya na talagang wala silang relasyon.”

“Tapos anong nangyari?”

“Pinilit pa rin siya ng parents ni April na magpakasal. Paano naghanda na pala ng engagement party ang bruha. Naku! Doon na nagalit pati parents ni Sir Reid. Buti nga mabait pa si Sir Reid at di siya tuluyang nai-ban sa riding club. Pakikisama na lang sa kaibigan at pamilya ni April.”

Natural lang pala na maghurumentado sa galit si Reid tuwing nakikita si April. Malaking damage ang ginawa ni April dito. “Ayaw pala niya ng pinaiikot siya.”

“Kung ako kay Sir Reid, ipapakain ko sa bulkan ang babaeng iyon. Ayan na naman. Umaali-aligid sa kanya.”

“But April seems so nice. Di siya katulad ng ibang babae na may gusto kay Reid na parang manggiyera.”

“She’s sweet at some point. Pero di pa rin magbabago ang trato sa kanya ni Sir Reid. Sinagad na kasi niya.”

Nakagat niya ang labi. Siya naman kaya? Sinagad na rin ba niya si Reid? Baka first time nitong natawag na insensitive at unfeeling nang harapan. Sana pala ay nagtanong muna siya sa totoong nangyari bago ito inakusahan.

She judged him hastily. Kahit pa siguro itanong niya dito, di rin siya maniniwala sa mga paliwanag nito. She was ready to think the worst in him.

Mapapatawad kaya siya nito?

“Celeste, alam mo ba kung ano ang weakness ni Reid?”

MAHIGPIT ang hawak ni Tamara sa handle ng pastry bag. Maaga pa lang ay nasa Rider’s Verandah na siya para kunin ang ipina-reserve niyang crème brulee. Ayon kay Celeste ay iyon ang paborito ni Reid. He had a sweet tooth. Isang bagay na di niya inaasahang matutuklasan sa asawa.

Malakas ang kaba niya habang nakatitig sa hagdan na paakyat sa garden ng grand villa. It was a short cut. Nasa garden si Reid para sa morning break nito. Ugali na nitong doon magkape kapag nagpapahinga.

Tinawagan niya ito sa cellphone. “Hello.”

Di agad siya nakapagsalita nang marinig ang boses nito. Nanginginig siya. “H-Hi! Si Tamara ito. Well… alam kong break mo ngayon pero pwede kang abalahin?”

“Where are you?”

“Nandito ako sa stone stairs sa baba ng garden.”

“Wait for me.” Maya-maya pa ay nakita na niya itong bumababa ng hagdan. Di niya maialis ang tingin dito. He was like an Olympus god while walking down the stairs. He made her feel like a meager mortal.

Paano ba niya nagawang sagut-sagutin ang isang taong may malakas na personalidad tulad nito? Ngayon pa nga lang ay nanginginig na ang tuhod niya.

Binuksan nito ang gate. “Di mo ba dala ang access card mo?”

“Dala ko. Bakit?”

“You have an access in this gate.”

“Hindi ba private property mo ito?”

Inalalayan siya nitong umakyat sa hagdan. “You are my wife. Natural lang na magkaroon ka ng access sa kahit anong pag-aari ko.”

Dapat ay normal lang siyang empleyado doon. Bakit nito ibinibigay sa kanya ang privileges bilang asawa nito? Ibig bang sabihin ay may tiwala ito sa kanya?

Inilapag niya sa stone table ang dalang pastry bag. “Crème brulee. Sabi nila sa Rider’s Verandah iyan daw ang paborito mo.”

Nagtataka nitong inangat ang tingin sa kanya. “Para saan iyan?”

“I think I owe you an apology.”

Sarkastiko itong ngumiti. “Wow! This is new. Why would Mrs. Alleje owe his insensitive, heartless husband an apology?”

Pinagsalikop niya ang palad niya sa kandungan niya at doon itinuon ang tingin. “Nalaman ko na kasi kung bakit tinanggal mo si Mang Pilo sa trabaho. At ikaw din ang tumutulong sa pagpapa-ospital ng anak niya.”

Huminga ito nang malalim. “Ayoko rin naman siyang tanggalin sa trabaho. Pero di naman sa pamilya niya nauuwi ang pera niya kundi sa bisyo niya. At kung hindi ko siya tatanggalin, mamimihasa siya. He has to learn his lesson.”

Fair naman pala ito sa mga tauhan nito. He was more than fair. Kung sa ibang amo siguro ay matagal nang walang trabaho si Mang Pilo.

“I am sorry about April as well. Di pala totoo ang article sa diyaryo.”

“I am honoring our marriage, Tamara.”

“Pero kung gusto mo talaga si April…”

He leaned forward. “Ako mismo ang magpapa-annul sa kasal natin.”

“Mas gusto mo pang manatiling kasal sa akin kaysa pakasalan ang isang tao na mas kilala mo naman?”

Tumingala ito. “A woman like her makes me so tired sometimes. She wants constant attention. Gusto niya nakasunod kahit saan ako pumunta.”

“Samantalang sa akin, parang buhay binata ka.”

“In a way, yes. Pero di lang iyon. Ayokong pinangungunahan ako sa mga desisyon ko. At ayoko ring nakokompromiso ako.”

Ganoon din naman ang nangyari sa kanila. Nakompromiso din itong pakasalan siya para makuha nito ang lakeside estate. Galit din ba ito sa kanya?

“Akala ko noong una, malupit ka. Sana sinabi mo ang totoo.”

“Mukha namang nag-e-enjoy ka sa impression mo sa akin. Tyrant. Heartless. Unfeeling. Di ka naman maniniwala kahit na sabihin ko sa iyo ang totoo.”

Naglaro ang ngiti sa labi niya. “That you have a soft heart? Your heart is like that crème brulee, right?”

Natigil ito sa pagsubo ng crème brulee. “Di ako pusong mamon.”

“But that’s the real you.”

“That’s slander!” kontra nito. “I am not soft.”

“Bakit ba gusto mong isipin ng mga tao na matigas ka at walang pakialam sa iba? Bakit lagi kang nagsusungit kahit di ka naman totoong ganoon?”

“I don’t hide the real me. Kung masungit man ako o malamig sa ibang tao, ganoon talaga ako. Bakit kailangan kong maging malambot?”

“Ayaw mo lang sigurong masira ang image mo bilang hari nitong riding club. But you don’t have to act tough all the time. Sana naman hayaan mong makita ko ang ibang side ng personality mo.”

Inilayo nito ang tingin sa kanya. “Hindi na kailangan.”

Nagsusungit na naman ito. “I just want to appreciate your good side. Saka gusto ko rin na makabawi sa mga kasalanan ko sa iyo.”

Sinulyapan siya nito. “Talaga? Babawi ka sa akin?”

Tumango siya. “Oo. Paano ba ako makakabawi sa iyo?”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.