“What a lovely couple. Bagay silang dalawa.”
“That bitch! Bakit siya ang piniling ka-date ni Reid?”
Hati ang reaksiyon ng mga tao nang dumating sila ni Reid sa launching ng Stallion Shampoo and Conditioner Raffle. Ang iba ay humahanga sa kanila. She looked dazzling in that embroidered black lacey gown that Reid made for her. Pero iyon din ang dahilan kung bakit matalim ang tingin sa kanya ng ibang babae. Most of the single lady guests were not happy to see her in Reid Alleje’s arms.
“Reid, akala ko kondisyon mo lang sa akin na pumunta ako sa launching. Hindi mo sinabi na ako ang ka-date mo,” mariin niyang bulong kay Reid habang nagkikislapan ang mga camera habang naglalakad sila papunta sa table.
“Ano namang silbi kung basta ka na lang pupunta sa party? Pupunta ka naman kahit di kita utusan. And I don’t have a date.”
“I can feel the women’s murderous glare at me.” If looks could kill, malamang ay kanina pa siya tumumba habang bumubula ang bibig.
“Masanay ka na. You are my wife after all.”
“Ano pa kaya ang mangyayari oras na malaman nilang asawa mo ako? I am sure pagtutulung-tulungan nila akong ipakain sa Taal Volcano.”
“As long as you are an Alleje, I will protect you.”
Tiningala niya ito. “Paano kung annulled na ang kasal natin?”
“I will feed you to the volcano myself.”
Iingusan sana niya ito subalit nilapitan na sila ni Neiji Villaranza. He was the man behind the success of Stallion Shampoo and Conditioner. Miyembro ito ng Stallion Riding Club at isa sa malalapit na kaibigan ni Reid.
“I never thought that you’d bring the lady vet as your date.”
“Ayoko nang maulit ang nangyari nang nakaraang party. Kinailangan kong tumakas sa party para di ako guluhin ng mga babae,” may disgustong sabi ni Reid.
“At kahit sino mai-insecure sa ka-date mo.” Nakangiting tumingin sa kanya si Neiji. “You look dazzling, Doctor Trinidad.”
She bowed a little. “Thank you.”
“You are married. So stop ogling her!” saway ni Reid. Possessive ang naging paghawak ni Reid sa kamay niya. Gusto siyang protektahan.
Humalakhak si Neiji. “I am just admiring her. Kaya naman pala ayaw mong pumayag na maging prize date ng mananalo sa raffle.”
“Because the price is not right!” katwiran ni Reid.
Kasama sa premyo ng raffle ang dream date kung saan may pagkakataon ang isang babae na manalo ng date sa isa sa mga riding club members. Mae-experience din nito na mamasyal sa Stallion Riding Club at tratuhing prinsesa.
“Magkano ba ang talent fee niya?” tanong niya.
“Walang bayad. Kaya yumayaman ang lalaking iyan dahil barat.”
Natawa na naman si Neiji. “That’s what friends are for.”
“Ibang kaibigan mo siguro naaabuso mo pero hindi ako,” wika ni Reid.
“That’s Reid Alleje. Everything has a price.”
Oh, yes. She knew that. Lahat ay gagawin nito para sa pera. He married her for money. Pero masaya ba ito ngayong naabot na nito ang mga pangarap nito? Worth it ba ang lahat ng sakripisyo nito para maisakaturapan ang plano nito?
“Reid!” tuwang-tuwang sabi ni April at kumapit sa braso ni Reid.
“This is trouble!” narinig niyang bulong ni Reid.
“Good evening, Doctor Trinidad.”
Malamya siyang ngumiti. “Hello!”
Nagulat si April nang makitang nakahawak sa braso niya ang isang kamay ni Reid. Sa halip na lumayo ay lalo itong dumikit kay Reid. “Magsayaw naman tayo. The music is nice.”
“Iba na lang ang yayain mong sumayaw. Do you want me to call Reichen?”
Lumabi si April. “Hindi siya ang gusto kong kasayaw kundi ikaw.”
“I have my date with me,” mariing wika ni Reid.
“Si Doctor Trinidad lang naman. I am sure she won’t mind.”
Tinapik niya ang kamay ni Reid. Mukhang di nito basta-basta maitataboy si April sa kabila ng presensiya niya. “Sige na. Isayaw mo na siya.”
“Tamara!” anitong puno ng pagtutol sa boses.
“Sayaw lang naman, hindi ba? There is no harm with just a dance.”
Nakita niya ang matinding iritasyon sa mga mata nito. Ayaw nitong gawan ng kahit anong pabor si April. Malaki nga naman ang kasalanan ng babae dito. Subalit gusto lang naman niya na makapag-usap nang maayos ang mga ito. Siguro sa pagkakataong ito ay mas maayos na masasabi ni April ang nararamdaman nito.
She knew that Reid was not a hard man. He would eventually forgive April. Kung si Mang Pilo nga ay ilang beses nitong pinagbigyan, ganoon din siguro si April.
Huminga nang malalim si Reid. “Just one dance.”
“Just one dance,” paniniyak ni April.
Bumitiw siya sa pagkakahawak ni Reid. “Of you go! Sayang ang music.”
Ilang sandali siyang tinitigan ni Reid. “I will charge this to you, Doctor Trinidad. You owe this one to me.” Pinagbigyan nito si April dahil sa kanya.
“O! Bakit hinayaan mong isayaw ni Sir Reid si April?” tanong ni Celeste.
“Ako mismo ang nagsabi na isayaw niya,” sagot niya.
“You don’t mind? Paano kung agawin ni April si Reid sa iyo?”
Nagkibit-balikat siya. “April told me that it’s just a dance. Kung may kasunod pa iyon, bahala na sila.”
Subalit di siya makadama ng kahit kaunting pagseselos. Natutuwa nga siya dahil mukhang maayos ang pag-uusap ng dalawa habang nagsasayaw. Reid was not treating April coldly. Subalit sa palagay niya ay di rin naman ito nagpapaakit kay April. Kaya nga malaki ang tiwala niya kay Reid.
“Ibang klase ka rin. Nagpapamigay ng date.”
“Kung gusto mo isayaw mo rin si Reid. I won’t mind,” sabi niya.
“Huwag na. Baka sakalin mo pa ako habang natutulog ako.”
Maya maya pa ay natapos na ang tugtog. Ibinalik ni Reid si April sa table nito bago siya balikan. “How’s the dance?”
“I didn’t shove her away, right? I guess it went well. At hindi na ako papayag na makipagsayaw sa iba kahit na makiusap ka pa.”
“Anong sinabi sa iyo ni April?” usisa niya.
“That she loves me. And she’ll win me back. Sinabi ko naman sa kanya na hindi ako ang lalaki para sa kanya. Can I tell her about us so she’ll stop following me?” iritado nitong wika.
“So impatient. Di naman ako selosa. As a matter of fact, I promised half of the women in the party to dance with you. Lahat yata sila magko-confide ng undying love and affection nila sa iyo.”
“Go ahead. At madadagdagan ang utang mo sa akin.”
Tumigil ang tugtog at tumayo ang host sa stage. “Now, a time for lovers.”
“Ano daw?” tanong niya.
Kasunod niyon ay nagdilim ang paligid. Brown out ba?
Natensiyon siya at hinagilap ang kamay ni Reid. “Reid…”
“I am here,” he said in a rasp voice. Parang napakalapit nito sa kanya. Yes, his face was so near; she could almost feel his warm breath.
Bago pa siya magtanong kung ano ang nangyayari ay lumapat ang labi nito sa kanya. It was just a simple brush at first. But she was addicted to that taste of him. He kissed her once and she wanted some more.
Her knees turned into jelly. The darkness fueled more passion within her. Dahil alam niyang wala namang ibang makakakita sa kanila. Yumakap siya sa leeg ni Reid. She opened her lips so that he could deepen the kiss.
Ah, it was sheer heaven when his lips probed her. Pakiramdam niya ay nakikilala pa niya ang isa pang bahagi ni Reid kapag hinahalikan siya. He was a passionate yet a gentle man. He was taking something from her but he only pleasured her tenfold in return. She was hungry for him. She wished the kiss would last forever.
She was blinded by the light. Nang idilat niya ang mga mata ay nakatutok sa kanila ang spotlight. “Reid,” usal niya at bahagya itong itinulak.
Dumilat din ito at nasilaw sa liwanag. “What the…”
Kasunod niyon ay nagsigawan ang lahat ng guest. May nagpalakpakan pa. Sa kanila na naka-sentro ang spotlight. Kitang-kita ng lahat nang halikan siya nito.
“Our kissing couple of the night, Reid Alleje and Tamara Trinidad.”
“I will kill Neiji for this,” mariing bulong ni Reid habang masama ang tingin sa ngingisi-ngising si Neiji. Di lang ito nag-iisa. The rest of the Stallion boys were wearing a grin. Looked like they enjoyed the show.
Naisubsob niya ang mukha sa dibdib ni Reid sa sobrang kahihiyan. “I want to die, right here, right now.”
“Get hold of yourself, Tamara. That’s what husbands and wives do.”
“Shut up!” mariing wika niya kay Reid. She wanted to run away from him. She wanted the whole crowd to disappear. Subalit di siya makagalaw sa kinatatayuan dahil nanlalambot pa ang tuhod niya.
Reid would pay for that kiss. Big time.
NANGANGAWIT nang ngumiti si Tamara habang nagpapaalam sa mga guest ng party. Katabi nila ni Reid ang mag-asawang Winry at Neiji. Obligado siyang samahan si Reid. Kasama daw sa role nito na batiin ang mga guest habang paalis bilang may-ari ng Stallion Riding Club.
“That was a perfect kiss. Nakakakilig!” anang mommy ng member na si Gabryel Honasan. “My husband and I can’t compete. Kung kasing edad lang siguro ninyo kami, kami ang mahigpit ninyong makakalaban.”
“Baka po kayo na ang mapili next time,” nakangiti niyang sabi.
“Congratulations!” nakangising bati ng chef ng Rider’s Verandah na si Gino. “I never thought that you could kiss like that. Nagalit pa sa akin si Miles kung bakit di kami ang nanalo. Kulang siguro kami sa practice.”
Siniko ni Miles si Gino. “HIndi ko sinabi iyon!”
“Wala naman talaga kaming practice,” nausal niya.
Lalo lang tuloy silang inulan ng kantiyawan ni Reid. “Wala pa pala kayong practice nang lagay na iyon,” nanunuksong wika ni Celeste.
“May sinasabi ka, Doctor Celeste?” tanong ni Reid habang may banta sa mga mata. Mukhang napupuno na rin ito sa panunukso sa kanila.
Namutla si Celeste. “Ah, kayo na po ang maghatid kay Tamara, Sir. ‘Night!” At nagmamadali nang umalis ang kaibigan niya.
“Reid, hindi na ako makakatagal dito. Umuwi na tayo,” pakiusap niya. Di naman siya katulad ni Reid na matatag ang dibdib sa mga panunukso.
“Ilang guest na lang ang natitira. Matatapos din tayo dito.”
Kinuyom niya ang palad. Isa pang tukso sa kanila, magwo-walk out na siya.
“It is a nice party!” nakangiting wika ni April nang lapitan sila.
“Thank you,” wika ni Winry.
“I had a great time,” sabi nito at tumingin sa kanila ni Reid. Pinili ni Reid ang pagkakataong iyon para kausapin ang kapatid ni April kaya siya na langa ng kinausap ng dalaga. “Thanks for being nice to me tonight. Hinayaan mong isayaw ako ni Reid.”
“You should thank Reid. Hindi ka niya sinungitan, di ba?” sabi niya.
“Magiging masungit pa rin siya sa akin kundi dahil sa iyo. And I give up! I won’t pursue Reid anymore.”
Nagulat siya. Mukhang pursigido pa mandin ito kay Reid. “But why?”
“When I saw you kiss, I realized that he’d never kiss me that way. Kahit pa siguro tutukan ko siya ng kanyon. Paano naman siya mai-in love sa akin kung nakatagpo na siya ng isang katulad mo?”
Umiling siya. “There is nothing between me and Reid.”
Ipinadyak nito ang paa. “Manhid ka ba? He likes you.”
“Reid Alleje, magkakagusto sa isang babae? Give me a break!”
“I will give you two time. Babawiin ko si Reid sa iyo kapag di mo siya inalagaan. He needs a woman who will love him. He needs a queen.”
“He is fine being a king alone.” Hindi siya nito kailangan.
“April, let’s go!” tawag dito ng kapatid nito.
Tumingkayad si April at kinintalan ng halik sa pisngi si Reid. “Goodbye, Reid!”
Tahimik siya nang ihahatid siya ni Reid sa lodge. “Nandito na tayo.”
Nilingon niya ito. “Reid, why did you kiss me a while ago?”
“Nang mamatay ang ilaw, tinawag mo ako. I thought you want to join the kiss in the dark game.”
Her jaw dropped. “You kissed me because of a game?”
“May iba pa bang dahilan para halikan kita?”
Nakuyom niya ang palad. Masyado siyang nagpadala sa ilusyon niya at sa sinasabi ng iba. Akala niya ay espesyal siya kay Reid. Akala niya kahit paano ay may nararamdaman ito para sa kanya. For a cold man to kiss her that way, it must mean that there was something more with a simple kiss. Mali pala siya,
“Hindi ko naman alam na laro lang iyon. And you kissed me like that just to win that silly game?” tanong niya habang nararamdaman niyang tinutusok ng libo-libong karayom ang puso niya. Bumaba ang tingin niya sa sarili niya.
Sumandal ito sa headrest ng upuan. “Why are you making a fuzz about it?”
“Kung ibang babae ba ang ka-date mo, ganoon din ang gagawin mo.”
“No. I am honor bound to you as your husband.”
She smiled sardonically. “How convenient! You will kiss me and will tell me that it’s okay because we are married whenever it suits you, right?”
“Ano ba ang ikinagagalit mo?”
“Pumayag akong maging ka-date mo dahil may atraso ako sa iyo. Pero wala kang karapatan na halikan ako!”
“Isipin mo na lang na bayad iyon sa pagsasayaw namin ni April.”
Gusto niyang sabunutan ang sarili sa inis dito. Unfeeling talaga ito kahit kailan. “Well, that kiss won’t happen again.”
“Kung ako ang masusunod, ayoko rin naman. But you asked for it. Magpasalamat ka nga dahil pinagbigyan kita.”
“I didn’t ask for it!” sigaw niya. Dinuro niya ito. “Stay away from me from now on! Di mo ako pwedeng kausapin maliban sa trabaho. Tratuhin mo ako bilang empleyado mo at huwag mo nang sasabihing asawa mo ako!”
“Mas pabor sa akin iyon.”
“Gaano katagal pa ako dito bago natin ituloy ang annulment?”
Tumingala ito. “Let me see. Two years, three years… uhmm… maybe six!”
“No! Matagal na ang one year ko dito. Sa palagay ko sapat na ang panahon na iyon para malinis ang pangalan mo na sinira ko!” mariin niyang wika. Kasing diin ng pagkakabagsak sa pinto ng kotse nito nang ibalibag niya.
Di na siya pwedeng paglaruan ni Reid. Di na siya papayag na pahirapan nito ang loob niya habang tino-torture ng halik nito.
Ipinilig niya ang ulo. Sino ba ang mag-aakalang aabot sila sa ganito? Sana pala ay inilagay niya sa kontrata na bawal siya nitong halikan, bawal siyang akitin.
She could feel her heart screaming his name. Nai-in love na ba siya dito?