Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 166

“Tamara, humina ang immune system mo dahil sa sobrang pagod at puyat. Naambunan ka lang kanina pero tinamaan ka na ng sakit. Di rin nakabuti sa iyo na natulog sa foaling stall. Kaya may lagnat at sipon ka. Kung aabusuhin mo pa ang sarili mo, baka di lang iyan ang abutin mo.”

Magkahalo ang medical advice at sermon ni Kester ang natanggap ni Tamara nang I-check up siya nito. Wala siyang nagawa nang buhatin siya ni Reid palabas ng foaling area. Di na siya makalaban pa dito dahil sa sobrang panlalambot.

Sa sasakyan pa lang ay nakatulog na ulit siya. Ni hindi niya namalayan na idinala siya nito sa guestroom ng grand villa. Nang magising siya ay anim na oras na palang tuloy-tuloy ang tulog niya.

“Malamig sa foaling stall kanina dahil umulan,” wika ni Reid. “Kung di pa ako dumating, baka hanggang ngayon nakabantay pa rin siya doon.”

“Kailangan kong bantayan si Cookie. Kawawa naman siya dahil ayaw sa kanya ng nanay niya,” malungkot niyang sabi.

“Ah! The foal must have aroused the motherly instincts in her,” nangingiting sabi ni Kester. “But you have to rest, Tamara. Inumin mo ang gamot na inireseta ko para sa iyo. Huwag mong balewalain ang sarili mo.”

“Yes, Doc,” aniya sa masunuring boses.

“Reid, I’ll leave the responsibility to you. Bantayan mo siya. Huwag pababangunin kung di rin lang naman kailangan. She needs total bed rest,” bilin ni Kester. “Something tells me that she wants to go back to work badly.”

“Ako ang bahala sa kanya,” sabi ni Reid.

Bumangon siya nang lumabas si Reid ng kuwarto para ihatid si Kester. Malakas pa rin ang ulan sa labas. Bagamat mainit ang kuwarto dahil sa heater, nararamdaman pa rin niya ang lamig na nanunuot sa kalamnan niya.

Niyakap niya ang sarili. Naalala niya ang panahong nagkakasakit siya at lagi siyang mag-isa sa kuwarto. Umiiyak na lang siya dahil wala siyang walang umaalo sa kanya. The professional nurse’s help hired by her grandfather was not enough to make her feel better. Wala itong oras para silipin siya sa kuwarto kapag may sakit siya. Ganoon din ang pinsan niya o auntie. Nobody cared about her.

“Bakit bumangon ka na?” tanong ni Reid nang pumasok ng kuwarto.

“I feel better now. Sa bahay na lang ako magpapahinga.”

Pinigilan nito ang balikat niya. “Stay put. Dito ka lang. Ni hindi ka nga dapat na bumangon. Mahiga ka lang at matulog. Ang sabi ni Kester total bed rest.” Dinama nito ang leeg niya. “See? Mainit ka pa rin.”

“Pwede naman akong mag-total bed rest sa lodge.”

“I told you. You can’t leave this bed unless you are fully recovered.” Sumampa ito sa kama at niyakap siya. “Kaya matulog ka na.”

She stiffened. Magkasama sila sa isang kama. Silang dalawa lang. Naramdaman niya ang panginginig ng katawan niya at kakaibang init ang gumapang sa katawan niya. Tiyak niyang wala iyong kinalaman sa sakit niya.

“B-Bakit kailangan mo pa akong tabihan?” nauutal niyang tanong.

Yes, they kissed before. Pero ibang usapan na kapag magkasama sila sa isang kasama. Many disturbing erotic thoughts run through her head.

Tamara, this is not the right time for that, sermon niya sa sarili.

“I just want to make sure that you won’t leave this bed.” Kinabig nito ang ulo niya at ihinilig sa dibdib nito. “Para kapag nagpilit kang bumaba ng kama, I can easily pin you. Di pwede sa akin ang tigas ng ulo mo.”

She let out a ragged breath. “Lalo akong nanghihina sa iyo.”

She thought it was not a nice idea to stay in bed with him. Malabong mapahinga ang isipan niya. Her body seemed so restless as well.

“Mabuti iyan. Matulog ka na lang. Argue with me once you are well,” bulong nito habang hinahaplos ang buhok niya. His voice seemed so gentle. O baka dala lang iyon ng pagkakasakit niya? Her hearing was altered.

“Paano na si Cookie ngayong wala ako?” tanong niya.

“Hanggang ngayon ba si Cookie pa rin ang iniisip mo?”

“Kawawa naman siya. It is not easy to be an orphaned foal.”

Bumuntong-hininga ito. “You worry too much. We got a nursing mare for her. We have a draft breed of horse that willingly accommodates orphaned foals. Bakit ba masyado kang attached kay Cookie?”

Lumungkot ang mga mata niya. “Pareho kasi kami.”

“Pareho kayong orphaned foals?”

Tumango siya. “Yes. Namatay ang magulang ko. Wala na akong nakilala kahit sino sa kanila. At tulad niya, ni-reject din ako ng mga tao na inaasahan kong magmamahal sa akin.”

“Bakit mo naman nasabi iyan?”

“Isang malaking eskandalo sa pamilya namin na nagkaanak si Mommy sa isang lalaki na hindi tanggap ng pamilya namin. Mahirap lang si Daddy. Starving artist. Tingin ni Lolo walang patutunguhan sa buhay. Kaya pinaglayo sila ni Mommy. Iyon ang kwento sa akin ng kaibigan nila Mommy at Daddy. Masakit iyon sa part ni Lolo dahil paborito niyang anak si Mommy.”

“And you think he hates you because you symbolizes the destruction of his every dreams for your mother?” pag-aanalisa ni Reid.

“Must be. Masyado siyang malamig sa akin. Yes, he provides everything that I need. Pero hanggang doon lang. Di ko maramdaman na nagmamalasakit siya sa akin. Parang ginagawa lang niya ang responsibilidad sa akin bilang apo niya.”

“How about your aunt and cousin?”

Hinipan niya ang ilang hibla ng buhok niya na naligaw sa mukha niya. “Ah! My cousin is forever competing with me. And she loves the fact that she is my grandfather’s favorite granddaughter. Ibinigay sa kanya kahit anong gusto niya. Habang ako, kahit minsan di ko naranasan na humiling.”

“Let me guess. You auntie is jealous of your mother when she was alive. Kaya para makabawi, ikaw ang pinag-initan niya.”

Pabiro niyang natampal ang didbib nito. “Ang galing mo! Paano mo nalaman?”

“Wife, parang teleserye ang buhay mo.”

Lumabi siya. “I am serious here.”

Hinaplos nito ang buhok niya. “Sa kanila ipinamana ng lolo mo ang lahat ng kayamanan niya, hindi ba?”

Naluluha siyang tumango. “Di naman masama ang loob ko dahil sa kanila ibinigay ni Lolo ang lahat. Na ang lupa lang sa lakeside ang ibinigay niya. Mabuti nga naalala pa niya ako. Pero namatay siya nang di ko man lang nararamdaman na minahal niya ako. Kung naiparamdam sana niya iyon, di ako malulungkot nang ganito. I won’t feel so unloved.”

Kinabig nito palapit ang katawan sa kanya. “Tamara, don’t cry. Baka sa huling sandali, ipinaramdam din ng lolo mo ang pagmamahal niya. He left your mother’s haven to you.”

“I don’t know. He is dead so how will I know? At kung mahal niya ako, bakit kailangan pa niyang ikabit ang lahat ng kondisyon para lang makuha ko ang pamana niya? Gusto lang niyang gawin na miserable ang buhay ko.”

“Siguro ayaw din niyang iwan kang mag-isa.”

“But I will still end up alone in the end, right?” Mamamatay siya nang di niya nararanasan na may nagmamahal sa kanya.

“Don’t you think you will find someone who will love you and will love you back? Well, that’s what most girls believe.”

Pilit siyang tumawa habang pinipigil na tumulo ang luha. “I ended up hoping and wishing a long time ago. Nakakapagod na magmahal nang di mo nararamdaman na naa-appreciate ka. Nakakapagod umasa na mamahalin ka rin.”

“I am not used to this.”

“Ano? Napapagod ka na bang makinig sa drama ko?”

Tinapik nito ang balikat niya. “Hindi ako sanay na marinig mula sa iyo ang lahat ng ituturing mong weakness. You are one tough woman, Tamara. Sa buong riding club, ikaw lang ang malakas ang loob na sumalungat sa akin at magsabi ng mga opinion mo. May pagkakataon pa nga na mas takot pa sa iyo ang mga members at empleyado ng riding club kaysa sa akin.”

“I have to be strong. Walang ibang magtatanggol sa akin kundi sarili ko.”

“I know that we always argue. Marami tayong di napagkakasunduan. But I promise that I will protect you. Hindi ako papayag na may manakit sa iyo. That is my duty as your husband, Tamara.”

“Why don’t you just throw me out, Reid? Sakit lang ako ng ulo mo.”

Kinintalan nito ng halik ang buhok niya. “I don’t know either. Siguro dahil napapagod din ako na walang kumokontra sa akin dito.”

Kinurot niya ang braso nito. “Wala palang matapang dito kundi ako.”

“Teka, masyado mo akong nililibang. Dapat hindi ako nakikipagkwentuhan sa iyo. Matulog ka na,” anito at ipinikit ang mata.

Pinagmasdan niya ito habang nakapikit ito. Si Reid ang huling tao na aasahan niyang mananatili sa tabi niya habang may sakit siya. “Reid, busy ka, di ba?”

“Strategy mo ba iyan para mapaalis ako dito? Si Reichen muna ang magma-manage ng riding club. Babantayan lang kita.”

Muling pumatak ang luha sa mata niya. “Thank you.”

Bahagya itong dumilat. “O! Bakit umiiyak ka na naman?”

“Because you are here. Noong bata pa ako, pangarap ko na may yumakap sa akin bago ako matulog o kapag may sakit ako. Iyong magsasabi sa akin na magpagaling ka o kaya huwag kang matatakot.” Hinalikan niya ito sa pisngi. “Thank you!”

She was not sure if a smile curved on his lips. But he looked so handsome and his features were gentle. Parang ibang Reid ang nakita niya. “Then go to sleep now, Tamara. Hindi kita iiwan. Dito lang ako sa tabi mo.”

Sumiksik siya sa katawan nito at ipinikit ang mga mata. He was like those knights in fairy tales. He was ready to slay dragons for her and protect her. Kung kailan pa siya tumanda, saka pa niya naisip iyon. But the warmth of his body gave her comfort. Umaasa siya na paggising niya ay naroon pa rin ito.

“GOOD morning, Aling Simang!” bati ni Tamara nang bumaba sa garden. Doon ihinain ni Aling Simang ang agahan niya dahil maganda ang sikat ng araw. Maganda na rin ang pakiramdam niya matapos ang dalawang araw na pagtulog sa villa.

“Babalik na po kayo sa trabaho, Ma’am?” tanong nito.

“Opo. Hindi po ba sasabay na mag-breakfast si Reid sa akin?”

“Bumalik na po si Sir sa trabaho.”

“Doon na lang po kami mag-uusap.”

Si Reid ang nag-alaga sa kanya sa dalawang araw na nagkasakit siya. Di ito nagtrabaho at di na umalis pa ang kuwarto hangga’t di bumababa ang lagnat niya. Pwede naman itong mag-hire ng nurse pero di nito nagawa. Di niya inaasahan na pagbubuhusan siya nito ng atensiyon at panahon.

Umalis lang ito nang gabi bago siya matulog. Kailangan pa niya itong itaboy. Kundi ay di na ito makakapagpahinga sa pagbabantay sa kanya.

“Ma’am, hinay-hinay lang po sa trabaho,” anang assistant niyang si Felix habang chine-check up niya si Cookie. “Kami po ang pagagalitan ni Sir Reid kapag nagkasakit na naman kayo.”

“Mas magiging maingat na ako ngayon,” pangako niya.

Maghapon niyang hindi nakita si Reid. Gusto pa mandin niyang I-treat ito ng dinner. Nang di siya makatiis ay pinuntahan niya ito sa opisina nito pagkatapos ng duty niya. Nakasalubong niya si Reichen sa Red House.

“Magaling ka na, Doktora?” tanong nito.

Tumango siya. “Busy ba ang kuya mo?”

“Ha? Ako ang gumagawa ng trabaho niya ngayon.”

Nagtaka siya. “Umalis ba siya?” Si Reichen ang nagma-manage ng riding club kapag umaalis si Reid.

“Di ba galing ka na sa grand villa? Di mo ba alam na may sakit siya?”

Napanganga siya. “Ha? May sakit si Reid?”

Naipadyak nito ang paa. “Lagot ako nito kay Kuya. Ayaw nga pala niyang ipaalam sa iyo.”

“Ano ang sakit niya?”

Inilapit nito ang labi sa tainga niya. “Kung tutuusin sipon lang naman iyon. Kaso mabilis siyang mahawa,” bulong nito.

“Eh, bakit ka bumubulong?” pabulong din niyang tanong.

“Ayaw niyang malaman ng mga tao ang weakness niya. Sa laki ng katawan niya, mabilis siyang mahawa sa sipon. Tapos buong araw siyang di makabangon. Kagabi lang naman niya naramdaman iyon.”

Kung ganoon ay kasalanan niya kung bakit nagkasakit si Reid. Binantayan kasi siya nito. Na-guilty tuloy siya. Babawi siya dito.

“Sige. Dadalawin ko na lang siya sa grand villa,” aniya at naglakad palayo.

“Huwag mong sasabihin na ako ang nagsabi,” pahabol ni Reichen.

Pumunta siya sa mini-grocery para mamili ng prutas saka siya tumuloy sa grand villa. Nasalubong niya si Aling Simang. “Si Reid po?” tanong niya.

“Nasa kuwarto po, Ma’am. Ayaw magpakita kahit na kanino.”

Ngumiti siya. “Di ko naman po siya aabalahin. Saglit lang po ako.” Dali-dali siyang tumuloy sa kuwarto niya. “Reid!” tawag niya at kumatok.

“Anong kailangan mo? Busy ako ngayon,” asik nito.

“Nagdala ako ng fruits para sa iyo.”

“Bakit? May sakit lang naman ang dinadalhan niyan, ah!” sigaw nito sabay napabahing.

“Maganda ang prutas sa may sipon.”

She heard him swear. “Wala akong sakit. Naniniwala ka naman kay Reichen. Humanda sa akin ang lalaking iyon!”

“Huwag ka nang magalit. Concern lang kami sa iyo. Pwede bang pumasok?”

“Hindi! Umuwi ka na lang. Baka mahawa ka pa sa akin.”

Hindi ito galit. Concern ito sa kanya kaya siya itinataboy. Idinikit niya ang pisngi sa pinto. “Reid, thanks for taking care of me. I really appreciate it.”

“You are my wife. Sino pang mag-aalaga sa iyo kundi ako lang? Saka ayokong mapasama sa mga taong nagpabaya sa iyo.”

“No. Hindi ka katulad nila. And sorry kung nahawa ka sa sakit ko.”

“Wala nga akong sakit.. Hachoo!” bahing nito.

Humagikgik siya. “Binantayan mo pa rin ako kahit alam mong mabilis kang mahawa kapag mayroon may sipon. Sana maalagaan din kita.”

“No! Mas mabuti nang di mo ako makita. And I won’t die yet so you have nothing to worry about. This is just a petty cold.”

Ah! He was still acting so tough. Pero ang totoo ay nasanggi ang pride nito nang malaman niyang simpleng cold virus lang ang katapat nito.

“Magpagaling ka, Reid. Kasi nami-miss na kita.”

Nasabi niya iyon bago pa siya nakapag-isip. Dali-dali niyang iniwan ang basket ng prutas sa harap ng pinto at patakbong lumayo bago pa niya marinig ang sagot nito. Saan ba nanggaling na nami-miss niya ito?

Kinapa niya ang dibdib niyang matindi ang kaba. It came from her heart. She missed him. She missed him even if he was as grumpy as an old troll. Kahit na lagi itong nagagalit sa kanya. Nami-miss niya ang pag-aalala nito sa kanya.

Oh, yes! He was driving her crazy.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.