Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 165

Sa sobrang tindi ng galit sa mga mata ni Reid, pakiramdam ni Tamara magiging bato na siya anumang sandali sa pagkakatitig nito sa kanya. Ginalit niya nang todo si Reid Alleje.

“Sinabi ko ba iyon?” inosente niyang tanong.

Humigpit ang hawak nito sa braso niya. “This is not the time to joke around! Akala mo ba natutuwa ako sa mga kalokohan mo.”

Nanginginig man sa takot ay di siya nagpahalata. “It is a harmless joke. Bakit ba galit na galit ka?”

“You have no right to make fun of me.”

Ipinamaywang niya ang isang kamay. “Hey, grumpy troll! Concern lang ako sa iyo kung bakit ko sinabi iyon. Magpasalamat sa akin at di ko hinayaan na ma-infect ang sugat mo.”

“Hindi mo kailangang sabihin na magiging impotent at sterile ako!”

“Dapat sa iyo sinisindak paminsan-minsan. Because you are so full of your self. What if you are so stubborn to have that wound treated? Tapos maging impotent ka nga at di ka magkaanak.” Nangingiti niyang tinuldok ng daliri ang pisngi nito. “Pero natakot ka kanina, no?”

“How dare you enjoy making fun of my distress?”

Humagikgik siya. At ang simpleng hagikgik niya ay naging malakas na tawa. “Reid, you should have seen your face. Parang ibinabad sa suka ang mukha mo samantalang di ka naman maputi.”

Natigilan siya sa pagtawa nang hapitin nito ang baywang niya. His body was pressed against hers. Daig pa niya ang bumangga sa pader. His body was as formidable as his personality. Parang gustong matunaw ng tuhod niya nang mga oras na iyon. He made her feel like a soft woman.

Pakiramdam niya ay nasa lalamunan niya ang puso niya nang ilapit nito ang mukha sa kanya. “Listen, Tamara Alleje and listen well. One more stupid prank from you and I will take you somewhere secluded.”

Nahigit niya ang hininga kasabay ng panlalaki ng mata niya. “A-Anong gagawin mo sa akin?” Hindi naman siguro siya nito ipapa-salvage sa sobrang galit nito sa kanya o kaya ay babalatan nang buhay.

His lips curved into a sinister smile. Gumala rin ang mata nito sa katawan niya. “I will make love to you until you beg me to stop.” Hinaplos ng daliri nito ang pisngi niya. Animo’y buong katawan niya ang hinaplos nito. Instead of a threat, it became a sweet promise. “And of course I won’t stop no matter how you beg. Hindi kita pakakawalan. I won’t stop until you bear my child. And after that, you will forget about the annulment.”

Napalunok siya. “That’s barbaric, Reid.”

Humaplos ang hinlalaki nito sa baba ng leeg niya. “I will just claim my rights as a husband. And that’s what husbands do to mischievous wives.”

Gusto nang tumiklop ng tuhod niya. Bakit kailangan pa siyang pagbantaan ni Reid nang ganoon? Parang gusto nang masira ng katinuan niya. Imagine, he’d make love to her every day and night. At ganito pa kaguwapo at kaganda ng katawan ng asawa niya. Sino ba ang babaeng mananatiling matino?

“M-May kasunduan tayo,” paalala niya. At iyon din ang paalala niya sa natitira pa niyang katinuan. They won’t consummate their marriage. Wala siyang dahilan para pagnasaan ito o ilusyunin na papatulan siya nito.

“Then beware. I am serious about my threat. You have no right to play with me. Nobody makes fun of Reid Alleje and gets away with it,” he promised then released her. Nakatulala lang siya habang naglalakad ito palayo.

He meant it. He would make love to her until she bears his son.

Napansadal siya sa malapit na puno. Naipaypay niya ang palad sa mukha dahil di siya makahinga. He was just scaring her. Ang siste, di siya natatakot. Nae-excite pa siya. How she longed to feel his arms around her and to feel his lips on hers. At kasunod niyon…

Naisubsob niya ang mukha sa palad. She would make love to him and bear his child later. She would be his wife.

Inangat niya ang mukha. Ano ba ang iniisip niya? She couldn’t risk her future with Reid. He didn’t know how to love. Mas gugustuhin pa niyang mabuhay nang mag-isa kaysa makasama ang isang lalaking di marunong magmahal.

“WOW! Super cute talaga ng inaanak ko. Mana sa ninang,” wika ni Tamara habang isinasayaw si Rhozell, ang anak nina Sharon Joy at Marlon. Nang tawagan siya ni Marlon na nanganak na si Sharon Joy ay sumugod agad siya sa ospital. Di na niya nagawang magpaalam kay Reid. Mabuti na lang at day off niya.

“Malakas siyang umiyak. Mukhang makukuha niya ang pagiging aktibista ng mommy niya,” nakangiting wika ni Marlon.

“Hindi na ako magra-rally. Sa office na lang ako magtatrabaho,” sabi naman ni Sharon Joy. Mula nang madisgrasya siya sa rally ay di na rin ito sumasama. Natakot kasi ito na baka ito naman ang sumunod na maging casualty.

“Dapat lang na mag-focus ka rin dito sa baby mo.” Natawa siya ang humikab si Rhozell. “Isasama ko siya sa Stallion Riding Club. We will ride on a horse.” Saka muli niyang isinayaw-sayaw ang bata.

“Naku! Baka maagang mag-asawa ang anak ko,” tutol ni Sharon Joy.

“Gumawa ka na lang ng sarili mong anak,” kantiyaw ni Marlon.

Ngiti lang ang isinagot niya. “Malabo yatang mangyari iyan.”

“Bakit? Di ba maganda ka naman. Huwag mong sabihing sa dami ng lalaki sa Stallion Riding Club, walang nagkagusto sa iyo,” sabi ni Marlon. “Hindi ka naman siguro nahawa sa galit ni Shaj sa mga lalaki doon.”

“I can get along with their chauvinistic views. There are times that they are lovable. Pero wala talaga akong gusto sa kanila.” Si Reid sana. Pero sa sitwasyon nila ngayon, mas gusto niya na maghiwalay na lang silang dalawa. Habang kaya pa niya, mgusto niyang bumalik sa dati niyang buhay malayo dito.

“Oo nga pala, sabihin mo kay Reid kukunin ko siyang ninong,” wika ni Marlon nang ihatid siya nito sa sasakyan niya.

“Bakit? Di ba galit si Shaj sa kanya?” tanong niya.

“Pero malaki naman ang pasasalamat ko sa kanya. siya ang tumawag sa akin nang madisgrasya ka. Kung di niya sinabi na puntahan ko si Sharon Joy, baka hanggang ngayon di pa rin kami nagkakabalikang mag-asawa. I got her back during her weakest moment.”

“Don’t worry. Sasabihin ko sa kanya. Di ko lang sigurado kung papayag siya.”

“Hindi naman siguro niya tatanggihan ang bata.”

Pagbalik ng riding club ay nagmiryenda siya sa Rider’s Verandah. Pinagkaguluhan ng girlfriend ng mga members doon ang mga kuha nila ni Rhozell sa camera ng cellphone niya.

“Cute naman ng baby!” tuwang-tuwang sabi ni Jenna Rose.

“Ganyan din ako ka-cute noong bata pa ako,” sabi naman ni Keira, isa sa mga horse trainers at kasama niya sa lodge.

“Mukhang bagay sa iyo na maging mommy,” komento ni Marist.

“Talaga?” Bigla niyang naisip ang banta ni Reid sa kanya. Na ikukulong daw siya nito sa isang malayong lugar. They would make love until she bears his son. Ipinilig niya ang ulo. “Wala pa iyan sa isip ko.”

“Kailan mo pa iisipin iyan, Doktora?” tanong ni Celestine. “Sayang ang genes. Sa dami ng guwapong umaaligid sa iyo, mamakyaw ka!”

Nagtaas ng kamay si Illyze. “Ako boto kay Kuya Reid!”

“I second the motion,” sabi ni Jemaikha.

“What seems to be the commotion here?” tanong ni Reid na ikinagulat nilang lahat. Ugali na kasi nito na sumulpot na lang bigla at basta na lang mawawala.

“May meeting kaming mga girls, Kuya,” sagot ni Jenna Rose. “Para sa aming mga girls lang. Di ka pwedeng sumali.”

“Sir, tingnan mo ang picture ni Doc Tamara,” sabi ni Yoanna at ipinakita ang pictures nila ni Rhozell sa cellphone.

Tinitigan ni Reid ang picture. “Nanganak na pala ang kaibigan mo.”

“Yes.” She couldn’t take her eyes off him. Bahagya kasing lumambot ang anyo nito. “Isn’t she cute?”

“Bagay din pala sa iyo ang magkalong ng bata. Hindi iyong puro kabayo lang lagi ang kasama mo,” sabi ni Reid at ibinalik ang cellphone sa kanya.

“Ikaw, Sir Reid? Bagay din kaya sa iyo na magkalong ng bata?” tanong ni Quincy. “When will you produce the Alleje heir?”

“I don’t know.”

Sa ilang sandali ay makahulugan ang tinging ibinigay nito sa kanya. Naiisip din ba nito ang tungkol sa pangako nito sa kanya? Mabilis niyang iniwas ang tingin. Kung magkakaanak ito, di siya ang pipiliin nitong ina ng bata. Malamang ay nasa malayo na siyang lugar noon at sinasagip ang mga hayop.

“Uuuyyy! Di nalalayo sa sagot ng isa diyan,” tukso ni Miles.

“Sige, ituloy lang ninyo ang girl bonding ninyo,” wika ni Reid at umalis.

Hinabol niya ito. “Sir Reid, wait!”

“What do you want? Nagmamadali ako.”

“Pinapasabi lang ni Marlon kung pwede kayong maging ninong ni Rhozell.”

“Bakit naman niya ako kukuning ninong? Di ba galit sa akin ang asawa niya?”

“He wants to thank you for helping him out. Kung di mo siya tinawagan, di sila magkakabalikan na mag-asawa. Buo ang pamilya nila.”

“Titingnan ko,” wika nito at naglakad palayo.

Bakit naging malamig na naman ito? A while ago, she thought that he also liked babies. O baka imahinasyon lang niya ang lahat.

TULOY-TULOY sa corner couch ng Rider’s Verandah si Tamara. Sa halip ay um-order ay isinandal niya ang ulo sa sandalan at pumikit. It somehow gave her a little comfort. Isang linggo na siyang wala halos tulog at pahinga. It was the foaling season. Kabi-kabila ang mare na nanganganak. Gusto niyang personal na I-supervise. After all, they were the riding club member’s Zyrene possession.

Naramdaman niya na may tumatapik sa kamay niya. “Tamara, wake up.”

Umungol siya at dahan-dahang idinilat ang mata. Nagulat siya nang makitang nakaupo sa katapat na couch si Reid. “O!” Pagtingin niya sa table ay puno na iyon ng pagkain. “Paano nagkaroon ng pagkain dito?” Ang tanda niya ay di pa siya umo-order. “Teka, naka-reserve ba sa iyo itong table?”

“No. Nakatulog ka. So I took the liberty of ordering dinner for us.”

Natigagal siya. “Talaga? Um-order ka para sa akin?”

“Inaantok ka pa yata. This dinner is my treat. Hands on ka sa supervision sa foaling. Hindi ka na natutulog. And after this season, take a vacation. Ako rin ang bahalang sumagot kahit saan mo gusto.”

Nakatitig lang siya dito habang hinihiwa nito ang mushroom steak na para sa kanya. Nananaginip nga yata siya. Hindi lang siya basta inilibre ni Reid at inasikaso habang dinner. Gusto pa nito na magkabasyon siya. “Hindi ka natatakot na tumakas ako at hindi na bumalik dito?”

“Saan ka naman pupunta na di kita masusundan?” Ibinalik nito ang plato ng mushroom steak sa harap niya. “Gusto mo subuan din kita?” tanong nito nang mapansin na di pa rin siya sumusubo.

“Sobrang bait mo yata sa akin ngayon.”

Ibinaba nito ang tingin sa plato nito. “Huwag kung anu-ano ang napapansin mo. Kumain ka na lang.”

Pareho silang tahimik ni Reid sa pagkain. Tulad niya ay pagod din ito sa dami ng activities sa riding club. Pero manaka-naka siya nitong inaasikaso at tinatanong ang gusto o kailangan niya. Di rin niya ito maintindihan minsan. May araw na di siya nito halos pinapansin. Titingnan lang siya nang matalim. Ngayon naman ay alagang-alaga siya nito. She appreciated it anyway. He made her feel important.

Nasa gitna sila ng pagkain nang tumawag sa kanya ang isa sa assistant niya. “Ma’am, we have an orphaned foal here. The mother rejected it.”

May pagkakataon na nagiging ulila ang isang batang kabayo di lang dahil pagkamatay ng ina. Maaring di makapag-produce ng gatas ang ina o kaya naman ay ni-reject ito. May psychological impact sa mga hayop kasama na ang tao ang hirap ng panganganak. At iyon ang inaagapan niya.

“Get a stock from the colostrum bank. Parating na ako.”

Colostrum was the first secretion from the mammary glands, which was rich in antibodies. Kailangan iyon ng mga bagong panganak na mammal tulad ng tao at kabayo. Sa mga pagkakataon na di iyon maibibigay ng ina, kailangan nila ng colostrum replacement na ibibigay sa foal.

“What happened?” tanong ni Reid nang uminom na siya ng tubig.

“Kailangan ako sa foaling area. Its mother rejects one of the newborns. Pupunta ako doon,” aniya at tumayo.

“Bakit pa? Nandoon naman ang mga assistant mo. They know what to do.”

“Pero kailangang ako mismo ang nandoon kapag may ganoong problema. Pabayaan mo na silang magtrabaho. Just eat your dinner.”

Umiling siya. “I am sorry. Thanks for the dinner anyway.”

“Tamara, come back here! Finish your dinner first!” sigaw ni Reid.

Subalit di na niya inintindi pa ang pagtawag nito. Paglabas niya ay may kalakasan ang ulan. Isinuot niya ang hood ng parka niya at tumakbo papunta sa foaling area. That foal needed her. Kailangan nito ng kalinga at pagmamahal. Siya ang magiging ina nito.

NAALIMPUNGATAN si Tamara nang may humaplos sa buhok niya. “Hanggang dito ba naman sa foaling area natutulog ka,” mahina ngunit galit na wika ni Reid.

Kinusot niya ang mata. “Sorry, Reid.” Sa bangkita sa tapat ng foaling stall na siya nakatulog. “Anong ginagawa mo dito?”

“Ikaw? Anong ginagawa mo dito?” ganting tanong nito.

“Binabantayan ko si Cookie.” At itinuro niya ang bagong panganak na kabayo na natutulog sa stall.

“Cookie?” tanong ni Reid. “I don’t think PJ will like that name.”

“Wala siyang magagawa. Si Celestine ang nagpangalan sa kanya.”

Hinaplos ulit nito ang buhok niya. He didn’t look so mad at the moment. “You don’t really have to stay here.”

“I have to feed Cookie every two hours.”

Gamit nila ang feeding bottle na sadyang ginawa para sa mga batang kabayo.

“Pwede namang turuan mo na siyang uminom sa bucket,” suhestiyon nito.

“Cookie is still a baby.”

“Daig mo pa ang may alagang bata. Why don’t you just go home? May tauhan naman tayo na magtuturo sa kanyang uminom sa bucket. We also have a nursing mare which could accommodate orphaned foals.”

“Bukas na lang, ha? Di ko pa maiiwan si Cookie ngayon.” The foal still needs a mother. At nangako siyang magiging ina nito kahit na sandali.

Ginagap nito ang kamay niya at inalalayang tumayo. “Gusto mo ba buhatin pa kita?”

“Huwag. Nahihilo ako.” Nanlalambot siya. But she knew that Reid’s effect on her had nothing to do with it. Nilalamig din kasi siya.

Sinalat nito ang noo niya. “Tamara, mainit ka. May lagnat ka.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.