“Mabuhay ang bagong kasal! Mabuhay!” sigaw ni Shiela habang sinasabuyan si Tamara ng talulot ng bulaklak.
“Tumigil ka nga diyan!” saway niya dito.
“Parang ikinasal kasi kayo ni Apo Tulka kanina. May hari-hari pa siyang sinabi. At ikaw daw kapangyarihan ng hari. Ano ba super powers mo?” usisa nito.
“Malay ko,” nakapangalumbaba niyang sabi.
Nasa tribo pa rin sila ng Aringan. Ayon kay Apo Tulka, bukas daw ang magandang panahon para simulan ang pag-aaral nila sa mismong paligid ng lawa. Sa ngayon ay abala ang iba nilang kasamahan sa pangangalap ng impormasyon tungkol sa mga wild horses. Kung saan naninirahan ang mga ito o saan maaring nagpunta ang mga ito at ang dahilan ng pagkawala.
Sila naman ni Shiela ay pinagpahinga na. Hindi rin naman sila makapagpahinga dahil nagkakasiyahan pa rin sa labas. Kaya naman nasa hagdan sila ng kubong tinutuluyan para magmasid-masid.
“Mas malalim pa ang kahulugan ng sinabi ni Apo Tulka,” wika ni Jin nang lumapit sa kanila. “Mahirap lang talagang intindihin.”
“Sabi niya hari si Reid. Naku! Hari naman talaga iyan ng Stallion Riding Club. Hari rin siya ng kasungitan. Lahat ng mga tao doon takot sa kanya,” kwento niya. “Ako lang naman ang di natatakot diyan.”
“Anong ibig sabihin nang ikaw ang kapangyarihan ng hari?” tanong nito.
“Malay ko rin.” Kung iisipin nga ay malalim ang ibig sabihin ng mga pananalita ni Apo Tulka. Isa itong ilka o punong pang-ispiritwal ng tribo.
Maikokompara ito sa mga baki ng tribong Ifugao o shaman sa mga Native American. Ito ang nagsasagawa ng mga ritwal ng tribo. May kakayahan din daw ito na makabasa ng mangyayari sa hinaharap kung ipapahintulot.
“Hindi direktang hari na tao ang tinutukoy ni Apo Tulka,” wika ni Dresdanah, ang pinsan ni Jin na susunod sa linya ni Apo Tulka. “Sa aming mga Aringan, ang mga kabayo ang itinuturing naming hari.”
“Ibig sabihin si Reid ay sumisimbolo sa isang kabayo,” dagdag ni Jin.
“Para saan ang simbolo na iyon?” tanong niya.
“Malakas ang personalidad niya. Malakas ang impluwensiya niya sa mga tao,” paliwanag ni Dresdanah. “May sinasabi siya sa lugar na pinagmulan ninyo. Katulad siya sa pinuno ng pulutong ng mga kabayo.”
“Ano naman ang tungkol sa sinabi sa kanya?” tanong ni Shiela habang nakaturo sa kanya. “May magical powers siya?”
Nangingiting umiling si Dresdanah. “Ano ang silbi ng hari kung wala siyang kapangyarihan? Siya ang lakas ng hari. Siya ang lakas ni Reid.”
“Hindi ko pa rin maintindihan.”
“Kahit sinong hari ay kailangan ng reyna. Katulad sa mag-asawa. May pising nagdudugtong sa inyo. Di mabubuhay ang isa nang wala ang isa.”
“Ibig sabihin destiny kayo ni Sir Reid. UY!” tukso ni Shiela.
“Tigilan ako ng destiny na iyan, ha?” saway niya.
Kalokohan! Di daw mabubuhay si Reid nang wala siya. Reid had always been the leader of the herd. He could live on his own. Mawala man siya sa buhay nito, patuloy itong mabubuhay.
Baligtad yata ang sitwasyon. Nang mawala si Reid, di na niya alam kung paano ang mabuhay ulit. Sa pagbabalik nito, parang nabuhay ulit siya kahit sa maikling sandali. Subalit ano naman siya para dito?
Kung mahal lang sana siya nito, di ito magdadalawang-salita sa kanya. Babalik siya sa piling nito. Kung sana…
PARANG ISANG diwata ang pakiramdam ni Tamara habang naglalakad patungo sa tabi ng lawa. Bagamat walang kuryente ay maliwanag ng buwan. May dala siyang isang flash light at ang video camera na gagamitin nila para sa documentation.
Nagulat siya nang mapansin na may lalaking nakatayo sa di kalayuan. Babalik na sana siya nang mapansin niyang si Reid iyon. Nakasandig ito sa puno habang nakatanaw sa lawa. Parang malalim ang iniisip.
“Anong ginagawa mo dito?” tanong niya.
Napapitlag ito. “Ha? Hindi ako makatulog. Ikaw?”
“Gusto ko lang makita kung maganda ang lawa kahit na gabi. Look! Parang kumikislap ang tubig dahil sa liwanag ng buwan.”
Nakatitig ito sa kanya at di man lang sinulyapan ang lawa. “Iyon ba talaga ang dahilan o alam mong nandito ako?”
“Reid, kung alam kong nandito ka, doon na lang ako sa kubo.”
“Nakita mo na ako kanina. Bakit di ka pa umurong?”
Napipilan siya. She didn’t know how to answer that question. “Sayang naman. Malapit na ako dito. Uurong pa ba ako.”
“Perhaps something pulled you to me. I am the king and you are the king’s strength. One cannot survive without the other.”
“Well, that is not true in our case. You had always been a king, Reid. Dumating man ako o hindi sa buhay mo, di iyon makakabawas sa pagiging hari mo. At bakit pa ba natin pinag-uusapan ito?”
Hinaplos ng daliri nito ang gilid ng labi niya. “Dahil importante ito para sa ating dalawa. Bumalik ka na sa akin?”
“Para di masira ang tradisyon ninyo? O para magkaroon ka ng tagapagmana?” Iyon lang naman ang silbi niya dito.
“Shhh!” saway nito at kinabig siya.
“Huwag mo nga akong I-shhh-shhh diyan! Sasabihin ko kung ano ang gusto kong sabihin…”
His finger pressed against her lips. “Someone’s coming.”
“Sino?” tanong niya.
Inalalayan siya nitong umupo habang nakatago sila sa likod ng puno. “Maghintay lang tayo,” anito habang nakatingin sa lawa.
Nakarinig siya ng kaluskos. Mula sa mga halamanan ay sumulpot ang isang puting nilalang. Unti-unti iyong nagkahugis habang palapit sa lawa.
It was a white wild horse.
“Look, Reid!” aniya at itinuro.
“It’s beautiful, right?” tanong nito na di rin maalis ang tingin sa kabayo.
She recorded it with the video camera right away. Walang sinuman sa kanila ang gumagalaw o humihinga. It might startle the horse. Ayaw nilang mawala ito sa paningin nila.
“Alam mo ba na maswerte daw ang mga tao na nakakakita ng puting kabayo dahil madalang iyan dito?” bulong nito. “Most of the horses here are spotted.”
“With that grace and poise, he must be the head of the heard.”
Horses run by herd. Ang pinakamalakas at pinakamatikas sa lahat ang nagsisilbing pinuno ng grupo.
“Alam mo ba na may paniniwala ang mga Aringan na kapag nasakyan mo ang wild horse ng maraming beses, magiging maswerte ka?”
“Do you want to try?”
Umiling ito. “Right now, I just want to watch it. Ayokong mawala siya.”
Gumalaw ang tainga ng kabayo nang makarinig ng kaluskos. Nagtatakbo na ito pabalik sa pinagmulan. Because they usually predatory targets, their instinct was to run away. “Ay! Wala na siya,” nanghihinayang niyang usal. Bakit kailangang matapos agad ang magagandang bagay?
Inalalayan siya nitong tumayo. “You recorded it. At least alam natin na bumabalik pa rin sila. At nakita natin ang direksiyong pinuntahan niya kanina.”
“Matutuwa sila Kadji kapag nakita ito.”
He nuzzled her hair while they were walking. “I am glad that I shared this beautiful moment with you, Tamara.”
“Me, too.”
Lahat naman ng natatandaan niyang magagandang bagay sa buhay niya ay kasama niya si Reid. And good things didn’t last forever.
ISA NA namang pagdiriwang ang ihinanda ng tribong Aringan sa grupo nila. Huling gabi na nila iyon sa tribo. Bukas ay babalik na sila sa sibilisasyon.
Kumpleto na ang documentation nila. Nalaman nila na kaya madalang nang bumalik ang mga kabayo sa lugar na iyon dahil sa mabilis na pagkawala ng mga puno sa lupang di na hawak ng tribo. Maraming illegal loggers at pati na rin mga poachers na nagsisilbing banta sa tirahan at buhay ng mga kabayo.
Reforestation at katiyakang magiging protected area ang lugar para di na pasukin ng mga hunters ang naiisip na solusyon ng grupo nila. Kung mapapangalagaan ang lugar, di lang mga kabayo ang babalik kundi pati iba pang mga hayop. Makikita nang malayang umiinom sa lawa ang mga kabayo.
Hinila siya ni Reid palayo sa tribo. “Saan tayo pupunta?”
“Sa lake. Maliwanag naman ang buwan ngayon.”
Nagpatianod na siya. Huling gabi na nila doon. Pinagbigyan na lang niya ito. Mula nang makita nila ang wild horse, gumaan na ang loob niya kay Reid. Pansamantala niyang naisantabi ang galit niya dito. Di niya alam kung natural iyon o naambunan si Reid ng swerte mula sa kabayo.
“Ano ito? Magtititigan lang tayo?” tanong niya nang makarating sila sa lake. “O maghihintay tayong may mamasyal na wild horse?”
Ginagap nito ang kamay niya. “Come back to me, Tamara.”
“Sinabi ko na ang sagot ko, di ba? No!”
Yumuko ito. “I was wrong. Unfair para sa iyo kung mananatili ka bilang asawa ko dahil lang sa tradisyon na ayaw kong baliin o dahil gusto kong ikaw ang maging ina ng mga anak ko.”
“May nagbago ba?”
“Sinundan kita dito para makiusap.” He pressed his forehead against hers. “Please come back to me. Hindi ko na alam ang gagawin ko mula nang mawala ka. Hindi na nga ako sumisigaw sa kanila pero wala na rin akong ganang magtrabaho. At kung di ko pa ipapasa kay Reichen ang trabaho ko, baka bumagsak na ang riding club. Mababaliw ako kapag hindi kita nakita.”
“Ako ba talaga ang dahilan kaya ka nagkakaganoon?”
Tumango ito. “You are very important to me, Tamara. As important as the air that I breathe. I can’t live without you. Please bring my sanity back. Please come back to me,” he said in a plea.
She couldn’t believe her eyes. Reid was practically begging. Di na ito ang matigas at aroganteng si Reid Alleje. Parang isa na lang itong mortal habang nakikiusap sa kanya. Bumaba ito sa pedestal nito para habulin siya at pakiusapan.
“Ganito ba talaga ako kaimportante sa iyo? Kapag may nakarinig sa iyo, baka pagtawanan ka nila. This is not you, Reid.”
“I know. Pero wala na akong pride nang habulin kita. Kapag tinanggihan mo ako ngayon, makikiusap lang ulit ako kahit ipagtabuyan mo ako.” Pumikit ito at kinintalan ng halik ang labi niya. “Ano pa ba ang kailangan kong isuko para lang bumalik ka sa akin?”
She wanted to cry for him. Parang sinasaksak kasi ang dibdib niya sa bawat salita nito. He was in sheer agony.
Oo nga at sinaktan siya ni Reid. Pero ayaw naman niyang nasasaktan ito.
“You don’t have to do anything else. Tama nang maramdaman ko kung gaano ako kaimportante sa iyo.”
Hinaplos nito ang gilid ng mata niya para pawiin ang luha. “Ibig bang sabihin babalik ka na sa akin?”
Tumango siya. “I give up. Hindi kita kayang tiisin.”
Reid gave her a slow, tender kiss. It was a kiss that was claiming and consuming. Halik iyon na may pag-aalaga at paggalang.
“You won’t regret this, Tamara. I promise.”
Hindi na iyon tungkol sa pagsisisi kung tama man o mali ang desisyon niyang bumalik dito. There was no turning back now. Dahil sa pagbalik niya sa buhay ni Reid, wala na siyang balak na umurong.
Hindi nito sinabi na mahal siya nito. Sapat na sa kanya na malamang importante siya sa buhay nito. It was better than waiting for ‘I love you’. Ang importante ay masaya siya sa piling nito.
“YOU’RE LATE!” Walang kangiti-ngiting Reid Alleje ang sumalubong kay Tamara sa lake cabin. “Hindi ka galing sa salon. Saan ka galing?”
Nasanay na si Reid na kapag may date sila ay dumadaan siya sa salon. At inaasahan na rin nito na late siya kaya di na ito nagagalit.
“Napa-kwento ako sa Lakeside Café. Nandoon si Saskia,” tukoy niya nobya ni Reichen. “Ikinu-kwento niya ang tungkol sa accomplishments ng mga estudyante niya sa Asian Grand Prix.”
“Nawiwili na ang mga babaeng iyan na agawin ang oras mo sa akin.”
Mula kasi nang bumalik siya ay mas marami pa siyang oras sa mga kaibigan niyang babae sa riding club ayon kay Reid. She decided to have a compromise with Reid. Babalik siya sa riding club pero papayagan pa rin siya nito na tumanggap ng assignment mula sa wildlife center ng minsan o dalawang beses sa isang taon. Ang kondisyon naman na hiningi nito ay kailangang kasama rin ito. He would even sponsor the assignment. Na-enjoy daw kasi nito ang huli niyang assignment.
Hinawakan niya ang kamay nito. “Huwag mong sabihing nagseselos ka?”
“Nagtatampo lang ako dahil mas inuuna mo sila kaysa sa akin.”
“Ngayon lang iyan dahil kababalik ko lang. Magsasawa rin sila sa akin.” And besides, she found a family with those girls. Parang mga kapatid niya ang mga ito. Pagpasok ng lake cabin ay nagtaka siya nang di niya makita ang painting ng mommy niya na makikita pagbungad pa lang. “Nasaan na ang sketch ni Mommy?”
“Inilipat ko dito.” Itinuro nito ang painting na nasa tabi na ng pinto. “I found a very interesting painting to replace it.”
Saka niya napansin ang bagong painting na nakasabit. It was neither the works of her mother nor her father. Iba ang hagod niyon. Painting iyon ng isang babae na nakasakay sa kabayo habang hinahangin ang buhok. Mukha niya ang naroon. “A-Ako ito?”
“Yes. Rodjan sold it to me. Hindi namin alam na ipinipinta niya ang mga babae dito sa riding club saka niya ibebenta sa mga boyfriend o asawa.”
Si Rodjan ay isang member ng riding club na isang sikat na artist. Pinagkakaguluhan ang mga exhibits nito. “But this one is expensive.”
“Mas mautak pa yata siya sa amin ni Neiji sa negosyo.”
Yumakap siya sa baywang nito. “But you bought it anyway.”
“Hindi naman ako magaling na painter tulad ng daddy mo. Hindi kita kayang ipinta. I am just glad that there is someone as good as Rodjan out there. I can still see your beauty in a canvass.”
Hinaplos niya ang kilay nito. “Thank you. Pakitanong ni Rodjan kung pwede ko siyang kontratahin. Gusto kong magpagawa ng portrait mo. Pero kailangan nakangiti ka. At mapangiti ka niya habang nagpe-paint o libre na iyon.”
“Oh, man!” Tumingala ito. “You are worse than Rodjan.”
“Que pa na power of the king ako kung di ko maiisip iyon.”
“Listen! Next week dadating sina Mama at Papa galing Spain. Ipapakilala kita sa kanila. Then we’ll discuss our grand wedding plans.”
Ngumiti siya subalit di iyon umabot sa mata niya. “I don’t have a family.”
“Kung gusto mo personal pa nating imbitahan ang tita at pinsan mo. Sila na lang ang natitira mong pamilya. Di pa ba sila pupunta?”
Gusto niyang makita ang tiya niya at pinsan. Pero di niya alam kung matutuwa ang mga ito na makita siya. They weren’t really close.
Pabalik na siya sa worker’s lodge nang makatanggap siya ng tawag. “Tamara, ang Tita Ediza mo ito.”
“Tita!” excited niyang usal. Napakabilis naman ni Reid. Na-contact agad niya ang tita niya samantalang pinag-uusapan pa lang nila iyon kanina.
“Please help us. We need you.”