Naiiyak na si Tamara sa sobrang stress. Ilang araw na usap-usapan sa buong bansa ang tungkol sa secret wedding nila ni Reid. Di pinalagpas ng tiya niya ang pagkakataon para kaladkarin ang pangalan nila. Halos di siya makapagtrabaho kaya naglagi na lang siya sa lake cabin para mapag-isa.
Niyakap siya ni Reid nang dumating ito. “Huwag ka nang umiyak. Tumawag sa akin si Attorney Cabral. Wala nang hahabulin sa iyo ang auntie mo. Hanggang pag-iingay na lang sila sa press dahil alam nilang wala na silang habol.”
“Sabi nila magsasampa daw sila ng kaso para patunayan na hindi legal ang kasal natin. They won’t stop, Reid.”
“Mag-isip-isip nga sila. Wala naman silang ibang kukunan ng pera kundi sa mga group na galit sa riding club. Until when? Wala din naman silang laban. They just want to create noise. Tingnan mo nga. Ni hindi sila makaalis sa condo mo. Alam nila na sa kalye rin sila pupulutin. They are so ungrateful. Kung hindi mo lang sila kamag-anak, baka sila pa ang ipakulong mo.”
“Huwag na. Nakakaawa naman sila. Wala na silang kahit ano.”
Lumalim ang kunot sa noo nito. “kaso ikaw naman ang sinasaktan nila. Inaabuso nila ang pagiging magkamag-anak ninyo. Alam kasi nila na di ka lalaban. Look at yourself. Wala ka nang ginawa kundi umiyak.”
“I am just hurt. Akala ko magiging close na kami sa isa’t isa dahil naa-appreciate nila ako bilang natitira nilang kamag-anak.”
“Na-appreciate ka naman nila dahil may napapakinabangan pa sila sa iyo. Pero nang makita nila na may mas malaki silang mapapakinabangan sa iyo, handa naman sila na ibagsak ka. Kaya siguro minamalas sila dahil masama ang ugali nila. Tandaan mo na hindi na sila imbitado sa kasal natin.”
Mahina siyang tumawa. ‘You really hold grudges, do you?”
“I am more cruel to those who hurt the people who are important to me.” Kinintalan nito ang noo niya. “Ayoko nang isipin mo sila sa ngayon. We will have a dinner at the grand villa tonight. Dumating na sila Mama at Papa.”
THE ATMOSPHERE of the grand villa was suddenly thick when Tamara arrived. Parang di ang mga magulang ni Reid ang ikinu-kwento nito na magiliw at malalambing na mga tao. Di kasi niya maramdaman ang hospitality ng mga ito. Instead, she could feel hostility in the air. Walang sinuman sa mga ito ang nakangiti.
“Siya na ba iyon?” tanong ni Engracio nang humarap sila ni Reid.
Halos di siya tinitingnan ng ina na Reid na si Allegria. Hindi siya sanay sa lganoong klase ng hostility lalo na’t mga magulang ito ni Reid.
“Ma, Pa, I want you to meet my wife, Tamara Trinidad Alleje,” pormal na pagpapakilala ni Reid sa mga ito. Walang ekspresyon sa mukha nito subalit nararamdaman niyang natetensiyon din ito.
“Good evening,” bati niya na bahagya ring pormal. Inilahad niya ang kamay kay Engracio subalit tinitigan lang nito.
Ibinaba ni Reid ang kamay niya. “Do you have a problem with my wife?” galit nang tanong nito nang hindi makatiis.
“Hijo, hindi ko nagustuhan ang mga balita tungkol sa inyo,” wika ni Allegria. “You’ve been married for nine years and you didn’t tell us.”
“It was my fault,” pag-ako niya. “Ako po ang nagsabi kay Reid na huwag ipaalam sa iba ang kasal namin. You see, it is not a conventional wedding.”
“It was a marriage of convenience,” pagtatapos ni Engracio. “Yes, I got that silly contract from our family lawyer. This is crazy, Reid!”
“Ako po ang nag-obliga kay Reid para magamit niya ang lupa ko,” depensa agad niya. “You see, I had no choice that time. I was also bound by my grandfather’s will. And Reid needs the land very badly.”
“And I thought it won’t be a real marriage. What are you doing here?”
Yumuko siya. “I had to stay here for sometime so I can get an annulment.”
Napasinghap si Allegria. “Engracio, she’s asking for an annulment.”
Ginagap ni Reid ang kamay niya nang mahigpit. “Not anymore. Hindi na kami maghihiwalay. As a matter of fact, we want to renew our vows.”
“And why?” Engracio asked.
“Sinabi po ni Reid na walang Alleje ang sumisira sa kasal nila,” sagot niya. Naramdaman niya ang bahagyang pagluwag ng hawak ni Reid sa kamay niya. His features were rigid. Bakit parang galit ito? Iyon naman ang dahilan nito noong una.
Hinihintay niyang dugtungan ni Reid ang sinabi niya. Na importante siya dito. Subalit nanatiling nakapinid ang bibig nito.
“Give her what she wants,” Engracio said after the long silence.
“What do you mean, Pa?” tanong ni Reid.
“Give her the annulment. If it’s just the tradition that you are after, let her go,” mariing wika ni Engracio.
“I can’t do that, Pa!” tutol ni Reid.
“Kung may problema kayo sa lupa, bayaran mo siya nang malaki para di niya maramdaman na dehado siya. Sustentuhan mo pa rin siya,” utos ni Engracio. “We are being too generous to her. I am sure she won’t refuse that.”
Humigpit ang hawak ni Reid sa kamay niya. As if he didn’t want to let her go. “Tamara is my wife. Walang nag-impluwensiya sa akin na pakasalan siya. Ako angkusang gumawa niyon. Kung maghihiwalay rin kami, ako rin ang magdedesisyon para doon. Nobody can influence me. Not even my own parents.”
“Reid, you don’t have to do this,” mariin niyang bulong. Ayaw niyang makipagtalo pa ito sa mga magulang nito dahil sa kanya.
“I don’t have a problem with her. She seems smart and decent. But I still don’t like her,” taas-noong wika ni Allegria. “Walang nasisirang kasal sa pamilya natin dahil sa isa pang tradisyon. Pakakasalan mo lang ang taong mahal mo. And you broke that tradition, Reid. So why stay with her?”
Hindi siya makapagsalita sa labis na pagkabigla. Gusto ng mga ito na iwan niya si Reid. Mas mahalaga nga naman ang kapakanan ni Reid kaysa sa tradisyon na pamilya. Why stay with the woman he didn’t really love?
Subalit nanatiling matatag si Reid. “Hindi ko siya hihiwalayan.”
“Hindi ko siya matatanggap sa pamilya ko!” matatag na sabi ni Engracio.
“Makinig ka sa Papa mo, hijo. Annul your wedding,” malumanay nang wika ni Allegria. “After all, she’s the one who wants an annulment.”
“And what if I refuse?” Reid challenged.
Naging madilim ang mga mata ni Engracio. “I am afraid I have to disown you. HIndi ko alam kung bakit mas pipiliin mo ang babaeng iyan kaysa sa pamilya mo. At kung magmamatigas ka pa rin, mawawala sa iyo ang Stallion Riding Club. I can easily dissolve everything you worked hard for.”
Reid’s father looked dead serious. He didn’t really like her to be a part of the family. Masakit ang rejection. Subalit mas nasasaktan siya sa panggigipit kay Reid. Pinaghirapan nito ang riding club. Doon nito binuo ang lahat ng pangarap nito. Pagkatapos ay mawawala lang iyon dahil sa kanya.
Kumawala siya sa pagkakahawak ni Reid at tumayo. “I am really sorry for the trouble. Huwag po kayong mag-alala. Ako mismo ang lalayo kay Reid.”
Hinila ni Reid ang kamay niya. “Ano ba ang sinasabi mo?”
She refused to look at him. Nanatili lang sa mga magulang nito ang paningin niya. “Wala kayong kahit anong obligasyon sa akin. May usapan kami ni Reid sa mangyayari sa lupa oras na maghiwalay kami. HIndi niya ako kailangang sustentuhan. Pasensiya na po kung nagdala ako ng gulo sa pamilya ninyo.”
Matapos magpaalam ay nagmamadali na siyang umalis. Hinabol siya ni Reid subalit pinigilan ito ng ama nito.
Saka lang niya pinakawalan ang luha niya nang makarating siya sa lake cabin. It was the worst night of his life. Hindi na siya makakatagal pa na kaharap ang magulang ni Reid. At ayaw na rin niyang hintayin pa ang sagot nito na mas pipiliin nito ang riding club kaysa sa kanya.
Stallion Riding Club was his life. Doon nito binuo ang lahat ng pangarap nito. Hindi siya parte ng pangarap nito. Kung may nararamdaman man si Reid sa kanya, it was just a passing feeling. Di nito ipagpapalit sa pangarap nito o pamilya nito.
Maybe it was the end of the line for both of them.
NANG humupa na ang emosyon ni Tamara ay lumabas siya ng lake cabin. Nakahalukipkip sa may gate si Reid. Animo’y hinihintay siya.
“Can we talk?” he asked.
Tumango siya. Wala namang masama kung bigyan nila ang sarili ng pagkakataon para mag-usap bago sila maghiwalay. “Sure.”
Idinala siya nito sa dock. Doon ay may naghihintay na yate sa kanila. “Mas maganda siguro kung sa gitna tayo ng lake. Walang makakaabala sa atin.”
Tahimik siyang umupo sa sahig ng yate habang naglalayag iyon patungo sa gitna ng lawa habang si Reid ang nagmamaniobra niyon.. Dati ay nagbibigay sa kanya ng kapanatagan ang lawang iyon. Ngayon ay di na niya iyon maramdaman. It was like a final resting place for her heart. Kailangan na niyang magpaalam kay Reid.
Maya maya pa ay tumigil na ang yate sa gitna ng dagat at tinabihan siya ni Reid. “Tell your parents that I will leave first thing tomorrow morning,” she said formally. “Just let me stay here tonight so I can pack my things.”
“Sino ang may sabi sa iyo na kailangan mong umalis?” tanong nito.
“You heard them. Gusto nilang maghiwalay tayo. May kahihiyan naman ako. I have no reason to stay here.” Bakit ba pinipigilan nito ang nakatakda nang mangyari? They couldn’t stay together ever since the beginning of their marriage.
“You have. Me.”
Parang pinapatay siya habang nagtatagal pa siyang kasama ito pero alam naman niyang kailangan rin nilang maghiwalay sa huli.
“Reid, you can’t have everything. Hindi mo ako pwedeng piliin habang nagbabanta ang Papa mo na sisirain ang riding club.” Hindi ito pwedeng patuloy na maghari-harian. Sa palagay niya ay seryoso ang ama nito sa banta.
Nagkibit-balikat ito. “Wala akong pakialam anuman ang gawin niya sa riding club. Sirain niya kung gusto niya. I don’t really care.”
“Are you crazy?” galit niyang usal. “Nasa riding club na iyan ang lahat ng pangarap mo. Napilitan ka pa ngang magpakasal sa akin dahil lang diyan. Tapos pababayaan mo na lang.”
He cupped her face lovingly. “Yes, I am crazy. Crazy in love with you. Akala ko hindi ako dadating sa buhay ko na kailangan ko isuko ang pinaghirapan ko para sa isang tao. But I did. At hindi kita ipagpapalit sa kahit ano.”
“Reid?” She couldn’t believe it. “This is not true, right?”
“Believe it!”
Tears stung her eyes when he kissed her. Matagal na niyang pinangarap na sabihin ni Reid na mahal siya nito. It was the best thing she had ever heard. Pero hindi pa rin niya magawang magsaya.
“Ayokong mawala sa iyo ang lahat ng pinaghirapan mo, Reid. I know how much you love the riding club. I don’t think I am worth it.”
“Sinabi ko rin iyan sa sarili ko. Why should I choose you when I am about to lose everything I worked hard for? Pero aanhin ko naman ang lahat ng pinaghirapan ko kung wala ka? Nakuha ko nga ang lahat ng gusto ko pero wala ka naman. Mamatay ako sa pagka-boring ako sa riding club kapag wala akong kaaway. Wala akong kasigawan.” Niyakap siya nito. “Matitiis mo ba akong mamatay sa pagka-miss sa iyo?”
“You know that I can’t. Paano pa ako makakalayo sa iyo ngayong alam ko nang mahal mo ako? Dati nga, nato-torture ako nang iwan kita. I feel worse when you were gone. Hindi ko alam kung kaya ko pang mangyari ulit iyon.”
“But you still decided to leave.”
Yumuko siya. “Akala ko iyon ang mas makakabuti sa iyo. Ayokong magalit din ang parents mo dahil sa akin. After all, I was just a pest who ruins family traditions. Pinilit lang naman kita na pakasalan ako.”
“Ang totoo, naiinis ako sa iyo nang pakasalan kita. Wala pang babae na nakapagpasunod sa akin sa gusto niya. I usually set the pace. I set the rules of the game. Pero pagdating sa iyo, kailangang ako pa ang sumunod.”
“Ano ba ang gusto mo?”
“Kung pakakasalan kita, kailangang maging totoong mag-asawa tayo!” sentimyento nito. “Pero naunahan mo ako sa kontrata. Oh, how much I hate it!”
“Ah! Kaya pala nang humingi ako ng annulment, gumawa ka ng paraan para tuluyan tayong magkasama,” naniningkit ang mata niyang sabi.
“No. Ibibigay ko naman talaga ang annulment sa iyo. Wala naman akong pakialam sa mga tradisyon ng pamilya namin. I set my own rules after all. Nang nilalabanan mo na ako sa lahat ng utos ko, lalo lang akong nanggigil na hawakan ka sa leeg at paamuin. Pero baligtad yata ang nangyari. Sa huli, ako pa rin ang sumusunod sa lahat ng gusto mo. Mas takot pa nga ang mga tauhan ko sa iyo kaysa sa akin. Bagay na bagay ka daw maging reyna ko.”
She traced the collar of his shirt. “At wala ka nang balak na ibigay ang annulment dahil sa tingin mo, ako lang ang bagay na maging ina ng anak mo.”
“Totoo naman. Saka di ko pa naman alam na mahal kita noon. Kung kailan nawala ka, saka ko na-realize na iyon nga ang totoong dahilan kung bakit ayokong maghiwalay tayo. Kaya nga ginawa ko lahat bumalik ka lang sa akin.”
Yumakap siya dito habang nakasandig ito sa railing ng yate. “Pero hindi na Stallion Riding Club ang Stallion Riding Club kapag wala ka.”
“At this moment, I don’t really care. Gusto ko lang na lumayo tayo dito. Hmmm… saan kaya tayo pupunta? Gusto ko sa malayo.”
“Paanong pupunta? Ano bang plano mo?”
“Magtatanan tayo.”
HINDI matapos-tapos ang pagtawa nina Engracio at Reichen nang humarap nang humarap sina Tamara at Reid sa pamilya nito. Maging si Allegria ay poised na poised sa paghagikgik. Ilang araw silang nawala ni Reid. They just explored different places. Hanggang nagdesisyon itong panindigan siya sa pamilya nito. Na magpapakasal pa rin sila kahit na bawiin ang pagiging Alleje nito.
“Anong nakakatawa?” walang kangiti-ngiting tanong ni Reid.
“Kayong dalawa. Sobrang tanda na ninyo para magtanan,” kantiyaw ni Reichen. “Teenager lang ang gumagawa niyan, Kuya.”
“Kasalanan ninyo ito!” paninisi nito sa magulang. “Kung hindi ninyo ipinagtabuyan si Tamara, hindi kami aalis.”
“It is not our fault, hijo.” Itinuro ni Allegria si Reichen. “It was his idea.”
“Ikaw!” galit na wika ni Reid at dinuro ang kapatid.
Nalaman nila na di totoong tutol ang magulang ni Reid sa kanya. Gusto lang malaman ng mga ito kung ano ang gagawin ni Reid. Kung siya ang pipiliin nito o ang riding club at ang pamilya nito. Mukhang nakapasa ito sa pagsubok. Nang bumalik kasi sila ay mismong pamilya na nito ang may sariling plano sa kasal nila.
“Kasalanan mo iyan. Kahit minsan yata di mo pa nasasabi na mahal mo si Tamara. Minsan ka nang iniwan, di ka pa nadala,” katwiran ni Reichen.
“Nasabi ko na sa kanya na importante ako,” depensa ni Reid.
“Importante pero hindi mahal,” kontra ni Engracio.
“Synonymous iyon, Pa! Kapag importante sa iyo, mahal mo.”
“Iba pa rin kapag sinasabi sa aming mga babae na mahal kami,” sabi ni Allegria. “Ang mga lalaki talaga.”
“Tumulad ka sa akin, Kuya. Lagi kong ina-assure kay Saskia na mahal ko siya kaya hindi niya ako iniiwan,” pagmamalaki ni Reichen.
“Di naman naniwala si Saskia na mahal mo siya sa dami ng mga babae mo.”
“Sa kanya lang naman ako na-in love,” nakasimangot na wika ni Reichen.
Nakangiting pinagmasdan ni Tamara ang Stallion Riding Club mula sa terrace ng grand villa. Niyakap ni Reid mula sa likuran. “Wala na tayong problema. Boto naman pala sa iyo sila Mama at Papa.”
“At hindi na rin mawawala sa iyo ang riding club.”
“Kumpleto na ang kaharian natin. Tagapagmana na lang ang kulang. Lagi mong tatandaan na di lang ako ang may karapatan sa riding club kundi pati ikaw.”
“Kung di kaya dahil sa testamento ni Lolo, magkakasama kaya tayo? Magpapakasal rin kaya tayo at mamahalin mo ako?”
“Hindi ko alam. Bakit kailangan pa nating isipin iyon? Pasasakitin lang natin ang ulo natin sa isang bagay na di naman nangyari. We are together now, Tamara. Hindi ko na yata mai-imagine kung nasa ibang panahon o pagkakataon ako na di kita kasama at hindi ikaw ang babaeng mahal ko.”
“Thank you for coming into my life and loving me, Reid. Kung hindi ka siguro dumating sa buhay ko, walang ibang magmamahal sa akin.”
“No. I should thank you for bringing meaning to my life.”
Habang yakap siya ni Reid, saka niya na-realize na di siya tuluyang pinabayaan ng lolo niya. Marahil ay instrumento lang ito para matagpuan niya ang lalaking mahal niya. Hindi na niya kailangang mag-isa. Di na rin siya matatakot magmahal.
Mas matapang na siya ngayon dahil may isang tulad ni Reid na handang isuko ang lahat para sa pagmamahal niya.