Kumunot ang noo ni Johann nang sulyapan si Fridah Mae. “And who gave you the right to call me that name?”
Napatili siya nang matiyak niyang si Johann nga iyon. “Johann, ano ba? Si Fridah Mae ako. Fridah Mae Narcisso, ang pinakamagandang babae sa buong Zamboanga! Don’t tell me you don’t remember me anymore?”
“Fridah Mae!” Bumakas ang rekognisyon sa mga mata nito. He patted her head. “You are all grown up!”
“All grown up? Mukha lang iyang matanda pero isip-bata pa rin,” sabi ni Richard Don. “Ikaw pala ang Johann na tinutukoy niya.”
“Nobody calls me Johann. Siya lang ang tumatawag ng Johann sa akin. Hindi natatakot tuwing tinitingnan ko nang masama,” kwento ni Johann.
Pinanggilan niya ang pisngi nito. “Lalo ka kayang gumuguwapo kapag sinusungitan mo ako,” kinikilig niyang sabi. “Sabi na nga ba’t ikaw ang nakita ko sa Lakeside Café kahapon. Hinabol pa nga kita.”
Di niya maipaliwanag ang nararamdaman. Parang nasa cloud nine siya habang kausap si Johann. Samantalang kanina lang ay nangako siya sa sarili na di na niya ito papansinin o kakausapin man lang. Pero heto at excited pa siyang magkwento tungkol dito. Di rin niya maalis ang tingin dito. There was something about Johann that made her feel so young. Parang gusto niyang laging ngumiti kahit pa nga di ito marunong ngumiti man lang.
“Hindi ba sinabi ni Jeffrey na dito na ako nagtatrabaho?” tanong nito.
“Hindi. Siguro sobrang busy niya sa trabaho at sa bagong baby niya.” Nasa Africa pa nga siya nang biglaang ikasal ang kapatid niya.
“Two weeks pa lang dito si Doc CJ,” paliwanag ni Richard Don. “Nag-hire si Reid ng dagdag na veterinarian dahil sa dami ng mga bagong kabayong dumating. Saka di na rin pwedeng magpagod si Doc Tamara. Mas active na siya ngayon bilang Mrs. Reid Alleje.”
“Di ka pa naman mag-aasawa, di ba?” tanong niya kay Johann.
“Wala rin iyang girlfriend,” sabi ni Richard Don.
Humagikgik siya at umabrisyete kay Johann. “It must be destiny. Wala rin akong boyfriend. Parang ikaw lang ang hinihintay ko. Ibig palang sabihin pwede akong mag-apply na Mrs. Cedric Johannson Cristobal?”
Lalong kumunot ang noo ni Johann. “Hanggang ngayon palabiro ka pa rin.”
Umulo siya sa braso nito. “Hindi kaya joke iyon.”
Parang sinapian na naman siya ng espiritu mula sa kanyang nakaraan. Ngayong nakita ulit niya si Johann, gusto na naman niyang ituloy ang kabaliwan niya dito. Di niya alam kung may virus na pumasok sa katawan niya. Nagka-amnesia na rin siya sa sakit ng pambabasted nito sa kanya dati. Wala naman itong girlfriend ngayon kaya wala itong dahilan para ipagtabuyan siya.
Siniko ni Richard Don si Mark Ashley. “Tingnan mo nga iyang pinsan mo. Kasasabi lang ng rules natin kahapon, di na humiwalay kay Doc CJ. Nakakahiya.”
“Anong nakakahiya? Wala naman akong ginagawang masama,” inosente niyang sabi. “Miss na ko lang si Johann. Six years din kaming di nagkita.”
Pinisil ni Johann ang baba niya. “Okay lang. Mukhang harmless naman itong si Fridah Mae. Wala siyang gagawing masama sa akin.”
Tiningala niya si Johann. When everybody thought the worst about her, he was there to defend her. “Ang sweet-sweet mo talaga.” Nanghaba ang nguso niya. “Johann, pa-kiss naman, o!”
“Oy! Oy! Bawal iyan!” protesta nina Richard Don at Mark Ashley at pilit siyang inilayo kay Johann.
“Huwag mo ngang hina-harass si Doc CJ,” mariing wika ni Mark Ashley na mahigpit ang hawak sa braso niya.
Lalo lang siyang yumakap sa baywang ni Johann. Kahit pa siguro sumabog ang bulkan ay di siya mapapalayo sa piling nito. Sa isang iglap ay nagbago ang ihip ng hangin. Walang sinuman ang pwedeng maglayo sa kanya kay Johann.
“Huwag nga kayong killjoy. Walang malisya sa amin ni Johann iyan. Hindi ba, Johann?” malambing niyang sabi.
Pero ang totoo ay gusto na niya itong gahasain… nang walang malisya. Kung bakit sa halip na pumangit si Johann ay lalo pa itong naging guwapo? Bagay na bagay dito ang suot nitong white coat. He was now a full-pledge equine veterinarian. Bagay din ito sa riding club, ang lupain ang mga guwapo. At bagay din sila para sa isa’t isa. Si Johann lang ang gumising sa kanyang nahihimbing na puso.
She pressed her nose against his crisp uniform. Hmmm… he smelled as good as the fresh morning air. Hindi pa ito amoy-kabayo. At kahit pa siguro amoy-kabayo o amoy-lupa, okay lang na yakap-yakapin niya.
“Wala daw malisya. Halatang may pagnanasa,” mahinang usal ni Mark Ashley. “Pinsan ba talaga natin iyan?”
“Fridah Mae, magho-horseback riding pa tayo,” untag ni Richard Don.
“Mamaya na. Ngayon ko lang ulit nakita si Johann, eh!” sabi niya habang nakayakap pa rin sa baywang nito.
“May trabaho pa si Doc CJ,” paalala ni Mark Ashley. “Alam mo naman kung gaano kasungit si Reid. Gusto mo bang mapagalitan siya?”
“Bakit di muna tayo mag-breakfast?” suhestiyon ni Johann.
Lumapad ang ngiti niya. “I like that.”
“Okay lang sa iyo?” paniniyak ni Richard Don.
“Hindi pa naman ako nagbe-breakfast. Saka mamaya pa naman ang schedule ng rounds ko,” sabi ni Johann. Alam din nito na di na siya aalis pa sa tabi nito.
Pinara nito ang golf cart na dumaan at nagpahatid sa Lakeside Café and Restaurant. Gaya ng dati ay tahimik pa rin si Johann. Matipid magsalita. But she didn’t mind. Ayaw naman niya sa lalaki ang sobrang daldal.
“Gusto ko ng beef tapa and longganisa,” order agad niya pag-upo. “Choco baterol saka leche plan for desert.”
“Para sa ating dalawa na ba ang in-order mo?” tanong ni Johann.
“Sa akin pa lang iyan.”
“Bakit parang payat ka pa rin sa lakas mong kumain?”
“Akyat kasi nang akyat sa kung saan-saang bundok,” sabi ni Mark Ashley. “Kaya pagpasensiyahan mo na dahil ngayon lang iyan nakabalik sa sibilisasyon.”
“Akala ko ayaw ng mga kapatid mo na ituloy mo ang trabaho mo sa Amnesty International?” tanong ni Johann. “Delikado daw ang mga lugar na pinupuntahan mo sabi ni Jeffrey. Minsan may mga rebelde o kaya hostile na katutubo.”
“May mga guide naman kami. Kaya huwag kang mag-alala sa akin. How about you? Akala ko sa Texas ka lang magtatrabaho. Bakit hindi ka nag-asawa ng Amerikana doon?”
“Mas gusto ko pa rin dito sa Pilipinas. Nang makita ko ang advertisement sa internet na naghahanap ng equine veterinarian ang Stallion Riding Club, nag-apply ako.” Maganda kasi ang work background nito. Mga mamahaling kabayo talaga ang inaalagaan nito sa Texas at malaki ang maitutulong nito sa riding club.
“Dalawang linggo pa lang si Doc CJ pero marami nang admirers iyan,” sabi ni Richard Don. “Dito lang sa staff ko, halos lahat sila may crush sa kanya.”
“Sorry na lang sila dahil nandito na ako. Di ba, Johann?” tanong niya.
Katahimikan lang ang sagot ni Johann sa kanya at nagpatuloy sa pagkain. Lalong natensiyon sina Mark Ashley at Richard Don.
Tumawa si Mark Ashley. “Joke lang iyon, Doc CJ!”
“Alam mo naman itong pinsan namin. Palabiro,” sabi ni Richard Don.
Sumimsim si Johann ng choco baterol o native chocolate drink. “Masarap ang choco baterol dito, Richard Don. Every morning ito na ang iinumin ko.”
Alanganing ngumiti si Richard Don. “O-O sige.”
“Fridah Mae, pumili ka na lang ng ibang kabayo. Naka-quarantine pa si Wind Chaser. Posibleng ma-transmit sa tao ang virus kaya huwag ka nang magpilit na makita siya. Maje-jeopardize ang operation ng riding club,” paliwanag ni Johann.
“HIndi na muna ako magho-horseback riding. Sasama na lang ako sa iyo,” lambing niya at humawak sa braso ni Johann.
“Ay! Hindi na pwede iyan!” protesta ni Richard Don.
“Pwede na iyon,” sabi ni Mark Ashley. “Iba na lang babae ang isama nating mag-horseback riding. Humahaba na ang listahan ng mga babae na gusto kong I-date. Baka magtampo sa akin ang mga iyon.”
Na-cancel ang pakikipag-date ng dalawa dahil sa pagdating niya sa riding club. Baka daw kasi ano pa ang sabihin niya sa ka-date ng mga ito at masira pa daw ang diskarte ng mga ito sa babae.
“Wait! Hindi ko pwedeng isama si Fridah Mae. Hindi ako baby sitter at wala rin sa plano kong maging tourist guide. Di ito field trip,” kontra ni Johann.
“Magbe-behave naman ako habang nagra-rounds ka,” sabi niya.
“Maiinip ka nga lang doon. Sa mga pinsan mo na lang ikaw sumama. Naka-focus ako ngayon sa mga quarantined horses. Delikado kung lalapit ka sa kanila. Baka mamaya magkasakit ka pa.”
“Akala ko ba di nakakahawa sa tao ang equine influenza?” tanong ni Richard Don. “Well, except that human could aid in spreading the disease.”
“Hindi natin alam. Virus could mutate. Katulad sa bird flu,” sagot ni Johann.
“Sige. Magtrabaho ka na,” sabi niya nang tapos na itong kumain. “Hindi na kita kukulitin.”
Ihinatid pa niya hanggang sa labas ng Lakeside Café. “Sorry kung hindi kita masasamahang mamasyal. Babawi ako sa day off ko.”
Pinisil niya ang pisngi nito. “Okay lang. Alam ko naman na para rin iyan sa future natin ang ginagwa mo.”
Pinalakpakan siya ni Mark Ashley nang makabalik na siya. “Hanga na talaga ako sa lakas ng loob mo. Nakaya mo ang kasungitan ni Doc CJ.”
“Walang sungit-sungit sa akin basta guwapo,” katwiran niya.
“Ang tanong, type ka naman kaya ni Doc CJ? Ni di ka nga nginitian,” anang si Richard Don. “Mababasted ka lang sa kanya, Fridah Mae.”
“Hindi naman talaga ngumingiti si Johann. Pero kung ayaw niya sa akin, sana sinabi na niya. And besides, I know that he is glad to see me.”
“Mukhang mas dapat nating kaawaan si Doc,” naiiling na sabi ni Richard Don.
“Shut up! Tulungan na lang ninyo ako kung paano ko siya maliligawan nang hindi ako nababasted,” sabi niya.
THE best way to a man’s heart is through his stomach. Iyon ang unang leksiyong natutunan ni Fridah Mae mula sa mga pinsan. Kaya naman pinadadalhan niya lagi ng pagkain si Johann. Wala na siyang inisip maghapon kundi anong pagkain ang ipapadala kay Johann. Di man siya marunong magluto pero alam naman niya ang magugustuhan nito kaya pareho na rin iyon.
“Puspusan na talaga ang panliligaw ng dalaga natin, ah!” sabi ni Richard Don nang dumaan siya sa Lakeside Café and Restaurant.
Huminga nang malalim si Mark Ashley. “Masyado ka namang supportive. Sa palagay ko kasi himala na kapag sinagot siya ni Doc CJ.”
“Naniniwala naman ako sa himala. Kaya pupunta na ako sa clinic nila at susunduin ko pa si Johann para mag-dinner kami,” sabi niya at humalik sa pisngi ng dalawa. “Huwag ka nang kokontra, Kuya Ash.”
Pagdating sa lobby ng equine clinic ay nasalubong siya ni Tamara, isa sa resident veterinarian ng riding club. “Fridah Mae! I heard you are on vacation.”
“Pwede ring hindi bakasyon. Malay mo dito na rin ako tumira someday.”
Makahulugan siya nitong tiningnan. “Sino ba ang dinadalaw mo?’
“Si Johann. Nandito ba siya o nasa stable?” tanong niya.
“Ah, si Doc CJ! Busy sa laboratory. May pinag-aaralan siyang viral strain. Napaka-dedicated kasi niya sa trabaho.”
“Nakain kaya niya ang ipinadala ko sa kanya?”
“Sa iyo ba galing iyon? Oo naman. Nagulat nga ako dahil kumain siya. Pihikan siya pagdating sa pagkain. Mukhang espesyal dahil galing sa iyo,” tukso nito.
Effective ang strategy ng mga pinsan niya kung ganoon. “Anong oras kaya siya lalabas? Gusto ko sana sabay na kaming mag-dinner.”
“Ako mismo ang tatawag sa kanya. Sa wakas magkakaroon na rin siya ng ka-date. Wala kasi siyang social life.”
Maya maya pa ay lumabas na si Johann sa laboratory. He looked wrought out. Nagulat pa ito nang makita siya. “Fridah Mae, anong ginagawa mo dito?”
“Dinadalaw ka. Sobrang busy mo daw sabi ni Doc Tamara.”
“Tinututukan ko at ng research team ang virus strain ng flu sa mga kabayo. Delikado kapag nag-mutate iyon. Baka wala kaming makunan ng vaccine. Nag-dinner ka na ba?” tanong nito at tinanggal ang coat.
“Hindi pa. Hinihintay sana kita. Gusto ko nga sana manood tayo ng sunset.”
Tumingin ito sa labas. “Madilim na, ah! Wala nang sunset. Tapos hindi ka pa kumakain. Halika nga!” anito at hinila siya palabas ng equine clinic.
“Saan tayo pupunta?” tanong niya nang pasakayin siya nito ng kotse.
“I have to feed you, of course. Hindi ka dapat nagpapalipas ng gutom. Baka mamaya magkasakit ka. Ako pa ang sisihin ng mga pinsan mo.”
“Bago mo ako sermunan, tingnan mo muna ang sarili mo, Doctor Cristobal. You should set as an example. Ikaw nga itong mahilig magpalipas ng gutom sa sobrang pagtatrabaho.”
“Sasagot ka pa, eh!” angil nito.
Maya maya pa ay dumating na sila sa Lakeside Café and Restaurant. Naaliw siyang pagmasdan ang lugar sa gabi. Bukas ang mga lanterns na gawa sa native materials at may kandila rin sa bawat mesa. And there was the lake view which looked so exquisite even during night.
“Ah! Parang nagde-date tayo. Parang boyfriend na kita. Naalala mo ba ang sinabi ko sa iyo dati? Na kapag matured na ako, liligawan na kita. Matured na ako, Johann. Pwede na kitang ligawan.”
“Sigurado ka?”
“Na liligawan kita? Oo naman.”
“Sigurado ka na matured ka na?”
“Alam ko na sinabi ko sa iyo na di na kita guguluhin. Akala ko kasi hindi na kita gusto. Nakakatawa nga. Sabi ko sa sarili ko, di kita papansinin kapag nakita kita ulit. Kapag binati mo ako, sasabihin ko lang “Who are you?”.
“Ang natatandaan ko, hindi iyon ang nangyari kanina.”
Ngumisi siya. Kulang na lang ay ikadena niya ang sarili sa baywang nito. “Kasalanan mo kasi. Guwapo ka pa rin.”
“Hindi ako sigurado kung tatanggapin ko ang panliligaw mo.”
Ipinadyak niya ang paa. “Bakit naman? Wala ba akong karapatan na magmahal at mahalin? Masama rin bang sabihin ang nararamdaman ko? Akala ko ba kinikilala ng Pilipinas ang Universal Declaration of Human Rights? May karapatan akong magpahayag ng sarili kong pananaw. Kailan pa naging mali iyon?”
“Don’t give me that, Fridah Mae. Pakiramdam ko malaki ang kasalanan ko kapag binabanggit mo ang human rights na iyan. Pero hindi ka na teenager. I just want you to understand that this is not the right time for me to consider a relationship. Demanding ang trabaho ko. Unfair sa kahit sinong babae na mag-expect sa akin sa ngayon,” paliwanag nito.
“I don’t mind waiting.” Kahit sinong nakikinig sa kanila ay iisipin na siya ang lalaki at ito naman ang babae. “I went through a lot, Johann. May pagkakataon na akala ko di na ako makaka-uwi nang buhay. Kaya pipilitin kong maging masaya hangga’t kaya ko. And you are one of those people who makes me happy.”
Mahabang sandali siya nitong tinitigan. “Ganito ka rin ba sa ibang lalaki?”
“No. I don’t care about other guys, Johann. Too bad, all I care about is you.”
Imahinasyon lang ba na nakita niya ang pagngiti nito bago sumimsim ng red wine? Ano ba ang sagot nito? Magpapaligaw pa ba ito sa kanya o basted agad siya?
“Kaya mo bang bumangon nang five o’clock bukas?”
“Oo. Bakit?” Di baka ipatapon na siya nito sa labas ng riding club dahil nakukulitan na ito sa kanya at ginugulo niya ang trabaho nito.
“Di ka nakanood ng sunset ngayon, pwede na siguro ang sunrise bukas.”