Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 18

CHAPTER 8

“PWEDE bang huwag na lang um-attend sa lesson namin ni Hiro ngayon? Food trip na lang tayo,” yaya ni Jemaikha sa mga kaibigan matapos siyang ayusan. Kalalabas lang nila ng restroom ng UP at binigyan siya ng mga ito ng make over.

“Huwag kang mag-inarte diyan. Di ako dumayo dito para sa isaw. Di naman ako papayag na mawala sa iyo si Hiro nang di ka lumalaban. Nag-cutting classes pa ako para lang matiyak na maganda ka kapag nagharap kayo, ‘no?” sabi ni Rachel at sinipat ang mukha niya. “Ang ganda talaga ng pagkakakilay ko sa iyo.”

“Para namang may pakialam si Hiro sa kilay ko. Tagal na naming magkasama, di naman niya napapansin,” usal niya at bumuntong-hininga.

Nagsisuguran ang mga kaibigan niya sa UP nang banggitin ni Jemaikha ang tungkol sa gustong ligawan na babae ni Hiro. Isang linggo niyang tiniis na tulungan ang binata na mag-translate ng tula mula Japanese sa Ingles at Filipino. Isang linggong umiiyak ang puso sa iba’t ibang lengguwahe habang binabasa kung gaano nito kagusto ang babaeng itinatangi nito. Food trip lang ang usapan nilang magkakaibigan pero nauwi sila sa make over. Mula sa naka-crown braid niyang buhok hanggang sa dress na ipinahiram ni Jacke at ang simpleng make up na nag-enhance ng features niya.

“Saka di ba obvious na parang nagpaganda ako sa kanya?” tanong niya sa mga ito.

“Sabihin mo may iba kang ka-date para di masyadong masakit pag nabasted ka,” sabi na lang ni Cherie.

“Basta walang uurong. Kaysa naman drama-dramahan ka diyan nang di lumalaban. Fight!” sabi ni Mayi. “At kung mabibigo ka man, nandito kami para sa iyo. Makaka-move on ka rin.”

“Move on agad? Di pa nga nagsisimula ang laban,” sabi ni Rushell. “Basta

Niyakap niya ang mga kaibigan bago pumunta sa Sunken Garden kung saan naghihintay sa kanya si Hiro. Natanaw niya ang binata kahit nakatalikod. He had this long shaggy hair and he was tall with lean body. Kahit malayo ay kilala niya ito. Napansin niya na nakatayo ito sa tabi ng picnic blanket na nakalatag sa damuhan at napapaligiran ng mga LED candlelight. It had a romantic feel. Parang makikipag-date ito. Nag-alangan tuloy siya kung lalapit dito. Paano kung nandoon ang babaeng gusto nito at ipapakilala sa kanya? O kaya ay di nito naalala na may lesson sila? Anong gagawin niya?

Akmang hahakbang siya paurong nang humarap sa direksyon niya ang lalaki at kinawayan siya. “Sensei! Konnichiwa, sensei!” tawag ni Hiro sa kanya.

Wala siyang kawala. Napilitan tuloy siyang lumapit dito. Sinalubong siya ng binata. “You look exceptionally beautiful today, sensei.”

Yes! Napansin niya ang ganda. “Thank you.” Kaso baka practice lang ng speech niya iyon. Ayokong masyadong umasa. “Uhmmm… may lesson sana tayo ngayon kaso mukhang may iba kang hinihintay.”

“Wala. Ikaw lang, sensei,” sabi nito at inalalayan siya papunta sa picnic blanket.

“Ano bang meron dito?” tanong niya at tinanggal ang doll shoes bago tumapak sa picnic blanket. “Parang may date naman tayo.”

“Gusto kong pakinggan mo ang tula na ginawa ko.” Sinapo nito ang dibdib. “Baka kasi magkamali ako at di ko ma-recite nang tama.”

Ikiniling niya ang ulo. “Ano ito? Practice sa proposal mo?”

Marahan itong tumango. “Binago ko na ang tula, sensei. I decided to write it in Filipino and English.”

“Binago mo ‘yung isang linggo natin na pinaghirapan?”

“Consider it as a final test on my language skills,” anang binata. “P-Pwede bang pakinggan mo kahit gaano ka-corny?”

Marahan siyang tumango. “S-Sige. Makikinig lang ako,” usal niya at inilagay sa kandungan ang magkasalikop na palad. Nanginginig siya. Na-torture na nga siya nang isang linggo tapos may bago na naman? Wala nang silbi ang ganda niya.

Konting tiis na lang. Matatapos na rin iyan. Sigurado kapag nakapag-propose na siya sa babaeng iyon at sinagot siya, doon na rin siya magpapa-tutor. Makakahanap din ako ng ibang estudyante. Makaka-move on din ako. Kailangan ko lang maka-survive dito.

“Nang una kitang makita, damdamin ko’y kakaiba. Sa gitna ng mataong pool, ikaw na lang ang nakita ng aking mga mata.”

“Sa pool?” tanong niya. Hindi ba doon din sila unang beses na nagkita.

“Parang ikaw ang naging sentro ng mundo ko. Kahit na hindi ko naman alam ang pangalan mo.” He paused. Tumango siya para ipaalam dito na walang problema. Di siya makapagsalita dahil baka mapaiyak siya. Hindi nakakatuwa ang coincidence na sa swimming pool din nito nakilala ang babaeng gusto nito. “Nang nakulong tayo sa metal na kahon, hindi ko nakalimutan nang yakapin mo ako. Para mapawi ang takot mo ay pinagtiyagaan mo ang sintunado kong kanta.”

Metal na kahon. Elevator. Nakulong sila sa elevator. Parang nananadya na ang lalaki. Hindi ba nakulong din kami sa elevator? Di kaya ako ang babaeng gusto niyang ligawan?

Pero mabilis din niyang sinikil ang kilig. Baka kasi nagpa-practice na naman ito ng Filipino at English nito at siya lang ang masasaktan sa huli. Mahigpit ang kuyom niya sa palad habang pilit na nagiging subjective sa saitang pinakakawalan nito. Pero di siya makapag-concentrate dahil nakatitig sa mga mata niya si Hiro. Na parang siya ang kausap nito.

“I want to be with you. I want to spend more time with you. I don’t want to part from you. I don’t want to be your student anymore.” Nahigit ni Jemaikha ang hininga nang hawakan nito ang kamay niya. “Will you be my hime, Jemaikha?”

He called her Jemaikha, not sensei. He wanted her to be his princess. Totoo ba iyon?

“I-Iyan na ba ang sasabihin mo sa liligawan mo?” nanginginig niyang tanong. “O-Okay na iyan. Mapapasagot mo na siguro siya.”

Ngumiti ito. “Ibig sabihin sasagutin mo ako?”

Natigagal siya. “Ahhh… practice na naman ba ito, Hiro? Kailangan mo ba ng opinyon ko bilang tutor mo? Kasi hindi na ito nakakaaliw sa totoo lang. Mag-propose ka na lang sa babaeng gusto mo. Bahala ka na sa buhay mo. Tapos na ang lesson na ito.”

“Hindi ito practice lang. Nasabi ko na sa iyo na ikaw ang gusto ko. This is real.”

“G-Gusto mo ako?” tanong niya.

“I already like you the first time I saw you. You intrigued me when we got trappped at the elevator. Akala ko nga hindi na kita makikita ulit. Hanggang magkita ulit tayo sa UP nang pinagkakaguluhan ako ng mga batang kalye. You intrigued me. Kaya nang alukin mo ako ng serbisyo mo para maging tutor ko, kinuha ko ang pagkakataon kahit na marunong naman akong mag-English at mag-Filipino.”

Naningkit ang mata niya. “Bakit kailangan mo pang magpanggap?”

“I love it whenever you speak Japanese. Gusto kong naririnig ang boses mo. I want to spend more time with you.”

Hindi niya alam kung kikiligin siya o maiirita dito. “Ibig sabihin wala palang kwenta ang lahat ng language tutorial natin dahil alam mo na pala lahat. Mukha lang akong tanga dahil lang trip mong magbayad para marinig ang boses ko. Siguro ‘yung kaibigan mong si Yuan marunong ding mag-Filipino. Ipinilit mo lang sa akin.”

Lumamlam ang mata nito. “Wala akong masamang intensyon. Gusto kong makatulong. Nasabi sa akin ng dating tinuturuan mo na may sakit ang tatay mo at working student ka. I admire your selflessness and loyalty.”

“Pero niloko mo pa rin ako.”

Yumuko ito. “I am sorry. Naiintindihan ko kung galit ka. Akala mo siguro minamaliit ko ang kakayahan mo.”

“Hindi lang iyon. Alam mo ba na isang linggo akong na-torture habang tina-translate ‘yung sulat na sa akin pala? Inggit na inggit ako sa kanya. Tapos kanina akala ko may ibang babae na parang nananadya na kapareho natin ng pinagdaanan. Ang daya mo talaga.” At di mapigilan ni Jemaikha na humikbi. “Parang pinaglalaruan mo lang ako.”

“First time kong manligaw. I tried to be romantic in my own way. Gusto kong sorpresahin ka pero di ka naman pala natuwa,” malungkot nitong usal at yumuko.

“First time mong manligaw?” tanong niya.

“I’ve been too focused with my studies. I had always been focused with my goal. But life has other plans for me. Dumating ka sa buhay ko. I… I don’t know how to deal with my feelings. Hindi ako makahingi ng advice kay Yuan. Mas lalong walang alam sa panliligaw iyon. My other friends are playboys. So I had to deal with my feelings in my own way. Hindi ko intensyon na saktan o insultuhin ka. That’s the last thing I want to do. So allow me to dry the tears in your eyes.”

Hinayaan lang niya ito na pahirin ng panyo nito ang luha niya. She calmed with his gentleness. “Ako talaga ang gusto mo?”

“Yes. Pero maiintindihan ko kung hindi ka masaya sa pagpapanggap ko. I just want a chance to prove my sincerity.”

Nalusaw ang galit sa puso niya. “Sige. Patunayan mo na sincere ka. No more pretenses, Hiro. It might look romantic. Gumawa ka ng paraan para mapalapit sa akin. Pero hindi kita tuluyang matatanggap sa puso ko kung hindi ko alam kung sino ka talaga.”

Umaliwalas ang mukha nito at pinisil ang kamay niya. “Arigatou, Jemaikha-hime,” pasasalamat nito. “I won’t waste that second chance.”

“NAGKAUSAP kami ni Hiro kagabi nang ihatid ka. Gusto daw niyang humingi ng tawad dahil nagpanggap siya na walang alam sa English at Filipino,” sabi ni Mang Elpidio habang pinapainom ito ng gamot bago siya pumasok ng eskwelahan.

Tumaas ang kilay ni Jemaikha. Alam na sa bahay na nanliligaw sa kanya si Hiro pero hindi niya inaasahan na sasabihin nito sa ama ang sekreto nito. “Sinabi po niya sa inyo?”

“Hindi daw niya masabi sa iyo na di siya marunong dahil mukhang kailangang-kailangan mo ng estudyante noon. Tumanggi na siya pero ayaw mo siyang tigilan. Kaya pumayag na rin siya. Saka pasasalamat na rin daw niya iyon sa pagtulong mo sa kanya. Hindi naman intensyonal ang paglilihim niya sa iyo at di rin daw niya gusto na maliitin ang kakayahan mo,” paliwanag ng ama.

“Naniniwala po kayo kay Hiro, Tatay?”

“Minsan kailangan nating magsinungaling o magtago ng katotohanan sa iba para makatulong o kaya para di masaktan ang ibang tao. Ilang buwan nang pabalik-balik dito si Hiro sa atin. Kahit minsan di siya nagpakita ng kawalan ng respeto sa iyo. Sa palagay ko mabuti ang intensyon niya, anak. Di rin lahat ng lalaki aamin sa kasiraan nila sa pamilya ng babaeng nililigawan nila. Nirerespeto rin niya at uunawain kung ayaw ko daw sa kanya para sa iyo.”

“Ano pong masasabi ninyo kay Hiro?” pigil ang hininga niyang tanong.

“Gusto ko siya para sa iyo pero nasa iyo ang desisyon. May tiwala naman ako sa iyo. At kung magiging boyfriend mo man si Hiro, naniniwala ako na priority mo pa rin ang pag-aaral mo.”

Niyakap niya ang ama. “Siyempre naman po. Kaya ako nagsisikap para sa inyo na pamilya ko.” Subalit nagdiriwang pa rin ang puso niya. Pasado na si Hiro sa tatay niya. At iyon lang ang signal na hinihintay niya. Gusto niya na may basbas ng ama niya.

“Jemaikha, nandiyan na si Hiro sa baba. Bilisan mo na dahil baka ma-late pa kayo. Traffic ngayon,” anang tiyahin niya.

Nakangiti niyang sinalubong si Hiro at kinuha nito ang gamit sa kanya. “Aalis na po kami. Aalagaan ko po si Jemaikha,” sabi ng binata.

Saka lang naging malinaw sa dalaga ang lahat ng ginawa ni Hiro para sa kanya. Di man direkta, dati pa siya nito inaalagaan. Ang mga pa-practice-practice nitong hatid-sundo sa kanya at sabay nilang pagla-lunch, pasimple nang panliligaw iyon ng binata. Wala itong ginawa kundi alagaan siya. At nitong huli ay ini-refer siya nito sa mga kakilalang foreign exchange student para turuan niya. Naniniwala ito sa kakayahan niya. Ano pa ba ang hahanapin niya dito?

Hinawakan niya ang kamay nito nang naglalakad sila papunta sa library para sa mag-research sa assignment nila. Nagulat ang binata at nilingon siya. “Bakit?”

“Salamat dahil sinabi mo kay Tatay ang tungkol sa pagpapanggap mo na walang alam sa Filipino at English para lang mapalapit sa akin.”

Kumunot ang noo ng binata. “Gusto kong malaman niya ang lahat sa akin, ang totoong ako. Mahalaga sa akin ang pamilya mo dahil mahalaga sila sa iyo. Para sa akin, sila ang pamilya ko dito sa Pilipinas. Kayo. Ayaw ba niya sa akin.”

“You earn his respect because you told him the truth. Di mo naman kailangang gawin iyon pero lalo ka lang napamahal sa akin sa ginawa mo.”

Tumigil ito sa paglalakad at nilingon siya. “Mahal mo ako?”

Marahan siyang tumango. “Oo. Watashi no anata no daisuki-desu, Hiro-san. Mahal kita.” She tiptoed and planted a kiss on his cheek.

Natigagal ang binata. Parang di pa nagsi-sink in dito na sinagot na niya ito. Ilang beses itong kumurap at saka siya hinawakan sa balikat. “A-Are you my girlfriend now?”

“Hai!” sagot niya.

“Yataaaaa!!!” sigaw nito at niyakap siya nang mahigpit. “May girlfriend na ako.”

Bumulanghit siya ng tawa. Habang ang ibang lalaki ay nagbibilang ng magiging girlfriend, masayang-masaya naman si Hiro na siya ang unang girlfriend nito. She felt special, treasured and cherished.

“I will make you happy, Jemaikha,” anito at kinintalan siya ng halik sa labi.

“Magiging masaya lang ako kung mag-aaral lang mabuti at di mo hahayaang ma-distract tayo ng relasyon na ito. We have our goals. Iyon ang priority natin.”

“Wakarimashita. Naiintindhan ko. Alam ko na priority mo ang pamilya mo. Hindi ako magiging pabigat sa iyo o distraction. Mas gusto ko kung magtutulungan tayo na abutin ang mga pangarap natin. Maging inspirasyon tayo sa isa’t isa.”

Tumango na lang siya at pinisil ang kamay nito. “Salamat, Hiro.”

Nagdadagdag ito ng kaligayahan sa buhay niya. Hindi na niya kailangang hingin dito ang mga bagay dahil kusa na nitong ibinibigay at ginagawa para sa kanya. She was one lucky girl. She had no plans to let him go.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.