Mainit na sikat ng araw na dumadampi sa mukha niya ang gumising kay Fridah Mae. Bumalikwas siya ng bangon at natuliro nang makitang seven-thirty na ng umaga. “Oh, no! Late na ako!”
Dapat ay alas kuwatro pa siya gumising para sa date nila ni Johann. Alas onse na siya nakatulog nang nagdaang gabi dahil humiram siya ng isang pocketbook sa library ni Johann. Di yata niya narinig ang tunog ng alarm clock sa sobrang antok.
Naghilamos lang siya saglit at nag-toothbrush saka nagmamadaling hinagilap si Johann sa kabahayan. Nasa garden ito at tinatadyakan at sinisipa ang punching bag. He was wearing a white pajama. Wala itong suot na pang-itaas.
Nakatulala na lang siya habang pinagmamasdan ito. Every muscles in his body were define. Parang nararamdaman niya ang init ng mga yakap nito. Tiyak na susunod na yakapin siya nito ay matutunaw na siya.
Napansin nito na nanood siya. He gave a final roundhouse kick. “Good morning!” bati nito nang lumingon sa kanya. Kinuha nito ang towel at pinunasan ang pawisang katawan. Nainggit siya sa tuwalya, Sana naging tuwalya na lang siya. Uminom ito ng tubig. “You are late! Anong oras na?”
“Sorry. Kagigising ko lang. Hindi na ba tayo magho-horseback riding?”
“Seven-thirty na. Wala nang sunrise. Sikat na ang araw.”
Nanghinayang siya. “Kasalanan mo ‘to, eh! Di mo ako ginising.”
“Sino ang hindi natulog nang maaga?” tanong nito at ginawa ang cool down routine nito. Parang lalo pa siyang tinatakam ng hudyo sa katawan nito.
“Eleven ako natulog. Maaga pa nga iyon.”
“Bumabawi siguro ng tulog ang katawan mo. Bumawi ka na lang sa akin.”
“O sige. Bukas na lang tayo mag-horseback riding. I will make sure that I won’t be late. Hindi na ako magpupuyat. Promise!”
Tumigil ito sa cool down exercise nito. Lumapit ito sa kanya at hinapit siya sa baywang. “Bakit bukas ka pa babawi? Pwede namang ngayon na.”
He kissed her gently. It was like just a touch of the wind but it seemed to last forever. And she wanted it to last forever. She looped her hand at the back of his powerful neck and opened her lips to give him more access. Babawiin talaga niya dito ang lahat ng na-miss niya sa umagang iyon.
Their first real kiss was just yesterday morning but they were kissing as if they were kissing for eons of years now. Parang pamilyar na pamilyar na siya sa dampi ng labi nito. Her hand caressed his broad shoulder then his chest. It felt so great. Parang kasing tagal na rin paghalik nito sa kanya ang pamilyar na paghaplos niya sa balat nito.
Dumilat siya nang marinig ang maingay na ugong ng doorbell. “Johann…”
“Hmmm…” ungol nito at dinampian ng halik ang mga mata niya.
“Iyong doorbell.”
“Doorbell! What the…” Di na nito naituloy ang sasabihin at nagpunta sa gate. “Lagi na lang killjoy ang doorbell na iyan,” narinig niyang usal nito.
Wala sa sariling hinawakan niya ang labi. Di niya mapigilang ngumiti. She liked Johann’s kisses. Pwede na iyong almusal sa umaga. Maya maya pa ay pumasok na ito kasunod si Jonalyn. Sinubukan niyang pigilan ang pagngiti. Kung di lang dumating si Jonalyn ay baka… sinapo niiya ang pisngi at mahinang humagikgik.
“Sir Johann, pinapasabi po ni Jennifer na dumaan daw kayo sa clinic mamaya bago kayo tumuloy sa stable,” sabi ni Jonalyn.
“Okay. Thank you.”
Nawala ang ngiti sa labi niya nang marinig ang pangalan ni Jennifer. Parang may bumagsak na bato sa ulo niya at nagising siya sa isang magandang panaginip.
Si Jennifer ang girlfriend ni Johann. Si Jennifer ang mahal nito sa simula pa lang. Pero bakit siya hinalikan ni Johann? Paano na si Jennifer? Ano ang gagawin nito sa kanilang dalawa? O naawa lang ito sa kanya dahil muntik na siyang mamatay kaya pinagbibigyan nito ang pagkahumaling niya dito?
“Fridah Mae, sabay sabay na tayong mag-breakfast,” yaya ni Johann.
“Mamaya na. Inaantok pa ako. Matutulog ulit ako,” matabang niyang sabi at bumalik sa kuwarto niya.
Mahal niya si Johann pero kailangang ilagay niya sa tama ang lahat. Di niya kailangan ng awa nito. Kailangan niya ang pagmamahal nito.
Kung di siya nito mahal, dapat ay mapunta ito sa babaeng mahal nito. Sa tunay na mahal nito.
“FIVE minutes lang ako. Promise!” paniniyak ni Fridah Mae sa nurse niyang si Jonalyn. Nagpaalam kasi siya dito na lalabas lang sandali.
“Ma’am, tiyakin po ninyo na five minutes lang, ha? Kung hindi tatawagan ko na si Doc CJ na nawawala kayo,” pahabol nito nang makalabas na siya ng gate.
Bantay-sarado kasi siya kay Johann at sa private nurse niya. ultimo nga pantal na dala ng kagat ng lamok ay tinitingnan ni Johann tuwing magkikita sila. Di daw ito papayag na padapuan siya sa lamok at magkasakit ulit. Daig pa nito ang pagbabantay sa kanya ng pamilya niya. Sa pagdalaw niya sa boutique ni Jenna Rose o sa mga pinsan niya ay kasama niyang lagi si Jonalyn.
Sa pagkakataong ito ay di maaring may iba siyang kasama. She had to take a risk now. Kailangan na niyang harapin ang bumabagabag sa kanya. Her times with Johann was like a dream come true. Pero oras na para gumising sa panaginip.
Pumunta siya sa clinic ng Stallion Riding Club. Pagdating sa lobby ay nakita niya ang kanyang pakay. Nasa counter si Jennifer at tinitingnan ang charts.
“Good morning,” bati niya. Di niya alam kung anong klaseng reception ang matatanggap niya mula dito. Ihahanda na lang niya ang sarili niyang mapahiya kung sakali. After all, she decided to leave the comfort of Johann’s zone. Wala na itong magagawa para protektahan siya sa pagkakataong iyon.
“Welcome back to Stallion Riding Club, Fridah Mae!” nakangiting bati nito sa kanya na ikinagulat niya. “Magaling ka na ba? Naospital ka daw sabi ni Johann.”
Tumango siya. “Tinatapos ko na lang ang medication na kailangan at regular lang dapat ang pag-check sa dugo ko. Jennifer, pwede ka bang makausap.”
Napansin marahil nito na personal ang pakay niya at di kailangang I-discuss sa lugar na iyon. “Sure. Break time ko naman na.”
Tumuloy sila sa Rider’s Verandah na di kalayuan sa clinic. Nagtataka siya sa magandang pakikitungo ni Jennifer sa kanya. Sanay kasi siya na sinisimangutan siya noon o sinusungitan. Baka mabait lang ito dahil ang alam nito ay may sakit siya. Baka mamaya ay di rin nito alam ang sitwasyon nila ni Johann kaya mabait sa kanya.
“Jennifer, ikaw lang ang makakatulong sa akin.”
“Bakit? May masakit ba sa iyo?” tanong nito.
Umiling siya. “Alam mo ba na nakatuloy ako kay Johann ngayon?”
“Oo. Sabi nga daw niya siya muna ang bahala sa iyo. Alam mo naman si Johann, masyadong maalalahanin.”
“Ayaw nga niya akong paalisin hangga’t di daw ako magaling.”
“Anong problema doon?” tanong nito.
Nagulat siya dahil di pa rin ito nagagalit. Ni wala nga siyang mabakas na himig ng selos sa boses nito. O baka di lang nito naiintindihan ang sitawasyon. “Pwede bang pakiusapan mo siya na paalisin na ako dito? Magalit ka naman sa kanya, o!”
Natawa ito. “Bakit ko gagawin iyon? Nasabi niya sa akin na gusto mo nang bumalik sa trabaho. Ayaw niya dahil baka magkasakit ka na naman. Huwag ka nang magpilit na umalis. Mas mabuti nang nandito ka sa riding club. Di pa mag-aalala si Johann sa iyo.”
Wala pa ring epekto. Bakit mabait pa rin ito sa kanya?
“Jennifer, sa bahay niya ako nakatira,” mariin niyang wika. “Kaming dalawa lang. Hindi mo ba naiintindihan ang sitwasyon?” Huminga siya nang malalim nang wala pa rin siyang nakukuhang violent reaction mula dito. “Look! I am in love with Johann. And I will fall in love with him more if we stay in one house.”
“Masama ba iyon?” inosenteng tanong nito.
“Oo! Kasi maraming pwedeng mangyari. Lalaki siya at babae ako sa isang bahay. Ano ka ba naman, Jennifer?” Nafu-frustrate na siya dito.
Bahagya nitong tinakpan ng palad ang labi. “Alam ko na ang inaalala mo. Gusto mo ba na bigyan kita ng pregnancy kit test? Don’t worry. Magiging responsible naman si Johann sa iyo. Saka di ko rin ito ipapaalam sa iba.”
It was getting worse each time. Isang alien na nga ang tingin niya kay Jennifer. “Anong klaseng girlfriend ka ba? Magalit ka naman dahil magkasama kami ni Johann. For all you know, baka pinagsasamantalahan ko na siya. Baka inaagaw ko na ang boyfriend mo.”
Pero sa pananalita nito ay parang ipinagpapamigayan na nito si Johann sa kanya. Kung siya ang girlfriend ni Johann, poprotektahan niya ito mula sa unwanted female attention kasehoda pang magdala siya ng gulok araw-araw.
“Sino ang may sabi na girlfriend ako ni Johann?”
“HIndi mo ba boyfriend si Johann?”
Nagbilang ito sa daliri. “Alam ko six years na kaming break.”
“Pero hindi! Girlfriend ka pa niya!” giit niya. “Sweet na sweet pa nga kayo noong nasa birthday ni Thyago, di ba?”
Natapik nito ang lamesa. “Lagot! Mukhang hindi pa yata kayo nag-uusap ni Johann tungkol sa akin. Wala ba siyang sinabi sa iyo?”
“Malay ko. Basta ang alam ko in love pa rin kayo sa isa’t isa. Ni hindi nga kayo mapaghiwalay noong party.” At di niya makakalimutan iyon.
“Tingnan mo iyon. Di pala sinabi sa iyo ni CJ na pinilit ko lang siya.”
“Pinilit?”
Alanganin itong ngumiti. “Sorry, Fridah Mae. Pinilit ko lang si Johann na maging sweet sa akin. I hate to admit this. I had an affair with a married guy before. Matapos naming mag-break ni Johann, naging boyfriend ko siya. Di pa siya kasal noon pero nagpatuloy pa rin ang affair namin matapos siyang magpakasal. Nang gusto kong kumalas sa relasyon namin, ayaw naman niya. Kaya dito na lang ako nagtrabaho sa riding club para di niya ako masundan. Pero nakita ko siya doon sa party. Gusto pa rin niya akong balikan kaya humingi ako ng tulong kay Johann. We had to pretend that we were a couple.”
“Akala ko kayo talaga.” Naalala pa niya kung paano siyang maging histerikal sa kaiiyak dahil sa sobrang selos. Ibig bang sabihin ay nagselos lang siya sa wala? “A-Ang galing kasi ninyong umarte.”
“Gusto rin kasi akong matulungan ni Johann. Sabi niya, ako lang din ang masasaktan sa huli kapag binalikan ko ang lalaking mahal ko. Kasi hindi tama. Pero akala ko ipapaliwanag niya sa iyo.”
Umiling siya. “Hindi ako nakinig sa kanya.”
Ilang beses na nakiusap sa kanya si Johann na mag-usap sila. Wala siyang ginawa kundi ang tumakas. Nag-conclude agad siya dahil naduwag siya. Naduwag siyang manggaling mismo sa bibig nito na ayaw nito sa kanya.
“Fridah Mae, kung boyfriend ko si CJ aawayin agad kita oras na lumapit ka sa kanya within ten meters. I am still the same. Pero hindi ko ipaglalaban ang isang lalaki na di ko naman mahal. Magkaibigan na lang kami ni CJ ngayon.”
“Ibig sabihin hindi ka talaga interesado sa kanya? Wala kang nararamdaman ni katiting sa kanya?”
Huminga ito nang malalim. “Sana. Kaso noong mag-break kami, sinabi niya na in love siya sa iba. Hinihintay lang niyang mag-mature ang babaeng iyon. At sa palagay ko hanggang ngayon iyon pa rin ang mahal niya.”
“Sino?” tanong niya.
“Nagtatanong ka pa. Ikaw iyon.”
“Wala naman siyang sinasabi, eh!”
Marami namang pagkakataon na sabihin ni Johann na mahal siya nito. Bakit hindi pa nito sinabi sa kanya agad? Matagal na niyang hinihintay iyon.”
“Ikaw na rin mismo ang nagsabi na hindi ka nakikinig sa kanya. Baka di mo siya binigyan ng chance na magpaliwanag. Maybe it is high time that you listen.”
Di nagtagal ay nagpaalam sa kanya si Jennifer at naiwan siyang mag-isa. Okay. So she was so simple-minded to let Johann explain. Masasabi pa kaya nito sa kanya na mahal siya nito? Baka nga isipin nito na sinasayang lang nito ang panahon sa isang katulad niya. Baka iniisip din nito na di pa nga siya matured.
“Fridah Mae!” tawag ni Johann sa kanya.
“Hi!” Kinawayan niya ito. “Gusto mo ng cake? Masarap ang cake nila…”
Di pa siya tapos magsalita ay niyakap na siya nito. “Sabi mo five minutes ka lang na mawawala. It has been half an hour. Nag-aalala na ako sa iyo.”
Ngayon niya mas pinahalagahan ang mga yakap nito. He genuinely cared for her but it ran much deeper than that. Naroon din ang pagmamahal. Bakit ba di niya iyon napansin noon. Maybe she was so focused on her own emotions.
Nakita niya ang private nurse niyang si Jonalyn na maluha-luha habang pinagmamasdan sila. “Johann, mukhang may biktima na naman ang kasungitan mo.”
Nagkibit-balikati ito. “I can’t help it. Hinayaan ka niyang umalis nang di niya sinasabi sa akin kung saan ka nagpunta.”
Hinaplos niya ang nakakunot nitong noo. “Hay! Mabuti na lang at guwapo ka kahit na nagsusungit. Kundi…”
“Kundi ano?” tanong nito at lalong kumunot ang noo.
“Kundi hindi na kita papansinin.” Pinisil niya ang pisngi nito. “Huwag mo na siyang awayin, okay? Kasalanan ko naman.”
“Sa susunod huwag kang aalis nang walang paalam. Hindi ka na mawawala sa paningin ko kapag naulit ito. Di ka na makakalabas ng riding club.”
Yumakap siya sa baywang nito. Iyon naman ang gusto niyang mangyari. Ang di na mawala sa piling nito. Isa na lang ang kulang. Ang sabihin nito sa kanya na mahal siya nito. Maririnig pa kaya niya iyon?
“BILISAN mo, Johann! Ang bagal-bagal mo naman!” kantiyaw ni Fridah Mae dito habang nagmamadaling umakyat sa hagdan. =
“Hey! Dahan-dahan ka lang at baka mapagod ka agad!” anitong nakasunod sa kanya.
“Baka ikaw ang napapagod kaya babagal-bagal ka. Baka hindi na natin maabutan ang sunrise. Bilisan mo na diyan!”
“Masyado ka namang excited,” sabi nito.
“Sayang naman ang pagpunta natin dito sa taas kung di natin mapapanood,” aniyang habol na rin ang hininga. Malamig pa rin ang panahon nang umagang iyon.
Humihingal siya nang makarating sa taas. Bahagya nang sumisilip ang araw at nagsasabog ng liwanag. Di talaga siya magsasawa na panoorin ang tanawing iyon. Parang nagsasabog ang araw ng bagong buhay sa lahat.
Niyakap siya ni Johann mula sa likuran. “Fridah Mae, gusto kong makinig ka muna sa sasabihin ko, ha?”
“Ano iyon?” tanong niya at tiningala ito.
“I used to dislike you a lot because you were one annoying little thing.”
Dinuro niya ito. “Hey, Cedric Johannson…”
Pumalatak ito. “Sabi ko nga sa iyo huwag ka munang maingay. Makinig ka muna bago ka magsalit ng kung anu-ano.”
Lumabi siya. “Tinawag mo kasi akong annoying little thing.”
“Totoo naman na nakakainis ka! Dati di kita pinapansin. Nakakairita ka kasi. Mas gusto kong manahimik sa sarili kong mundo. Tuwing dadating ka binubulabog mo ako. Nagsusungit nga ako sa ibang tao para di nila ako abalahin. Pero ikaw, sa halip na matakot sa akin lalo ka pang nag-iingay. Parang nananadya ka.”
“HIndi ko sinasadya iyon. Maingay lang talaga ako.”
“Hanggang makita kitang umiiyak. Iyong pakiramdam mo na mag-isa ka lang at inaapi ka ng lahat. Di ko alam kung bakit naawa ako sa iyo at naging mabait ako. Kung tutuusin kasalanan mo naman talaga kung bakit ka napahamak noon.”
“I remember when you gave me comfort. Sabi mo pa safe na ako kaya huwag na akong umiyak. That everything will be okay. Parang may sapi nga ang tingin ko sa iyo noon. Iniisip ko tuloy kung ikaw talaga si Johann.”
“At simula noon kinulit mo na ako nang kinulit.”
Malungkot niyang tiningnan ang mga ibong lumilipad. “Pero ayaw mo sa akin noon. Kaya naging girlfriend mo si Jennifer.”
“I told you I hate things that I can’t control. I hate my growing fondness for you. Kung papatulan ko ang kakulitan mo, baka sa huli ikaw na ang kumontrol sa akin. And I don’t want to feel helpless. Di tulad ni Jennifer. Yes, she was a perfect girl. Pwede kong ipagmalaki sa mga kaibigan ko dahil maganda. Wala rin akong emotional attachment sa kanya. Di rin ako natatakot na mawala siya.”
“Kaya mas gusto mong ako na lang ang mawala sa buhay mo?”
“I had to. Bata ka pa noon. Baka naaaliw ka lang sa akin. Di ko alam kung gusto mo nga talaga ako. Marami akong kinatatakutan. At ayokong kainin ako ng takot ko. I was in full control of my life until you came back again. At nanligaw ka na naman. More matured but nevertheless the same free-spirited girl.”
“Naging threat pa rin ako sa iyo?”
“No. Willing na akong tanggapin ang nararamdaman ko. I am falling helplessly in love with you. I let you invade my private world. Hinayaan kitang manggulo pero naging masaya naman ako dahil sa iyo. Ayokong manligaw ka dahil gusto ko naman na iparamdam ko sa iyo na importante ka sa akin. I want to do the courting myself. Pero noong party ni Thyago, di ko nasabi sa iyo dahil kay Jennifer.”
Hinarap niya ito. “Hindi mo na kailangang ipaliwanag. Nag-usap na kami ni Jennifer. At naiintindihan kita. Ako ang may kasalanan dahil di ako nakinig sa iyo.”
Itinulak ng daliri nito ang noo niya. “Parang bata ka. Kung di ka lang umiiyak noon, I wanted to shake you to make you listen.”
Tinakpan niya ang tainga. “Oo na. Kasalanan ko na. Ayoko nang maalala ang kahihiyang iyon. Nakakahiya talaga iyon! Di na ako dapat uminom ng wine. Di kita dapat iko-confront tungkol kay Jennifer kundi lang dahil sa wine. Nawalan ako ng kontrol sa emosyon ko. But it won’t happen again.”
“No. Mas gusto kong malaman kung ano ang nararamdaman mo. Because the real Fridah Mae is transparent. And that’s what I like about you.” Kinintalan nito ng halik ang labi niya. “At kahit ikaw pa ang babaeng pinakamaraming kapalpakan, I will still take you. Because you are one of the few things which makes me happy.”
Niyakap niya ang baywang nito. “That’s so sweet, Johann.”
“Kaya huwag kang magiging normal para palaging masaya ang buhay ko.”
“Parang sinabi mo na dapat magbaliw-baliwan ako para kaligayahan mo.”
“Bakit? Iyon ka naman talaga. You are crazy over me.”
“Hindi ka rin mayabang, Cedric Johannson Cristobal.”
Hinaplos nito ang buhok niya habang puno ng pagmamahal nitong tinitigan ang mga mata niya. “Nang muntik na nang mamatay sa malaria, sinabi ko sa sarili ko na titiyakin ko di mauulit iyon. Isa pa iyan na hindi na mauulit.”
“Yes, Doc!” Then she pressed her body against him.
She didn’t want to lose him either. Not now, not ever.
As a kid, simple lang ang pangarap niyang. Gusto lang niyang mapanood ang pagsikat ng araw. Pero ngayon ay iba na ang pangarap niya. Gusto na niyang manood ng pagsikat ng araw kasama ito. Gusto niyang matiyak na makakasama niya ito sa tuwing may bagong umagang ibinibigay ang buhay sa kanya. At habang yakap siya nito, alam niyang may pagkakataon na maging masaya siya kasama ang lalaking mahal niya.