Maganda na ang takbo ng buhay at career ni Dafhny. She working on her dream project as an interior designer-the reconstruction of Casa Rosa. Pero di dream project ang Casa Rosa dahil sa kwentong-multo na tumatakot sa kanya. And she was definitely scared of ghosts.
Gianpaolo Aragon, a certified babe of Stallion Riding Club offered to guard her. Ito daw ang magpoprotekta sa kanya mula sa masasamang ispiritu.
Pero paano ba mapapanuto ang trabaho niya kung maya’t maya siya nitong inaakit? Magpapaakit na lang ba siya o habambuhay na tatakbo palayo dito?
“So what do you like? The rattan chair, the genie seat or the onion seat?” tanong ni Dafhny sa mga kliyente niya at ipinakita ang mga catalogue ng furniture na ilalagay sa ire-renovate na Lakeside Café and Restaurant. Siya ang interior designer na kinuha nito para mag-renovate ng lugar.
“The circular seat is nice. Nakita ko iyan sa isang Hollywood MTV,” sabi ni Richard Don, ang bagong may-ari ng Lakeside Café sa Stallion Riding Club.
Nais nitong bigyan ng bagong bihis ng Lakeside Café na aakma sa panlasang Pinoy. Masyado kasi itong mabusisi sa details ng interior. Mula sa furniture, paintings at pati sa mga halamang ilalagay ay dapat na may approval nito. Kaya naman bagamat may na-aprubahan na nito ang initial plan ay kailangan pang I-discuss at bigyan ito ng mga choices. He was a perfectionist.
“Ibig sabihin mas mahal dahil lumabas na sa Hollywood. Kunin na lang natin iyong mas mura,” angal ni Danzelle Ann, ang kapatid ng business partner ni Richard Don. Dahil wala sa bansa ang kapatid ay ang dalaga ang tumitiyak na mapo-protektahan ang investment ng kapatid.
“Anong mura? Aanhin ko naman ang mura kung di ganoon kaganda?” kontra ni Richard Don.
“It is my brother’s investment as well. Saka di ka ba natutuwa dahil makakatipid ka pa sa pagsunod sa suggestions ko?”
Nahihilo na siya sa pagtatalo ng mga ito. Wala kasing ginawa kundi magkontrahan nang magkontrahan. Nagkakanya-kanyang pili ang mga ito at sa huli ay di magkakasundo. Sa palagay nga niya ay mas malala ang discussion ng dalawa kapag wala siya. Mahinahon pa kasi ang tono ng mga ito. She wondered how they would run the business. They were almost at each other’s throat!
“Bakit hindi na lang ninyo pag-usapan nang maayos? Ano ba talaga ang priority ninyo? Is it the quality or the price?” tanong niya sa dalawa.
“Maganda naman ang original concept mo, Dafhny,” wika ni Richard Don. “Nakausap ko na rin ang business partner ko at nagustuhan niya.”
“Masyado ngang mahal,” giit ni Danzelle Ann. “Di lang kasi alam ni Kuya na may iba pang mas murang alternative.”
“Kung gusto kong magtapon ng pera, wala kang magagawa. It is my money. At sino ang may sabi na kailangang tipirin ang restaurant ko? Bawal dito ang mura. Bawal dito ang kuripot. This is the Stallion Riding Club, Danzelle Ann,” mariing wika ni Richard Don na nagsisimula nang maubusan ng pasensiya.
“Ano ngayon kung Stallion Riding Club ito?” nakataas ang kilay na tanong ni Danzelle Ann.
“People come here for ambiance and because this place speaks of wealth. They pay a high price for it. Alam nila kung fake o mumurahin ang isang bagay. Bakit ba ako nag-I-invest nang malaki para sa renovation? I want to make an impression. Tapos gagawin mong cheap ang restaurant ko?” angal ni Richard Don.
And he was right. Stallion Riding Club was one of the most prestigious clubs in the country. It was a home for the most extravagant horses and the elite young men in the country. It was a haven for the rich. Idagdag pa na guwapo ang mga lalaki doon. Kaya di lang mga lalaki ang gusto ng makapasok sa prestihiyosong club kundi maging ang mga babae sa buong bansa.
Napaka-istrikto ng pamimili ng members doon. Di basta-basta makakapasok ang kung sino. And to do business at the riding club was an honor. Lalo na sa isang tulad niya na bago pa lang sa industriya ng interior designing.
“Magaling na interior designer si Dafhny, di ba? Kayang-kaya niyang makahanap ng mas murang materials nang di nagmumukhang cheap,” depensa naman ni Danzelle Ann. “Akala mo dahil laki akong rancho di ko alam iyan? Masyado mo naman akong minamaliit! I am not stupid!”
“Di ko sinasabing stupid ka!” sabi ni Richard. “Ang sa akin lang, bakit di ka na lang bumalik sa rancho mo, magpatumba ka ng baka and leave me in peace?”
Tumikhim siya. Mukhang kailangan na niyang mag-referee sa painit nang painit na diskusyon ng dalawa. “I suggest that we discuss this some other time.”
“I am sorry. That woman is testing my patience,” anang si Richard Don.
Sa huli ay napahinuhod na niya ang dalawa na makipag-usap sa kanya kapag sigurado na ang mga ito sa desisyon. Nanlalambot siyang lumabas ng function room. Saka niya natuklasan na papalubog na pala ang araw.
She stopped just outside the wooden lanai overlooking the lake. Kung magkakasundo lang sana ang dalawa ay tiyak na mas magiging maganda pa ang magagawa niya para sa Lakeside Café and Restaurant.
Bakit kailangan bang mag-away ng mga tao sa ganoon kagandang lugar? Sayang naman. Parang ang masarap lang gawin sa lugar na iyon ay mag-relax, kumain at tumingin sa magagandang lalaki.
Inikot niya ang paningin. Lalo na ang lalaking palapit sa kanya. He was tall. Ang alam niya ay nasa 5’10” ito. Malamlam ang mata nito, matangos ang ilong at may kahabaan ang buhok. He also had cute dimples. Lagi pa itong nakangiti dahil alam nitong anmg dimples ang asset nito. Simple lang ang suot nitong light blue polo pero na-emphasize ang matipunong balikat nito. Napatulala na lang siya dito.
Nasira ang mood niya nang matuklasan si Gianpaolo Aragon iyon. Biglang nasira ang magic ng kaguwapuhan nito at ng papalubog na araw.
“Hello, Dafhny!” bati nito. “Caught in the crossfire again?”
“Yeah! Kaya medyo late na akong makakabalik sa Manila,” malamya niyang sagot. “Hanggang ngayon di pa rin sila magkasundo.”
“You look tense. Why don’t we have dinner instead?” he asked in a soothing voice. Nanghahalina. Isa iyon sa mga pang-akit nito sa mga babae. Ang maganda nitong boses. And she hated its temporary effect on her.
Tumuwid siya nang tayo. “No, thanks. Uuwi na lang ako. Baka mamaya isipin pa nila na girlfriend mo ako.”
“HIndi ba maganda ngang isipin nila na boyfriend mo ako? You should be honored, Dafhny.”
Tumaas ang kilay niya. Parang pumayag na rin siyang matatakan ng sumpa nito. Para sa kanya, ang isang inosenteng dinner kasama si Gianpaolo ay di niya dapat na payagan. Tingin kasi niya ay may gayuma ito.
She and Gianpaolo grew up together. He was twenty-nine at the moment and one of the most promising architects in the country. And as one of the members of the Stallion Riding Club, nadagdagan ng sampung beses ang mga babaeng gustong magpakamatay dito. Kaya lumobo ang kayabangan nito.
Malapit ang mga pamilya nila. Sila lang ni Gianpaolo ang hindi close dahil madalas siya nitong inisin. Nang mag-eighteen siya ay niligawan siya nito. Pero dahil kilala ito bilang playboy ay binasted niya ito. Kung di lang sana ito playboy, tiyak na magugustuhan niya ito.
Who wouldn’t fall for Gianpaolo Aragon? Mga babae lang siguro na tulad niya na di uto-uto at di nagpapadala sa kaguwapuhan lang ng isang lalaki ang di papatol dito. And she was glad that she was wise enough not to.
“Honored? No thanks. Magtatrabaho na lang ako,” aniya at naglakad sa wooden pathwalk patungo sa parking lot.
Bumuntong-hininga ito. “Trabaho na naman ang iniisip mo. Kaya wala nang lalaking lumalapit sa iyo. Mabuti nga at may Gianpaolo Aragon na nag-o-offer ng dinner sa iyo. Magpasalamat ka sa biyayang lumalapit sa iyo.”
Tumigil siya sa paglalakad at nakangising hinarap ito. That was Gianpaolo. He thought that he was God’s gift to women. At sa palagay nito ay isang malaking karangalan para sa tulad na tapunan ng atensiyon nito.
Tinapik niya ang pisngi nito. “I am sorry I have to crush your pride, Gianpaolo. But you are not worth the heartache.”
Nasapo nito ang dibdib na animo’y nasaktan. “Ouch! That hurts! Parang sinabi mo naman na playboy ako.”
“Wow! Hindi ka nga ba playboy?”
Hindi pa rin nawawala ang sakit sa mga mata nito. “Ilang beses mo na ba akong ni-reject, Dafhny?”
“Siguro nasa fifty times na.” Tuwing lumalabas ito o nagpapa-cute sa kanya ay isang malakas na “HINDI” ang sagot niya.
“Fifty times lang ba?” Naipaisip pa ito at nagbilang. “Alam ko nasa seventy na sabi ng diary ko. Simulan mo noong high school ka pa.”
Tinapik niya ito sa balikat. “Ano ang ibig sabihin noon? Huwag mo na akong yayain dahil sa susunod na bilang mo, isang daang beses ka na palang na-reject.”
And it was definitely not good for Gianpaolo’s ego. Hanga nga siya sa tatag ng loob nito. Hanggang ngayon ay di pa rin nadi-discourage sa panre-reject niya.
Hinaplos nito ang pisngi niya at tinitigan siya na parang gusto siyang tunawin na parang kandila. “You will say yes to me someday, Dafhny. Put that in mind.”
Inirapan niya ito. “I am leaving! See you around, Gianpaolo!”
“Pare, nabasted ka na naman?” naulinigan niyang tanong ni Thyago, ang polo manager ng riding club.
“Shut up! Kung wala kang masabing maganda, manahimik ka!” angil ni Gianpaolo habang ihinahatid siya ng tanaw.
Nakahinga siya nang maluwag nang makalayo na ang kotse niya. She was finally safe from Gianpaolo. Kung tumagal pa ng sampung segundo ang pagtitig niya sa mata nito, tiyak na nahipnotismo na siya nakikipag-date na dito. And she would surely regret it for the rest of her life.
“HAYDEN, I want to confirm the delivery of the furniture tomorrow at Lakeside Café. I have my assistant at the site. Siya na ang bahalang mag-discuss sa iba pang kailangang I-deliver sa restaurant,” wika ni Dafhny sa owner ng furniture company na siyang gumagawa ng furniture para sa mga projects niya.
Ilano International was the top choice of her clients. Dahil maging sa Hollywood ay nagagamit ang mga creation nito. Isa pa ay member din ng Stallion Riding Club ang general manager na si Hayden Anthony Ilano. Pili lang ang mga furnishings na ginagawa nito kaya naman mahal.
“Finally, nakapag-decide na rin ang dalawa,” tukoy nito kina Richard Don at Danzelle Ann. “Mabuti at ikaw ang nakikipag-usap sa kanila. Those two might give me a migraine. Mabuti at nakakatagal ka sa mga giyera nila.”
“Nasanay na akong maging referee. Nagawa nilang mag-compromise.” Kaya naman nasimulan na niya ang renovation ng Lakeside Café and Restaurant.
Nire-review pa niya ang mga floor plan na gagamitin para sa ibang projects nang lapitan siya ng mommy niyang si Patricia at may dalawang mga bala ng DVD. “Hija, it’s Sunday night! Tama na iyang trabaho. Mabuti pa manood na lang tayo.”
Libangan na nilang pamilya na manood ng pelikula tuwing Linggo ng gabi. Nag-iisa siyang anak at tanging tagaaliw ng mga magulang niya.
“Anong movies iyan, Mommy?” tanong niya at yumakap sa baywang nito.
“Sukob at Feng Shui. Bigay ni Gianpaolo ang mga iyan.”
Nahindik siya. “Ayoko niyan, Mommy! Di na lang ako manonood.”
“Natatakot ka na naman? Pelikula lang iyan. Hindi naman totoo,” pang-aayo nito sa kanya. “Sige na. Huwag ka namang killjoy. Excited na kami ng Daddy mo.”
At siya pa ngayon ang killjoy dahil natatakot siya sa mga horror films. Alam naman niyang grateful ang mga magulang niya dahil sa pagiging malambing ni Gianpaolo sa mga ito. Pero di niya kailanman maa-appreciate iyon.
“Next time na lang, Mommy. Bibili ako ng mas magandang movie, okay?”
“Tiyak na magtatampo si Gianpaolo kapag di ka nanood.”
“Ako na ang bahala sa kanya, Mommy,” aniya at humalik sa pisngi nito. Nang mapagsolo sa kuwarto ay tinawagan niya si Gianpaolo. “Ano na naman ang DVD na ibinigay mo kina Mommy?”
“Bakit? Maganda naman ang Sukob at Feng Shui, ah! Mas maganda pa siya kaysa sa ibang mga horror films sa ibang bansa,” depensa ni Gianpaolo.
“Shut up! I won’t fell for your trap!” Dati ay nanood siya ng The Ring na bigay nito. Binangungot siya ng isang linggo.
“Gusto mo siguro akong makasamang manood para mayakap kita, no?” nanunukso nitong tanong. “Sige, sa susunod kasama mo na ako. Yayakapin kita para di na ako matakot. Katawan ko lang ang habol mo.”
“Hoy, ilusyunadong basted! Huwag kang ambiyoso. Ipakain ko pa sa mga tiyanak iyang katawan na ipinagmamalaki mo.”
“Huwag! Maraming babaeng luluha kapag ginawa mo iyon.”
Ngumisi siya. Kung tutuusin ay ito ang number one na kinatatakutan niya kaysa sa mga horror films. Nakakatakot na tangayin ng hangin nito.
“Come on! Luluha sila sa tuwa. I did them a favor. Di mo sila mabibiktima.” Saka siya humalakhak ng nang-iinis. “O, paano? Saka mo na lang ako inisin, ha? Sa susunod tiyakin mo na di ako makakalusot.”
Tatawa-tawa niyang tinapos ang usapan nila at binuksan ang email. It was a ritual that she usually does. Tuwing gabi na lang kasi niya nabubuksan ang personal email niya. Sa umaga ay ang business email lang niya ang naasikaso niya.
Nagtaka siya nang dumating ang isang email mula kay Gianpaolo.
Subject: I’m sorry.
Nagtaka siya. Isa yatang himala. Nagso-sorry ang kumag. Siguro dahil na-realize nito na wala naman itong mapapala sa pang-iinis sa kanya.
Nang buksan niya ang email ay may video na nakalagay doon.
Something to cheer you up.
Kumunot ang noo niya nang mabasa ang mensaheng iyon. Matiyaga naman siyang naghintay sa paglabas ng video.
Una niyang nakita ay isang kuwarto… mukhang abandonado ang lugar. Lumipas ang ilang segundo ay wala namang nangyayari. Hanggang makita niya ang isang puting bagay na gumalaw. Mabilis iyon. Nang ganap na lumapit ang bagay camera ay mukha iyon ng isang babae na nanlalalim at nangingitim ang mata. Nangingitim din ang ngipin at sabog-sabog ang buhok. Isang white lady.
Napatili siya nang malakas na bumulabog sa buong kabahayan. Kasunod niyon ay ang malakas niyang sigaw habang mangiyak-ngiyak siya.
“I hate you, Gianpaolo!”