Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 199

“She’s really a slut!”

Halos maggiyagis ang ngipin ni Liyah habang pinagmamasdan ang larawan ni Eyna kasama si Florence Cerudo. Hindi ang mga kaibigan nitong babae ang kasama nito sa Phuket kundi si Florence.

“Matagal na siyang gusto nito Florence. Ayaw lang ng parents ni Eyna sa kanya. At ngayong kasal na si Eyna at nawalan na ng hold kay Eyna, magagawa na nila ang kahit anong gusto nila. Alam mo ba na binili rin ni Florence ang gustong beach house ni Eyna sa Phuket at iniregalo dito?”

Gusto niyang maiyak sa matinding sama ng loob. Nasa isang sulok sila ng restaurant sa Siam Polo Park. Hindi siya makaiyak dahil baka may makakita sa kanila. Subalit masamang-masama ang loob niya.

“The bitch is doing it for money! Ni hindi niya naisip na mahal na mahal siya ng kuya ko at ito ang igaganti niya.”

“May mga babae na walang pakialam sa estado nila basta magkapera lang o kaya sumikat. At marami akong nakilalang katulad nila dito sa Bangkok. Siguro kaya pinakasalan niya si Elvin dahil alam niyang maraming pera.”

“My brother wants to save up for the future. Pangarap nga ninyong magtayo ng sarili ninyong polo farm, hindi ba?”

“Pero masyadong maluho si Eyna. At ang hindi maibigay sa kanya ng asawa niya, hahanapin niya sa iba.”

Nakuyom niya ang palad niya. “Kailangang malaman ito ni Kuya Elvin!”

“Anong dapat kong malaman?” untag ni Elvin sa kanila.

“K-Kuya!” gulat niyang bulalas.

“A-Andiyan ka pala, pare,” wika ni Thyago.

Di nila alam ang gagawin dahil hindi pa naman sila handang sabihin kay Elvin ang totoo. Gusto pa sana nilang makahanap ng mas matibay na ebidensiya bago sabihin dito.

“O, bakit parang putlang-putla kayo. Ano ba ang kailangan kong malaman?” Dumako ang tingin nito sa nakakalat na pictures sa table. “Ano iyan?”

“Kuya, ano…”

Bago pa nila ito napigilan ay dumampot ito ng isang picture. Naningkit ang mga mata nito. Nakuha nito ang picture na naglalakad habang magkahawak-kamay si Eyna at si Florence sa beach.

Naningkit ang mata nito at tiningnan ang iba pang pictures. There was disbelief in his eyes. “Anong ibig sabihin nito?” pasigaw nitong tanong.

“Sweetheart, what’s wrong?” tanong ni Eyna na naroon din pala. Mukhang magkasama itong magla-lunch at ang kapatid niya.

Halos malukot ang picture na hawak ni Elvin sa tindi ng galit nito. “Anong ibig sabihin ng mga pictures na ito?” At galit na hinarap si Eyna.

Namutla rin si Eyna nang makita. “H-Hindi ko alam.”

“Akala ko ba mga kaibigan mo ang kasama mo sa Phuket?”

“Oo. Nagkataon lang na nagkita kami ni Florence doon dahil may beach house din siya. Hindi ko alam kung bakit pictures lang namin na magkasama ang nandito. Pinagbibintangan mo ba ako na nagtataksil sa iyo?”

“Hindi ba niloloko mo naman talaga ang kapatid mo?” aniyang di na napigilan na sumingit. “Kitang-kita naman sa ebidensiya.”

“Matagal na kaming magkakilala ni Florence pero di ibig sabihin may ginagawa kaming masama,” protesta ni Eyna. “Masyado lang silang malisyoso para isipin na may relasyon kami. You know that I love you, Elvin.”

“Mamahalin mo pa rin ba ang kapatid ko kahit na wala na siyang pera at hindi na niya maibibigay ang luho mo? Sigurado ka na hindi mo siya iiwan para kay Florence Cerudo na mas hamak na mas maraming pera?” tanong niya.

Mangiyak-ngiyak siyang hinarap ni Eyna. “Bakit ginagawa mo ito sa akin, Liyah? Bakit gusto mong maghiwalay kami ng kapatid mo?”

“Because you don’t deserve my brother.” Those tears irritated her. “Huwag mo na kaming paikutin dahil alam na namin ang kulay mo.”

Humagulgol ito ng iyak. “Why are you hurting me? Alam ko naman na hindi mo ako gusto, Liyah. Pero bakit hindi mo kami patahimikin ni Elvin. Sinusubukan ko naman na maging mabuting asawa sa kanya.”

“Eyna, be fair! Nandito na ang lahat ng ebidensiya. Niloloko mo ang kaibigan ko,” anang si Thyago na hindi na rin nakapagtimpi.

Sa gulat nila ay sinugod ni Eyna si Thyago. “I hate you! I hate you!”

“Eyna, ano ba ang nangyayari sa iyo?” anang si Elvin at pinigilan ito.

“Hindi mo ba nakikita, Elvin? Magkasabwat sila para paghiwalayin tayo. Your sister wants to get rid of me. Nagseselos siya sa atensiyon at pagmamahal na ibinibigay mo sa akin. Habang hindi naman matanggap ni Thyago na mas pinili kita kaysa sa kanya,” bintang ni Eyna.

Nanlaki ang mata niya. “No! That is not true!”

Nakuyom ni Elvin ang palad. “May gusto ka pa rin sa asawa ko?”

Itinaas ni Thyago ang mga palad. “Elvin, hindi ko gagawin ang sinasabi niya. We went out once and that was as far as we went. At kahit kailan hindi kita tatraidurin para lang sa babae.”

“Ang sabi mo hindi ka papayag na mapunta ako sa iba. Na gagawa ka ng paraan para bumalik ako sa iyo. Kaya ganito ang ginagawa mo sa amin ni Elvin. Kahit kailan hinding-hindi kita mamahalin,” bulalas ni Eyna.

“What?” di makapaniwalang usal ni Thyago.

Nagulat sila nang lumipad ang nakakuyom na kamao ni Thyago at tumama sa panga nito. Bumagsak si Thyago at mabilis niya itong dinuguan. Nagimbal siya nang makita niyang dumudugo ang gilid ng labi nito. Mabilis naman na umawat ang mga tao sa paligid dahil gusto pa ring sumugod ni Elvin.

“Kuya, bakit ginawa mo iyon?” sigaw niya.

Dinuro sila ni Elvin. “Pinagkakatiwalaan ko kayong dalawa. Pagkatapos ganito pa ang gagawin ninyo sa akin?”

“Mas pinaniniwalaan mo pa rin siya kaysa sa amin?” di makapaniwala niyang wika. “Hindi naman nagsisinungaling ang mga pictures, ah!”

“Walang dahilan si Eyna para lokohin ako,” mariing wika ni Elvin. “Habang gusto ninyong sirain ang kaligayahan ko.”

“Hindi ka magiging masaya habang kasama mo ang babaeng iyan, Kuya! Bakit hindi mo buksan ang mga mata mo?” Ni hindi man lang nito naisip ang pagmamalasakit niya dito. Sila pa ang nabaligtad at lumalabas na masama.

“She is my wife!” Mahigpit na niyakap ni Elvin si Eyna. “At poprotektahan ko siya mula sa inyo. I won’t allow you to hurt her.Siya ang pinaka-importante sa akin.”

“You are crazy, Elvin!” bulalas ni Thyago at nagpilit na tumayo.

“Shut up! Ayoko nang makita ka pa kahit kailan. Traidor kang kaibigan.” Nilingon siya ni Elvin. “And you are leaving my house, Liyah.”

Isang malaking bato ang dumagan sa didbib niya. Pinapaalis na siya ng kapatid niya sa bahay nila at sa buhay nito. “W-Wala akong kasalanan, Kuya.”

Gusto lang naman niyang tigilan na ng asawa nito ang panloloko dito. Her brother was living in a dream without knowing that it was really a nightmare. Tuluyan na itong nabulag sa pagmamahal nito at walang kinikilala.

“Let’s go, Liyah!” Hinila siya ni Thyago palayo. “Wala nang nakilala ang kapatid mo kundi ang babaeng iyon.”

NAKAPLAKDA si Liyah sa kama. Natuya na ang luha sa pisngi niya habang nakatitig sa eleganteng kisame ng hotel na tinutuluyan niya. Ilang oras na mula nang umalis siya ng bahay bitbit ang ilang piraso ng damit niya. Hindi naman niya kayang hakutin ang lahat ng gamit niya pero babalikan din niya iyon kapag may tiyak nang plano.

Nag-ring ang doorbell. Hindi naman siguro iyon ang hotel staff. At isang tao lang ang sinabihan niya kung nasaan niya. Si Thyago.

Dali-dali niyang binuksan ang pinto. “Liyah!” Niyakap siya nito. “Are you okay? Nag-alala ako dahil di mo agad sinabi kung nasaan ka.”

“Umalis na ako sa bahay. Hindi ko alam kung saan ako pupunta. Basta ayoko na munang makita si Kuya.” Sabi niya ay di na siya iiyak subalit napaiyak siya nang maramdaman ang mainit na yakap nito.

Si Thyago na lang ang kakampi niya nang mga oras na iyon mula nang talikuran siya ng kapatid niya. Dahil tulad niya ay naging biktima din ito ng pagpili ng kapatid niya kay Eyna at paniniwala sa kasinungalingan ng babae.

“Kaya mo bang mag-isa, Liyah?”

Tumango siya. “Gusto ko na ngang kumuha ng apartment. Kung tutuusin kaya ko naman talagang mag-isa. Ako pa nga ang nag-aalaga kay Kuya.”

“Mas gusto mo ba talagang lumayo sa kanya?”

Huminga siya nang malalim. “Kakayanin ko. To be accused of being a liar was too much. Di ko matatagalan na manatili sa isang lugar habang sinungaling ang tingin niya sa akin. Magsama sila ng asawa niya.”

Napakagaling talagang magpaikot ni Eyna. Sila pa ni Thyago ang nabaligtad ngayon. Sila pa ang masama. Sayang lang ang pagmamalasakit nila.

Mahigpit na hinawakan ni Thyago ang kamay niya. “Liyah, I am leaving Thailand soon. Tinapos ko na ang kontrata ko sa King Power.”

“What? Aalis ka na?” Nangilid ang luha niya. Akala niya ay kaya na niyang mag-isa. Pero di niya kaya na mawala rin si Thyago sa buhay niya. Ito na lang ang nag-iisang naniniwala na di siya sinungaling.

“Magkikita lang kami ng kapatid mo dito. Masisira ang diskarte ng team dahil sa differences namin. And I don’t want to hurt him anymore.”

Niyakap niya ito nang mahigpit. She didn’t want to let go. “P-Paano na ako? Ikaw na lang ang inaasahan kong kakampi.” She didn’t know how to survive now.

“Gusto mo bang sumama sa akin?”

Inangat niya ang tingin. “Saan?”

“Stallion Riding Club.”

TAHIMIK na pinagmasdan ni Liyah si Thyago habang pinatatakbo ang kabayo nitong si Cerro Rico para sa morning exercise. It was five thirty in the morning. Umaga pa lang ay nasa paddocks na siya at pinanonood ito. Pangatlong araw na niya iyon sa Stallion Riding Club kung saan pansamantala siyang tumutuloy sa guesthouse.

Maya maya pa ay naglalakad na lang si Cerro Rico at pinalakad ni Thyago palapit sa kanya. “Good morning! Masyado naman yatang maaga ang fan ko na dalawin ako,” nakangi nitong sabi.

Hinaplos niya ang ulo ni Cerro Rico. “Excuse me. Hindi ikaw ang gusto kong makita kundi si Cerro Rico.”

Dalawang linggo na si Thyago sa Stallion Riding Club nang sumunod siya. Tinapos lang niya ang major polo competition bago umalis sa team. Marami ang nagprotesta at nanghinayang. Subalit buo na ang desisyon niya na pumunta sa Pilipinas para baguhin ang buhay niya.

She needed to reassess her self. Ano ba talaga ang gusto niya? She knew that she loved working with horses. Pero di niya tiyak kung gusto nga ba niyang maglaro ng polo o dahil iyon lang ang gusto ng kapatid niya.

Tumutol din ang kapatid niya subalit huli na. Buo na ang desisyon niya na lumayo dito. Pinili niya ang walang katiyakang buhay sa Pilipinas.

“Teka, ibig sabihin karibal ko pa ang kabayo ko sa iyo?” bulalas nito.

“Why not? He is a certified stud!” nakangiti niyang usal.

“Well, gusto ko lang ipaalala sa iyo na ngayon ang araw ng interview mo. You have to meet Saskia at eight in the morning at Artemis Riding Center.”

Sa Artemis Riding Center siya na pag-aari ng world-renown equestrian na si Saskia siya nag-apply bilang instructor at horse trainer. At mamaya na ang final interview niya. Si Saskia mismo ang kakausap sa kanya.

Nasapo niya ang dibdib. “Bigla naman akong kinabahan,” sabi niya habang nag-aagahan sila sa Lakeside Café and Restaurant.

“Bakit ka kakabahan? You are good, Liyah.”

“Look! There’s always my brother to back me up. Pero ngayon, sariling kakayahan ko na lang ang pwede kong maasahan.”

Tinapik nito ang kamay niya. “Hey! I am positive that you can do it.”

Ngumiti siya. Bagamat gusto niyang maging independent, di niya kakayaning mag-isa nang wala si Thyago. Lagi nitong pinalalakas ang loob niya.

“Paano kung hindi niya ako matanggap?”

Lumingon ito sa lake. “Hmmm… pakasalan mo na lang ako. Bigyan mo ako ng tagapagmana. And I will provide everything for you.”

“Shut up!” bulalas niya at inirapan ito.

Subalit nagugustuhan na niya ang Stallion Riding Club. It was relaxing. Isa iyong magandang lugar para makapagsimula si Thyago. At inaasahan niya na magkakaroon din ng magandang simula para sa kanya.

“Good morning!” bati ng isang matangkad at guwapong lalaki sa kanila na parang laging nakangiti ang mga mata. Kasama nito ang isanga magandang babae na berde ang mga mata. “You must be the new polo manager. I am Reichen Alleje and this is my girlfriend Saskia.”

Kadarating pa lang ng mga ito sa Austria kung saan madalas dumalaw si Reichen sa Spanish Riding School. He was a dressage master. Habang si Saskia naman ang may-ari ng pamosong Artemis Equestrian Center. A perfect combination.

Kinamayan ni Thyago ang dalawa. “It is a pleasure to meet you. This is my friend Liyah Kintanar. She used to play for King Power polo team.”

Kinamayan siya ni Saskia. “You are applying for our riding school, right? Sigurado ka na ang isang promising polo player sa amin magtatrabaho.”

“Yes. Nakita ko na ang school ninyo kahapon. And I like it.”

“Liyah, our riding school doesn’t offer any polo lesson. Leisure riding ang madalas na kinukuha sa amin. We really need instructors for young ladies and kids. Is that okay with you?”

“Yes.” Pakiramdam niya ay nasa final interview na siya.

“The salary isn’t that high compare to your previous job.”

“I don’t mind. I just need a job for now. At hindi ako mapili sa trabaho.”

Gusto niyang magkaroon din ng experience na bago kumpara sa mga dati na niyang karanasan. At iyon ang ibibigay sa kanya ng Artemis Equestrian Center.

“I guess she will be a great asset, Saskia,” komento ni Reichen. “Pwede rin namin siyang hiramin dito sa riding club kung kinakailangan.”

Nagkibit-balikat si Saskia. “Okay. You are hired.”

“R-Really? Pero mamaya pa ang final interview.”

“I like you. Reichen is right. Magiging asset ka ng riding school. Please bear with us, Liyah,” wika ni Saskia.

Umiling siya. “No. Ako po ang magpapasalamat dahil tinanggap ninyo ako. I promise that I won’t disappoint you.”

“Sinabi ko na sa iyo na pipiliin ka nila,” wika ni Thyago nang maiwan sila.

“Paano? Iiwan na kita dito pero di ibig sabihin makakatingin ka basta-basta sa ibang babae. Magkapit-bahay lang ang riding school at ang riding club. Lagot ka sa akin kapag nakipag-date ka sa iba.”

Tumikhim ito. “Sandali. Bakit bigla ka yatang naging possessive sa kaguwapuhan ko? Parang girlfriend na kita, ah!”

Natigilan siya. Di niya alam kung bakit iyon ang lumabas sa bibig niya. Maraming naglipanang babae sa riding club. And most of them were predators. Naghahanap ng guwapo, mayaman at tatanga-tangang lalaki na masisila. Women like Eyna who destroyed her brother.

“Ayoko lang na matulad ka sa kapatid ko, Thyago.”

“Liyah, parang di mo naman ako kilala. Sa palagay mo ba tatawagin mo ba sa tanda kong ito mauuto pa ako ng babae?”

“Basta huwag ka ngang magpapaloko sa babae.”

“Kung ikaw naman ang manloloko sa akin at hahabulin mo lang ang katawan ko, walang problema sa akin. Okay lang sa akin na pagsamantalahan mo.”

Nagtayuan ang balahibo niya nang pumikit ito. Parang nag-aanyaya na halikan niya ito. He really looked delectable enough to eat. He was simply the kind of man that she couldn’t ignore.

She wanted to kiss him but she stopped her self. Di iyon ang tamang lugar at oras para doon. Di iyon ang oras para sa eskandalo.

Tinapik niya ang pisngi nito. “Umayos ka nga! Ang aga-aga.”

“Ibig sabihin kapag di na maaga okay lang?”

“Thyago Palacios, you are incorrigible!”

But she was glad that he was a part of the new chapter in her life.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.