Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 198

Mainit ang panahon sa Thailand dahil kasagsagan ng summer. Alas sais na ng gabi pero di pa rin tuluyang lumulubog ang araw. Pinili na lang ni Liyah na maglakad pauwi. Pagkakataon na rin niya iyon para mapag-isipan ang problema ng kapatid. Dapat ba siyang manghimasok sa problema para tulungan ang kapatid niya.

Ilang araw na kasi itong di kinikibo ni Eyna. Di lingid sa kanya na nasasaktan ang kapatid niya pero pinipili na lang nitong manahimik.

Sa di kalayuan ay narinig niya ang pagkakaingay ng ilang mga kababaihan sa may paddock. Ang alam niya ay katatapos lang din ng practice match ng mga male polo team. “Go out on a date with me, Thyago. Just for a night.”

Halos iyon ang pakiusap ng lahat. Lalong dumami ang followers ni Thyago nang mag-asawa ang Kuya Elvin niya. Nasolo na nito ang atensiyon ng mga babae dahil ito ang walang permanenteng girlfriend.

Kung tutuusin nga ay mas simple pa ang problema nito kumpara sa kapatid niya. At mukhang kahit kailan ay di nito magiging problema ang ma-in love dahil di ito mai-in love. Mas simple nga yata ang mundo kapag walang pag-ibig.

“Liyah!” narinig niyang tawag sa kanya ni Thyago.

Lumingon siya sa direksiyon nito. Nasa gitna ito ng mga babaeng halos nakayakap na dito. He surely loved all those female attention. “Hi!”

Ngumiti siya at kumaway dito saka ipinagpatuloy ang paglalakad. May pagkakataon na nararamdaman niyang espesyal siya kay Thyago tulad nang pumunta ito sa tournament niya sa Netherlands para sa kanya. But there were times when she felt like she was just any ordinary girl in his life.

“Liyah!” tawag ulit nito sa kanya. Nakita na lang niya ito na pilit na kumakawala sa babaeng nakapulupot dito. Maya maya pa ay tumakbo na ito palapit sa kanya. “Saan ka pupunta?”

“Uuwi na ako. Napagod ako sa training namin, eh!”

“You can’t go home yet. We still have a date, remember? And you are late!”

Nagulat siya. “Late with our date? What date?”

Sa halip na sagutin ang tanong niya ay hinawakan nito ang balikat niya. Then he claimed her lips in a hot, passionate kiss.

Nanlaki ang mga mata niya. That kiss was really unexpected. Awtomatikong tumigil ang isip niya sa paggana. Maging ang mga pag-aalala niya tungkol sa kapatid niya ay nakalimutan niya. All she felt was sensation.

Sa tinagal-tagal nilang nagkakilala ni Thyago, noon lang siya nito hinalikan nang totoo. Drat! Bakit noon lang? She felt like she missed a lot in her life.

“Is she your girlfriend?” narinig niyang tanong ng isang babae.

“Liyah Vitaliz of King Power Women?” anang isa pang babae.

Napadilat siya. Parang isang panaginip lang ang lahat. At naririnig na niya ang mga mumunting bangungot. Hinalikan siya nito at nakita ng mga babaeng iyon? Bakit ba nawala siya sa sarili niya at nakalimutan niyang may mga tao?

Awtomatikong naghiwalay ang labi nila ni Thyago. There was a smile on his lips. Parang balewala lang ang mga tanong dito habang siya ay di alam kung ano ang gagawin. He kissed her. At ngayon ay sa kanya na naka-focus ang mga fans nito.

Inakbayan siya ni Thyago. “Yes, Liyah is my girlfriend. That’s why I can’t go out with you, girls.”

Nakatulala na lang siya habang nakatitig sa guwapong mukha ni Thyago. Ano bang sinasabi nito na girlfriend siya nito? Hindi na niya maintindihan kung ano ang nangyayari. Di pa nga siya nakaka-recover sa halik nito, heto at girlfriend na rin siya nito. At di niya maintindihan kung bakit sa halip na magalit ay kinikilig pa siya.

Umayos ka, Liyah. Nahalikan ka lang, di ka na normal, sermon niya sa sarili.

Bumakas ang disappointment sa mukha ng mga babae. “Oh, that’s too bad. You are already taken,” anang isa at naglakad palayo.

“Well, we’ll just wait until you two break up,” anang isa pa at iniwan sila.

“Thank God! It’s over! Whew!” usal ni Thyago. “Mabuti na lang dumating ka. Kundi baka nilamon na nila ako nang buo.”

Saka lang niya naintindihan ang lahat. It was all a pretense. Gusto lang nitong itaboy ang mga babaeng nagkakandarapa dito.

Hinampas niya ito sa balikat. “Ah! So hinalikan mo ako at sinabing girlfriend para lang sagipin ang sarili mo. How dare you!”

“Bakit? Gusto mo bang totoong girlfriend kita?”

That was a nice idea. Bakit hindi? Kung totoong girlfriend siya nito, wala namang problema sa kanya. Inirapan niya ito. “Sana nakipag-date ka na lang sa kanilang lahat kaysa naman ginamit mo pa ako.”

“Ayoko nga silang maka-date. Good boy na ako ngayon.”

Hinarap niya ito at hinipo ang noo nito. “May lagnat ka ba?”

“Wala.”

Tinapik-tapik niya ang pisngi nito. “Ikaw ba talaga iyan, Thyago? O baka naman nagpapanggap ka lang.”

Natawa ito. “Ano bang sinasabi mo diyan? Anong magpapanggap?”

“Ang Thyago Palacios na kilala ko, walang pinalalagpas na babae. Kahit ano yata ang itsura o edad, idine-date mo. Anong nangyari sa iyo?”

Hinawakan nito ang balikat niya at tinitigan siya nang direkta sa mga mata. “I am in love, Liyah!”

Napanganga siya. “What? In love ka? Hindi yata ako maniniwala diyan.”

“In love nga ako kaso hindi naman siya naniniwala,” malungkot nitong sabi.

“Kahit naman ako hindi maniniwala. Mas maniniwala pa ako sa mga alien kaysa mai-in love ka. And you are such an ass. Hahalikan mo ako para lang protektahan ang babaeng mahal mo? Di ba unfair naman iyon sa akin?”

“Naitanong mo na ba kung kanino ako in love?”

Napipilan siya. Di niya alam kung dapat ba siyang magtanong. Parang ayaw na kasi niyang malaman kung sino ang bruhang babae na bumihag sa puso nito.

Tinalikuran niya ito. “Uuwi na ako.”

Marami na siyang problema para isipin pa ang tungkol sa babaeng iyon. Bakit ba siya naiinis maisip lang na in love ito sa ibang babae?

Niyakap siya nito mula sa likuran.“At sino ang may sabing makakauwi ka na.”

Pumiglas siya. “Thyago, let me go!”

Nanlalambot ang tuhod niya. She knew it was not right. May ibang babae na itong gusto. Pero bakit parang di sapat ang pagpupumiglas niya? Deep inside her, she wanted him to keep on holding her. And she was really stupid!

Napatili siya nang buhatin nito. “Hindi pwede. Magde-date pa tayo.”

HINDI mapakali si Liyah. Idinala siya ni Thyago sa favorite nitong restaurant na Vertigo. The place was so romantic. At hindi bagay sa kanila ni Thyago.

“Bakit hindi ka kumakain? Don’t you like the food? O baka naman gusto mo na subuan pa kita?” tanong ni Thyago.

“Thyago, I am not in the mood for this. Ang totoo, marami akong iniisip. Baka mamaya madagdagan pa ang problema ko kapag inaway ako ng babaeng gusto mo.”

“Hindi ka niya aawayin. I promise. Maliban na lang kung gusto mong awayin ang sarili mo.”

“Ano?” bulalas niya. “This is not the time for joke.”

“Mukhang hindi nga maganda ang mood mo. Huhulaan ko. Problema mo na naman si Elvin?”

“Nagku-kwento ba sa iyo si Kuya?” tanong niya.

“Hindi. Napapansin ko lang na malungkot siya. Lagi naman niyang sinasabi na masaya silang mag-asawa.”

“That’s not true. A few days ago, they were arguing about money. Gusto ni Eyna na bumili ng mahal na beach house sa Phuket. Alam mo naman siguro kung gaano karangya ang lifestyle niya. It is more than my brother can handle.”

“Ikino-consider na ng kapatid mo na kumuha ng loan.”

“Dahil natatakot siya na iwan siya ni Eyna. Napakababaw, hindi ba? Iiwan niya ang kapatid ko dahil di lang maibigay ang kapritso niya. Akala ko pa mandin magiging masaya si Kuya Elvin ngayong kasal na sila.”

Di niya alam na magiging impyerno ang buhay ni Elvin kay Eyna.

“Pinasok iyan ng kapatid mo. I think he is old enough to handle the situation. Wala naman tayong karapatan na manghimasok sa kanila.”

“Paano kung hindi na niya makaya? Tatanga na lang ba tayo at hahayaan siyang mahirapan?”

“Liyah, pareho lang naman tayong concern sa kapatid mo. But we can’t do anything to help at the moment. Pagdating kay Eyna, hindi naman siya nakikinig sa advice ng kahit na sino. He is so in love. Si Eyna lang ang nakikita niya.”

“Ganyan ka rin ba kapag in love ka?”

Mataman siya nitong tinitigan. “Hindi ko alam. Hanggang ngayon kasi hindi pa rin ako pinapansin ng babaeng gusto ko. Masyado siyang naka-focus sa ibang bagay kaya hindi na niya ako nakikita.”

Di siya makakibo at sumubo ng broccoli and shrimp. Iyon na namang babaeng gusto nito ang ino-open nito. Kung makatitig ito sa kanya, parang siya ang babaeng tinutukoy nito. And it gave her an unsettling feeling.

“Huwag mo na akong titigan ng ganyan. Hindi ako makakain.”

“Liyah, kailan mo ba iisipin ang sarili mo? Paano ka makakapansin ng mga guwapong katulad ko kung puro si Elvin na lang ang iniisip mo?”

Hindi pa ba niya ito napapansin? Heto nga at kanina pa siya nito nililigalig. Ano pa ba ang ipinagkaiba niya sa mga babaeng kinikilig kapag nakikita ito? Lumalabas pa nga na naging diversion lang nila sa usapan ang kapatid niya.

“M-May iba ka pa bang pupuntahan?” tanong niya. Gusto na sana niyang umuwi para mawala na ito sa isip niya.

“Oo. May iba pa tayong pupuntahan.”

“Saan na naman?”

“Sa Moon Bar na katabi lang nito. Maganda doon.”

Nang ilahad nito ang palad sa kanya ay tinanggap niya iyon. Parang hindi niya matanggihan ang atensiyong ibinibigay nito sa kanya.

Halos lahat ng mga mata ng tumutok dito. And compare to those party girls, she looked so plain. Ni hindi nga siya nag-make up. Subalit ni minsan ay di niya naramdaman na inalis ni Thyago ang tingin sa kanya.

Iginala niya ang tingin sa bar. “The music is a bit loud.”

“Gusto ko lang naman na mag-enjoy ka. Saan mo ba gusto?”

“Wala. Gusto ko lang na makapag-kwentuhan tayo.”

“Hindi ka ba naiinis kapag nag-uusap tayo?”

Umiling siya. “Hindi. Kasi nakikinig ka sa akin. Kaso baka naman ikaw ang nabo-bore sa company ko.”

Hinaplos nito ang pisngi niya. “Never. Kahit nga titigan lang kita nag-e-enjoy na ako. Why do you have to be so beautiful?”

“Parang gusto kong isipin na binobola mo lang ako. Pero dahil maganda naman talaga ako, hindi na lang ako kokontra.”

Humalakhak ito. “Let’s go. Mukhang magandang maglakad-lakad sa tabi ng river ngayon dahil mainit ang panahon. Masarap magkwentuhan doon.”

May isang polo fan si Thyago na kinausap ito sandali. “Excuse me, Thyago. I will wait for you outside.” Parang mababasag na ang eardrums niya sa ingay at nagsisimula nang sumakit ang ulo niya.

“Sige. Susunod ako agad. I promise.”

Nakaharap siya sa bandang elevator na nakatayo sa harap niyon. But while they were waiting for the elevator door to open, they were kissing ardently.

Nakilala niya ang lalaki bilang playboy na Thai-Filipino businessman na si Florence Cerudo. He was an avid polo fan. Ilang beses din siya nitong niyayang mag-date pero tinanggihan niya. Women were all over him because he was filthy rich. Pero hindi naman siya nai-impress sa mga lalaking tulad nito.

Iiiwas na sana niya ang tingin nang mamukhaan niya ang babae. It was Eyna. Hindi siya maaring magkamali dahil kilala niya ito. Anong ginagawa nito kasama si Florence na isang kilalang playboy. And she had no business kissing him. Asawa ito ng Kuya Elvin niya. Nagtataksil ba ito?

Tumakbo siya at tinawag ang pangalan nito. “Eyna!”

Subalit pumasok na ito sa elevator. The two united in an intimate embrace as the elevator door concealed them.

Kinalabog niya ang metal na pinto ng elevator. “Open up!”

Gusto niyang matiyak na si Eyna nga ang nakita niya. Galit na galit siya. Gusto niyang makita rin siya nito para mapahiya niya ito sa panloloko nito sa kapatid niya. Subalit di na bumukas pa ang elevator.

“Liyah, anong problema? Bakit umalis ka agad?” tanong ni Thyago. “Sabi mo hihintayin mo ako, di ba?”

“I saw Eyna kissing another guy. Nakapasok na sila sa elevator. Sinusubukan ko silang habulin.”

“Then what will you do? Kokomprontahin mo siya?”

“Dapat lang naman, hindi ba? Niloloko niya ang kapatid ko. She has no right. Papayagan mo bang gawin niya ito kay Kuya, Thyago?”

She was shaking with too much anger. Oras na mahuli niya si Eyna at mapatunayan niyang nagtataksil ito, kakalbuhin niya ito.

Mahigpit na hinawakan ni Thyago ang balikat niya. “Relax. You have to calm down. Hindi na natin sila maabutan sa ngayon. At kung maabutan man natin, wala tayong solid evidence. Pwede niya iyong I-deny sa harap ni Elvin. Sa huli, baka ikaw pa ang mapasama.”

“Ano ang gagawin natin? Hayaan na lang sila?”

“Matutulungan kitang makahanap ng ebidensiya kung gusto mo.”

“EYNA, gusto mo bang sumunod ako sa iyo sa Phuket? Maluwag ang schedule ko bukas,” narinig ni Liyah na sabi ni Elvin habang nagluluto siya ng agahan.

“Elvin, masyado ka namang killjoy. Kasama ko ang mga kaibigan ko. Puro babae kaming lahat tapos sasama ka pa?” asik ni Eyna.

“Napapadalas kasi ang pagsama-sama mo sa kanila. Ni hindi na tayo nagkakasama tuwing weekends. Ayaw mo na ba akong makasama?”

“Next time, Elvin. Male-late ako. Naghihintay na sila sa akin.” Maya maya pa ay narinig niya ang angil ng papalayong sasakyan ni Eyna.

“Kuya, mag-breakfast na tayo,” yaya niya dito.

“Wala na akong gana,” mahina nitong wika. “Bakit parang ayaw na akong makasama pa ni Eyna? Masyado na ba akong busy sa trabaho ko?”

“Kuya, it is not your fault. Nagtatrabaho ka para sa kanya. At kung may chance ka naman, inaalagaan mo siya. Masyado mo lang siguro siyang mahal.”

“Natural lang iyon dahil asawa ko siya. I will give everything for her.”

Natatakot siya sa maari nilang matuklasan sa pagpapa-imbestiga kay Eyna. Ayaw niyang masaktan ang kapatid niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.