“Tatawagan kita mamaya,” sabi ni Hayden kay Rei nang itigil nito ang sasakyan sa harap ng apartment niya at saka siya kinintalan ng halik sa pisngi.
Hindi siya bumaba ng sasakyan. Hinawakan niya ang braso nito. “Hayden, what’s wrong? Sino ba ang lalaking iyon?”
“Just a trash. He isn’t worth knowing, Rei,” anito sa malamig ding boses.
“Pero mukhang malaki ang galit mo sa kanya. Gusto kong malaman kung ano ang ginawa niya sa iyo.” Di siya matatahimik hangga’t di niya nalalaman.
Sumandal ito at ipinikit ang mga mata. “He was the man who pushed my cousin to death. Siya ang kumuha sa pera ng pinsan ko, nagpaasang mahal niya para lang paasahin sa wala.”
“Then you are extracting your revenge.”
Ngumisi ito. “Revenge? How I wish I could. Hindi mo lang alam kung anong klaseng paghihiganti ang naiisip ko nang una ko siyang makita. Pero nang umalis ako, sabi ko di ko muna siya sisingilin. Bahala na ang Diyos sa kanya. Huwag kang magku-krus ulit ang landas namin.”
“Bakit ikaw ang sinisisi niya sa lahat ng nangyayari sa kanya?”
Nagkibit-balikat ito. “He is miserable to start with. He made the people around him believe that he is rich. Pero ang totoo ginagamit lang niya ang pera ng mga nauuto niya sa Indigo Sky. Nakapag-asawa naman siya ng mayaman pero di naman niya kayang I-handle ang negosyo niya. They are into furniture design as well. Madalas kaming magkalaban sa bidding.”
“And you win most of the time.”
“He doesn’t know class, Rei. Akala lang niya alam niya dahil nakakapagsuot siya ng mamahaling damit at nakakakain ng masasarap na pagkain. Hindi ko minaliit ang mga mahihirap. Pero wala siya sa lugar. Hindi naman niya deserve ang estado niya ngayon,” aniya at mariing hinawakan ang manibela. “Ni hindi nga siya marunong mag-handle ng mga tao niya. Minamaltrato niya ang mga trabahador niya. They are overworked yet underpaid.”
Habang laging fair si Hayden sa mga tauhan nito. Napaka-dedicated din nito sa trabaho. He loved what he was doing. Mukhang nadagdagan ang rason nito para magtanim ng galit kay Renato.
“Ibig sabihin ikaw ang nagpa-ban sa kanya sa riding club?”
“Not exactly. Nag-iimbestiga ang riding club sa mga nagiging member nito. Nagkataon lang na binigyan ko ng kaunting tip ang security department nila tungkol sa kung saan magsisimula ng pag-iimbestiga kay Renato. Sabagay, kahit di ko gawin iyon malalaman at malalaman din naman nila.”
Malaki man ang galit ni Hayden kay Renato pero di naman ito masyadong vindictive. “Ibig sabihin wala ka halos ginawa para gumanti?”
“One way or another, parang nakaganti rin naman ako. He gets what he deserves. Kung anuman ang nangyayari sa kanya, it was his own doing. Pero nalaman din niya na pinsan ko si Chad. At nagkakataon na kapag nasa paligid ako, nawawalan siya ng tsansa na umangat. Kaya ako ang sinisisi niya.”
“Mas magiging masaya ka ba kung ikaw mismo ang gumanti sa kanya?”
“I don’t know. Dahil sa kagustuhan kong gumanti sa kanya noon, nawala ka sa akin noon. I missed my chance of telling you how much I love you. Isa pa, ano ba ang magiging resulta ng paghihiganti? Maibabalik ko ba ang pinsan ko sa akin?”
Niyakap niya ito. “Pero nasasaktan ka pa rin.”
“It will pass.” Niyakap siya nito ng mas mahigpit. “Saka nawawala ang lungkot ko kapag kasama kita. Nababawasan ang sakit.”
Pumikit siya. She knew it was not enough that she loved him. Di ganoon kadaling mawala ang sakit na nararamdaman nito. But she would share his pain. Makikinig din siya sa bawat sasabihin nito.
“Basta mag-iingat kay, Hayden. Hindi ko gusto ang Renato na iyon.” At baka kung ano ang magawa niya oras na saktan nito si Hayden. Poprotektahan niya ito.
MAGANDA ang mood ni Rei nang pumasok ng DMC Designs. Inspired siyang magtrabajo kahit na sobrang busy ang schedule. Di kasi nawawala ang presensiya ni Hayden. Pagdating tiyak niya ay may padala na itong Gatorade at chocolates pati na rin bulaklak. Tatawag din ito maya maya pa para pasayahini siya.
Her career was starting to flourish. Maliit lang ang kompanya ng DMC pero puro bigatin ang mga kliyente. At sa mga panahong di pwede si Dafhny ay siya ang pinagkakatiwalaan nito sa mga projects.
Sabi nga ni Edmarie sa kanya ay maswerte daw siya dahil nasa kanya na ang lahat. Para sa kanya ang regalo iyon na kailangang alagaan.
“Good morning,” bati niya sa mga kasamahang junior designer.
Ngumiti lang ang mga ito at pagkatapos ay nagkulumpunan sabay sulyap sa kanya. Di niya alam ang pinag-uusapan ng mga ito pero alam niyang siya ang topic. Nagtaka siya nang sabay-sabay magtawanan ang mga ito na nakaka-insulto.
“Girls, bumalik na kayo sa trabaho,” wika ni Dafhny na kagagaling lang sa Costa Brava. Nasa kalagitnaan na kasi ang restoration project sa isla.
“Good morning, Ma’am,” bati niya dito.
“Follow me to my office, Rei,” anito sa seryosong tono.
Kinabahan siyang bigla. Mukhang may malaking problema. May ginawa ba siyang palpak na nagreklamo ang kliyente. So far ay maganda na ang feedback sa performance niya. Ano kaya ang problema?
“Nagkausap na ba kayo ni Hayden?” tanong nito.
“Tungkol po saan, Ma’am?”
“Mukhang wala ka pang alam. I don’t think you will like this.”
Inabot nito sa kanya ang diyaryo. Muntik nang mawasak ang puso niya nang makita makita ang pictures ni Hayden sa article na Happy and Gay. Naroon ang mga picture nito noong magkasama pa sila sa university. Mga larawan kasama ang gay friends nito habang naka-make up at mga picture noong nagpe-perform ito sa stage bilang Japanese geisha. And all of the pictures screamed that it was so gay.
“Alam ko ang tungkol dito, Ma’am. Pero may paliwanag si Hayden tungkol dito,” aniya sa matatag na boses.
“Sigurado naman ako sa gender preference ni Hayden. Matagal ko na siyang kaibigan. I can detect a guy from a pseudo-girl. Pero sa article na ito, masisira pati ang reputasyon niya at ang estado niya sa riding club. Pati sa internert kumakalat iyan. Baka pati trabaho ni Hayden at social life niya maapektuhan.”
Alam na niya kung bakit pinagtatawanan siya ng mga kasamahan niya kanina. Iniisip ng mga ito na may nobyo siyang bading. Gusto niyang ipagsigawan sa buong mundo ang totoo. Na susuntukin niya kung sinuman ang magsabi na bading si Hayden. Kailangan niyang damayan si Hayden sa mga oras na iyon.
Paano kung di lang trabaho nito ang maapektuhan kundi maging pamilya rin nito? Alam niya kung gaano kasensitibo ang mga ito sa eskandalo.
Tinawagan niya ang opisina ni Hayden subalit wala ito doon. Di rin kasi nito sinasagot ang cellphone niya. “Ma’am, wala rin po siya sa condo niya. Baka po nasa Stallion Riding Club siya,” anang sekretarya nito. “Marami po kasing tumatawag sa kanya ngayon. I-off na rin ninyo ang cellphone ninyo, Ma’am. Baka kulitin din po kayo ng mga reporters. Maiinis lang kayo sa kanila.”
“Thank you.” Lumapit siya kay Dafhny. “Ma’am, pwede po mag-off ngayon? This is an emergency.”
“Sure. Huwag mo nang isipin ang trabaho mo sa ngayon. Give my regards to Hayden. Tell him that I give him my full support.” Ihinagis nito ang susi ng kotse nito. “Use my car. Mas mabilis iyang imaneho. And I will call Gianpaolo to give you permission to enter the riding club.”
Matapos magpasalamat ay tinahak na niya ang direksiyon papuntang riding club. Ihinahanda na niya ang loob niya. Di madali ang problemang kinakaharap ni Hayden. Kailangan niyang maging matatag para sa kanilang dalawa.
Sobrang bilis ng pagpapatakbo niya ng sasakyan, maswerte nang walang humuling pulis sa kanya. Siguro ay nauunawaan din ng langit ang dilemma niya.
Di siya tumigil sa pagdo-doorbell sa villa ni Hayden hangga’t di nito binubuksan. Plano na sana niyang akyatin ang bakod kung di nito binuksan ang gate. “Rei, what are you doing here?”
Niyakap agad niya ito. “Are you okay? Alalang-alala talaga ako.”
Pilit itong ngumiti. “I am okay.”
Sinalubong niya ng pilit ang mga ito. “You are not. Nabasa ko ang articles laban sa iyo. Kagagawan tiyak iyon ni Renato. Naku! Gugulpihin ko talaga iyon oras na makita ko siya. Ang kapal ng mukha niya!”
Hinawakan nito ang balikat niya. “Hayden, relax!”
“Paano ako magre-relax? Ikinalat na niya di lang sa diyaryo kundi pati sa Internet ang mga pictures mo.”
“Epekto siguro iyon ng paghihiganti ko. Resulta iyon ng pagpapanggap ko.”
“Pero hindi ka naman masamang tao, Hayden. Gusto mo lang ihanap ng katarungan ang ginawa niya sa iyo dati. And you are not really a gay. Siya nga ang may masamang nakaraan. Manggagamit siya. Kung kaya niyang kumuha ng ilalaban sa iyo, kaya ko ring kumuha ng ebidensiya laban sa kanya.”
“Ayoko nang madamay ka dito, Rei. Pabayaan mo na siya.”
“Paano ka? Hindi ba mawawala ang kliyente mo dahil dito?”
“Ikaw na ang nagsabi. Hindi naman ako masamang tao. May pamilya din si Renato na nasasaktan. The issue will eventually die down. Kaya kong harapin ito. Ikaw ang inaalala ko. Paano kung hindi mo kayanin ang pressure? Hindi lang reputasyon ko ang pwede nilang I-discredit kundi ikaw din.”
Kayang pigilan ng mga kaibigan ni Hayden ang pagkalat ng balita. Pero nailabas na iyon kaya di madaling apulahin ang apoy.
“Basta dito lang ako sa tabi mo. Hindi kita iiwan! Kung kailangan kong harapin ang lahat ng nagsasabing federacion ka, gagawin ko. Makakatikim sila.”
“Iniisip ko kasi na mag-cool off muna tayo para di ka madamay. Hayaan mo nang ako muna ang humarap sa lahat ng gulo na iyan at di ikaw ang gitgitin nila.”
Inambaan niya ito ng suntok. “Anong cool off? Ayoko! Girlfriend mo ako. I will stick with you through thick and thin. Wala akong pakialam sa ibabato nilang masasamang salita sa iyo. Kaya kong harapin ang lahat ng iyon. Parte lang ito ng relasyon natin na kailangan nating harapin.”
“This is serious, Rei. Ayokong pagtawanan ka ng mga tao. At pati pamilya mo maaapektuhan din. Ayokong may masabi sila sa iyo.”
“Parang replay na ang usapan na ito, Hayden. Ngayon ko pa ba iisipin ang sasabihin ng ibang tao. Sa university nga wala akong pakialam kung sabihin nilang mas maganda ka pa sa akin pero ikaw pa ang hinahabol-habol ko. I love you. Wala akong pakialam sa sinasabi ng ibang tao. Wala akong pakialam sa opinion nila o sa nakikita nila sa iyo. Ang importante ang nakikita ng puso ko. At ikaw lang ang nakikita ng puso ko.”
Akmang tututol pa ito nang yumakap siya sa leeg nito at halikan ito. Ibinuhos niya ang lahat ng nararamdaman niya sa halik na iyon nang walang kahalong takot. Ganoon din ang pagmamahal niya dito. Wala siyang dapat katakutan.
“Kokontra ka pa ba?” tanong niya dito at tinaasan ito ng kilay.
“No. I don’t think makakakontra pa ako sa mataray kong girlfriend.”
“Hayden, di mo ako kailangang protektahan o itaboy palayo. Gusto ko lang naman magkasama nating harapin ito.”
Pinagsugpong nito ang kamay nila. “Yes. We’ll face this together. We’ll just keep on loving each other. To hell with the rest of the world!”
THE SWITCH concert in Araneta Coliseum. Iyon ang unang public appearance nila ni Hayden matapos ang paglabas ng mga pictures nito sa diyaryo at Internet. Dahil nanatili silang tahimik sa issue, sila agad ang sinalubong ng press.
“Ma’am, totoo po ba na gay ang boyfriend ninyo?” tanong ng isang TV reporter. “Totoo rin po ba na binayaran lang niya kayo para magpanggap na girlfriend niya? Kaya po ba nanatili kayo sa tabi niya?”
Muntik na niyang hampasin ng handbag niya ang impaktong bading na reporter sa impertinenteng tanong. Pinisil ni Hayden ang kamay niya. Ibig sabihin ay huwag na lang niyang pansinin at lagpasan nila.
Subalit nakangiti siyang humarap sa press. “Ako? Babayaran ni Hayden para magpanggap na girlfriend niya? Sa ganito kaguwapo magpapabayad ako para magpanggap. Aba! Hindi siyempre! Pipikutin ko na lang siya. Saka kilala ko na siya doon sa pictures na iyon. Ako pa nga ang nanligaw sa kanya.”
“Niligawan ninyo si Hayden?” tanong ng babaeng showbiz reporter.
“Yes. At first date din namin ang The Switch concert. Kaya parang aalalahanin lang namin ang nakaraan namin. Romantic, isn’t it?” wika ni Hayden na nakisali na rin sa interview. “We even danced in the rain. Muntik na niya akong halikan.”
Namula siya. “Hindi mo na kailangang sabihin iyon.”
“Pero di pa rin nawawala sa isip namin ang mga pictures niya na naka-make up at naka-Japanese geisha costume.”
“Ano ba namang klaseng reporter kayo? Hindi nagre-research,” nakataas na kilay na sabi ng isang babaeng naka-gown na tumayo sa tabi niya. Pero di pala ito babae kundi si Franzine, ang laging kasa-kasama ni Hayden sa university. “Member ko si Hayden sa drama club. Magaling siyang umarte. Medyo naiilang lang siya kaya inaayusan namin siya para makapag-internalize siya sa character.”
“Okay. That’s enough,” anang si Myco, ang head ng security ng Stallion Riding Club at kinuha ng The Switch para sa security nito at ng mga kaibigan. “Malapit nang magsimula ang concert.”
“Last question. Member ka pa rin ba ng Stallion Riding Club o naiilang na siya sa iyo dahil sa lumabas na issue?” tanong pa ng isang reporter.
“Hayden is like our brother,” nakahalukipkip na wika ng owner ng Stallion Riding Club na si Reid Alleje. Kasama din nito ang ilan pang members na kadadating pa lang. “Hindi nagbago ang trato namin sa kanya.”
“And we’ll know right away if he’s a gay or not,” sabi ng leader ng Flower Girls, ang mga groupies na madalas humabol-humabol sa member ng riding club. “Bakit hindi na lang kami ang tanungin ninyo kung sino ang boyfriend namin?”
“Tapos na daw ang interview. Umalis na tayo,” anang mga reporter na hindi interesado sa buhay ng mga Flower Girls.
Isa-isang kinamayan ni Hayden ang mga kaibigan. “Salamat sa pagtatanggol sa akin. It’s really important for me.”
“Hindi mo naman kami kailangan. The truth speaks itself. Saka may Rei naman na nagmamahal sa iyo. Dati pa iyan lukang-luka sa iyo kahit ahitan ka pa ng kilay,” sabi ni Franzine at humagikgik.
“Marami nang problema si Renato Villaluz kaya desperado na siya,” wika ni Myco. “I wonder while you didn’t file a case against him.”
“He has nothing now, Myco. Walang pamilya at walang career,” sagot ni Hayden at inakbayan siya. “While I have everything I wish for and more.”
Nagmistulang isang malaking party ang The Switch concert. At habang nagsisigawan ang mga kabataang nakapaligid sa kanila, she and Hayden were dancing in their own pace. Wala silang pakialam sa mga tao sa paligid nila. And that was what being in love was all about. May sarili silang mundo at masaya sila.