Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 23

Nang magtapon yata ang Diyos ng kamalasan sa mundo, nasalong lahat ni Jemaikha. Di niya nakuha ang sweldo niya, kinain ang ATM card niya, nadukutan siya ng pera at nakita niya ang first love and only love niya na si Hiro habang mukhang binagyo ang pagkaganda-ganda niyang buhok. At ang masaklap, sinabi nito na may girlfriend na ito. Pakiramdam tuloy niya ay pinagkaitan siya ng tadhana ng karapatan na sumaya.

Hiro was the only man who could make her happy. But he was also the only man that she couldn’t have. Dahil kung mamahalin muli nila ang isa’t isa, siya rin ang makakasira dito.

Pero kaya ba niyang layuan ang kaligayahan niya?

“Sino ang umubos ng shampoo ko?”

Umalingawngaw ang sigaw ni Jemaikha sa buong bahay. Galit na galit siya habang hawak ang basyo ng STALLION Shampoo and Conditioner. Nasa gitna siya ng paliligo nang matuklasan na simot na ang shampoo niya. Sa sobrang inis niya ay napalabas siya ng banyo nang nakatapis lang ng tuwalya.

“Hoy! Ano ba ang isinisigaw mo diyan?” tanong ng Tiya Vilma niya.

“Ito pong shampoo ko ubos na,” maktol niya.

“Ah, iyan bang shampoo mo?” Saka nakangising ipinagwasiwasan ang di kahabaang buhok. “Ginamit ko kahapon nang maligo ako. Maganda naman pala iyang shampoo mo. Tingnan mo, ang lambot ng buhok ko.”

Napapadyak siya sa inis. “Tiya naman! Huling gamitan ko na iyon.”

Namaywang ito at pinanlakihan siya ng mata. “Aba! Huwag ka ngang kumontra diyan. Iyang kakarampot lang na shampoo, pinagmamalakihan mo pa ako. Baka nakakalimutan mong ako ang kumupkop sa inyong magkapatid nang mamatay ang tatay ninyo. Pinatira ko kayo sa bahay ko nang mailit ang bahay ninyo at wala kayong matuluyan. Tapos shampoo lang… shampoo lang!”

Pasimple niyang hinaplos ang tainga. Umagang-umaga kasi ay binabanatan na siya nito ng drama at sumbat. Sa araw-araw na ginawa ng Diyos, wala na itong ginawa kundi ipaalala sa kanila ang kamiserablehan ng buhay nila.

Apat na taon na ang nakakaraan nang mawala ang tatay niya. Saka nila natuklasan na marami pala silang pagkakautang kaya nailit ang bahay at lupa at iba pang ari-arian nila. Wala silang ibang natakbuhan kundi ang Tiya Vilma niya. Bunso itong kapatid ng tatay niya at matandang dalaga. Masyado nga lang itong madada at mabunganga. Kaya pinagtitiisan na lang nila ng kapatid na si Robin.

“Hindi ko naman nakakalimutan ang istorya ng buhay natin, Tiya. Kaso, paano naman ang istorya ng buhok ko? Wala akong shampoo.”

“Mag-gugo ka na lang.”

“Ano?” bulalas niya. “Kayo lang ang gumagamit ng gugo. Obsolete na iyon.”

“Stallion Shampoo na rin ang gamit ko.”

“Basta kailangan ko ng Stallion Shampoo.” Wala pa mandin iyong tinda sa tindahan at sa grocery pa niya nabibili. Di siya gumagamit ng ibang shampoo dahil Stallion Shampoo lang ang hiyang buhok niya.

“Hay, naku! Bukas ka na lang mag-shampoo. Maligo ka na at baka ma-late ka pa sa trabaho,” anito at ipinagtabuyan siya papasok ng banyo. “Sa aircon ka naman nagtatrabaho kaya hindi halata kung hindi ka nag-shampoo. Sweldo mo ngayon.”

“Sa wakas, makakahawak na rin ako ng pera,” usal niya sabay nagbuhos. Iyon lang naman ang hinihintay niya sa tagal ng pagtatrabaho. Ang sweldo.

Napapitlag siya nang kalampagin ng tiya niya ang pinto. “Jem, huwag mong kakalimutan ang mga bayarin, ha? Iyong bill ng kuryente, tubig at telepono naghihintay lang sa iyo. Due date na iyon bukas. May cellphone bills pa!”

Bumuntong-hininga siya habang naiisip kung magkano na lang ang matitira sa sweldo niya. Pinag-aaral pa niya ng Computer Engineering ang kapatid na Robin. Baon pa nito sa araw-araw. “Hay! Ang hirap may obligasyon!”

Papasok na siya nang daanan ang kapatid na si Robin sa kuwarto. Tulog na tulog pa rin ito dahil na rin sa lakas ng ulan sa labas. Tinanggal niya ang nakatalukbong nitong kumot at ginulo ang buhok. “Hoy! Gumising ka na diyan!”

Umungol ito. “Wala kaming pasok, Ate. May bagyo daw ngayon. Huwag ka na ring pumasok. Baka delikado sa daan.”

“Kailangan kong magtrabaho. Santambak ang bills na naghihintay sa akin. Magbubunganga si Tiya kapag hindi nabayaran iyon.”

Ngumiwi ito at tinakpan ang tainga habang ini-imagine ang pagbubunganga ng tiya nila. “Oo nga. Maingay na naman ang bahay no’n. Huwag kang mag-alala, Ate. Titiyakin ko na dean’s lister ako sa sem na ‘to.”

“Dapat lang, no? Basta huwag kang maggi-girlfriend!” Saka niya kinurot ang pisngi nito. “Tapusin mo ang course mo dahil iyan ang pangarap ni Tatay.”

Nangako siya bago mamatay ang tatay niya sa sakit na liver cancer na igagapang niya ang kapatid para mapagtapos ng pag-aaral.

“Kailan ka naman magbo-boyfriend, Ate?”

Umingos siya. “Hindi ko kailangan ng lalaki. Sakit lang iyan ng ulo. Mas iisipin ko na lang kung paano kikita ng pera.”

“Hindi kaya si Kuya Hiro pa rin ang gusto mo?”

“Tsismoso!” Inakmaan niya itong tatadyakan. “Matulog ka na nga lang ulit at baka ano pa ang magawa ko sa iyo.”

Paglabas ng bahay ay malungkot siyang ngumiti nang maalala si Hiro. He was her first love and first boyfriend. Wala siyang ibang minahal maliban dito. Subalit ito rin ang lalaki na di na niya pwedeng makasama pa.

“My Hiro. Kumusta ka na kaya ngayon?”

“ANO? Wala nang pasok?” Nanlambot ang tuhod ni Jemaikha. Bigayan ng sweldo noon sa You no Atarashii o New Sun, isang Japanese weekly newspaper na naka-base sa Pilipinas kung saan nagtatrabaho siya bilang editor.

“Wala kasing kuryente. Nag-brownout kaninang lumakas ang bagyo. Wala namang ilaw sa loob maliban sa emergency lights,” anang guwardiya.

“May mga kasamahan pa ba ako sa loob?”

“Nagsiuwian na. Wala rin namang mangyayari sa operation. Iyong iba hindi na dumating kasi baha daw sa kanila o kaya walang masakyan.”

“Naku! Hindi pa ako pwedeng umuwi,” sabi niya at pinagpag ang balikat na bahagyang nabasa ng ulan pagbaba niya sa FX taxi. “Baka naman pwede pa akong pumasok. Baka may tao pa sa accounting department. Araw ng sweldo ko ngayon. Kailangang-kailangan ko ng pera.”

Wala siyang pakialam kahit bumagyo pa o bumaha. Siguro naman ay may maiiwan sa accounting department para mag-release ng sweldo nila.

Napakamot ng ulo ang guwardiya. “Kahit yata sweldo ninyo, postponed. Malamang sa Lunes na iyan, Ma’am. Umuwi na lang kayo dahil baka abutan pa kayo ng baha. Mas mahihirapan kayong umuwi.” Bahain pa mandin sa bahaging iyon ng Shaw Boulevard.

Nanlumo siya. Binilang niya ang natitirang pera sa wallet. Sixty pesos na lang iyon kasama pati ang barya. “Ganito na ba ako kahirap ngayon?” Inilagay niya ang natitirang pera sa coin purse at inilagay sa paper bag. “Magwi-withdraw na lang siguro ako sa ATM.”

Sumakay siya ng FX taxi papunta sa SM Megamall. Nagbayad muna siya ng pamasahe bago ipinikit at umidlip. “Miss, Megamall na,” gising sa kanya ng driver.

Dumilat siya at bumaba sa Megastrip. Hinanap agad niya ang ATM machine. Hinihintay niyang lumabas ang pera at ang card niya nang magkaroon ng machine error. Nanlaki ang mata niya. “Oh, no! Kinain ang card ko! Hindi ito pwede!”

Gusto niyang magwala at umiyak. Tumawag siya sa bangko sa pamamagitan ng cellphone niya at ini-report na kinain ang ATM card niya. Mare-reclaim daw niya ang ATM card niya sa Lunes. “Lunes? Puro na lang sa Lunes! Hindi naman makakapaghintay ng Lunes ang mga bayarin ko. At di titigil ang bibig ng Tiya ko sa kasesermon sa akin kung sa Lunes pa,” usal niya habang nakaupo sa stairway.

Naramdaman niya na kumalam ang sikmura niya. Hindi pa siya kumakain. “Uuwi na lang ako. Doon na lang ako kakain.” Huminga siya nang malalim. “Di ko naman sinalo ang lahat ng kamalasan ngayon, no? Ano pa ba ang kulang? Ano pa?”

Ang mga bayarin niyang naghihintay sa kanya ay hindi niya mababayaran. May ipambabaon pa ba ang kapatid niya pagpasok sa eskwelahan kung wala na siyang maibibigay dito? At paano niya mapapatahimik ang bibig ng Tiya Vilma niya?

Hinawakan niya ang sariling buhok. Paano naman ang shampoo ko? Hindi rin ba ako magsa-shampoo? Sobrang miserable naman iyon.

Tiningnan niya ang coin purse sa paper bag niya. At least makakauwi pa siya. Nang halungkatin niyang mabuti ang paper bag ay wala na doon ang coin purse niya. “Oh, God! Winakwak ang paper bag ko.”

Naisip niya ang katabing mama sa FX kanina. Nakita siguro nito na dumukot siya sa coin purse. Yakap niya ang bag niya kaya di nito mawawakwak. Nasa bag kasi niya ang cellphone at wallet niya. At dahil nakita nitong may pera siya sa paper bag ay iyon ang pinuntirya nito. Sinamantala nito ang pagkakaidlip niya kaya wala siyang kaalam-alam. Di niya napansin na nawakwak ang paper bag dahil busy siya sa pag-iisip ng mga gastusin niya.

Ngingisi-ngisi siya habang naglalakad sa mall. “Ang malas mo naman, Mamang Laslas Gang. Akala mo siguro mayaman ako dahil kagandahan ako. Kung alam mo lang, wala akong sweldo. At iyong coin purse ko na dinugas mo, singkwenta pesos na lang ang laman. Buti nga sa iyo.”

Tatawa na sana siya ng malakas nang may maalala. “Oh, God! Iyon na lang ang pera ko. Ang fifty pesos ko! Di na ako makakauwi!”

“MAYI, parang awa mo na. Pahiramin mo naman ako ng pera. Kahit pamasahe lang sana. Pero kung itotodo mo, gawin mo nang one thousand o kaya two thousand. Walang-wala na akong pera. Hindi na ako makakauwi,” mangiyak-ngiyak na pakiusap ni Jemaikha nang tawagan ang kaibigang si Mayi. Nasa isang sulok siya ng Mocha Blends sa Megamall. Di kasi matao doon. Pwede siyang magdrama nang walang masyadong makikiusyoso sa kanya.

Tumawag at nag-text na siya sa lahat ng mga kaibigan. Wala daw maipapahiram ang mga ito sa kanya. Paano ay alanganin dahil iba ang date ng sweldo ng mga ito. Si Mayi na lang ang huli niyang tinawagan.

Alam niyang sumweldo lang ito nang nakaraang araw. Mapapahiram siya nito. Malaki naman kasi ang kita nito bilang agent sa isang call center.

Bumuntong-hininga ito. “Hay, naku! Nuknukan ka naman pala ng kamalasan, friend. Naawa na ako. Pauutangin na kita.”

Napahikbi siya sa tuwa. “Thank you, Mayi! You are an angel!”

“Hintayin mo lang akong mag-out, ha? Mga thirty minutes pa. Ako na lang ang manlilibre sa iyo ng lunch kasi nakakaawa ka naman. Parang pulubi ka.”

“Hindi mo na ako kailangang ilibre. Pauutangin mo naman ako, di ba? Basta puntahan mo ako dito sa Mocha Blends.”

“O, siya, siya! Bye na!”

Nagkasya na lang siya sa pagko-compute ng mga bills na babayaran. “Magkano kaya ang ipapahiram sa akin ni Mayi?”

“Excuse me?”

“Yes?” aniya at di basta-basta inalis ang tingin sa notepad. Baka mamaya ay waiter iyon na manghihingi lang ng order niya.

“Jemaikha, is that you?”

Bigla niyang inangat ang tingin nang marinig ang boses. Natulala siya nang makita kung sino ang may-ari ng boses at nakatayo sa harapan niya. “Hiro?”

Jemaikha stared at Hiro with mouth open. He always had that effect since they first time they met. He was tall, around 5’ 10”. His black hair was slightly long. Pero di ito mukhang babae kahit maamo ang mukha dahil light tan ang kulay ng balat nito. He loved outdoor sports.

He was so handsome with his Japanese eyes and his sweet smile. Iyon ang asset nito. Ang mata at ang ngiti nito. Kapag nakikita niya ito, lagi niyang iniisip na umuulan ng cherry blossoms. She felt so light.

Was it seven years ago since they first met? Estudyante pa siya noon sa University of the Philippines at nagte-take up ng Linguistics. Sinusubukan din niyang magtrabaho bilang language instructor sa mga foreign students. At isa si Hiro sa mga ito. Half-Japanese, half-Filipino ito na lumaki sa Japan.

Parehong English at Filipino ang itinuro niya dito. Only to find out that he was proficient in both languages. Nag-propose kasi ito sa kanya sa gamit ang Filipino at English nang walang trace ng Japanese accent. Kung gaano kasi ka-fierce ang nationalism ng ama nitong Hapon ay ganoon din ang ina nitong Filipina na anak ng isang dating governor. Paraan lang pala nito ang pagkukunwaring walang alam sa English at Filipino para mapansin niya ito.

She didn’t find it hard to fall in love with him. Napaka-sweet kasi nito at malambing. Lagi siyang inaalagaan. Kahit nga inaaway niya ito ay nakangiti pa rin ito. Everything was okay until he proposed marriage and she refused.

Lalong lumapad ang ngiti nito at umupo sa harap niya. “My, my, hindi na kita nakilala kaninang pagpasok ko. Parang nag-iba ang itsura mo.”

“Ha? Anong nagbago sa akin?” Lalo ba akong gumanda?

Lumingon siya sa glass wall ng café. Bahagya niyang nakita ang itsura niya. Medyo magulo ang buhok niya. Hindi iyon ang nakasanayan ni Hiro na itsura niya dahil laging maganda ang buhok niya. Na kahit hanginin pa ay di nagugulo dahil isang haplos lang niya ay bumabalik na sa dati.

Mukha pala akong monster ngayon dahil di ako nag-shampoo. Asar!

Sa dinami-dami naman ng pagkakataon na pwede itong sumulpot, kung kailan pa mukha siyang sinabunutan ng sampung bakla.

“Medyo mahangin sa labas kasi may bagyo,” aniya at pasimpleng hinaplos ang magulong buhok. “Well, you look good. Better than ever.”

Ito na ang nagpapatakbo sa Hinata Technology, isang kompanya na pag-aari ng pamilya nito. Nag-iisa kasi itong anak.

Paminsan-minsan pa rin silang nagkikita ni Hiro pero hangga’t maari ay iniiwasan niya ito. Kahit pa nga maayos ang paghihiwalay nila. Hiro never held a grudge on her. Tama nang magbatian sila at magngitian.

She was still in love with him. Masasaktan lang siya dahil hindi na pwede. Dahil siya mismo ang nagtulak dito. doon.

Ngayon ay wala siyang mapagpipilian kundi ang harapin ito. Wala naman kasi siyang ibang mapupuntahan dahil wala siyang pera. Ang sabihin mo, excited ka rin na makausap siya. Kunyari ka pa, tukso ng utak niya.

Tumawa lang ito. “Alam mo naman na lagi akong naka-smile therapy. Nakakatanda kasi kapag nakasimangot at kung anu-ano ang iniisip.”

Pilit siyang ngumiti. “Mukhang effective nga sa iyo.” Kasi di uubra sa kanya ang smile therapy. Kahit na ngumiti pa siya, di niya mababago ang kamalasan sa araw na iyon. Problemado siya sa pera.

“Bakit nga pala nandito ka? Wala ka bang pasok.”

“Nagka-problema ang power supply sa office. Kaya wala munang pasok.”

Luminga-linga ito. “May hinihintay ka bang ka-date?”

“Date? Oo. Si Mayi! Pauwi na rin kasi siya kaya may usapan kaming magkikita dito. How about you?” May ka-date din kaya ito?

Sobrang malas ko naman yata kung makikita ko siyang may kasamang iba.

“Just dropped by for a coffee. Galing ako sa office and I am on my way to the Stallion Riding Club. Doon ako mag-I-spend ng weekend.”

He was one of the members of the riding club exclusive for bachelors. Nalaman niya iyon nang mai-feature sa isang commercial ng Stallion Shampoo si Hiro kasama ang ibang members ng club. Nagkaroon pa nga ng raffle kung saan mananalo ng date kasama ang mga lalaki sa commercial. Kinantiyawan siya ng mga kaibigan niya na sumali para daw maka-date niya si Hiro.

She was tempted to join though. Pero naisip niya na kung gusto niyang maka-date si Hiro, di siya desperada na aasa sa kapalaran at sasali pa sa raffle. Pwede naman niya itong yayain kung makapal ang mukha niya. Isa pa, wala siyang swerte sa raffle.

“Hay! Iba na ang mayaman. Pa-Tagaytay-Tagaytay na lang,” biro niya.

“Eh, di sumama ka sa akin,” yaya nito. “May villa naman ako sa riding club.”

“I don’t have time for a vacation, Hiro.”

Pinisil nito ang ilong niya. “Ang hirap kasi sa iyo, puro ka na lang trabaho. Kung pinakasalan mo sana ako dati, hindi mo na kailangang magtrabaho.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.