Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 274

Na-shock si Danzelle Ann nang magsiakyatan ng stage ang mga babae at dumugin si Richard Don. Siya dapat ang hot girl ni Richard Don. Pero ang mga babaeng higad na iyon ay sinisira ang performance ni Richard Don. Isang gabi nga lang silang magkaka-partner. Huling gabi na magkakasama sila. Pagkatapos ay may iba pang babaeng hahawak dito?

Iginala niya ang tingin. Nakita niya ang isang contestant na may hawak na lubid. Isang snake charmer ang talent nito pero sa halip na ahas ay lubid ang gagamitin. “Pahiram ng lubid.”

Bago pa ito nakahuma ay ginawa na niyang lasso ang lubid. Ni halos di niya iyon tinitingnan habang ibinubuhol dahil matalim ang tingin niya kay Richard Don na pinagsasamantalahan sa stage ng anim na babae.

“I got nothing to prove. Ain’t got nothing to lose.” Enjoy na enjoy pa si Richard Don sa pagpe-perform kahit na nakakapit na ang mga higad dito. “If you need someone to use. I can take the abuse.”

Determinado ang bawat kilos niya. Lumabas siya ng stage. Ihinagis niya niya ang lubid at pumaikot sa katawan nito. Katulad ng ginawa niya sa calf roping.

Nagulat si Richard Don nang maramdaman ang lubid. Gulat itong lumingon sa kanya. Ngumiti siya nang maasim at saka hinila ang lubid. Humigpit ang tali sa katawan ni Richard Don. Nanlaki ang mata nito. Saka niya ito hinila palayo sa mga babaeng higad. Naghiwayan lalo ang mga tao.

“Wow! Ang galing ng cowgirl!” sigaw ni Mark Ashley.

“Iyan ang tunay na hot girl!” narinig siyang sigaw ng Kuya Jeff niya. Nakita rin niya ang pagtango ng mga judges.

Wala siyang pakialam sa mga opinion ng mga tao. Ang kailangan lang niya ay mailayo doon si Richard Don. Malayo sa mga babaeng nagkakandarapa dito. Gusto niya ay sa kanya lang si Richard Don at wala siyang balak na pakawalan ito.

“Richard Don!” sigaw ng mga babaeng higad. “Ibalik mo siya sa amin!”

“Danzelle Ann, hindi pa ako tapos mag-perform,” anito nang makarating sila sa backstage. “Mamaya mo na sana ako ginawang baka…”

Hinatak niya ang latigo mula sa dumadaang contestant na naka-Indiana Jones. Saka niya ihinampas ang latigo sa sahig. “Sabihin mo sa mga babaeng iyan na di ka nila pwedeng hawakan sa gabing ito. Ako ang ka-partner mo kaya huwag mo akong ipapahiya.”

“Y-Yes, dear,” sabi ni Richard Don at kinawayan ang mga babae. “Girls, okay lang iyon. Parte ng talent iyon. Sige na.”

Hinila niya si Richard Don papunta sa dressing room nito. “If you need someone to use. I can take the abuse. Gusto mo ng abuse, ha?”

“If you want to rape me, kindly do it later, dear. May competition pa tayo. May question and answer portion.”

“Shut up! Wala akong pakialam sa competition na iyan.”

“Ano bang problema mo? Gusto mo bang matalo sa competition?”

Nangilid ang luha niya. “Nakakainis ka! Okay lang sa iyo na yakap-yakapin ka ng mga babaeng iyon. Hindi mo na naisip ang nararamdaman ni Andie? Hindi ba may commitment ka na sa kanya? Hindi ba mahal mo siya? Ano na lang ang iisipin niya oras na makita niya ang ginagawa mo sa stage?”

“Teka. Akala mo ba kay Andie ako in love?” tanong nito.

“Hindi ba lagi kayong magkasama. Tapos sabi mo pinasaya ka niya. Nakita ko iyon noong yakapin mo siya. Naiinis ako sa iyo. Sinisira mo ang chance mo. Paano kung iwan ka niya? Katulad ng pambabasted sa iyo ng babaeng gusto mo.”

Lumambot ang anyo nito. “Umiiyak ka dahil natatakot ka na magselos si Andie sa mga babae sa stage kanina at iiwan niya ako? Mukhang di siya nagseselos.”

Umiyak siya. “Huwag ka ngang tanga. Magaling lang magtago ang mga babae ng nararamdaman nila. Malalaman mo na lang nasasaktan na sila. Tapos iiwan ka na lang nila dahil ayaw na nilan madagdagan ang sakit.”

“Pero hindi ko alam kung bakit sisirain mo ang pagkakataon mo na makabalik sa hacienda ninyo para lang sa amin ni Andie. Isn’t it a bit weird? At sa reaksiyon mo ngayon, mas mukhang ikaw ang umaaktong Andie kaysa kay Andie na dapat ay in love sa akin. Parang ikaw ang in love sa akin.”

“Bakit naman ako mai-in love sa iyo?” bulyaw niya. “Nang-iinis ka ba?”

“Bakit wala ka nang pakialam kung matalo ka dito. You are being irrational. At mga taong irrational lang ang in love,” kaswal nitong sabi.

So she wanted to change her life for him. Maari ngang in love siya pero gagawin niya ang lahat para di nito malaman. Pero nakakainis! Bakit pa siya naiiyak dahil dito? Bakit di na lang kasi nito pakinggan ang sinasabi niya at maniwalang nagmamalasakit lang siya dito at para kay Andie?

“Hey, you two!” sigaw ni Reid na nakatayo sa pinto ng dressing room. Basta yata nasa teritoryo ay di nito alam ang salitang “Excuse me”. He would just barge in everywhere. “Ano ba ang problema ninyo?”

“Wala kaming problema, Sir Reid!” kaila ni Richard Don.

“Kung wala kayong problema, ibalik na ninyo ang props na kinuha ninyo sa ibang contestant. O gusto ninyong ma-disqualify.”

Ibinalik niya ang latigo at kinalag ang lubid kay Richard Don. Namumutla ang dalawang lalaking hiniraman niya props. Mukha marahil siyang babaeng tigre sa sobrang galit niya kanina. “Magbihis na kayo. May question and answer pa tayo,” sabi ni Reid.

“Sir Reid, I am quitting! Ayoko nang sumali,” pahabol niya dito.

“Ha? Why are you quitting?” tanong ni Richard Don. “Are you insane?”

“Basta! Ayoko na!”

“Magpaliwanag kayo sa panel of judges ngayon. Pumunta kayo sa stage. Hindi pwedeng basta mag-quit kayo sa gitna ng competition nang walang dahilan.”

Taas-noo siyang nagmartsa papunta sa stage. Di na niya napigilan pa ni Richard Don o napaliwanagan. Kalat-kalat na utak niya. Ayaw niyang magkunwaring masaya habang nasasaktan ang puso niya. Tiyak na magagalit ang Papa niya. She would be a failure. At maaring mali din ang desisyon niya. Susundin na lang niya kung ano ang alam niyang makakapagluwag sa dibdib niya. Saka na niya iisipin ang konsekwensiya.

“We have an important announcement from Danzelle Ann,” anang host na si Crawford at ibinigay sa kanya ang microphone.

Sa gulat niya ay inagaw iyon sa kanya ni Richard Don. “We are quitting.”

“We? Hindi ba ako lang dapat?” tanong niya.

“Matagal na akong dapat na nag-quit. Pinagbigyan lang kita dahil gusto mong makauwi na sa Bukidnon. Ngayon, mas pabor sa akin kung matatalo tayo.” Ginagap nito ang kamay niya. “I want you to stay.”

Napipilan siya. Naghiyawan ang mga nasa audience. Umulan naman ng pangangantiyaw mula sa mga kaibigan ni Richard Don. “Madaya! Lumang strategy na iyan para manalo! Wala nang extended talent portion!” sabi ni Eizhiro.

“Shut up!” bulyaw ni Richard Don sa microphone. “I am pissed off. Ang tagal-tagal ko nang gustong pagselosin ang babaeng ito. Tapos aaminin na lang na nagseselos siya at in love siya sa akin, kung anu-ano pa ang ikinakatwiran.”

Hinampas niya ang balikat nito. “Hoy! Ano bang sinasabi mo?”

“Manhid ka! Ikaw lang ang babaeng nambasted at nagpaiyak sa akin. Kahit yata mag-tumbling ako sa harap mo, di mo pa rin mapapansin ang kakisigan ko.” Lumingon ito sa direksiyon ni Jeffrey. “Paano ko ba paaaminin itong kapatid mo? Kinaladkad na niya ako at muntik nang manlatigo dahil sa selos pero ayaw pang umamin.”

“You have my permission! Kiss her!” suhestiyon ni Don Romulo.

Nanlaki ang mata niya. “Papa!”

Umugong ang sigawan nang hapitin ni Richard Don ang baywang niya at ilapit ang mukha niya. “Gusto mo bang dito na kita paaminin o sa ibang lugar?”

Napalunok siya. “Maghunus-dili ka. Pag-usapan natin ito nang maayos.”

Hahalikan siya nito sa harap ng maraming tao para lang patunayan na in love siya dito. Isang malaking gulo iyon lalo na’t nariyan si Andie para dito.

“Then let’s go!”

Di ito nagsalita nang umalis sila sa stage at pasakayin siya ng kotse nito. NI hindi rin niya magawang magtanong dahil matiim na matiim ang anyo nito. Isa pa, may malaki siyang dilemma. Paano niya sasabihin na mahal niya ito?

Pumasok ang kotse nito sa villa at inalalayan siyang bumaba. “Come. May matagal nang naghihintay sa iyo.”

Sa halip na sa loob ng villa nito ay idinala siya nito sa isang greenhouse. “Ngayon ko lang nakita ang greenhouse na ito. Mas maganda pa ito sa greenhouse ni Mama.”

Pumitas ito ng orchid na katulad ng rare orchid sa greenhouse ng mama niya at inipit sa tainga niya. “Ipinagawa ko ito para sa iyo. Ayoko nang umalis ka. Gusto ko dito ka lang sa tabi ko. Kung kailangang dalhin ko ang Bukidnon dito, gagawin ko. I love you.”

He held her head and kissed her tenderly. Iyon ang unang pagkakataon na narinig ang salitang iyon mula dito. It sounded so true and so real. She wanted to believe it was real. Di niya alam na matagal na niyang inaasam na marinig ang salitang iyon mula dito.

“I love you, Danzelle Ann,” ulit sa salita at niyakap siya. “I love you. Sabi ko kalokohan na magustuhan kita noong makita ka sa Bukidnon. Kahit na magkabali-bali ang katawan ko para lang maka-date ka, ginawa ko. But you treated me like a trash. Parang di ako lalaki. Na balewala lang ang pinaghirapan ko. And I cried. Alam iyon nila Jeff at Mark Ashley. Noon lang ako nag-exert ng effort sa isang babae pero tinanggihan ako. Ang di ko maintindihan, di ko naman alam ang nagustuhan ko sa iyo.”

“Sabi mo sa akin hindi ako ang type mo.”

Tumawa ito. “I was so silly. Ayoko na kasing I-reject mo ulit. Ayokong malaman mo na mahina ako pagdating sa iyo. Kaya nga di ko sinabi ang kondisyon ng Papa mo na kailangan mong makipag-date para ako lang ang magustuhan mo. Dito ka lang sa tabi ko. It was selfish and clever. Pero iyon lang ang paraan ko para mapansin mo ako.”

“At ipinaparada mo ang iba’t ibang babae sa harap ko para magselos ako?”

“How I wish! Pero wala ka namang pakialam. Puro trabaho lang ang nakikita mo. At nang malaman mo ang totoo, nag-backfire ang plano ko. Ide-date mo ang lahat ng lalaki sa mundo pwera lang sa akin. Buti na lang naagapan ko.”

“Tama ka naman. Hindi fair kung ihaharap ko kay Papa ang lalaking di ko mahal. Before I realize it, mahal na kita. Ayoko nang umalis sa tabi mo. Gusto ko nang sabihin sa iyo na mahal kita kaso nakita ko masaya ka kay Andie.”

“Si Andie? Look around you, Danzelle Ann. Lahat ito gawa ni Andie. Horticulture artist siya at expert sa landscaping. Siya ang kinuha ko para gumawa nitong greenhouse. Saka di mo rin siya dapat pagselosan. Engaged na iyon.”

“Totoo? Wala kang gusto sa kanya?”

Nakahinga siya nang maluwag. Nawala na ang tinik sa dibdib niya. Masyado siyang pinangunahan ng selos kaya di niya nakikitang ginagawa ni Richard Don ang lahat para mahalin niya ito. Tatanga-tanga kasi siya pagdating sa lalaki.

“How could I look at another girl when you already lassoed my heart?” he cupped her face and planted a kiss on her lips. “Please don’t go. Stay with me.”

Nang halikan siyang muli ni Richard Don, hiniling niya na di nasa iyon matapos. It was a perfect night. The start of forever. Di na niya pakakawalan ang pagkakataon na maging masaya sa piling nito. Babaguhin niya ang lahat ng plano para dito. Ito ang mundo niya. Kung nasaan ito, doon na rin siya.

Nag-ring ang cellphone nito. “Ano? Huwag nga kayong istorbo.”

Naka-loud speaker iyon kaya narinig niya ang boses ni Crawford Oreña. “Naka-phone patch ka. Kayo ang first runner-up.”

“First runner-up? Niloloko ba ninyo kami?” bulyaw ni Richard Don. “Ni hindi nga kami umabot sa last part. Nag-quit na nga kami.”

“Iyong itatanong sa inyo sa question and answer, nasagot na daw ang tanong sa inyo,” wika ni Crawford. “Kung willing daw ba si Danzelle Ann na I-give up ang pangarap niya kapag na-in love siya, nasagot na nang bigla ka niyang kaladkarin sa stage. Mukhang kinalimutan niyang importante ang competition para makabalik sa hacienda nila. At sa wakas, nakapag-kumpisal na si Richard Don. He asked you to stay. Iyon lang naman ang plano nila. Ang paaminin kayo.”

“Ibig sabihin di lang siya ordinaryong competition tulad ng mga pageant na napapanood namin sa TV?” tanong niya.

“It is about being true to your self and about how you feel,” wika naman ni Richard Don. “Pero parang nakakaloko pa rin sila.”

“I am not kidding,” wika ni Crawford. “Ask the judges if you want. Mataas ang score ninyo. Ayaw mong kunin ang prize ninyo?”

“Nandito na ang prize ko. Saka ko na kukunin iyan,” sabi nito at ini-off ang cellphone. “Mga wrong timing ang mga iyan!”

“Nanalo ba talaga tayo?”

“Does it matter? We have each other now. Hayaan mo na ang mga istorbo na iyon. Basta dito lang tayo.”

Ano nga ba naman ang hinihingi niyang premyo? Mas magandang premyo pa nga ang nakuha niya. The man who brought her unexpected happiness loved her. Na kahit ano pang pagtatalo nila, iisa pa rin ang nararamdaman nila.

“I like that idea. I love you, Richard Don Robles.”

“Kahit na mas bagay akong calf kaysa cowboy?”

“Basta ako ang maninilo ng lasso sa iyo at wala nang iba. Kundi matitikman nila ang bangis ko.”

“And my feelings for you won’t change. Kahit pa siguro gulpihin mo ako araw-araw at tawagin nila akong under, mahal pa rin kita.”

She was a woman with a plan. Wala sa plano niya na magmahal. Pero iyon yata ang tunay na kahulugan ng pagmamahal. Di man matupad ang mga plano niya, wala siyang pagsisisihan. Alam niyang magiging mas maligaya siya sa piling ng lalaking nagmamahal at nagpapaligaya sa kanya. Sa piling ni Richard Don.

Malamang ay mag-aaway at mag-aaway sila pero alam niyang sa huli, ito pa rin ang magbibigay ng kulay sa buhay niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.