Olympia Montez is out to save the world. Isang impormasyon ang nakuha niya na isang terorista ang kinakanlong ng Stallion Riding Club. Kaya pumasok siya sa Stallion Riding Club bilang si Florecina Malaybalay, ang ambisyosang housekeeper na ang gusto lang ay makapag-asawa ng guwapong member ng riding club.
Wala siyang planong ma-in love kundi lang humara-hara sa dadaanan niya si Myco Gosiaco, ang masungit at supladong head ng sekyu ng riding club.
Isang kalaban si Myco. Pero bakit parang di nakikinig ang puso niya?
Napapikit si Olympia nang dahan-dahang matunaw ang homemade strawberry ice cream sa bibig niya. “I love this homemade ice cream. Wala nito noong nasa Vietnam ako.” Nag-thumbs up siya. “This is the best!”
“Kung ganoon, iyang homemade ice strawberry ice cream lang ni Grasya ang nami-miss mo?” tanong ng ama niyang si Eleuterio Montez.
Yumakap siya sa baywang nito. “Pa, of course I miss you.”
Malapit silang mag-ama sa isa’t isa. Lalo lang silang nagging malapit sa isa’t isa nang pumanaw ang Mama niya limang taon na ang nakakaraan. Suportado ng Papa niya ang lahat ng pangarap niya. And she had always been a daddy’s girl.
Hinaplos nito ang buhok niya. “I miss you, too, hija. Sana nga dito ka na lang sa Pilipinas para hindi ka nangangayayat. Kumakain ka ba sa Vietnam?”
“Nasasanay na po ako sa pagkain nila. And thanks sa pancit canton at instant noodles na ipinapalada ninyo. I survived,” aniya at bahagyang tumawa. “At mabuti na lang may Jollibee na sa Vietnam.”
Isa siyang journalist para sa isang international news agency. Ilang buwan na siyang nakabasa sa Vietnam. Kung nasaan ang mga hot spots sa mundo ay ipapadala siya. Sa edad na dalawampu’t apat, isa na siya sa mga sought-after journalist sa Asia dahil sa mga investigative reports na ginawa niya sa sadyang lumikha ng ingay.
Galing siya sa pamilya ng mga journalist. Ang papa niya ay may-ari ng isa sa mga nirerespetong publication sa bansa. Hawak nila ang isa sa pinakapinagkaka-tiwalang diyaryo sa Pilipinas. Kaya pinangarap din niyang maging international hard-hitting journalist. At alam niyang malayo pa ang mararating niya.
Ngayon ay nasa Pilipinas siya para sa dalawang buwang bakasyon. Mainit pa siya sa Vietnam. Kailangan din niyang magpahinga. Gusto niyang magsulat ng libro tungkol sa mga karanasan niya bilang mamamahayag. Iyon kasi ang suhestiyon sa kanya ng senior editor niya habang sikat pa daw siya.
“You have a better future here. You can be your own boss. May sarili na tayong publication. Malaki ang maitutulong mo sa business natin.”
Nag-refill siya ng ice cream sa cup niya. “Pa, alam mo naman kung anong klaseng reports ang ginagawa ko. Laging gusto ko may international impact. Why don’t you let me build my connections first? Saka na po ako babalik dito kapag may napatunayan na ako.”
Gusto niyang gumawa ng sarili niyang pangalan nang malayo sa impluwensiya ng pamilya niya. Mas gusto niyang I-challenge ang sarili niya.
“Hindi pa ba sapat na patunay na nanalo ka ng Asian Journalist of the Year? You are the youngest awardee. I’ve never been prouder when I accepted the award for you myself. Makukuha mo rin iyon kung nasa Pilipinas ka.”
“Pero nakuha ko pa rin kahit wala akong sa Pilipinas,” nakangisi niyang katwiran.
Isang masusing imbestigasyon ang ginawa niya para mahuli ang ring leader ng isang sindikato na nakikipag-sabwatan sa mga pirata sa South China Sea. Iyon pala ay isa ito sa matataas na opisyal ng Vietnam. Naging kontrobersiyal iyon dahil inaakala ng lahat na napakalinis nito at isa sa mga sumusugpo ng corruption.
“Mas malaki ang maitutulong mo sa Pilipinas kung dito mo ginawa iyan. Sa malalang corruption at politics sa atin, marami kang pwedeng maging subject.”
“Kasama rin ako sa mga journalist na nag-dig sa issue ng Spratly’s. Kahit paano nakakatulong pa rin ako sa Pilipinas,” pagmamalaki niya. Kung binabatikos ang issue sa Pilipinas, marami naman siyang sinagasa sa Vietnam para lang ipakita kung ano ang implikasyon sa Pilipinas ng joint oil exploration. Kahit sa international issues ay naroon pa rin ang simpatya niya sa Pilipinas.
“So when are you planning to get married?”
Malakas na tawa lang ang naisagot niya dito. “Pa, bakit naman bigla ninyong naitanong iyan? Nakakapanibago naman po kayo.”
“Well, you are not getting any younger. More than winning awards and becoming a renowned journalist, I want you to settle down and have a family. Mas matutuwa rin ako kung magkakaroon ako ng mga apo. O kaya magkaroon ng lalaki na mag-aalaga sa iyo para di na kita alalahanin.”
Kumunot ang noo niya. “Kaya ko pong alagaan ang sarili ko. Saka walang lugar sa akin ang pag-aasawa, Pa. I love my job.”
“You look so much like your mother,” malungkot nitong sabi. “Lalo na ngayong mahaba na ang buhok mo, lalo nilang makikita ang ganda mo.”
Hinaplos niya ang naka-ponytail niyang buhok. Sobrang busy niya sa trabaho ay di na niya na-maintain iyon. Lagi kasi ay di sumasayad sa balikat ang buhok niya. Ayaw niyang pahabain dahil nakakaaksaya ng oras.
“Pagugupitan ko na po iyan.” Bukas na bukas din ay magpapagupit siya.
“Don’t you even dare! You are beautiful, Olympia. Ayaw mo bang sabihin ng mga tao na kasingganda mo ang Mama mo?”
Iniikot niya ang mata. “Yeah, right! Bakit po hindi na lang si Kuya R-Jan ang pilitin ninyong mag-asawa?”
Matanda ng walong taon sa kanya ang Kuya R-Jan niya. Half-brother niya ito. Anak ito ng Papa niya sa dati nitong nobya. Sa kasamaang-palad ay pinili ng nanay ni R-Jan na magpakasal sa isang mayamang lalaki. Namatay ang ina ni R-Jan noong beinte anyos na ito. Saka lang niya nalaman na may kapatid pala siya. Saka lang ito nakasama sa pamilya nila.
Ngayon ay hawak nito ang news magazine sa ilalim ng Sunrise Publication bilang editor-in-chief. Baby project iyon ng kapatid niya.
Tumiim ang anyo ni Eleuterio. “Wala pang karapatan si Rudiger Jan na mag-asawa sa ngayon. Ilang buwan pa lang sa sirkulasyon ang news magazine niya pero malapit nang mag-fold. It didn’t create the impact that I expected. It’s just one lousy magazine. Mas interesante pa ang tabloid kaysa sa mga articles sa magazine niya.”
“Pa, kaya siguro hindi sumama si Kuya sa dinner natin dahil sesermunan ulit ninyo. Just give him a break.”
“Parang bata siya nang makiusap siyang gawin ang magazine na iyon. Iiwan daw niya ako at lilipat ng ibang publication kapag di ko siya pinagbigyan. He acts like a brat. Pero dahil nakiusap ka sa akin na pagbigyan ko siya, pinondohan ko ang magazine niya. Naging independent siya at di ko pinakialaman dahil gusto mong pagkatiwalaan ko siya. And now this!”
Dahil siguro sa ibang pamilya lumaki ay di makasundo ng Papa niya ang kapatid niya. Laging sinasalungat ng Papa niya ang desisyon ni R-Jan. Kaya tuloy lumalayo ang loob ng kapatid niya dahil di ito nare-recognize ng Papa niya.
“Natural lang iyan, Papa. Di sa lahat ng pagkakataon maganda agad ang feedback sa mga inilalabas natin. You will see, makakabawi din si Kuya.”
“Kailan pa? Kapag tuluyan na tayong nalugi dahil sa kapalpakan niya?” Kinuyom nito ang palad at ipinatong sa tuhod nito. Bakas pa rin sa mukha nito ang sama ng loob. “That news magazine is my dream. Kung ikaw siguro ang humawak sa magazine, hindi ganito ang mangyayari.”
Bata pa lang siya ay gusto na niya ang isang hard-hitting investigative news magazine. Lahat ng katiwalaan sa gobyerno, problema ng mga mamamayan at iba pang aspeto ng lipunan ay matatalakay nila. Kaya nga natuwa siya nang I-suggest iyon ng Kuya R-Jan niya. Naniniwala din kasi siya na magaling ito.
Tumayo siya at niyakap mula sa likuran ang Papa niya. “Don’t be so hard on Kuya R-Jan. Give him a few more months. Malay ninyo makagawa din siya ng magandang issue na pagkakaguluhan ng lahat. Wag po ninyo siyang I-pressure. Just trust him a little.”
“Okay. I will give him a few more months. Kapag hindi niya nagawang I-improve ang quality ng news magazine niya, ifo-fold ko.”
Pinisil niya ang balikat nito. “No. Give him another chance.”
Tiningala siya nito. “So I will give the magazine another chance with you as the editor-in-chief.”
“But Pa!” Tiyak na masasaktan ang kapatid niya kapag sa kanya ipinasa ang news magazine. Dati pa lang ay may kompitensiya na sa atensiyon ng Papa niya. At parang nanalo na siya sa laban kahit di pa man siya lumalaban.
Ayaw niyang saktan ang kapatid niya. Kaya nga ginagawa niya ang lahat para mapalapit ang loob ng papa niya dito. Para mas maging malapit din siya dito. Gusto niyang maging katulad sila ng ibang magkapatid. Nagmamahalan at di nag-iinggitan. Gusto niyang maramdaman na itinuturing niya itong kapamilya.
“It’s either that or I will send loads of men to sought after you. Mao-obliga kang magka-boyfriend at mag-asawa. It is your choice, Olympia.”
No. Boyfriend is not an option. Sagabal lang ang mga lalaki sa trabaho niya. Di rin niya pwedeng kunin ang magazine ng kapatid niya. Failure was not an option. Gagawin niya ang lahat para tiyakin na di babagsak ang kapatid niya.
NAPAHIKAB si Olympia habang binabasa ang latest issue ng Focal Point, ang investigative news magazine na hawak ng kapatid niyang si R-Jan. There was something lacking in it. Masyadong matapang ang mga salitang ginagamit at puro pambabatikos pero ang mismong mga ebidensiyang nai-present ay kulang-kulang.
Dapat nang humingi ng advice ang kapatid niya. But knowing her brother, he won’t listen. Masyadong mataas ang pride nito. Pakiramdam nito ay tama ang lahat ng ginagawa nito. Ayaw nitong nasasabihan ng mali.
Bumukas ang pinto at pumasok si R-Jan. mariing nagdikit ang labi nito nang makita siya. “Well, if it isn’t the most sought after journalist herself! What are you doing in my office, Miss Olympia Montez?” pormal nitong tanong.
“Hello, Kuya!” nakangiti niyang bati at humalik sa pisngi nito. “Nagtatampo ako sa iyo. Hindi ka nagpakita sa dinner sa bahay.”
Ibinagsak nito ang sarili sa swivel chair at nagbukas ng bagong pakete ng sigarilyo. “Alam ko na ang pag-uusapan sa dinner. Habang inuulan ka ng papuri ni Papa, uulanin naman niya ako ng sermon.” Nagsindi ito ng sigarilyo at ibinuga ang usok. “Focal Point is very promising and he wants to fold it up. Sabihin mo nga sa akin. Wala namang problema sa magazine ko, di ba?”
“Well, I can make a few suggestions to improve it.”
Dumilim ang mukha nito. “Suggestions? I am doing great. Thank you. I know that you are Asia’s Journalist of the Year but it doesn’t mean I am stupid.” Hindi nito maitago ang kapaitan sa boses nito.
“Kuya, I am sorry. Gusto ko lang namang makatulong. Hindi ko gustong ma-offend ka.” Palagi nitong idinedeklara ang kompitensiya sa pagitan nila. Tuwing magbibigay siya ng tulong, pakiramdam nito ay gusto niyang magmalaki.
Bumuntong-hininga ito at pumikit. “This is a hard time.”
Hindi madali para dito na basta na lang I-fold ang news magazine nito. At ito ang tao na di basta-basta tumatanggap ng pagkatalo. He had so much at stake, she knew. Kasama na doon ang pagtanggap dito ng papa niya.
“Sabihin mo sa akin kung ano ang maitutulog ko. Sabi ni Papa, hindi maisasara ang magazine kapag nag-improve ang quality.”
Kumunot ang noo nito. Parang gusto na naman siyang salungatin ngunit pinili na lang ipinid ang bibig. “I actually have this big story in mind. Ito ang istorya na matagal ko nang hinihintay na tiyak na magpapasikat sa magazine ko.”
“How big is this story?”
Sumandal ito at humitit ng sigarilyo saka paitaas na ibinuga ang usok. “Eight years ago, a large pharmaceutical company was raided for producing biochemical weapons. Responsible sila sa pagpapakalat ng virus sa iba’t ibang bansa. It’s a front used by terrorists.”
“Yes. Naalala ko iyon.” Ilang araw na di umuwi ang papa niya sa bahay dahil nakatutok ito sa balitang iyon. “Pinasabog ang pharmaceutical company para daw masira ang lahat ebidensiya at walang survivor na makapagsalita.”
“And one of the young and promising Filipino virologist died in the blast.”
“Reiven Alleje,” nanulas sa labi niya. Na-shock ang lahat dahil tinitingala ang mga Alleje sa lipunan. Hindi pa nasangkot sa kontrobersiya ang mga ito. “Hindi na na-retrieve ang bangkay niya sa dami ng namatay sa pagsabog.”
Ngumisi si R-Jan at idinuldol ang sigarilyo sa ashtray. “So that’s what everybody thought. Reiven Alleje is alive.”
“Paano siya nabuhay? Saan siya nagtago sa loob ng walong taon?”
Ihinagis nito ang isang folder sa kanya. Nang buklatin niya ay naroon ang picture ng isang guwapo at makisig na lalaki. Binasa niya ang profile ng lalaki. “Doctor Martin de Guia, a virologist and member of Megos. Grupo sila ng mga independent virologist. Marami silang natulungang tao. Anong kinalaman ni Doctor de Guia kay Reiven Alleje?”
“Martin de Guia vanished in the Amazon jungle ten years ago, searching for medicine to cure to a mysterious disease. At isang himala na bumalik siya sa sibilisasyon matapos ang limang taon.”
Nasa isang bahagi ng folder ang profile ni Reiven Alleje. Pinagkumpara niya iyon sa picture ni Martin de Guia ngayon. “Hmmm… may pagkakahawig nga sila. After all, pareho silang may Latin blood.” Half Venezuelan si Martin habang half-Spanish si Reiven. “Pero paano sila magiging isa?”
“May isang babae na malapit sa mga Alleje na nagke-claim na sila Martin de Guia at Reiven Alleje ay iisa.”
Tumango-tango siya at itinapik ang daliri. “Ah! So this is some sort of love story then. Malamang may gusto ang babaeng ito kay Reiven Alleje kaya nang makita niya si Martin de Guia, na-in love siya at naisip na lang niyang si Reiven iyon. I don’t think this will help your magazine.”
Mas babagay sa mga gossip column ang ganoong klaseng balita kung matatawag mang balita iyon.
Binayo nito ang mesa. “Will you take me seriously?”
“I am serious! I just don’t think this kind of event is news worthy. Come on! Sa dami ng nangyayari sa Pilipinas at sa mundo, bakit dito mo pa iaasa ang kinabukasan ng Focal Point?”
Tumiim ang labi nito. “Because my guts tell me that this one is real. This is classified information, Olympia. From a very reliable source. Nasa Stallion Riding Club ngayon si Martin de Guia. At pag-aari iyon ng mga Alleje.”
“Gusto mo mag-research pa akong mabuti para mabuo ang istorya na ito?”
Pero delikadong basta na lang maglabas ng isang article ang kapatid niya sa isang bagay na wala namang kapararakan. Tahimik na ang mga Alleje. Walang kinalaman ang mga ito sa pagkakasangkot ni Reiven Alleje sa isang terrorism group. Ni hindi nga nakabawas sa magandang reputasyon ng mga ito sa eskandalo. Ang mga ito din mismo ang nawalan ng isang minamahal. Masakit na ungkatin pa ang isang madilim na nakaraan at buhayin ang isyu sa isang taong patay na. Isa, kahit ang pangalan ni Reiven Alleje ay nalinis na. Espekulasyon na lang ang pagiging terorista nito.
“No. May mga tauhan na akong gagawa ng research. What I need is a person who will stay inside the riding club. Isang tao na makakalapit kay Martin de Guia. At ikaw lang ang taong mapagkakatiwalaan ko, Olympia.”
Tumayo siyang bigla. “No! I don’t think this will work.” Ni ayaw nga niyang ma-involve sa isang bagay na walang matibay na ebidensiya. Sa ngayon ay haka-haka lang ang mayroon ang kapatid niya at ng isang babaeng malamang ay desperada dahil sa pag-ibig. She’s not a fan of telenovelas.
“Paano kung totoo? Paano kung buhay si Reiven Alleje? Paano kung ginagamit na kanlungan ni Reiven Alleje ang mismong Stallion Riding Club para sa mga terrorism activities niya?”
“Pero mahigpit ang Stallion Riding Club sa mga pinapapasok nila. At importante sa kanila ang security ng mga member nila.”
“Reiven is an Alleje. Blood is thicker than water. Dahil patay na siya, di siya pinapanagot sa mga ginawa niya. Ni hindi natin alam ang totoong istorya. Paano kung maraming tao ang nanganganib dahil sa kanya? Di ka ba tutulong?”
That hit her. Isa sa responsibilidad niya bilang mamamahayag ay isipin ang kapakanan ng publiko. Kung si Martin de Guia ay si Reiven Alleje din, at si Reiven Alleje ay di pa nakakasagot sa mga isyu ng pagkakasangkot nito sa grupo ng mga terorista at pinoprotektahan ng mismong Stallion Riding Club, mapanganib nga sa lahat kung di mailalabas ang tunay na isyu.
“Gusto kong kunin ang assignment na ito. Pero bawal ang reporters sa Stallion Riding Club, hindi ba?”
Ban ang media sa riding club. Malaki ang magiging problema nila. Dahil iniimbestigahan ang bawat papasok sa riding club, papasukin man siya ay guwardiyado ang mga kilos niya. Daig pa daw ng isang tao ang papasok sa Stallion Riding Club kumpara sa pagpasok sa Big Brother House. They were particular with the security.
Gusto man niyang tulungan ang kapatid niya at ang sambayanang Pilipino, problemang malaki kung paano siya papasok sa isang lugar na dinaig pa yata ang CIA compound sa dami ng security cameras and gadgets na nakabantay.
“Naalala mo ba nang magpanggap kang chambermaid sa isang hotel para lang patunayan makakuha ng impormasyon tungkol sa isang drug dealer sa Thailand.”
“Well, yes!” It was exciting and exhilarating. Parang undercover agent nga siya noon. Pero iyon ang simula ng paggawa niya ng pangalan sa ibang bansa.
“Do you want to do it again?”