Sa ICU sila tumuloy ni Hiro pagdating sa ospital. Iba’t ibang aparato na ang nakakabit sa katawan ni Minamoto. “Sabi ko sa kanya huwag na kaming bumiyahe,” umiiyak na sabi ni Estella habang nakayakap kay Hiro. “Nagpipilit pa rin siya.”
“I don’t understand. Malakas pa naman siya. Bakit bigla na lang siyang nanghina, Mama? Hindi ba binigyan pa nga siya ng clearance ng doctor niya sa Tokyo para makabiyahe?”
“Unpredictable ang sakit niya. Hindi natin alam kung kailan aatake. Ino-obserbahan pa rin siya ng mga doctor.”
Mabigat ang mga hakbang na lumabas ng ICU si Hiro. Hinawakan niya ito sa balikat. “He will be fine. Magdasal lang tayo.”
Sumandal ito sa pader sa may hallway. “It is unfair, Jem. Pinilit kong maging magaling para hindi na niya kailangang magtrabaho. I want him to rest and enjoy life. Ayoko siyang bigyan ng problema para hindi na lumala ang sakit niya. Kung kailan nagsisimula na akong maging successful, saka pa ba siya mawawala?”
“He will live longer, Hiro. Huwag kang mawawalan ng pag-asa.”
“Marami pa akong plano. At kasama ka sa mga plano ko. Gusto ko makita niya lahat iyon. Gusto kong makasama ang lahat ng taong mahal ko.”
“You will get everything you wish for, Hiro. You deserve it.” At gagawin din niya lahat makuha lang ni Hiro ang lahat ng gusto nito. She’d fight for it.
“GOOD afternoon, Ma’am,” bati niya. Nagbibigay siya ng instruction sa tauhan niya nang makatanggap ng tawag mula sa Mama ni Hiro na si Estella. Nagkita sila sa isang café di kalayuan sa ospital kung saan naka-confine ang Papa ni Hiro. Tsaa ang in-order niya sa halip na kape. She already had too much nervousness to handle.
“Please take a seat. Hindi na ako magpapaligoy-ligoy pa. Alam mo na siguro ang dahilan kung bakit gusto kitang makausap, hindi ba?”
Di siya makatingi nang diretso dito. “Yes. It is about Hiro.”
Mariing nagdikit ang labi nito. “Akala ko ba, malinaw na ang pinag-usapan natin dati. Na iiwasan mo na ang anak ko. Bakit ganito na naman? You broke your promise to us,” puno ng hinanakit na sabi nito.
She bit her lips to stop her self from crying. Iyon ang bahagi ng nakaraan niya na ayaw na niyang balikan. Dalawang taon na niyang nobyo si Hiro. Dumalaw sa Pilipinas ang mga magulang nito at ipinakilala siya. Ilang araw matapos iyon ay ipinatawag siya ng mag-asawa. Sinabi ng mga ito na di siya matatanggap bilang nobya ni Hiro dahil isang dispalkador daw ang ama niya.
Daig pa niya ang sinampal. Hindi niya alam ang tungkol sa kaso ng ama niya sa kompanyang inalisan nito. Marahil ay inilihim nito hanggang kamatayan. Kaya pala nawala sa kanila ang lahat ng ari-arian nila. At kung makakasal daw sila ni Hiro, magiging kasiraan lang daw siya sa pamilya ng mga Hinata. With her family background, she would only ruin Hiro. Kaya naman pinili niyang magsinungaling kay Hiro dahil ayaw niyang mahirapan pa ito sa pamimili sa kanya at sa pamilya nito.
“I love him. For so many years, I stayed away from him.”
“Sana hindi ka na lang bumalik sa buhay niya. Nakita mo ba ang ginawa mo sa Papa niya? Nagkasakit siya dahil nakita ka niya. Kaya nagmamakaawa ako. Lumayo ka sa kanya. Huwag mong hayaang masira ang kinabukasan niya. At hahaba rin ang buhay ng Papa niya kung gagawin mo iyon.”
Taas-noo niya itong tiningnan. “Hindi ako masamang tao. Siguro may kasalanan ang tatay ko pero hindi ako siya. For years, I worked so hard. Dahil gusto kong patunayan na karapat-dapat ako para kay Hiro. Na hindi ako magiging kahihiyan niya. I tried to leave my father’s shadow. Isn’t that enough?”
Lumungkot lalo ang mga mata nito at ginagap ang kamay niya. “I don’t want to be harsh to you. Pero kailangan mo ring maintindihan kung bakit ginagawa ito ng Papa ni Hiro. Nasa college siya nang madispalko ng kasosyo ng ama niya ang pera ng kompanya. Na-bankrupt sila at namatay ang lolo ni Hiro. Minamoto’s family suffered. Nawala sa kanila ang lahat. Hiro’s father had to start from scratch. Bata pa lang siya, kailangan na niyang ibangon ang negosyo ng pamilya niya at buhayin ulit ang pangalan nila. Kaya naman ayaw niyang danasin iyon ni Hiro.”
“At dahil may ama ako na dispalkador, walang kwenta ang paghihirap ko na ibangon ang pangalan namin?” naghihinanakit niyang tanong at di mapigil ang pagluha. Masakit sa kanya na matuklasan ang kaso ng ama niya. Mabait kasi ito sa kanya at di pa rin siya makapaniwalang gumalaw ito ng pera ng iba. Simple lang naman kasi ang pamumuhay ng pamilya nila.
Gusto man niyang maghanap ng ebidensiya para linisin ang pangalan ng kanyang ama, wala naman siyang nagawa. Dahil natuon ang atensiyon niya sa pagtatrabaho sa kanilang magkapatid at sa paglimot kay Hiro.
“I know that I am being unfair to you, hija. I know how much you love Hiro. Pero kung ipipilit mo ang gusto mo, malaki ang posibilidad na sumama ang loob niya at mamatay ang Papa niya. Ayokong mawala ang asawa ko. At di rin iyon gugustuhin ni Hiro dahil mahal na mahal niya ang Papa niya. So please…”
Huminga siya nang malalim at mabilis na pinahid ang luhang naglandas sa pisngi niya. “I understand. Masakit mawalan ng isang ama dahil naranasan ko na po iyon kay Hiro. I saw the bond that Hiro shares with his father that I once shared with mine. At di ako gagawa ng bagay na makakasakit sa kanya. I will assure you that I won’t bother Hiro or your family again.”
NANG sumunod na gabi ay si Jemaikha mismo ang nakipagkita kay Hiro para mag-dinner. She chose a Japanese restaurant with a private room. Gusto kasi niya na makapag-usap sila nang maayos ni Hiro. Matagal din niyang pinag-isipan kung paano sasabihin dito ang lahat. It wasn’t easy to break up with him for the second time.
“I am sorry kung hindi natuloy ang dinner natin kasama ang parents ko. Nagkasakit kasi si Papa,” wika ni Hiro habang kumakain sila. “But the doctors told me that he will be okay soon. Wala na nga siya sa ICU.”
“That’s nice to hear.” Napanatag marahil ang mga magulang nito dahil sa ipinangako niya. Ngayon, parang siya naman ang magkaka-nervous breakdown.
“Kapag magaling na si Papa, matutuloy na rin ang dinner natin. Masasabi ko na rin sa inyo ang gusto kong sabihin tungkol sa…”
“Don’t bother, Hiro,” putol niya sa sinasabi nito. “Sa tingin ko hindi na iyon kailangan. I am breaking up with you.”
Dumulas sa kamay nito ang hawak na chopstick at maang na tumingin sa kanya. “What? This is a joke, right?”
“I never make a crank like that one. I am serious,” walang ngiti niyang sabi.
“Tungkol na naman ba ito sa career mo? Kinakabahan ka ba na aalukin kita ng kasal at mawawalan ka na ng identity? You know it has never been a problem with me. Hindi kita pipigilan na mag-grow as an individual. Basta huwag ka lang makipag-break sa akin. It is not really funny.”
Pinagsalikop niya ang palad at direkta itong tiningnan sa mga mata. “Hiro, I lied to you. Hindi iyon ang dahilan kung bakit ako nakipag-break sa iyo dati.”
“Then what? Ako ba ang may problema?”
Umiling siya. “Hiro, it is not you. You are the perfect man any woman could ask for. And given the choice, I won’t leave you. Three years ago, I broke up with you because I found out why my father died and my family lost everything. Hindi inilit ang pag-aari ng pamilya ko dahil sa utang ni Tatay. Nakadispalko siya ng pera.”
“So what? Wala naman akong pakialam doon, hindi ba?”
“Yes, it is not a big deal for you but your parents believe otherwise. Ayaw nilang madumihan ang pangalan ng pamilya mo lalo na ang sa iyo. Hindi ko sinabi ito sa iyo dati dahil ayokong magalit ka sa mga magulang mo. Mahirap ang pinag-daanan nila para marating ang kinalalagyan nila ngayon lalo na ang Papa mo. They are just trying to protect you.”
“But they have no right to treat you like a trash.”
Yumuko siya. “They are just doing what’s best.”
“And it is okay for you to give me up?” may himig ng hinanakit ang boses nito. “Akala ko ba hindi mo ako iiwan?”
“Hiro, kaya nagsumikap ako na umangat sa buhay para burahin ang stigma sa tatay ko at sa pamilya ko. Para kaya kong humarap sa magulang at tanggapin nila ako para sa iyo. Pero iba na ngayon. Ako ang dahilan kung bakit nagkasakit ang Papa mo. Kung ipipilit mo ang gusto mo, baka mawala siya sa iyo. Not only you will me but you will hate yourself as well. And I don’t want it to happen.”
“Pero walang kinalaman ang isyu ng tatay mo sa relasyon natin. Walang pakialam ang magulang ko doon. Walang pakialam ang ibang tao.”
“Hindi mo sila masisisi. We are living in a harsh world. Kapag nalaman ng ibang tao ang family background ko, paano ka pa nila pagkakatiwalaan? Sisirain lang kita. At ayokong masaktan ka dahil sa akin.”
Niyakap siya nito. “I don’t care about what your father did or what my family wants. We can work this out, Jem.”
Umiyak lang siya nang umiyak habang yakap ito. She didn’t want to let him go. Pero iba ang idinidikta ng konsensiya niya sa idinidikta ng puso niya. “Ayokong maging malupit sa magulang mo. Kasalanan ko ito. Sana noon pa ako lumayo sa iyo. Sana hindi na lang ako bumalik. Sana hindi na lang kita minahal ulit. I know you will hate me. Pero buhay na ng tao ang pinag-uusapan natin. Your father’s life.”
Lalo nitong hinigpitan ang pagkakayakap nito sa kanya. “Don’t give up on me again, Jemaikha. Parang pinapatay mo na rin ako.”
“I don’t want to give you up either.” Kung alam lang nito na parang dinaganan ang dibdib niya ng isang napakalaking bato. “But we can’t always think about ourselves. May iba rin tayong taong nasasaktan.”
“Kailan ba nila tayo iintindihin? Hindi ba tayo pwedeng magmahal.”
“We have to make the sacrifice this time, Hiro.” Kumalas siya sa pagkakayakap dito at mapait na ngumiti. Tumingkayad siya at kinintalan ito ng halik sa labi. A bittersweet kiss. “Goodbye!”
Palabas na siya sa pinto nang pigilan nito ang braso niya. “Don’t say goodbye. I will take you back. I promise, I will.”
Bahagya niya itong nilingon. “I am sorry Hiro. I guess this is forever.”
HINDI maipinta ang mukha ni Tiya Vilma nang pasukin si Jemaikha sa kuwarto. “Ano ka ba namang babae ka? Ni hindi ka man lang nahiya. Nakaalis na si Hiro at lahat, hindi mo man lang hinarap nang maayos.”
“Siya lang po kasi ang nagpapahirap sa sarili niya. Sinabi ko na sa kanya na break na kami. Ayaw pa rin niyang tumigil. Kahit na sundan pa niya ako mula dito sa bahay hanggang sa opisina, hindi ko na siya kakausapin.”
Kahit mga kaibigan niya ay naiirita na sa kanya dahil hindi niya pinapansin si Hiro. Wala na ngang ginawa ang binata kundi ang sumunod sa kanya. Nasasaktan din siya pambabalewala dito pero kailangan. Kapag pinagbigyan niya ito, bibigay lang ang puso niya. At di kakayanin ng konsensiya niya kung Papa nito ang mapapahamak dahil sarili lang niya at puso niya ang inisip niya.
“Ano ba ang problema mo kay Hiro?”
“Wala po akong problema sa kanya. Ako po ang problema.”
“Tama ka. Ikaw nga ang may problema. Mahal mo naman iyong tao pero pinahihirapan mo pa. Ano na naman ba ang pumasok sa kukote mo? Mabuti nga pinagtitiisan ka nung tao. Aayaw-ayaw ka pa. Mag-isip-isip ka nga.”
“Hindi naman talaga ako bagay sa pamilya niya,” bulong niya.
Magiging masaya na lang siya dahil kahit sandali, nabuhay siya sa isang magandang panaginip. She would cherish the moment she spent with Hiro. Pero ngayon, kailangan na niyang gumising.
“Ikaw? Paano ka? Nasasaktan ka rin naman. Si Hiro din naman sinasaktan mo sa ginagawa mo. Naghirap na kayo. Dapat naman maging masaya kayo.”
“Naiintindihan naman po niya kung bakit ko ginagawa ito.”
“Pero hindi pa rin kayo masaya,” giit nito. “Hindi ko alam kung ano ang lahat ng nangyayari sa inyo. Pero kung kinakailangan, lumaban kayo. Hindi sumusuko sa iyo si Hiro. Sana ganoon ka rin sa kanya.”
HANGGANG kinabukasan ay dala ni Jemaikha ang sinabi ng Tiya Vilma niya. Dapat nga ba niyang ipaglaban si Hiro? Paano naman ang mga taong sasaktan nila? May iba pa bang paraan para maayos nila ang lahat?
“Siguro dapat kong kausapin si Hiro,” isip-isip niya. “Kakausapin ko siya mamaya kapag nakita ko siya sa labas ng office.”
Subalit paglabas niya ng opisina ay wala ito. Lulugo-lugo tuloy siyang umuwi. “Mukhang sinawaan na yata si Hiro sa kasusuyo sa akin.” Gusto niyang batukan ang sarili. “Kasi masyado akong madrama. Sana kinausap ko siya. Baka hindi na siya magpakita sa akin. Paano na ako?”
Pagdating niya sa bahay ay si Hiro agad ang bumungad sa kanya. “Hiro!” Sa sobrang tuwa na makita ito ay niyakap niya ito. “I think we need to talk.”
“Mag-uusap nga tayo pero kaharap sila.”
Napakapit siya sa braso ni Hiro nang makitang nasa sala rin ang mga magulang nito. Nakasakay sa wheelchair si Minamoto.
“K-Konbanwa. Guia wa ikaga desu ka,” bati niya at pangungumusta sa kalagayan ng ama ni Hiro. Baka magalit ang mga ito sa pagyakap niya kay Hiro. Iniisip ba ng mga ito na hindi siya tumupad sa pinag-usapan nila?
“Daijoubu desu,” wika ni Minamoto at bahagyang ngumiti.
Malakas na malakas ang kaba niya habang hinihintay ang susunod na sasabihin ng mga ito. “Jemaikha, tungkol sa napag-usapan natin noong nakaraan,” panimula ni Estella. “I want to apologize about it. Hindi namin kayo dapat na pinaghiwalay ni Hiro.”
“Po?” di makapaniwala niyang usal. Iyon ang huling bagay na inaasahan niya. Ang humingi ito ng paumanhin sa kanya.
“Hindi namin inisip ang kaligayahan ng anak namin. Masyado kaming naka-focus sa sasabihin ng ibang tao. O ang mangyayari sa kompanya. But now, Hiro made us realize that he won’t be happy if you are not with him. Naisip naming mag-asawa na kung sa amin din iyon mangyayari, pipiliin pa rin namin ang taong mahal naming. Besides, hindi mo kasalanan ang kasalanan ng ibang tao.”
Yumuko si Minamoto. “Goumen nasaii,” hinging paumanhin nito.
“You don’t have to do that, Sir,” tutol niya nang akmang yuyukod pa ito para humingi ng tawad sa kanya. Naiintindihan niya ito. Ginawa lang nito ang inaakala nitong tama para sa anak. Pinrotektahan lang nito si Hiro.
“Don’t worry, hija. Kami mismo ang tutulong para linisin ang pangalan ng tatay mo,” wika ni Estella sa kanya. “Malaki ang posibilidad na na-frame up lang siya. Pasensiya na kung di namin ito ginawa dati pa. Minsan talagang ganoon ang mga tao. Mabilis na manghusga sa iba.”
“Thank you po.” Tinanguan niya ang Papa ni Hiro. “Arigatou!”
“Pero anuman ang resulta ng imbestigasyon, tatanggapin ka pa rin namin para kay Hiro. You had proven your worth. I think I would be proud to have you as my daughter in law,” anang si Estella at niyakap siya.
Maluha-luha siya habang nakatingin sa nakangiting mukha ni Hiro. Nang mga oras na iyon, parang nawala ang mabigat na bato na nasa dibdib niya. Hindi na niya kailangang tumakbo palayo. Hindi na niya kailangang umiwas. Ngayon ay alam na niya kung ano ang pakiramdam kapag ipinaglalaban ang pagmamahalan.
“A-RI-GA-TO-U!” buka ng bibig ni Jemaikha habang nakaupo sila sa harap ng bamboo fountain sa garden ng bahay nito. Matapos makausap ang mga magulang nito ay idinala agad siya nito sa Stallion Riding Club. Dapat daw siyang bumawi sa pagpapahirap niya dito.
“Kanina ka pa yata thank you nang thank you sa akin,” natatawang sabi nito at kinabig ang baywang niya. “Para saan na naman iyan?”
“For everything. For loving me. For never giving up on me. Kung ibang lalaki siguro iyon, baka nagsawa na. Ilang tao ka ring nagtiis sa akin, di ba?”
Malungkot itong ngumiti. “Malas lang siguro ako dahil na-in love ako sa iyo.”
Kinurot niya ito sa braso. “Nagsisisi ka na?”
Tumawa ito at kinintalan siya ng halik sa labi. “Iyan ang hindi ko pagsisisihan. Loving you is the best thing that happened to me.”
“Sabihan mo na akong gaya-gaya. But I feel the same. Kapag kasama kita, mas lalo kong naa-appreciate ang ganda ng buhay kahit na mahirap. Hindi katulad dati. Kahit na sabihin ko na masaya ako, lagi na lang kulang. Ikaw lang pala ang kulang sa buhay ko.”
“Kung hindi ko idinala sa iyo si Mama at Papa, hanggang kailan mo naman ako balak na tikisin?”
“Hanggang kanina lang din. Napag-isip-isip ko ang sinabi ni Tiya Vilma. Kung mahal kita, dapat ipaglaban din kita tulad ng ginagawa mo para sa akin. Akala mo siguro malakas ako dahil natitikis kita. Nasasaktan din ako. Kaso iniisip ko na baka tama ang pagsasakripisyo ko para sa iyo.”
“Kaya nga hindi ko magawang magalit sa iyo. I know you did it for me. But please don’t leave me anymore. Stay with me.”
Tumango siya. “Hai!”
“Forever?”
Tumingkayad siya at kinintalan ito ng halik sa labi. “Eien ni. I will love you forever, Hiro. Wala nang bawian. Wala nang urungan.”
When they kissed, she thought that moon and the stars shone brighter. Their light would be hers and Hiro’s guiding light. Sa pagkakataong ito, di na sila maliligaw. Dahil mas matibay na ang bigkis na nagtatali sa puso nila. The diamond on the engagement ring she was wearing was a proof to that.