“Hiro, don’t!” Niyakap niya ang baywang nito upang pigilan ito. Mukhang di ito mangingimi na harapin si Sawada. “Ang totoo gusto ko rin siyang sampalin. Kung pwede nga lang patapakan ko siya sa kabayo niya para magtanda. Kaso naisip kita. Baka tuluyan nang masira ang negotiation ninyo kapag ginawa ko iyon.”
“Gusto mo na tumahimik lang ako kahit na binastos ka na niya?” humihingal sa galit nitong tanong.
“He wants you to lose your cool, Hiro. Gusto ka niyang matalo sa ganoong paraan. Huwag natin siyang hayaan. Control your anger.”
Nahimasmasan ito at mahigpit siyang niyakap. “I am sorry. I am just mad at my self. When I hired you, I just want to help you. I also want to spend more time with you. I want you to fall for me again. Pero hindi ko gusto na I-expose ka sa ganitong klase ng danger.”
Hinaplos niya ang mata nito na puno ng pag-aalala. “I don’t mind. Kasama naman talaga ito sa trabaho, di ba? Saka hindi naman ako natatakot.”
“No. You still don’t deserve this. Ayoko nang I-harass ka ni Sawada para lang makaganti sa akin. If I have to stop negotiating with them…”
“Hiro, you can’t seriously do that!” bulalas niya. “Importante sa iyo ang project na ito.” Marami itong gustong patunayan. Di sila pwedeng umurong.
“Importante ka rin naman sa akin.”
Umiling siya. “That’s what Sawada wants you to do. Turn tail and run. Mas importante ang mga taong umaasa sa iyo. They also need you. Don’t mind me. I can perfectly protect my self.”
Gumuhit ang ngiti sa labi nito. “You are right. We still have one more day. Si Sawada lang naman ang may galit sa akin. The rest from Fukouka likes my proposal. I won’t give up. Just stay beside me, Jemaikha.”
“Yes, I will.”
UMUGONG ang palakpakan matapos ang exhibition sa show jumping ni Gabryel Honasan. Isa ito sa mga miyembro ng riding club na nagpasikat sa iba’t ibang horse sports na program sa araw na iyon. Ginanap ang program na iyon para sa delegates ng Fukouka International. Iyon na kasi ang huling araw ng mga ito sa Stallion Riding Club. Sa umaga ginanap ang program bago ang final deliberation. Sa hapon din na iyon nila malalaman kung pipirma nga ang mga ito sa kontrata o hindi. Nanonood din sa programs ang mga miyembro ng riding club.
Matindi ang pangamba ni Jemaikha. Naroon pa rin ang banta ni Sawada. Pero umaasa pa rin sila ni Hiro na magiging pabor pa rin ang lahat sa kanila. Lalo na ngayon na inspirado sila. Parang posible ang kahit ano.
“The most awaited event this morning and a first in Stallion Riding Club,” anunsiyo ng facilitator ng event at tumatayong emcee. Dahil English ang salita, matiyaga siyang nagpapaliwanag sa mga Japanese na kasama nila mula sa Fukouka. “Two modern samurais will present their skills in Yabusame, a traditional Japanese art in mounted archery. Let’s call on Mr. Sawada Fukouka and Suichiro Hinata!”
Tumayo siya at napapalakpak nang pumasok sina Hiro at Sawada sa stadium sakay ng kabayo. Di niya mapigilang ngumiti dahil naka-traditional Feudal costume ang mga ito. Yabusame was more of ceremonial now than sports. Pero sa pagkakataong iyon, magiging isa iyong paligsahan.
“Ganbatte, Hiro-san!” sigaw niya kasabay ng malakas na palakpakan at sigawan ng iba pang mga babae na nagpapapansin kay Hiro.
Tumingin si Hiro sa direksiyon niya at kumaway. Di na nito kailangan pang magsalita. Alam niyang siya ang goodluck charm nito.
Habang inaayos ang stadium para sa laro ay ipinaliwanag ang mechanics ng laro. Habang sakay ng tumatakbong kabayo ay kailangang patamaan ng isang player ang tatlong magkakahiwalay na target sa loob ng twenty seconds. The first is erected some thirty meters from the start, the second seventy-five meters from the first, and the third seventy-five meters from the second. Each target is erected at a height two meters from the ground. Ang may pinaka-sentrong tira at pinakamarami sa loob ng maikling oras ang isang panalo.
It was a tricky game. Tatakbo ang kabayo sakay ang archer sa two hundred fifty five meter-long na track. The archer mainly controls his horse with his knees, as he needs both hands to draw and shoot his bow. Kaya naman dapat ay highly skilled at disiplinado ang isang manlalaro para manalo.
Malakas na malakas ang kaba sa dibdib niya. Maari kasing magkaroon ng disgrasya sa ganoong klaseng laro. And she was taking the game seriously.
Si Sawada ang unang tumira. Tinamaan nito ang tatlong target kahit na muntik na itong di makahabol sa ikatlong target. He barely managed to hit it. Pero dahil tinamaan nito, maganda ang naging score nito. Ilan sa mga babae sa audience ay naghagis pa ng bulaklak para dito.
Pinagsalikop niya ang palad nang si Hiro na ang susunod na susubok. Sawada was good. At di niya alam kung paano pa iyon malalampasan ni Hiro. “You can do it, Hiro! I know that you can do it!”
Di niya maalis ang tingin dito nang habang tumatakbo ang kabayo ay sunud-sunod nitong pinatamaan ng pana ang mga target. Napahiyaw siya sa tuwa nang nagawa nitong tamaan sa gitna ang mga target. Bulls eye. Sa pagtama ng pana sa target board ay umulan ng confetti. Kahit ang mga taga-Fukouka ay di magkamayaw sa pagpalakpak sa paghanga kay Hiro.
Bumaba si Hiro sa kabayo at patakbong pumunta sa kanya. Sinalubong niya ito ng yakap. “Kakoii! That’s cool, Hiro!” puno ng paghanga niyang sabi.
Kinintalan siya ng halik sa labi. “Iba na ang inspired.”
Pareho silang natigil sa pagsasaya nang madilim ang mukha silang nilapitan ni Sawada. Nagtaka sila nang bigla itong ngumiti at inabot ang kamay. “Congratulations! Nice game.”
Tumango si Hiro at napilitan itong kamayan. “Arigatou gozaimashita! It was a tough score to beat as always. You are a worthy opponent.”
Tumawa lang si Sawada. “But a loser nonetheless. You can relax now. I will sign the contract after lunch.”
Di sila makapaniwala ni Hiro. According to Yabusame tradition, a winning archer was given a white cloth for divine favor. And that was what they got. Divine favor. Nalagpasan na nila ni Hiro ang imposible.
NAKAUPO si Jemaikha sa may patio habang nakatitig sa buwan. It was her last night at the Stallion Riding Club. Pero di maalis ang ngiti sa labi niya.
“Hindi ka pa ba matutulog, Jem?” tanong ni Hiro sa kanya nang lapitan siya. “It’s almost midnight. Babalik pa tayo sa Manila.”
“Mamaya na siguro ako matutulog. Gusto ko dito muna ako.”
Umupo ito sa tabi niya at nakitingin sa langit. “Wala ka namang ginagawa. Nakatitig ka lang sa buwan.”
“It’s perfect, Hiro.” Humilig siya sa balikat nito. “Everything about this day is perfect. Pumirma na sa contract ang Fukouka International.” Kapag naayos na ang lahat, sisimulan na rin ang public presentation. Malaki ang kompiyansa niya na magiging malaking tulong ang produkto sa maraming magsasaka sa mundo.
Sawada put it as a test. He really meant act to be a total jerk. Gusto nitong malaman kung paano magtrabaho si Hiro. Sawada always respected Hiro. At gusto nitong malaman kung worth it ito sa respetong ibinigay nito. And Hiro passed the test with flying colors. Kaya naman malaki na ang kompiyansa ni Sawada na magiging successful ang pag-I-invest nito sa Hinata Technologies.
Inakbayan siya nito. “Thanks to your help. Hindi siguro ako makaka-survive dito kung hindi mo ako sinuportahan.”
“For a minute, I never doubt that you’ll make it.”
“That’s why you are the most important person in my life.”
Huminga siya nang malalim at ngumiti. She felt the same. “I hope that this won’t end. Sana laging ganito tayo kasaya.” Nagtaka siya nang bigla itong matahimik. Nang lingunin niya ito ay nakakunot ang noo nito habang nakatitig sa kanya. “Bakit? Anong problema?”
“Parang ayoko kasing umalis dito. Ayoko pang bumalik sa Manila.”
“Gusto ko rin sana pero magre-report pa ako kay Sir Yuan. He is hell bent in hiring me. Ayoko namang I-hire niya ako dahil magkaibigan kayo. Gusto ko munang patunayan na worth it ako sa position na inaalok niya.”
“Knowing Yuan, he already did a background check on you. Di ka niya kukulitin na magtrabaho sa kanya kung di siya na-impress sa credentials mo.”
Parang wala sa sarili na hinaplos niya ang daliri nito. “Hiro, baka pagbalik natin sa Manila hindi na tayo ganito. It is like a different world here. Na kapag umalis ka, parang nagising ka lang sa panaginip.”
“I will never change for you. You know that. Baka nga ikaw ang makalimot sa akin dahil magiging busy ka na sa trabaho mo,” malungkot nitong sabi.
She rolled her eyes. “Imposible yata na makalimutan kita. Isang minuto lang na di kita makita, nami-miss na kita.”
Lumapad ang ngiti nito at ibinaon ang mukha sa buhok niya. “I think I don’t need the stocks of Stallion Shampoo in my cabinet.”
“Bakit? Ano ba ang ginagawa mo sa Stallion Shampoo?”
“Inaamoy ko kapag hindi kita kasama at nami-miss kita. Because it smells of you. But the real thing is better.”
“Know what? I dreamt last night that you are kissing me.” Inangat niya ang tingin dito. “I wonder if there is something better than that dream.”
“The real kiss, of course!”
Yumakap siya sa leeg nito. “Show me how good it is.”
A smile curved on his lips before he claimed her lips in a very passionate kiss. It was like living in dreamland. She wished that it would never end.
“CONGRATS, Jeje!” sabi ni Mayi at hinalikan siya sa pisngi. “Mukhang success ang party na ito. And look at you! Ang ganda-ganda mo ngayon.”
“Iba na talaga ang blooming at in love,” dagdag ni Jaimee, na kahit na maselan ang pagbubuntis ay pumunta pa rin sa party na iyon dahil si Hiro mismo ang nakiusap dito. Kasama rin ng mga kaibigan niya ang kanya-kanyang nobyo.
It was the launching of Hinata Technologies’ new products. Lahat ay imbensiyon ng mga Filipino. Naroon si Sawada at ang iba pa mula sa Fukouka International. May mga representative din mula sa gobyerno, gayundin ang iba’t ibang mga investors at diplomats sa ibang bansa na interesado rin sa project. After all, it wasn’t only the Philippine market that would benefit the project. Worldwide agricultural industry ang target nito. At ngayon pa lang ang ay sinusuportahan na ito ng mga energy conservationist dahil malaki ang matitipid nito.
“Bakit naman sa akin napunta ang mga comments na iyan?” tanong niya at sumimsim ng white wine. “It was Hiro who worked so hard for the success of this party. Hindi lang ninyo alam kung ano ang pinagdaanan niya.”
“Sabi ni Hiro ikaw daw ang lucky charm niya,” sabi ni Jaimee.
“At mukhang hindi lang si Hiro ang sinuswerte. Pati ikaw,” dagdag naman ni Cherie. “Noong nakaraan, parang inulan ka ng lahat ng kamalasan sa mundo. Look at you now. You are working for Yuan Zheng. At department head ka sa online translation company niya. Tapos kabungguang-siko mo lang ang mga Stallion hunks na sa magazines lang namin nakikita.”
“And you are beautiful and in love. Ang swerte-swerte mo talaga kay Hiro,” kinikilig namang sabi ni Mayi. “Huwag mo nang pakakawalan iyan. Kung hindi, masasabunutan ka na talaga namin.”
“Hinding-hindi na talaga.” With Hiro, she felt like she could do anything. Magaan na magaan din ang pakiramdam niya. Her world was so colorful. At kahit pagod sa trababaho, maisip lang niya ito ay nawawala ang pagod niya.
Her life was entirely different now. She was blessed to have Hiro.
Natigil ang masayang pag-uusap nilang magkakaibigan nang umugong ang bulung-bulungan sa ballroom at lahat ng mga tao ay natuon ang paningin sa entrance ng function room ng hotel.
Napigil niya ang paghinga nang makita ang mag-asawang Estella at Minamoto Hinata, ang mga magulang ni Hiro. “Andito na pala ang future in laws mo. Hindi mo naman sinabi na dadating sila,” pabirong bulong ni Mayi.
“I didn’t expect that they are coming either,” usal niya habang di maalis ang tingin sa mga bagong dating na isa-isang kinakamayan ng mga guests.
Estella was still regal despite of her old age. Ang alam niya ay nasa mid-fifties na ito. So did Minamoto. Ang alam niya ay di makakarating ang mga ito dahil kagagaling lang sa ospital ng ama ni Hiro. Ngunit dumating marahil ang mga ito upang suportahan si Hiro sa project nito.
Sinalubong ni Hiro ang mga ito. Nanlamig ang kamay niya nang nagtungo ang mga ito sa direksiyon niya. “Ma, Pa, of course you remember my girlfriend, Jemaikha.” Proud na proud pa si Hiro habang ipinakikilala siya.
Yumukod siya. “Konbanwa,” magalang niyang bati. “Gobusata shite imasu. It is good to see you again.”
Namutla si Estella habang lalong naningkit ang mata ni Minamoto. Si Estella ang unang nakabawi at hinalikan siya sa pisngi. “It is good to see you again, Jem,” bagamat may ngiti sa labi ay namihigan niya ang tensiyon sa boses nito. “Hiro didn’t tell me that you are together again.”
Inakbayan siya nito. “I should have taken her back a long time ago. And I won’t let her go this time.”
“Tsugi ni,” pormal na wika ni Minamoto at nagpatiuna nang naglakad. Sumunod naman si Estella.
“Let’s go,” bulong ni Hiro sa kanya. Napilitan siyang sumunod dito. Masaya marahil ito sa reaksiyon ng mga magulang pero hindi siya.
Pakiramdam niya ay matatapos na ang maliligayang sandali nila.
“NATUWA si Papa sa success ng project. Governments from different countries would like to promote our products themselves. Di lang daw iyon makakatulong sa problema sa fuel consumption. Environment friendly sila. Now they are counting on Hinata Technologies to create more project using that kind of technology.”
“Siyempre, magaling ang boyfriend ko,” pagmamalaki niya at pinisil ang pisngi nito. “At marami pang success na dadating sa iyo.”
Sinundo siya nito sa opisina para mag-dinner. Ilang araw na silang di nagkasama mula nang launching party dahil pareho silang naging busy sa trabaho.
“Nai-kwento nga kita kay Mama at Papa. Sabi ko yayayain kitang mag-dinner sa bahay kasama sila bukas.”
Nanginig ang kamay niyang may hawak na glass wine. The idea of meeting Hiro’s parents made her tense. “Okay lang ba sa kanila?”
“Of course. Alam mo naman na gusto ka ng parents ko. Lalo na si Mama. Tuwang-tuwa nga siya nang malamang nagtatrabaho ka na kay Yuan. Magaling ka naman daw kasi kaya.”
“Titingnan ko. Baka kasi may meeting kami bukas ng gabi. You know Yuan. He is such a slave driver. Unpredictable ang schedule namin.”
“No problem. Ipagpapaalam kita sa kanya. Marami akong gustong sabihin sa parents ko nang kaharap ka.”
“Tulad ng?”
Ngumiti lang ito at nagpatuloy sa pagkain. Hindi na niya ito pinilit na sumagot. Ayaw na kasi niyang magdadagan pa ang tensiyon na nararamdaman niya. Ayaw niyang makita ang magulang ni Hiro. Bumibigat lang ang loob niya. Pero ayaw din naman niyang ma-disappoint si Hiro.
Nasa kalagitnaan sila ng dinner nang makatanggap si Hiro ng tawag sa cellphone. “Yes, Ma? Inatake si Papa? Isinugod sa hospital?”