Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 36

Palinga-linga si Quincy pagpasok ng Rider’s Verandah. Hinahagilap agad ng mata niya si Yuan at ang babae nito. “Quincy, what are you doing here? Hindi ba day off mo?” tanong ni Miles na papaakyat sa second floor ng restaurant.

“Nakita mo ba si Sir Yuan?” tanong niya.

“Oo. Nasa second floor. Kasama pa nga niya si Theresa Garcia, eh!”

“Theresa Garcia? At sino naman ang babaeng iyon?” Kung bakit ang na-research lang niya ay ang mga members ng club. Wala siyang alam sa mga babaeng posibleng nadidikit sa pangalan ni Yuan.

“Semi-finalist siya sa isang beauty pageant. Hindi nga lang nakapasok sa finals. Sa question and answer portion, may ipinakitang picture sa kanya. It was a barren land. Parang disyerto. Sagutin ba naman ng too much pollution. Talo tuloy.”

Napangiwi siya. Ganoong babae ang idine-date ni Yuan? “Salamat sa info.”

“Hamak na mas maganda ka naman doon.”

“Alam ko,” taas-noo niyang sabi. “Sige, ha? Aakyat lang ako.”

“Teka, anong gagawin mo? Susugurin mo si Sir Yuan at si Theresa?” Tulad ni Jhunnica, nagkakahinala na rin kasi si Miles na may gusto siya kay Yuan.

“Hindi. Magpapakuha ako ng picture.”

Pag-akyat sa second floor, nahagip agad ng paningin niya sina Yuan at Theresa na nasa paboritong mesa ng una. Nagpalinga-linga siya. Magtago kaya ako na parang secret agent. Kaso mukha naman akong tanga. Isa pa, nakita na siya ni Yuan at kasalukuyang masama ang tingin sa kanya. Paano pa siya magtatago?

She ran out of option. Nakangiti siyang lumapit dito. “Hi!” bati niya.

Dalawang matalim na mata na ang nakatingin sa kanya. Possessive na yumakap na si Theresa sa braso ni Yuan na parang aagawin niya ang binata dito.

“What do you want?” Yuan asked in a grave tone.

“Can I take your picture?”

“Nakunan mo na kami ng picture ni Arrowhead, hindi ba?”

“Her picture,” tukoy niya kay Theresa. “Not yours.”

Awtomatikong ngumiti si Theresa. “Sure. Sure. Are you my fan?”

“Yes, Miss Theresa. Kayo ang favorite candidate ko doon sa Miss Earth. Nagtaka nga ako kung bakit natalo kayo. Ang galing-galing pa mandin ninyo.”

“Alam mo ba na nakakaabala ka sa lunch namin?” tanong ni Yuan.

“Be nice to her. She’s my fan,” nakangiting bumaling sa kanya si Theresa. “Pwede bang isama mo na rin ang babes ko sa picture?”

“Huwag na lang,” sabi ni Yuan.

“Sumama ka na, Sir Yuan. Nahihiya ka pa, eh!”

Idinikit ni Theresa ang mukha sa pisngi ni Yuan. “Babes, smile for the camera, please.” Nag-flash ang digital camera. “Isa pa.”

Iba’t ibang sweet na pose ang kinunan niya sa dalawa. Nariyang yumakap ang babae kay Yuan o kaya ay humilig. Parang nasa isang romantic pictorial ang mga ito. Dapat nga ay matuwa siya dahil marami na siyang ebidensiya laban kay Yuan. Pero di niya maiwasang magngitngit. May babes-babes pa kayong nalalaman. Taksil talaga kayo!

“That’s enough!” wika ni Yuan.

“One more shot, please!” pakiusap ni Theresa.

Huminga siya nang malalim. “Okay. One, two…”

Pagdating ng three ay hinalikan ni Theresa nang mariin si Yuan sa labi. Natigagal na lang siya. Nanginginig ang kamay niya matapos kunan ang dalawa.

“T-Thank you,” nausal niya at dali-daling tumalikod.

Di na siya makahinga sa sobrang gigil. Kanina pa kayo nagpapakasaya, mga taksil! Sa haap ko pa! Iyon pala ang ginagawa ni Yuan habang nakatalikod siya. Kung sinu-sinong babae ang hinahalikan. Tapos ako simpleng halik lang sa pisngi ang ibinigay noong debut ko. Puro na lang sa pisngi. Ako ang pakakasalan mo!

“MILES, halika! Jogging tayo! Para lalong ma-in love si Sir Gino sa iyo,” yaya niya sa kaibigan na mahimbing na natutulog. Nang nagdaang araw pa niya gustong magpapawis dahil sa inis kay Yuan at sa babae nito.

“Hindi ako magdya-jogging para sa kanya. Matutulog na lang ako. Ikaw na lang ang mag-jogging para lalo kang maging sexy at bumait sa iyo si Sir Yuan.”

Sinakluban niya ito ng unan sa mukha. “Sige! Matulog ka na lang. Gusto mo pa yatang sirain ang araw ko.”

Matapos mag-warm up ay sinimulan na niyang tumakbo. Ramdam na ramdam pa niya ang malamig na hangin sa balat. Di siya nakatulog ng nagdaang gabi dahil paulit-ulit na bumabalik sa utak niya ang paghalik ni Theresa kay Yuan.

“Nakakadiri talaga!” aniya at hinaplos ang braso. Hindi niya inaasahan na maaapektuhan siya nang todo sa nakita. “Dapat yata hindi na lang ako sumugod dito para kumuha ng ebidensiya. Dapat sana iba na lang.”

Hindi rin niya maintindihan ang sarili niya. Kung titingnan siguro sa dictionary ang meaning ng nararamdaman niya, malamang ay bumagsak iyon sa salitang selos. “Bakit naman ako magseselos sa Yuan na iyon? Mabuti nga. Mambabae siya nang mambabae para tuluyan na rin siyang mawala sa buhay ko.”

May dumaan na kotse sa tabi niya at tumigil di kalayuan sa kanya. Di na siya mapakali nang bumaba si Yuan at mukhang siya ang sadya nito.

Pilit siyang ngumiti at bahagyang kumaway. “Good morning, Sir Yuan! Pabalik na siguro kayo sa Manila, no? Happy trip na lang!”

Saka niya ito nilagpasan at tuloy-tuloy sa pagtakbo. Pero walang kahirap-hirap nitong nasambilat ang braso niya. “Hindi ako aalis hangga’t hindi kita nakakausap. Nasaan ang mga pictures namin ni Theresa?”

“Bakit? Gusto mo rin ng copy? Sige, ipapa-develop ko para sa iyo.”

Humigpit ang hawak nito sa braso niya. “Anong gagawin mo doon?”

“Personal collection ko si Theresa. Iyong sa iyo, panakot sa daga.”

Isinandal siya nito sa kotse. Nahirapan siyang makahinga. His body was almost pressed against hers. “Anong assurance ko na di iyan lalabas sa press?”

“Bakit? Interesado ba sila sa iyo?” Ngumisi siya. Kinakabahan na kasi siya sa sobrang lapit nito sa kanya. “Di ka naman ganoon kaguwapo. Di ako kikita sa iyo.”

Naningkit ang mata nito. “Anong sabi mo?”

Nag-peace sign siya. “Joke lang!”

Pero mukhang hindi ito natuwa sa kanya. Masama pa rin ang timplada ng mukha nito. “Make sure that it won’t leak to the press. Or you’ll regret it.”

Inilapit nito ang mukha sa kanya. She could smell his fresh morning breath. Parang nakaka-high na drugs. Paano pa kaya kapag hinalikan siya nito? Napapikit siya. Kung hahalikan mo ako kapag nabuko mo ang ginagawa ko, okay lang sa akin. Sige. Parusahan mo ako.

“Natatakot ka na ba sa akin?”

Idinilat niya ang mata. His eyes were still intent, as if guarding her every move. “Natatakot ako sa iyo? Hindi ako natatakot. Wala naman akong ginagawang masama. Bakit ako matatakot?” Malakas ang kaba sa dibdib niya pero hindi iyon takot. Kakaiba ang nararamdaman niya. As if she was anticipating something.

“Sana nga wala kang ginagawang masama,” anito at lalong itinutok ang mata sa kanya. “Dahil oras na mapatunayan kong may plano kang hindi maganda sa akin, huwag na huwag ka nang magpapakita sa akin.”

Naglakad ito pakabila ng sasakyan nito. “Wait! Sumosobra ka na. Hindi ko alam kung bakit galit na galit ka sa akin. Why don’t you like me?” Pinipilit nga niyang mabait dito para di siya nito masyadong paghinalaan pero masungit pa rin ito.

“There is something about you that annoys me. You have this air. Na parang akala mo kung sino ka.”

“Hindi ba ikaw nga iyong akala mo kung sino?”

His lips pressed tightly. Mataman siya nitong tinitigan. “There is something really wrong with you.”

“Ano? Mukha ba akong tinubuan ng pakpak at sungay kapag gabi?” Hindi naman siguro siya mukhang aswang o engkanto. “Tell me what!”

Huminga ito nang malalim. “I don’t like your hair.”

Hinaplos niya ang mahabang buhok. “What is wrong with my hair?”

Di na nito sinagot ang tanong niya at pinaharurot palayo ang sasakyan.

“QUINCY, kanina ka pa nakatitig sa salamin. Baka mabasag iyan. Maganda ka na, okay?” sabi ni Miles na naabutan siyang nagsasalamin sa may locker room.

“What is wrong with my hair?” tanong niya.

“Walang problema sa buhok mo. It is straight and shiny. It looks healthy. Ilang guest na nga ang nagsasabi na maganda ang buhok mo. Inalok ka pa nga ni Sir Neiji na maging bagong model ng Stallion Shampoo, ayaw mo lang. Saka pwede ba, ilang araw mo nang pinoproblema ang buhok mo kahit di okay naman siya. Basta maganda ka at maganda ang buhok mo. Sa akin ka maniwala.”

Kinurot niya ito sa tagiliran. “Thanks, ha? How about you and Sir Gino? Anong pinag-usapan ninyo nang nagkulong kayo dito kanina?”

“Wala ka na doon. Tsismosa! Matatapos na ang break natin. Maraming tao ngayon kaya wala munang tsismisan,” bulyaw nito at lumabas ng locker room. Maraming tao nang araw na iyon dahil may monthly tournament ang riding club. Halos lahat ng member ay naroon para manood o kaya ay mag-compete.

Inaayos niya ang uniform na suot nang pumasok ulit si Miles. “Quincy, nasa labas si Sir Yuan. At kasama niya si Estella Mirasol.”

“At sino naman ang Estella Mirasol na iyon?”

“Ano ka ba? Hindi mo alam? Siya iyong sexy star na di nakapasok sa beauty pageant. Mortal na kaaway ni Estella si Theresa Garcia. Nag-away kasi ang dalawang iyon dahil sa lalaki. Inagaw daw ni Theresa ang model na boyfriend ni Estella.”

“Tapos pareho silang ka-date ni Yuan. Tingnan mo nga naman. Paano, bumalik na tayo sa trabaho,” aniya kahit di pa tapos ang break niya.

Pag-akyat sa second floor ay katatapos lang I-serve ang order nila Yuan. “Excuse me. You are Estella Mirasol, right? Fan po kasi ninyo ako. Pwede bang magpakuha ng picture?” malambing niyang tanong.

“Magpapa-picture ka na naman?” impatient na tanong ni Yuan.

“Ngayon lang ako magpapa-picture, Sir Yuan,” sabi niya.

“Hindi. Nagpa-picture ka na rin sa akin last time.”

“No, Yuan. Ngayon lang siya nagpa-picture sa akin,” sabi ni Estella. “Teka, bakit mo naman nasabi na dati pa siya nagpa-picture?”

Tumawa siya. “Sir Yuan, nalilito lang siguro kayo. Kay Theresa Garcia ako nagpa-picture noong kasama ninyo siya noong nakaraan. Si Miss Estella naman ang kasama ninyo ngayon. Wala pa akong picture kasama siya.”

“That bitch? You went out with that bitch? Naidala mo siya dito sa Stallion Club?” humihingal sa galit na tanong ni Estella at biglang tumayo. “How could you do that to me, Yuan? Bakit si Theresa pa?”

“Do I have to explain anything to you, Estella?” matabang na tanong ni Yuan. Parang di man lang ito nag-aalala sa nagbabantang galit ng babae. “Hindi ko kailangang humingi ng permiso sa iyo kung sino ang ide-date ko.”

Oops! Mukhang gusto ko nang tumakas dito, isip-isip niya at pasimpleng umurong. Ayaw kasi niyang maipit sa away ng dalawa.

“She is my worst enemy. Alam mo ang ginawa niya, hindi ba? Inagaw niya sa akin si Rusty. Tapos pati ba naman ikaw?” Humiyaw si Estella at tinabig ang lahat ng nasa ibabaw ng mesa. Nahindik siya nang magbagsakan iyon lahat sa sahig. Lahat tuloy ng atensiyon ng mga customers ay nasa kay Yuan.

“Estella, stop it!” mariing saway ni Yuan.

“No! I hate you, Yuan! I hate you!” sigaw ni Estella at nagtatakbo palayo.

“Ay! Nagalit yata,” inosente niyang sabi at sinundan ng tingin si Estella.

“You!” Matalim ang tingin sa kanya ni Yuan at itinuro siya.

Mabilis siyang umuklo at inasikaso ang mga basag na gamit. Ayaw niyang siya ang pag-initan ni Yuan. Sa pagkataranta niya sa pagpulot ay nahiwa ang daliri niya. “Ouch!” igik niya at nahawakan ang nasugatang daliri.

Nagulat siya nang may maagap na humawak sa kamay niya. “Damn it! Hindi ka kasi nag-iingat!” galit na sabi ni Yuan. Pumalatak ito nang maraming dugo ang umagos mula sa daliri niya. “Doon tayo sa washroom.”

Parang puppet siya na sunud-sunuran dito. Itinapat nito agad sa gripo ang nasugatan niyang daliri. Anong nangyayari? Nananaginip ba ako ng gising? Si Yuan ba ang lalaking ito o baka doppelganger. Baka isang maligno na gumaya lang sa katauhan ni Yuan. Mabait, eh! O baka sinapian lang ng mabuting espiritu si Yuan.

“Sir Yuan…” usal niya habang nakatitig dito.

“May medicine cabinet ba dito? It must be somewhere,” wika nito. Binuksan nito ang medicine cabinet na nasa taas ng wash basin.

“Kaya ko na ang sarili ko. It is just a small wound. Mabuti pa sundan mo na ang ka-date mo. Ako na lang ang bahala dito.”

“She can handle her self just fine. Nasa labas ng driver ko. He would take her anywhere she wants,” sabi nito habang pinapahiran ng anticeptic ang daliri niya.

“Pero galit sa iyo. Won’t you talk to her?”

Bahagya siyang naluha habang magaan ang kamay nito na ginagamot ang daliri niya. She had always seen him as a jaguar. Silent but deadly. Hindi niya alam na may gentle side pala ito. Gone was the fierce jaguar. Maamong-maamo kasi ang mukha nito nang mga oras na iyon. Parang anghel.

Naglabas ito ng panyo sa bulsa at tinalian ang daliri niya. “Alam niyang mali ang ginawa niya. She walked out on me. I don’t have to go after her. I don’t have time for her tantrums. Isa pa, mas kailangan mo ako dito. May iba pa bang masakit sa iyo?”

Umiling siya. “Wala na. Thank you.”

Siya ang inalagaan nito at hindi ang ka-date nito. She felt so special. Iba ang Yuan na kaharap niya. Ito ang Yuan na hinahanap-hanap niya sa binata noon pa. Ang lalaking pinangarap niyang pakasalan. Kung ganito ang Yuan na makakasama niya araw-araw, iyong Yuan na aalagaan siya, pakakasalan niya ito.

“Yuan, what happened?” nag-aalalang tanong ni Jhunnica.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.