“Estella doesn’t like the food,” he said grimly. It means that he didn’t want to elaborate the whole horrid scene anymore. Inilabas nito ang Stallion Club card. “Charge everything to me. Isama mo na rin ang bayad para sa isa sa mga tauhan mo. Quincy is wounded and she needs rest. Give her an off.”
“Hindi po, Ma’am Jhunnica. I don’t think I need a day off. You can even ask my finger if you want.” Tinanggal niya ang nakataling panyo. “Are you okay?” Iginalaw niya ang daliri. “See? Tumango siya. Hindi naman siguro ako mamamatay dahil lang sa simpleng hiwa sa daliri. Thank you, Sir Yuan. Pero babalik na ako sa trabaho.”
Hinablot ni Yuan ang kamay niya. “Look! It is bleeding again. Mas malalim pa ang sugat kaysa sa inaakala mo. Ang kulit mo kasi!”
“Mabuti pa sundin mo na lang si Yuan,” suhestiyon ni Jhunnica.
“Pero Ma’am, kulang tayo ng tao dito,” angal niya. “Kapag umalis pa ako, baka mahirapan kayo. Kaya ko naman pong magtrabaho.”
Bahagya itong tumawa. “Sandali lang, Yuan. Kakausapin ko lang si Quincy.” Hinila siya nito sa isang sulok ng restaurant. “Huwag ka nang umangal. Wala ka namang kailangang problemahin. Siya ang magbabayad ng sweldo mo. Aba! Minsan lang iyan babait. Samantalahin mo na.”
Iyon nga ang ikinakakaba niya. Ang pagbait sa kanya ni Yuan at ang paggawa sa kanya nito ng pabor. Pati ang pagsagot nito sa sweldo niya. She had been independent for more than a month now. Babalik na naman ba si Yuan sa buhay niya para kontrolin siyang muli kahit na hindi siya si Celine.
“Gusto mo ba ng coffee o gusto mo bang kumain?” alok niya pagdating nila sa staff’s house. Naalala niya na di pa pala ito nagla-lunch.
“Don’t mind me. Babalik naman ako sa Rider’s Verandah mamaya. I just want to make sure that you will take a rest.”
Bahagya siyang natawa. “Mr. Zheng, anong pahinga ba ang gusto mong gawin ko? Daliri lang naman ang nasugatan sa akin.”
“Basta huwag kang maggagalaw. Don’t do anything stupid!”
Nanatili siyang nakatayo sa gitna ng sala. “And I have to follow your command because you paid half of my salary for today, right?” she asked grimly.
“You have to follow me because it is the right thing to do.”
“I don’t get it. Hindi mo kailangang mag-alala sa akin. You don’t even have to help me. Kasalanan ko kung bakit umalis ang ka-date mo kanina.”
Tumango-tango ito. “Tama. Kasalanan mo nga.”
“Then why did you help me out? Ang pagkakatanda ko, ayaw mo sa akin. You treat me like an enemy. You should leave me bleeding to death!”
Humalukipkip ito. “Iyon ba ang tingin mo sa akin?”
“Yes. You are a businessman. A shrewd one. Nabasa ko pa nga sa isang article kung gaano ka kagaling na corporate raider. You leave your enemies in pieces. Dapat sana hinayaan mo na lang ako kanina. Trabaho ko na magpulot ng mga basag na gamit sa restaurant. Hindi mo na problema kung masugatan ako.”
Tumayo ito sa harap niya. “If I leave you bleeding to death, paano mo babayaran ang mga utang mo sa akin? Dalawa na ang utang mo sa akin.”
“Ha? Dalawa? Paano naging dalawa?”
“Ikaw ang dahilan kung bakit nag-walk out si Estella. Ginamot pa kita.”
Itinaas niya ang dalawang kamay. “Sandali! Kasalanan ko siguro kung bakit nag-walkout si Estella. Me and my big mouth! Pero hindi ko kasalanan kung bakit hindi mo siya sinundan. Hindi ko rin sinabi sa iyo na gamutin mo ako. I told you that I could handle my self. Pero ikaw ang namilit na manggamot sa akin.”
Nagpalakad-lakad ito paikot sa kanya. She felt like he was a shark circling its victim. “Right. It is not your fault.”
“Ah! Si Estella na lang ang sisihin natin dahil nag-walk out siya. Ganoon ka ba? Kapag nag-walk out ang isang babae, di mo sinusuyo? Alam mo, minsan kailangan ng mga babae na maramdaman na sinusuyo kami.”
“In Estella’s case, I don’t have to. She created a scandal out of nothing. And nobody walks out on me. Wala siyang karapatan na mag-demand o magselos. She is not my girlfriend. She’s just my date. Di niya ako dapat isinasali ang away nila ni Theresa. After all, I am not her ex-boyfriend.”
Itinapik niya ang daliri sa baba. “So companions have no right to be jealous.” Ayaw pala nito sa mga feeling girlfriend.
“Future wife ko lang ang may karapatan na magselos.”
“Oh, I see!” Mukhang ihinanda na nito ang lahat ng privilege niya bilang future wife nito. Malas lang niya dahil di niya natikman ang mga privilege na sinasabi nito. Excited pa mandin siyang magselos saka siya magbabasag tulad ng ginawa ni Estella. Tapos hindi magagalit si Yuan sa kanya. Masaya iyon.
“Well, now that you know the basic rule, I think you are ready to be my companion for tomorrow.”
Napanganga siya. “Ha? Ako ang magiging companion mo?”
“Oo.”
Future wife mo ako, Yuan. Di ako papayag na humilera sa mga babae mo.
“At paano kung ayoko?” nakataas ang kilay niyang tanong.
Nagkibit-balikat ito. “You owe me. Nag-walk out ang ka-date ko dahil sa
iyo. You said so yourself. That’s why I didn’t leave you bleeding to death. It is high time that you pay your debt.”
She didn’t see that coming. Ni hindi niya naisip na iyon pala ang paraan ni Yuan para maningil ng utang. Ako? Companion niya? I can’t imagine it. Sabi na nga ba may lihim na pagnanasa ang taksil na ito sa akin.
“Bukod sa hindi ako magseselos sa ibang babae mo, ano pa ang kailangan kong gawin bilang companion mo?” tanong niya.
“Basta sundin mo ang lahat ng iuutos ko.”
“ANO kayang iuutos sa akin ni Yuan?” tanong ni Quincy sa sarili habang nagsa-shampoo gamit ang Stallion Shampoo and Conditioner. Patulog na siya nang gabing iyon. Kailangan pa niyang paghandaan ang mga gagawin kinabukasan. “Naku! Huwag siyang magde-demand ng kalokohan. I won’t go to bed with him. Pakasalan muna niya ako. Kung papayag akong magpakasal sa kanya.”
Nasa kasarapan siya ng pag-iisip sa posibleng ipapagawa sa kanya ni Yuan nang katukin siya ni Miles sa pinto. “Quincy, phone call. Si Sir Yuan.”
“Sabihin mo sa kanya naliligo pa ako.”
“Lumabas ka na daw. Ayaw daw niya nang pinaghihintay. Galit na galit, eh! Baka mamaya ako na ang awayin.”
“Naku! Sinusubukan talaga ako ng lalaking iyan. Sabihin sa kanya, matuto siyang maghintay. Hindi iikot ang mundo ko sa kanya!” aniya at lumipas pa ang mga sampung minuto bago lumabas ng banyo at sinagot ang phone. “Hello!”
“Miss Montoya, kanina pa ako nandito. Nananadya ka ba? Isang oras mo na yata akong pinaghintay dito.”
“Naliligo pa po ako, Your Majesty. Pasensiya na kung natagalan,” ngingiti-ngiti niyang sabi. “Ano bang kailangan mo?”
“Nai-deliver na ang isusuot mo bukas. I will fetch you at nine in the morning. Manonood tayo ng show jumping competition. Be on time. Ayoko ng late.”
“Oo na, Emperor Yuan. Puro ‘Oo, Yuan!’ Lagi na lang,” wika niya pagkababa ng phone. Tumuloy siya sa kuwarto at binuklat ang kahon na nandoon. It was a simple white summer dress with a fuchsia bolero jacket with sandals and hat to match. “The same old Yuan. Sending me clothes I don’t want to wear.”
Kumatok si Miles at pumasok. “Iyan ba ang isusuot mo bukas? Sa tingin ko bagay siya sa iyo. Mas may fashion sense pala si Sir Yuan kaysa kay Gino.”
Niyaya din kasi si Miles ni Gino na maging ka-date dito. Ayaw humalo ni Miles sa ibang mga babae na guest. Mga suplada kasi at kanya-kanyang payabangan. Well, she had to face those women and dress up like them.
“Ayokong isuot ito,” sabi niya.
“Ha? Pero maganda naman, ah!”
“I don’t want to dress up like other women. I want my own style.”
Hindi siya si Celine na sunud-sunuran sa gusto ni Yuan. She was Quincy now.
Nilakad niya ang boutique na di kalayuan sa staff’s house ng Rider’s Verandah. Naabutan niya doon ang designer na si Jenna Rose. “Quincy, bakit?”
Madalas siyang bumisita sa boutique nito dahil gusto niya ang karamihan sa mga designs nito. “It is about the dress that Yuan ordered for me. Maganda naman siya pero hindi ganito ang style na gusto ko. Ganito na kasi ang isinusuot ng ibang mga guest dito. I want to be different.”
“Finally, may magsusuot na rin ng collection ko dito sa riding club nang iba sa usual boring designs ng mga Flower Girls.”
“Flower Girls?” tanong niya.
“The great companions themselves. Puro mga design lang na gusto nila ang dapat na isuot. I had no choice but to reinvent their style.”
Binuksan nito ang closet kung saan naroon ang bagong designs nito. Maraming magagandang design pero nagustuhan niya ang halter V Strapped Summer Dress na may wooden bead accent. “This one is pretty.”
“You can either wear boots or sandals. Whatever suits you.”
“It has to be the boots,” aniya habang tumitingin sa shoes and accessories section. “They are funky. And I will lay my hair down.”
“That’s perfect. Accentuate your eyes. You have a pretty pair of eyes. At kung lalagyan ng darker tone ang skin mo, you will get the Latina effect. Women would kill for that look. My, my, tiyak na magagalit ang mga Flower Girls. You will break their dress code. Prepare yourself. Tongues will wag tomorrow.”
“I don’t really care. Basta maganda ako and that’s it.”
Nakagat nito ang labi. “Not just the Flower Girls. Uhmmm… I don’t think Yuan will like this either. You defied his wish. Siya pa mandin ang pumili ng damit na dapat mong isuot bukas.”
Tiningnan niya ito mula sa full-length mirror. “Jen, ever since, men had been dominating my life. From what I should wear, how I should act even how I should breathe and how to run my life. I came to this place for a change.”
Hindi na siya matatakot na masunod ang gusto niya. At lalong hindi siya natatakot kay Yuan. It was a head on battle. She didn’t want to lose.
WALA pang alas nuwebe ay bihis at nakaayos na si Quincy. “Sister, sana lahat na lang ng aayusan ko kasing ganda mo. Hindi na kailangan ng masyadong make up. Tiyak na tutulo ng laway ni Yuan Zheng sa iyo,” sabi ng baklang make up artist. “At maraming girls ang maiimbyerna sa iyo.”
“Thank you!” sabi niya nang ihatid sa pinto ang make up artist.
Sakto naman na bumaba ng sasakyan si Yuan. He was striding towards her when he suddenly stopped a few steps away from her. “Quincy?”
“Well, you are on time, Yuan Zheng. Shall we go?”
“No!” he said in distress. “Bakit ganyan ang itsura mo? Hindi iyan ang dapat na isusuot mo. At hindi din dapat ganyan ang ayos ng buhok mo.”
Nakataas ang kilay niya itong tiningnan. “That’s your problem. Ito ang gusto kong isuot. Kung ayaw mo sa suot ko, huwag na lang tayong umalis. Tapos humanap ka ng babae na magsusuot sa damit na gusto mo.”
“You are defying me?” he asked in a deadly tone.
“Yes,” walang gatol niyang sagot. “Gusto kong magsuot ng damit na komportable ako at alam kong bagay sa akin.”
With a grave look on his face, he walked towards her. Nanginig ang labi niya nang hawakan nito ang baba niya. “Well, you got spunk.”
“Hindi pwedeng lahat na lang ng babae sumunod sa gusto mo,” lakas-loob niyang sabi. “Not every girl thinks that you are demi-god.”
“You really think so?” Inilapit nito ang mukha sa kanya. Sumasal sa kaba ang dibdib niya. Itutuloy na ba siya nitong halikan bilang parusa? “This is the last defiance that I’ll get from you,” he uttered then stepped away from her. “Let’s go.”
Sayang! Kailan kaya ako makakatikim ng halik… parusa pala sa kumag na ito?
“WHY is her dress prettier than ours?”
“That waitress is ruining our dress code. And is she allowed to lay down her hair? That is improper, right?”
Malakas ang bulung-bulungan mula sa mga female guests ng Stallion Riding Club nang pumasok sila sa arena ni Yuan. Halos lahat ay matalim ang tingin sa kanya. Parang gusto siyang balatan nang buhay.
“See? The ladies hate you now,” bulong ni Yuan sa kanya.
“I don’t dress up to please them, Yuan,” sabi niya. “Bumabawi lang ako dahil sa kahihiyan na ibinigay sa iyo ni Estella kahapon. Kung hindi mo nagustuhan ang effort ko na magpaganda para sa iyo, sorry!”
Ginagap nito ang kamay niya. “You don’t show of the women here. They are so vicious when they get jealous. You saw Estella yesterday.”
“Hindi ko sila papatulan. I have more class than them.”
“Masakit pa ba ang sugat mo?” tanong nito at in-inspeksiyon ang daliri niya. He slowly ran his finger along her wounded one.
“Not anymore.” Di niya mapigilang mapangiti at kiligin. There was a different kind of sensation running through her veins as their fingers touched. It was too intimate and warm. It was something that happens out of a daydream. Na sana ay ganito kalambing si Yuan sa kanya.
“Is it full moon today?” tanong ni Hiro na umupo sa bakanteng upuan sa tabi ni Yuan. Kasama nito ang nobyang si Jemaikha. “This is really unusual. You are together and you are not bickering at each other.”
Mabilis na binitiwan ni Yuan ang kamay niya na parang napaso. Siya naman ay iniwas ang tingin at nagkunwaring walang narinig.
“Shut up, Suichiro,” sabi ni Yuan at tumalim ang tingin sa bagong dating.
“Hiro, hayaan mo na siya. Baka mapikon si Yuan,” saway ni Jemaikha dito.
“Pustahan tayo, Jubei. Iyan ang kukunin ni Neiji na bagong model ng Stallion Shampoo,” sabi ni Temmarie, ang original model sa asawa nito. Isa-isa nang dumadating ang iba pang mga members ng Stallion Riding Club. Ang ilan sa mga ito ay kasama ang mga asawa tulad ni Jubei.
“Makikipag-pustahan ka sa akin? Sure nang panalo ka. Malamang sinabi na sa iyo ni Neiji ang tungkol sa kanya,” protesta ni Jubei. “Madaya ka.”
“Kapag nanalo ako, outside the kulambo ka lang naman.”
Di niya maiwasang mainggit sa nakikitang paglalambingan sa paligid niya. Nakakainggit. Sana ganyan din kami ka-sweet ni Yuan. In love sa isa’t isa ang mga tao sa paligid nila. At di iyon katulad nila ni Yuan. Magbibigay man ng affection si Yuan, napaka-minimal lang. Pasumpong-sumpong lang.
“Ano naman ang pumasok sa utak ni Neiji at kukuning model si Quincy?” tanong ni Yuan na parang walang tiwala sa kagandahan niya.
“Look at her, Yuan. She’s a perfect beauty,” depensa agad ni Neiji na siyang manufacturer ng Stallion Shampoo and Conditioner.
“Yes. She’s like a horse that has to be tamed,” Yuan baited. “If you need to whip her at the commercial, count me in. That’s the only way to break her.”
She didn’t know if it was a joke. Pero di siya natatawa.
“Nah! I like her the way she is,” sabi ni Neiji. “She’s young, sexy with a femme fatale look. An innocent with a fiery look.”
“Women should be soft and feminine,” kontra naman ni Yuan.
“Women should be what they want to be,” salag naman niya. “We can be either soft or strong as we please. Men should accept that.”
Pumalakpak si Neiji. “That’s it! That’s what we want to project. So are you ready to be our model, Quincy?”
She twitched her lips. “I am sorry, Sir Neiji. Hindi lang ako sanay mag-project sa harap ng camera. I believe that there are other girls prettier than me.”
Di na natuloy ang pangungulit ni Neiji sa kanya dahil nagsimula na ang show-jumping competition. “Why didn’t you accept the offer?” tanong ni Yuan.
“Given the choice, I prefer to work behind the camera. Saka sinabi mo rin na hindi ako bagay sa commercial, hindi ba?”
“Neiji is right. You are the perfect for the image they want to project. And you are pretty. Sayang naman ang chance.”
“Talaga? Nagagandahan ka sa akin? Di ba ayaw mo sa buhok ko?”
“I don’t know why I said that. Nang tanungin mo kasi ako kung bakit ayaw ko sa iyo, wala lang akong maisagot. But you are beautiful.” Tinitigan siya nito. “Actually, you remind me of someone I know.”
“Sino naman siya? Is she like me?”
Bahagya itong tumawa at naipilig ang ulo. “It’s crazy. Hindi ko alam kung bakit naaalala ko siya sa iyo samantalang magkaibang-magkaiba kayo. Forget what I said. Manood na lang tayo sa competition.”
Hindi na siya nagtanong pa. Ang totoo, natatakot din siyang banggitin nito ang pangalang Celine. Siya mismo ang tinutukoy nito. She was afraid that if she kept on pushing, he would eventually get a hint on who she really was. And it would jeopardize her plans.