The night seemed so long. Ayaw pang matulog ng diwa ni Quincy pero bumibigay na ang katawan niya sa sobrang pagod. Naiidlip na siya nang mag-ring ang cellphone niya. Aantok-antok niyang sinagot ang tawag. “Hello!”
“Hello, Celine! How’s Sicily? Enjoying Italy?”
Nawala ang antok niya nang marinig ang boses. “Yuan?” Tiniyak pa niya kung si Yuan nga ang tuwag. It was definitely Yue Anthony Zheng who was registered as caller. “Oh, God! Yuan!” Hindi niya inaasahan ang pagtawag nito.
“Parang kagigising mo pa lang. It’s like around seven in the evening there, right? Too late for a siesta, sleepy head.” Seven hours ang advance ng Pilipinas sa Italy. At kasalalukuyang nasa Italy si Friza.
“It is too hot here.” Nakapikit ang isang mata niya habang iniisip ang mga posibleng gawin sa Sicily. “We picked grapes at a vineyard near Mount Etna. I am so damn tired, Yuan. Perhaps I’ll get a massage later.”
“Sorry if I wasn’t able to call back a while ago. Tawag ka nang tawag. Masyado akong busy sa trabaho.”
Liar! Ibang babae ang iniisip mo at nakokonsensiya ka kaya ganoon.
“It’s okay. I just want to ask you if you want some wine. I bought some for you. Maybe I will send them to your office through FedEx. And I just want to tell you that I miss you,” aniya sabay subsob ng mukha sa unan.
Nami-miss naman talaga niya si Yuan kahit kakikita pa lang niya dito kanina. Habang kinakalimutan niya ito ay nagsusumiksik ito sa utak niya. Ginayuma yata ako ng Yuan na ito. Marinig lang niya ang boses nito ay masaya na siya.
“Don’t bother sending the wine. You won’t miss me that much anymore. I am planning to join your European tour next week. Hindi ba magri-river cruise na kayo ni Friza? Maybe I will join you in France then.”
“Ikaw? Pupunta ka dito sa Europe? Hindi ba marami kang trabaho?”
“Yeah! But I will fix my schedule. I must admit that I don’t have much time for you. And I think that we should spend more time together. Dapat na siguro nating makilalang mabuti ang isa’t isa. After all, we will get married in a year or two. Anong klaseng kasal ba ang gusto mo?”
Napalunok siya. Oh, God! Now he is talking about our wedding. Takot siyang maakit ng ibang babae kaya naniniguro na siya ngayon na kami nga ang makakasal.
“Yuan, that’s a lovely idea. I am so excited about it,” malambing niyang sabi pero ang pakiramdam naman niya ay parang sinasakal siya.
“So I will see you in Europe in a week’s time,” anito at nagpaalam na.
“Oh, God! What am I going to do?” usal niya at mabilis na bumangon. Binuksan niya ang lahat ng closet niya at inilabas ang maleta. Habang ginagawa iyon ay nagda-dial siya sa ticketing office ng American Airlines. “I’d like to book a flight for Los Angeles tomorrow. Do you still have any available seat?”
She was desperate to get out of the mess she’d made. Di na niya kailangang paabutin pa sa Europe si Yuan para malaman nito ang kasinungalingan niya. She must be the one to end her masquerade.
Sa ginawa niya, tiyak na hindi na siya pakakasalan ni Yuan. Pero mas mabuti nang natitiyak niyang siya ang naglabas ng alas kaysa ito.
Kung matutuloy na ang kasal nila ni Yuan, she won’t be the Quincy who was independent and strong-willed anymore. Magiging sunud-sunuran siya dito.
“I must admit that a part of me would love to spend a lifetime with you, Yuan. But I’d rather lose you than lose my self.”
“GINULO MO ang pananahimik ko para lang ipakita sa akin ang basura na iyan?”
Humagis pabalik kay Quincy ang mga larawan ni Yuan kasama ang ibang mga babae. Humihingal sa galit si Lolo Loreto habang matalim na nakatingin sa kanya.
“Lolo, hindi ito basura. Totoo ang mga ito,” aniya sa boses na nakikiusap. Wala pa halos siyang pahinga mula sa walang tigil niyang flight.
Nagpaalam lang siya sa mga kasamahan sa Rider’s Verandah. Nagulat ang mga ito sa biglaan niyang pagre-resign. Pero sinabi ng boss na si Gino na anytime ay pwede siyang bumalik. Marami daw kasi sa mga members ang natutuwa sa kanya. Mula sa Los Angeles ay kumuha pa siya ng flight papunta sa Huntington Beach dahil gusto niyang makausap agad ang Lolo Loreto niya.
“Gusto mong paniwalaan ko ang mga kalokohan mo?” tanong nito at itinuon ang tingin sa malawak na dagat.
“I saw them myself, Lolo. Ako mismo ang kumuha sa mga pictures.”
Kumunot ang noo nito. “Hindi ba nasa Europe ka kasama si Friza?”
“I lied. Hindi ako sa Europe nagbakasyon. I went to the Philippines and worked in Stallion Riding Club. It is Yuan’s hideaway. Doon niya ginagawa ang mga bagay na hindi basta-basta nakikita ng iba. He is not as clean as you thought. He is not as faithful as he projected. Nakita ko ang lahat ng ginagawa niya sa Stallion Club. I saw the real Yuan. At hindi siya ang lalaking gusto kong pakasalan.”
Yuan wasn’t as black as she painted. Pero kailangan niyang gawin iyon. She had to win her grandfather’s favor. Para ito mismo ang pumutol sa kasunduan at tumutol sa pagpapakasal niya kay Yuan.
“Sa palagay mo ba hindi ko alam ang tungkol sa Stallion Club? Yuan told me about it sometimes. And he did nothing indecent that could bring you shame. Disenteng lalaki si Yuan. And he is just enjoying his bachelorhood.”
“That’s not fair, Lolo! Mali na ang ginagawa niya, siya pa rin ang kakampihan ninyo.” Naluha siya sa kawalan nito ng simpatya sa kanya. “Paano naman ako, Lolo? Hahayaan ba talaga ninyo akong makasal kay Yuan?”
“Everything was pre-destined, Celine. You know that. And you can’t fight your destiny lest you will suffer.”
Mariin siyang pumikit. “I hate to say the word. But please don’t give me that crap. Kinakampihan ninyo si Yuan dahil sa mga bagay na nagawa nila sa pamilya natin. Alam ko kung gaano kalaki ang utang na loob ninyo sa mga Zheng dahil sa naitulong nila para paunlarin ang negosyo natin.”
Mapait itong ngumiti. “Hindi maunlad ang negosyo natin, Celine. Matagal na tayong walang kompanya kundi lang tayo tinulungan ng mga Zheng.”
“But Lolo, I thought our business is doing well.”
“Your father made a lot of bad deals before he died. Nalaman na lang namin iyon nang wala na siya. We were totally bankrupt. Baon tayo sa utang. Yuan’s family picked us up. They integrated our company with theirs. Tinulungan nila ang Uncle Patrick mo na palaguin ulit ang kompanya. This house would never be here if not for them. Magpasalamat ka sa kanila dahil di na tayo pupulutin sa kalye.”
Bata pa siya nang mangyari iyon sa pamilya niya. She had no idea about it. “You are right, Lolo. Malaki nga ang utang na loob natin sa kanila. Kailangan ko bang pakasalan si Yuan para lang makabayad nang utang na loob sa kanila. I don’t want to be a puppet wife. Gusto ko rin naman ng lalaking magmamahal sa akin.
“When I was with Yuan pretending to be someone else, I felt like his other women were luckier. They don’t have to stay with him forever. Pero ako parang nakakulong. I will have to pretend someone whom I am not. That is not easy. Just to be a perfect wife for him and to please him, I have to forget who I really am.”
Ginagap nito ang kamay niya. “I am sorry, hija. Nang magkita kayo ni Yuan noon, naisip niya na ikaw ang babae na babagay sa kanya. You were a docile young girl who adored him. And it was perfect.”
“Hindi na ako ang batang iyon, Lolo. Hindi na ako pwedeng maging sunud-sunuran na lang sa inyo o kay Yuan. I want my freedom. I want to be me. Hindi na ako ang babaeng bagay sa kanya.”
“Kahit ano pa ang sabihin mo, hindi ka na makakaurong sa kasal ninyo ni Yuan. You are already his since you were eighteen.”
“What do you mean?”
“Pamilya na ang sumasagot sa lahat ng kailangan mo. From your everyday needs to your education. Parang kulang na nga lang sa inyo ni Yuan, kasal at pagsasama, parang asawa ka na rin niya.”
“What? Are you telling me that he already bought me?” Kulang na lang sabihin ng lolo niya na pati ang hanging hinihinga niya ay galing kay Yuan.
“Hindi ka niya binili, hija. Ibinigay lang niya ang lahat ng karapat-dapat para sa iyo bilang magiging asawa niya.”
Natigagal siya. “Kaya ba lahat na lang ng gusto niyang gawin ko kailangan kong sundin? He already got a hold on me?” Tiniyak na ni Yuan na mahahawakan siya nito sa leeg. Di na siya makakawala pa. “He is a hard man. How can I stay with him? And once he finds out my deception, he won’t marry me anymore.”
Paano kung tuluyan nang magalit si Yuan sa pamilya niya at pabayaan sila? Kaya niyang mabuhay nang mag-isa. Pipilitin niyang suportahan ang lolo niya. Pero paano kung di nito makayanan ang kahihiyan? Mababawi pa ba niya iyon?
“That would be Yuan’s decision. Siya lang ang makakapagsabi kung dapat nga kayong magpakasal o hindi. Pero hangga’t hindi pa nangyayari iyon, wala kang karapatan na tanggihan siya. He became responsible for you all these years and you must return the favor.”
“ANONG plano mong gawin ngayon?” tanong ni Friza kay Quincy habang kausap ito sa telepono. Nasa Rouen, France ito at dinadalaw ang kamag-anak ng nobyo.
“Gusto kong bumalik sa Pilipinas. Masaya ang buhay ko doon. I can be my self. Nag-enjoy talaga ako sa trabaho ko sa Stallion Riding Club.” Bumalik na siya sa apartment niya sa Miami. Plano na niyang tuluyang iwan ang trabaho doon.
“Huwag mong sabihin na magkukunwari ka pa rin pagbalik mo sa Pilipinas? You can only do that if you tell Yuan the truth. Can you?” tanong nito.
Nakagat niya ang labi at tumanaw sa magandang beach view sa bintana. Doon tumigil ang ikot ng mundo niya. As if she couldn’t escape Yuan.
“Hindi ko pa siya nakakausap. I don’t even know how to tell him everything. I don’t know where to start. Hindi naman pwedeng magtago na lang ako dito sa Miami, di ba? I have to do something. Pero ano ang gagawin ko kapag nagalit na nang tuluyan si Yuan. ”
“I told you that everything would be complicated. Hindi ka kasi nakikinig. Now your plan blows up on your face. Mag-ipon ka ng lakas ng loob. You call Yuan and tell him that you will meet him. Not on the phone. Not on email. Do the proper thing. You want your independence, so fight for it.”
“Parang ganoon lang kadali iyon,” bubulong-bulong niyang sabi matapos magpaalam ni Friza. Pinag-iisipan niya kung magpapa-deliver siya ng pagkain para sa dinner o huwag na lang kumain nang mag-ring ang doorbell. “Wait!” sigaw niya ay binuksan ang pinto. Nahigit niya ang hininga nang makitang si Yuan ang naroon.
“Hi!” bati agad nito.
Sa pagkatuliro ay isinara niya ang pinto. Subalit maagap si Yuan dahil naiharang agad nito ang kamay at tuluyang nakapasok. As if she saw a monster and there was nothing she could do to stop him. Napaurong na lang siya.
“Nice reception I got there,” he said with a sly curve on his lips. “Ganyan ba ang isasalubong mo sa fiancé mo na di mo nakita sa mahabang panahon?”
Ni hindi man lang ito nakakita ng pagkagulat nang makita siya. As if he already knew everything. And that was where she lost the edge. Pakiramdam niya nang mga oras na iyon ay wala siyang kontrol sa sitwasyon. And she hated it.
“How did you know I am here?” she asked then crossed her arms.
“A wild guess,” anito at umupo sa sofa. As if he owned the whole place. Samantalang iyon pa lang ang unang beses nitong tumapak doon. Ikinatang nito ang ulo sa sandalan at tiningala niya na nakatayo sa likuran ng sofa. “Ipinatawag ako ni Lolo Loreto. I was in San Francisco fixing some problems with the company and was about to catch my flight to France to see you. Mabuti na lang nalaman ko bago ako nakaalis. Or else, it would be a waste of time.” Nawala ang mapaglarong ngiti sa labi nito. Nagsimulang dumilim ang mukha nito. “Sinabi na niya sa akin kung ano ang ginawa mo, including your perfect disguise.”
Talagang ito ang kinampihan ng lolo niya. Wala bang tiwala ang lolo niya na kaya niyang ayusin ang sarili niyang problema? Tiniyak pa talaga nito na di na siya makakawala pa kay Yuan. Lolo naman! Unfair naman iyon!
“I did it to know the real you,” aniya at pilit na pinatapang ang boses. Di siya pwedeng magpakitang mahina siya o lalamunin siya nito nang buo. “Alam mo na siguro na ayaw kong magpakasal sa iyo. How can I marry someone whom I doesn’t know and someone who doesn’t know me either?”
“So I heard. And I found out that I was branded a womanizer. Dating makes me a womanizer?”
“For your information, I didn’t date anybody else. I didn’t kiss other men either. Kasi inisip ko pa rin na magiging unfair para sa iyo kahit pa nga hindi naman tayo nagkikita. In that sense, I am taking my responsibility seriously.”
Tumango-tango ito. Di man lang natitinag sa pagpaparinig niya. “That is good to hear then. Mabuti naman at faithful ka pa rin. I value that in a woman.” Tiningnan nito ang pictures na nasa side table. Mukhang hindi nito nagustuhan ang mga bagong pictures niya na nandoon. Saka nakakunot ang noo siyang tiningnan. “Nice disguise you got back there, Sweet Celine.” Sweet Celine ang endearment nito sa kanya noong eighteen pa lang siya. “Or shall I call you Quincy now?”
Taas-noo niya itong tiningnan. “I am Quincy now. I am not your Sweet Celine anymore. She’s gone. I won’t wear the clothes you buy. I won’t pin up my hair the way you want me to. Hindi mo na ako mapapaikot sa palad mo.”
Tumayo ito sa tapat niya at tinitigan siya sa mga mata. Gusto niyang umurong pero parang nanigas ang paa niya. Di siya makagalaw. “That’s why your eyes are the same but still different. From Celine’s doe-like eyes to Quincy’s defiant and fiery ones. The transformation is pretty amazing.” Natawa pa ito.
Her heart skipped a beat. Di siya sanay na makikitang nakangiti si Yuan. Even in Stallion Riding Club, all he could offer was a thrift smile. Kahit sa mga kaibigan nito o kahit pa nagdyo-joke ito ay di ito tumatawa tulad ngayon.
And he was handsome when he smiled. The devil! He was showing his hidden ammunitions. Kung kailan kainitan ng laban. And simple smile warmed her heart.
“Ano bang itinatawa-tawa mo diyan? Wala kang dahilan para tumawa dahil hinding-hindi ako magpapakasal sa iyo,” mariin niyang sabi. At least that was clear. Di dapat mawala ang focus niya kay Yuan kahit pa anong pagpapaguwapo ang gawin nito sa harap niya. She wanted him out of her life!
“I know, I know. You told me several times before.” Pinisil nito ang baba niya. “But I am sorry, Quincy. I don’t have plans to back out.”
Mariin siyang pumikit at napaungol. That was a very bad news. “Come on, Yuan! Ano pa ba ang kailangan mo sa akin? I am a sinner. I deceived you just to outwit you. Pakakasalan mo pa rin ako?”
“I don’t really see it as a sin,” he said in a light tone. “And even if it is a sin, I am willing to forgive you.”
Ibig na niyang sabunutan ang sarili. This man was making her nuts. Napu-frustrate na siya dto. “Look at me, Yuan! Hindi na ako ang Celine na gusto mong pakasalan. Wala na akong salamin. I don’t look like a nerd anymore. Matagal ko nang naipa-correct sa laser ang mga mata ko. Iyong salamin na nakikita ng mga kakilala natin na suot ko, walang grado iyon.”
“Bagay nga sa iyo na walang salamin,” kaswal nitong komento.
Nairita siya sa pamumuri nito. Pero simula pa lang iyon. “Ayoko ng mga damit na isinusuot mo sa akin. Napipilitan lang ako na isuot iyon dati dahil ayokong sumama ang loob mo. But I hate every minute of it. At simula ngayon, magsusuot ako ng damit na gusto ko. Even my hair, I won’t pin it up for you.”
Isinuklay nito ang daliri sa buhok niya. “You have a beautiful hair. And I don’t mind if you want to dress up on your own.”
Mariin siyang pumikit. Pakiramdam niya ay umaakyat na ang dugo niya sa utak niya. “Yuan, listen! I am not the perfect wife for you. I won’t always say, ‘Yes, Yuan dear’. I have my own mind. I am my own woman. I can even live without you.”
“I see,” anito at tumango-tango.
She took it as a negative response. Napangiti siya. “We won’t get along. I want to be free and you want a girl who is docile and obedient. Iyon ang perfect wife para sa iyo. So you’re changing your mind about marrying me? We’ll call it off?”
Hinawakan nito ang sariling baba. “Yes, I change my mind.”
“Yes!” usal niya at napatalon sa tuwa. “Thank you, Yuan! Thank you!” Niyakap niya ito. “You did the right thing.”
Inilapit nito ang labi sa tainga niya. “I want to marry you more than ever.”