Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 38

“Sayang. Hindi ka nila isinali sa cross-country competition,” sabi ni Quincy kay Yuan habang nakaupo sa wooden bench na nasa ibabaw ng wooden dock na nasa gilid ng Taal Lake. Malapit iyon sa Lakeside Clubhouse.

Nakatayo si Yuan sa gilid ng dock habang nakatanaw sa maliliit na ilaw sa na gamit ng mga mangingisda sa lake. Mula sa Stallion Lounge ay pumunta sila doon para mag-relax. Crowded na kasi sa music lounge at masyadong maingay.

“Alam kasi nila na ako ulit ang mananalo. Sa anniversary pa ako ng riding club pwedeng sumali. Pero sa minor competitions, huwag daw muna,” paliwanag nito. Lagi na lang kasi itong nananalo sa cross-country competition ng club.

“Well, I never thought that you are an excellent horseman,” she commented.

“Noong bata pa ako, gustong-gusto ko ng mga kabayo. I told it to my dad. Tumawa lang siya. Di daw bagay sa akin na maging horseman. We were out to build a business empire. Iyon daw ang isipin ko. Isa pa, hindi daw ako pang-farm o pang-ranch. Nang malaman ko ang tungkol sa riding club, saka ko naisip na magagawa ko rin ang gusto ko. I can be a corporate guy and a horseman at the same time.”

Wala namang ikinu-kwento sa kanya si Yuan dati. Kapag may ikinu-kwento sa kanya ang mga malalapit dito o ang Lolo niya, puro may kinalaman lang sa negosyo. Di niya alam kung ano pa ang ibang gusto ni Yuan. Maybe he didn’t want to tell anybody about his riding club world.

“And you succeeded.” Binuksan niya ang digital camera. “Look at the pictures. You and Arrowhead are a great team.”

“Wala akong hilig na tumingin ng pictures,” matabang nitong sabi.

“You? A self-glorifying man? Ayaw tingnan ang sarili mo sa pictures? Hindi naman yata ako naniniwala sa iyo.”

Nilingon siya nito. “Is that what you think of me? A self-glorifying man?”

“Ayaw mo mang aminin, iyon ang totoo. Tingin ko sa iyo, lalaki na walang importante kundi ang sarili niya. The Me, Myself and I Syndrome.”

“I never heard of such a syndrome before. At kung may ganoon mang klase ng syndrome, tiyak na wala akong ganoon,” protesta nito.

Tumayo siya at lumapit dito. Ipinakita niya ang preview ng pictures sa LCD ng digital camera. “See for yourself. You always wear that proud look. As if you are a demi-god and we mortals are just like insects that you can easily crush. Then you’ll say ‘Look how powerful I am’.”

Inagaw nito ang digital camera sa kanya at isa-isang tiningnan ang mga pictures. “Magaganda ang kuha mo. Nag-aral ka ba ng photography?”

“No. Self study lang iyan. Business Management ang kinuha ko. Mahirap I-sustain ang hobby ko dahil masyadong mahal. Nanalo ako sa isang competition.”

“Saan?” tanong nito.

“Sa isang internatio…” Natigilan siya. Muntik na niyang masabi na nanalo siya sa online competition na sinalihan niya dati. Baka magka-clue ito kung sino siya. “Ano, competition noong college kami. It is not a big competition but we have prestigious local photographers as judges,” palusot niya. “Sabi nila sa akin I-practice ko pa rin ang talent ko. I have an eye for it.”

Tumango-tango ito. “They are right. May talent ka nga.”

“Talaga? Thank you, ha?”

Parang gusto niyang maiyak at yakapin ito nang mga oras na iyon. She had been longing to hear him acknowledge her talent. Lagi na lang kasi siya nitong binabalewala. Na kahit pa may talent siya, di pa rin niya magawa ang gusto niya dahil wala itong tiwala sa kakayahan niya.

“Magaling ka naman talaga. Why don’t you make a portfolio? Balita ko gustong gumawa ni Reid ng bagong website at brochure para sa riding club. Baka kunin ka pa niyang photographer o I-publish niya ang pictures na kuha mo.” Kumunot ang noo nito. “Puro pictures ko pala ang nandito. Wala bang iba?”

“Ha? Puro pictures mo lang ang natira?” Oo nga pala. Wala akong ibang kinunan ng pictures kundi siya lang. “Naku! Baka nabura. May iba akong kinunan. Baka nagloloko ang memory card ng digicam ko.”

“Tell me, Quincy.”

“What?” inosente niyang tanong at tiningala ito. Nagulat na lang siya nang matuklasang malapit na ang mukha nito sa kanya. “Bakit?”

“Why do you love taking my pictures?”

“Ha?” Nagpapalit-palit ang tingin niya dito at sa hawak na camera. “Hindi, ha? Nagkataon lang na pictures mo ang natira. Siguro mas gusto lang ng mga anito mo na ikaw ang matira sa camera ko, hehehe!”

Pero mukhang di niya ito nakumbinsi. “Stolen shots ang kuha mo habang may kausap akong mga kaibigan. Pero halata naman na ako ng subject.”

Iniwas niya ang tingin dito. “Nagkataon lang nakaharang ka sa camera ko kaya ikaw ang nasesentro. Sobra ka naman! Iyon ngang kuha ko sa inyo ni Arrowhead, si Arrowhead talaga ang gusto kong kunan. Nagkataon lang na ikaw ang nakasakay sa kanya kaya nasali ka. Napuri ka lang, lumaki na ang ulo mo.”

Lalo pa nitong inilapit ang mukha sa kanya. Now, even their bodies almost touch. “How about Theresa and Estella? Noong kasama ko sila, pilit ka ring nagpa-picture sa akin.”

Napaurong siya. “Fan nila ako.”

Umiling ito at humakbang ulit palapit. “I don’t believe that you like their type. Napapansin kita, Quincy. Their type doesn’t impress you. You even have this air that you are better than some of the woman guests in the club.”

“Sige nga. Ano naman ang dahilan kung bakit ako magpapa-picture sa kanila kung di naman nila ako fan,” hamon niya habang humahakbang ulit paurong.

“Simple lang. Ako ang kinukunan mo ng picture. You like me.”

Napanganga siya. “Ha?”

His lips curved into a cynical yet a seductive smile. “Hindi nga ba? Iyon ang paraan mo para magpapansin sa akin. No matter how much I push you away, you are always around. Ako rin ang paborito mong subject. Who knows? Baka pinapantasya mo ako sa gabi. Baka nga kinukulam mo na rin ako.”

Pinigilan niya ang dibdib nito. “Hey, Mr. Bloated Ego! Hindi kita kinukulam.”

“Then how come I can’t get you out of my head?”

Nagulat siya. She never thought that she already made an impression. Iba kasi siya sa mga babaeng idine-date nito sa riding club. Lagi pa silang magkaaway. “Ewan ko sa iyo. Hindi ko na problema kung bakit di ako mawala sa utak mo. Ganoon naman talaga kapag ayaw mo sa isang tao, di ba?”

“Yes, I don’t like you.” Hinawakan nito ang baba niya. “Or maybe I am just curious about you that I can’t forget about you.”

“Hindi ko alam kung ano ang sinasabi mo.”

Napalunok siya at umurong pa. He was like a night animal hunting its prey. At ayaw niyang magpasilo. Pakiramdam kasi niya ay unti-unti siyang nalalaglag sa bitag nito. She was out to bait him. Not the other way around.

But the stiletto heals of her boots was stuck between the wooden plank. Hindi na siya makagalaw pa. And he was near her. So near her.

He easily caught her waist and pulled her body against his. Her eyes widened. He was all male. Ang lalaking pakakasalan niya na lagi lang niyang pinapantasya bago matulog, heto at malapit na malapit sa kanya. He was breathing and warm. At ilang pulgada na lang ang layo ng labi nito sa kanya.

“Let’s face it, we are curious with each other. So why don’t we just satisfy that curiosity, huh?”

Before she could protest, he was already claiming her lips. It was sensual and thrilling and the impact slammed at her chest. Nakalimutan niya ang salitang pagtutol. Her hand clenched his coat. She opened her mouth and gave him all the liberty. And he was greedy and took everything he could get from a kiss.

He so male and so powerful na nakakalimutan na niya kung sino siya. He made her knees shaky. She just wanted to be a woman. Period. At mababaliw na siya. He sifted his fingers through her hair as if the act itself was an intimate one. It made her feel beautiful and sensual. Something she never felt before.

“Yuan…” usal niya sa pangalan nito habang nakapikit. Ilalapit pa sana niya ang labi dito subalit malamig na hangin na ang sumalubong sa kanya. Napadilat siya.

Naglalakad na palayo si Yuan sa kanya. “Ihahatid na kita sa staff’s house. Malamig na dito. Baka magkasakit ka pa. Saka sabi ni Gino, maaga pa ang pasok mo bukas. We’d better call it a night.”

Tahimik siyang sumunod dito. She caught a glimpse of the passionate Yuan. Iba sa lalaking akala niya ay manhid at walang romance sa katawan. For a minute, she thought she was about to surrender her body to him. And she didn’t even care where they were and she was under pretense at the moment.

She should be glad that he stopped kissing her on time. Pero isang bahagi niya ang nanghihinayang. Why did he stop?

Baka kahit ano pa ang disguise ko, ayaw pa rin niya sa akin. Paano pa kaya niya pakakasalan ang babaeng tulad ko?

“WHAT were you thinking last night, Yuan? Why did you kiss me?” paulit-ulit na tanong ni Quincy habang pinapa-ring ang phone nito. Of course, she was his fiancée at the moment. Gusto niyang malaman kung kaya siya nitong kausapin o harapin matapos nitong humalik sa ibang babae.

Subalit di sinasagot ni Yuan ang cellphone nito. Ring lang iyon nang ring. Nang nagdaang gabi pa niya iyon ginagawa pero mukhang iniiwasan siya nito.

“Nakokonsensiya kaya siya kaya siya tumigil sa paghalik sa akin? Mukhang wala naman sa itsura niya ang makokonsensiya. After all, he is young and free. Engaged nga kami pero di pa naman formal. Nobody can stop him from taking me. Hindi ko talaga siya maintindihan.”

Kahit nang araw na iyon ay di ito pumunta sa Rider’s Verandah. Maaring bumalik na ito sa Manila. Pero nang magtanong siya sa street sweeper na laging nasa tapat ng villa nito, naroon pa ang sasakyan ni Yuan sa driveway.

“This sucks! Bakit pa kasi ako nag-aalala sa isang iyon?” Lalabas na sana siya ng cubicle nang may maisip. “Why did I kiss him back?” bigla ay naitanong niya.

Napasandal siya sa divider ng cubicle nang maalala ang halik sa kanya ni Yuan. Kumakabog pa rin ang didbib niya kapag naalala iyon at di siya pinatulog kagabi. “Akala ko ba ayoko siyang pakasalan? Bakit ako pumayag magpahalik?” Tinadyakan niya ang divider sa tapat. “Drat! Nakakainis! This plan really sucks.” Sa halip na si Yuan ang mabitag, siya pa ang nawawala sa sarili. “I am crazy!”

Napapitlag siya nang may kumatok sa cubicle niya sa washroom. “Quincy, may nag-iwan ng rose at message sa iyo sa counter. Dali!” excited na sabi ni Miles.

Mabigat ang mga hakbang niya na pumunta sa counter at tiningnan ang card na kasama ng single white rose.

Meet me at the dock near the Lakeside Clubhouse once you are off. My driver is just outside Rider’s Verandah waiting for you.

Yuan

Alas sais na ng gabi siya nakalabas sa Rider’s Verandah. Ihinatid agad siya ng driver ni Yuan sa may maliit na pier sa tabi ng lake. Naroon na si Yuan at palakad-lakad sa lake. He looked bothered. He had always been a guy of confidence. Di siya sanay na nakikita itong balisa. Was it because of her?

“I am here,” sabi niya.

Tumigil ito sa paglakad at lumingon sa kanya. “Sorry if I decided to invite you here instead. I think this is the quietest place at the moment where we can really talk. Mas nakakapag-isip kasi ako kapag nandito. Did you get the rose?”

Tumayo siya tabi nito habang ang mata ay nakatuon sa bulkan na nasa gitna ng lawa. Halos parang anino na lang iyon. “Yes.” Itinaas niya ang rose. “Here.”

Would he tell her that he liked her? Parang imposible na magkakagusto si Yuan sa simpleng service crew lang. Pero di ba para doon ang white rose? Paano na si Celine? Oh, boy! This is getting more and more complicated.

“I just want to apologize,” bigla ay nausal nito.

“Ha?” Tama ba siya ng narinig? Nagso-sorry ito? “What for?”

“Because I kissed you last night.”

That was surprise number two. Tingin kasi niya kay Yuan ay isang tao na laging sigurado sa ginagawa. Even if the kiss happened out of impulse, he was still the type who would stand for anything he did.

Nakagat niya ang labi. “Why say sorry? I didn’t push you away.”

Nilingon siya nito. His eyes were sober. “Quincy, I don’t want you to think that there is something more than that simple kiss. You were my companion…”

“And I can’t consider a relationship with you just because we kissed, right?”

It was her first kiss. Ang tagal-tagal niyang hinintay na ibigay iyon sa lalaking mamahalin niya. Pagkatapos ay wala pala iyong ibig sabihin? Gusto niyang mainsulto. All she got was a sorry for a kiss.

Tumango-tango ito. “Right.”

“I know the rules, Yuan. And you didn’t hear me complain, right? Hindi ako katulad ng ibang babae na iniisip na nagseseryoso ka dahil lang naka-date mo sila.”

“You aren’t the sophisticated type either. You weren’t a good kisser.”

Umangat ang gilid ng labi niya. “Thanks for rubbing that in. Pero hindi rin naman ako istupido. I know where I stand. So don’t bother apologizing.”

“Quincy, you should know the truth. I am already engaged.”

Niyakap niya ang sarili nang makaramdam ng panlalamig. She didn’t expect the revelation. “Congratulations!” she said in a wry voice.

“Though we are not formally engaged yet and I don’t see her at all, we both know that the bond between us is still binding. Someday we will get married.”

Naningkit nang bahagya ang mata niya. “Then why the companions?”

“This is my world. Dito ko nagagawa ang lahat ng gusto ko. Companions are like decoration on my arms. After all, a normal male needs beautiful female to adorn him. In the Stallion world, I just need someone to praise me and clap for me whenever I perform on the arena. It is a part of my freedom. But that’s it. I know my limits. My companions know the rule. And my emotion is always in control. I don’t do anything stupid except last night when I kissed you.”

“Ibig sabihin, palamuti lang sa iyo ang mga babae. How about your fiancée? Decoration lang din ba siya sa iyo?” aniyang di maitago ang hinanakit.

“Of course not. I care her more than any other girls. Kapag kasal na kami, wala na akong ibang babaeng titingnan kundi siya lang.”

“Sa tingin mo ba magiging masaya ka sa kanya?”

Tumango ito. “Yes. Because she is the perfect wife for me.”

She would be his greatest companion. She would dance by his music like a puppet. He showered her with gifts and things so precious to other girls but meant nothing to her at all. Sinasamantala din ni Yuan ang pagiging binata nito dahil alam nitong makukulong ito sa kanya kapag kasal na sila. Kung ano ang inaasahan nito sa kaya bilang asawa nito, ganoon din ito sa sarili nito. He was preparing his self to be the perfect husband even if he didn’t love her.

“So you are telling me this since I am not the sophisticated type and you thought that I would take the kiss seriously.” Napailing siya. “You see me as a threat. Let’s just forget about the kiss, okay?”

Nagsimula siyang maglakad palayo nang hawakan nito ang balikat niya. “I wish you’d find the guy who will take you seriously. You deserve that.”

“Thank you,” aniya sa nanginginig na boses at di ito nilingon.

She was in a daze. Mabigat ang loob niya nang naglakad palayo. Dapat ba siyang matuwa na nagsabi nang totoo si Yuan. Walang ibang lalaki na basta-basta aaminin nang ganoon.

Pinagsalikop niya ang palad. No, Quincy! You have no reason to be happy. He hates your guts. Hindi ikaw ang babaeng gusto niya kundi si Celine na pwede niyang paikutin sa palad niya at sunud-sunuran sa kanya.

Lumingon siya sa dock na pinag-iwanan kay Yuan pagsakay ng sasakyan nito na maghahatid sa kanya pabalik sa staff’s house. Kung sinabi mo lang sana na ang pipiliin mo ay ang totoong ako, si Quincy na may sariling identity, baka pakasalan pa kita, Yuan. But no. You want a puppet. I don’t want to be a puppet.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.