Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 42

“Hindi talaga kita maintindihan. Maganda na ang project mo kay Sir Reid, di ba? Pictures mo na ang ginamit niya para sa brochures at website niya. Bakit kailangan mo pang pumasok sa Rider’s Verandah?” tanong ni Miles habang nagbe-break sila. Assistant pastry chef na ito at kasalukuyan niyang minimiryenda ang paborito niyang rainbow tart na nai-bake nito.

“Nag-e-enjoy pa kasi ako. Saka bakit ba atat na atat ka na ipagtabuyan ako? Ayaw mo na ba akong makasama dito?”

“Luka-luka!” anito at hinampas siya sa braso. “Kaso nanghihinayang lang ako. Di ka lang dapat na service crew lang dahil may talent ka. Sa dami ng koneksiyon ng pamilya mo at ni Sir Yuan, magkakakuha ka ng trabahong gusto mo.”

“Ayokong dumepende kay Yuan o sa mga koneksiyon niya.” Pinagbigyan lang niya si Yuan nang I-refer siya nito kay Reid. “Para saan ang sense of independence ko kung di ko gagamitin? Dapat sariling sikap ko naman.”

Her relationship with Yuan was doing great though. He allowed her so much liberty. Sa pagre-recommend nito sa kanya kay Reid, natuwa siya dahil na-recognize nito ang talento niya. Naa-appreciate na nito kung sino talaga siya.

“Sabagay, naiintindihan naman kita. Magpakasal na lang kaya kayo ni Sir Yuan? Mas maganda iyon, di ba?”

Lumabi siya. “Di ako magpapakasal sa kanya hangga’t hindi ko nagagawa ang lahat ng gusto kong gawin. Mas mabuti nang ma-enjoy ko muna ang buhay ko habang dalaga pa ako. Kaysa mag-asawa ako saka ako magsisi. Saka bata pa kami ni Yuan. I am just twenty-two and he is just twenty-nine.”

“Sa tingin ko kasi seryosong-seryoso na siya sa iyo.”

“Seryoso din naman ako sa kanya, ah! Pero kapag kasal ang pinag-usapan, ayokong magmadali kami. May panahon para diyan.”

Inaayos niya ang suot na uniform habang nasa locker room nang makatanggap siya ng tawag sa cellphone niya. “Hello, Miss Logarta. I am Chit from The Wild. You are scheduled for an interview this coming Friday at nine AM.”

“Thank you!” Di maalis ang ngiti niya nang lapitan si Miles. “Palit naman tayo ng day off sa Friday. Sa Monday ka na lang. May pupuntahan kasi ako.”

Siniko siya nito. “Uy, bakit? May date ba kayo ni Sir Yuan? I-share mo naman sa akin kung saan kayo pupunta.”

“Secret!” Saka na niya sasabihin kapag may magandang resulta na.

“SAAN ko kaya iti-treat si Yuan? Dapat mag-celebrate naman kami,” anang si Quincy sa sarili habang hinihintay niyang papasukin siya sa private office ni Yuan. Mula sa interview sa The Wild ay tumuloy agad siya sa opisina ni Yuan sa Makati.

“Miss Quincy, you may come in,” sabi ni Kelly, ang secretary ni Yuan.

“Thank you.” Nakahanda na ang ngiti niya nang mabungaran niya ang madilim na mukha ni Yuan. “O, bakit ganyan ang itsura mo? May pinagalitan ka na naman bang empleyado o may problema sa kliyente mo?”

Eksaktong-eksakto. Tiyak na mawawala ang init ng ulo nito kapag inilibre niya ito sa labas at sinabi niya ang good news.

“Ikaw ang problema ko, Quincy. Hindi ko alam na nag-day off ka pala. Kung di pa ako tumawag sa Rider’s Verandah, hindi ko pa malalaman na wala ka doon. Where the hell have you been? You made me so damn worried.”

“Stay put, okay?” She pressed the intercom. “Kelly, ipagdala mo nga ng iced coffee ang Sir Yuan mo. He needs to cool down.” Grabe kung mag-alala sa kanya si Yuan. Hindi ito napapakali kapag di alam kung nasaan siya.

Subalit hindi man lang pinansin ni Yuan ang iced coffee na dala ng sekretarya. Nanatili lang itong matiim na nakatitig sa kanya. “Hindi mo pa rin ba sasabihin sa akin kung saan ka nanggaling? Umaga ka pa umalis doon. Hapon na ngayon.”

Inilagay niya ang kamay sa likod. “I have good news for you. I finally got a job as a wildlife photographer for a wildlife conservation group. At mapi-feature ang gawa ko hindi lang sa Pilipinas kundi sa buong mundo. I will also get a chance to travel around the world and take pictures of animals that I only see on TV or pictures. My grand dream is finally coming true, Yuan!”

But his face looked so grave. It wasn’t good news for him. “You didn’t tell me about this. Hindi ko alam na nag-apply ka ng ibang trabaho.”

“Well, I am telling you now. Ayoko namang sabihin sa iyo nang di ako siguradong matatanggap. Oh, its great! It would be like a grand adventure!”

Humalukipkip ito. “Tell them that you won’t take the job.”

Her excitement dived down. “Excuse me?”

“I don’t like your new job.”

“Well, I am hired and I am about to start in a week,” she said blandly.

Tumayo ito at idiniin ang palad sa desk nito. “How about me, Quincy? What do you expect me to do? Maghintay sa iyo habang iniisip kung agahan ka na ba ng jaguar sa Amazon jungle o midnight snack ng polar bear?”

She rolled her eyeballs. “You are fretting too much. I will be safe.”

“Maraming ibang trabaho diyan. Iyong hindi mo kailangang lumayo sa akin at hindi peligroso. Can’t you do that for me?”

“Yes, there are other jobs. Pero hindi naman ako magiging masaya. I have to do this for my self.”

“I am willing to do everything. Just don’t take that job.”

“Then do me a favor. Hayaan mo akong magtrabaho. Ngayon ko pa lang nagagawa ang gusto ko. For sometime in my life, naging sunud-sunuran ako sa iyo. Gusto ko namang may ma-accomplish bago tayo ikasal.”

He smiled dryly. “Accomplishment lang ba ang gusto mo bago tayo ikasal? I know that you won’t stop until we are married. That kind of job hooks you. And the excitement won’t wear off no matter what you do.”

Baka naman pinagseselosan nito ang trabaho niya. “Aasikasuhin pa rin naman kita kahit na may trabaho ako.”

“Paano tayo magkikita? Gusto mo bang bitbitin ko ang laptop ko at magtrabaho sa treehouse habang naghahanap ka ng zebra sa safari?”

“Nagiging sarcastic ka na.” Bakit ba hindi siya nito mapagbigyan? Simple lang naman ang hinihingi niya dito.

“I am not sarcastic. I am realistic. Ngayon pa lang natin sinisimulang ayusin ang relasyon natin. And now, you are making it impossible for us to be together.”

“Lagi na lang ba akong susunod sa iyo?” tanong niya sa matigas na boses. “Kailangan bang lagi mong patakbuhin ang buhay ko?”

“I am not trying to run your life. I just want you to see reason. I want this relationship to work. And we can’t do that if you will accept that job. But if you insist then just forget about me.”

She held her breath for a moment. “What do you mean by that?”

Malamig ang mga mata nito nang tingnan siya. “Pinapipili kita. It is either me or your bloody job.”

Pakiramdam niya ay may matalim na yelong humiwa sa puso niya. Hindi niya inaasahan na doon sila hahantong dahil lang sinabi niya dito ang tungkol sa bago niyang trabaho. “That’s so selfish, Yuan! Sarili mo lang ang iniisip mo. You don’t really love me. Just like before, all you really care about is what you want. You are still that same inconsiderate and egotistical person I know!”

Akala niya ay nagbago na ito. Na mahal siya nito kaya handa itong tanggapin siya bilang isang hiwalay na individual. Na irerespeto rin nito ang gusto niya. All she wanted was to do something for her self. Masama ba iyon? Gusto ba nito na lagi na lang siyang nakakabit sa pangalan nito habambuhay? Hindi ba siya nito hahayaan na makagawa rin siya ng sarili niyang pangalan?

Hinaklit nito ang balikat niya. “Inconsiderate ba isipin ko ang safety mo? Hindi na ba kita mahal dahil gusto kong magkaroon ka ng trabaho na mas ligtas ka at hindi mo kailangang malayo sa akin? Is it a sin if I always want to be with you and make sure that I could protect you at all times?”

Mariin siyang pumikit. She was torn between her love for him and her love for freedom. Nararamdaman din niya ang sakit na nararamdaman ni Yuan. Or maybe it was simply dominance. Wala ba itong tiwala sa kakayahan niya? Naroon ang kaway ng pangarap niya. It was something that she had wanted to do all her life.

“Just this once, Yuan. Give me a chance to prove my worth,” she pleaded. “Give me at least six months.”

Binitiwan siya nito. Now his eyes were frozen. Wala na siyang makita pang anumang emosyon dito. “Go ahead. Prove your worth,” he said in an equally chilly voice. “But I won’t stand by and watch you kill your self.”

Nakuyom niya ang palad. “Ganoon lang kasimple sa iyo na mawala ako? Ni hindi mo man lang ako bibigyan ng chance?”

“I’d rather lose you now. Mas matatanggap ko. Kaysa hintayin kong bumalik ka sa akin pero mawawala ka rin naman. Goodbye, Quincy.”

Naestatwa siya nang talikuran siya nito. Marami pa siyang gustong sabihin dito. She wanted to compromise. Hindi naman kailangang maisakripisyo ang relasyon nila dahil lang gusto niyang magtrabaho. But he won’t listen. She knew it. Dahil kahit ano pang kompromiso ang gawin niya, di na ito makikinig pa.

“You want me out of my life, so be it!” aniya sa nanginginig na boses.

She stormed out of his room. Kinagat niya ang labi para di mapaiyak. Ganoon lang kasimple dito na itapon ang relasyon nila. Hindi ako babalik sa iyo hangga’t di ikaw ang nakikiusap sa akin, Yuan. I already had enough of your domination. It is high time that I think about my self. You will never really love me as me.

“LOOK, Lolo! These are wild spinner dolphins at the Atlantic Ocean. Kung makikita lang sana ninyo sila, matutuwa kayo sa kanila. They are lovely,” wika ni Quincy habang ipinapakita sa Lolo Loreto niya ang mga pictures na kuha niya sa magazine.

Tatlong buwan na siyang paikot-ikot sa iba’t bansa sa mundo para makakuha ng iba’t ibang larawan ng mga hayop. Most of them were animals that were hard to find and endangered. Nag-e-enjoy naman siya sa trabaho niya.

Nag-report siya sa Los Angeles office ng The Wild kaya nadalaw niya ang lolo niya na nasa Huntington Beach.

“Nagkausap na ba kayo ni Yuan mula nang umalis ka?”

Nawala ang ngiti niya at umupo sa rattan chair sa tapat nito. “Hindi po. Hindi naman kasi siya tumatawag sa akin.” Hintay siya nang hintay ng tawag mula kay Yuan pero mukhang wala naman na itong pakialam sa kanya. Yuan was a hard man. She hurt him and now, he didn’t give a damn about her.

“Hindi mo man lang ba siya kukumustahin?”

Ipinagbalat niya ito ng mansanas. “I am sure he is happy somewhere with a woman who is docile, shy and quiet. Marami siyang ganoon sa Stallion Club. Why bother with someone like me who is always defiant? Sa palagay ko nga masaya po si Yuan na nawala ako sa buhay niya.”

“Do you know that he calls me everyday to check if you are okay?”

Muntik nang dumulas ang kutsilyong hawak niya sa kamay niya. “Kinukumusta po ako ni Yuan?” Subalit mabilis siyang nakabawi. “Inaalam siguro niya kung nagsisisi na ako dahil mas pinili ko ang trabaho ko. Tapos ipapamukha niya sa akin na wala na akong babalikan sa kanya.”

“Do you know that Yuan is not selfish? He just cares about you.”

Ibinaba niya ang mansanas at ang kutsilyo sa mesa. “Lolo, huwag na ninyong kampihan si Yuan. Apo ninyo ako. Ako ang itinaboy niya. Unfair naman po iyon.”

“Hindi mo alam kung ano ang mga pinagdaanan ni Yuan. He was nine when his family suffered from economic crisis. The country had to practically start from scratch then. So did our businesses. Para makatulong, pumasok na host ng isang sports TV magazine ang mommy niya para sa isang international cable station. Malaki ang naitulong niyon para makabangon ulit ang mga Zheng.

“Pinatitigil ng daddy ni Yuan ang asawa niya sa pagtatrabaho. After all, they were rich. Alagaan na lang daw si Yuan. Laging nakikipag-compromise ang mommy ni Yuan. Isa, dalawa, tatlong taon. Until she couldn’t compromise anymore. She died in a rock climbing accident in South Africa. “

Natutop niya ang labi. “Oh, God! I never thought it was tragic.” Hindi naman kasi niya natanong si Yuan tungkol doon. Ang alam lang niya ay naulila sa ina si Yuan noong thirteen years old ito.

“Yes. Yuan and his father took it hard. Nabaon sa pagnenegosyo ang daddy niya at di na nag-asawa. While Yuan did his best to become richer. He swore that he won’t allow his future wife to work.”

Everything slowly dawned to her. “Kaya naging mahigpit sa akin si Yuan dati at gusto niyang kontrolin ang kilos ko. He wanted to make sure that his future wife won’t be as independent as his mother. And he had always been in control of his own emotions. Ayaw niyang masaktan. Iyon din ang dahilan kung bakit mas pinili na lang niya akong pakawalan kaysa mawala rin ako sa kanya sa huli.”

Yuan had been a hard man because of his experiences in life. Akala niya ay selfish lang si Yuan. Ayaw lang nitong mawalan pa ulit ng isang taong importante sa buhay nito. He loved her that’s why he didn’t want to lose her in a tragic and painful way. Hindi niya ito naintindihan.

“I am the one who is selfish, Lolo. I left Yuan.” Hinayaan lang niyang umagos ang luha sa mata niya. “Akala ko kasi sarili lang niya ang iniisip niya. Mas pinili ko ang mga pangarap ko kaysa sa kanya. Lalo ko lang siyang sinaktan.”

Ginagap nito ang kamay niya. “Hija, don’t be so hard on your self. Bumalik ka kay Yuan. I am sure he is waiting for you to come back.”

Umiling siya. “Baka itinuring na niya akong patay. Sabi niya wala siyang balak na hintayin ako. He doesn’t love me anymore.”

Akala niya ay kaya niyang tanggapin kapag tuluyan na siyang di minahal ni Yuan. Sa loob kasi ng tatlong buwan ay nangibabaw ang pride niya. Tiniis niya ang hirap ng trabaho dahil may gusto siyang patunayan. There were nights that she wanted to cry because she missed Yuan a lot.

Akala niya ay kapritso lang ni Yuan ang lahat para pasunurin siya dito. She thought the worst about him. Bakit ba hindi niya nakita ang totoong intensiyon ni Yuan? Ngayon ay wala siyang ideya kung paano pa ito ibabalik sa buhay niya.

“Iyan ba ang apo ko na ipinagmamalaking matapang siya at independent? Iiyakan mo na lang ba si Yuan? Won’t you take him back?” Pinahid nito ang luha niya. “Get up Celine and fight for what you want. Fight for you happiness.”

NANLAMIG ang kamay ni Quincy habang papasok ang kotseng sinasakyan niya sa Stallion Riding Club. Mula sa airport ay sinundo siya ng driver ng uncle niya. Nalaman niya mula sa sekretarya ni Yuan na nasa riding club ito kaya naman mula sa airport ay doon na agad niya pinatuloy ang sasakyan.

“Manong, sa restaurant po muna tayo,” aniya at itinuro ang Rider’s Verandah.

Pagbaba niya ay sinalubong siya ni Jhunnica. “Quincy, napadalaw ka.”

“Nasa taas po ba si Yuan?”

“No. Nagpa-deliver lang siya ng pagkain kanina sa villa niya. You know, he doesn’t leave his house that much these days. Ni hindi na rin siya masyadong nagpupunta dito o nag-iikot sa club sakay ang kabayo niya. He doesn’t even talk much with the members. He is like a grumpy old bear.”

Nalungkot siya sa narinig. She thought that Yuan would be happier without her. But he was worse than before. Kahit sa lugar na dating nagpapaligaya dito, hindi na rin nito nagawang magsaya. It was her fault.

“Thanks, Ma’am Jhunnica. Hahanapin ko siya.”

She was jittery when she came to his villa and didn’t see his car. Pumunta siya sa stable pero sabi ng mga tao doon ay di inilabas ni Yuan ang kabayo nito. She went to the Lakeside Clubhouse, the forest and asked his friends. Walang sinuman ang nakakaalam kung nasaan si Yuan.

“Nasaan na kaya iyon?” mangiyak-ngiyak na niyang tanong.

“Miss Quincy, si Sir Yuan ba ang hinahanap ninyo?” tanong ni Aling Luming, ang street sweeper na minsan nang natulungan ni Yuan.

“Opo. Nakita po ba ninyo siya?”

“Nasa simbahan. Doon po siya nagpupunta kapag ganitong oras.”

“Maraming salamat po,” sabi niya at nagpahatid agad sa simbahan na matatagpuan sa pinakagitna ng Stallion Club.

Halos di na sumasayad sa lupa ang paa niya sa pagmamadaling makita si Yuan. Natagpuan niya itong nakaluhod at taimtim na nagdadasal.

Lumuhod siya sa likuran nito at malakas na nagdasal. “Diyos ko, nawawala po ang boyfriend ko. Tatlong buwan po kaming hindi nagkita. Matangkad po siya, tsinito, guwapo at mas madalas sa hindi nakasimangot. Miss na miss ko na po kasi siya. Baka naman po alam ninyo kung nasaan siya. Tulungan po ninyo ako.”

Biglang lumingon si Yuan sa kanya. “Miss, baka naman gusto mong magdasal nang mas tahimik dahil nagdadasal din ako dito…” Natigilan ito sa paglilitanya.

Tumayo siya at lumuhod sa tabi ni Yuan. Saka niya hinaplos ang mukha nito. “Diyos ko, kamukhang-kamukha niya ang boyfriend ko. Pati kapag nagsusungit, nawawala ang mata.”

“Quincy, anong ginagawa mo dito?” tanong nito at nakatitig lang sa kanya. “Hindi ba dapat pupunta ka sa Antartica?”

Pinagsalikop niya ang kamay at humarap sa altar. “Kapag pumunta ako sa Antartica, hindi ko makikita ang boyfriend ko. Kaya nagdadasal ako kanina na sana magkita na kami. Nami-miss ko na siya. Ikaw, anong ipinagdadasal mo?”

Ginagap nito ang kamay niya. “Na sana bumalik na ang girlfriend ko.”

Pinaghiwalay nito ang magkahiwalay niyang palad at kinintalan ng halik ang bawat isa. She was too lost for words. Nanginginig ang kamay nito habang hawak ang kamay niya. When he lifted his face up, he embraced her tightly. Di siya makahinga sa yakap nito. But she didn’t mind. Umiyak lang siya nang umiyak.

“Bumalik ka para sa akin, hindi ba?” tanong nito.

“Yes, Yuan. I am so sorry. Akala ko nagiging selfish ka lang kaya ayaw mo akong pagbigyan. Ako pala ang selfish dahil di ko naisip na ginagawa mo iyon dahil mahal mo ako. That you are so scared to lose me.”

“Ayokong matulad sa nangyari sa daddy ko. When we lost my mom, he felt so useless. Kung hindi lang humina ang negosyo namin, di magtatrabaho si Mommy. Hindi siya mahu-hook sa trabaho niya. Hindi rin sana siya mawawala sa amin. As a man, he felt inadequate. He was not man enough to make my mother stay at home. And I felt the same when you left.”

Kinintalan niya ng halik ang labi nito. “No. Don’t say that. Siguro masyado lang akong nasakal kaya natakot ako. Minsan, may kanya-kanya lang tayong gustong patunayan sa sarili natin. Pero hindi ibig sabihin, nagkulang ang ibang tao sa pagmamahal sa atin. It is just something that I have to do for my self.”

“I know. Kaya nga hinayaan kita. Given the choice, I can always pull you back to me if I want to. Wala akong pakialam kung magalit ka sa akin dahil ikakadena kita sa loob ng bahay ko para tiyakin na di ka mawawala sa paningin ko. And I don’t give a damn if you’ll hate me. That was the old me, Quincy. But I love you now. I value your independence and your identity.”

Isinubsob niya ang mukha sa balikat nito at muling napaiyak. “Pero sabi mo sa akin, mas gusto mo na mawala na lang ako. Wala ka nang pakialam sa akin. Kaya nga wala na sana akong balak na bumalik sa iyo.”

She was so close to losing him for life. Nararamdaman pa rin niya ang takot. Di niya ma-imagine ang buhay nang wala si Yuan.

Huminga ito nang malalim. “Iyon din ang ikinatatakot ko. Na hindi ka na babalik sa akin. Kaya nga humanap ako ng mas malakas na kakampi.” Tumuro ito sa taas. “Nagpatulong na ako sa Diyos para ibalik ka Niya sa akin. Kaya nga araw-araw akong nagdadasal. I know it was the only thing I could do.”

“God answered your prayers. Malakas ka nga sa kanya,” aniya at niyakap ito.

“Babalik ka pa ba sa trabaho mo?”

Umiling siya. “Nag-resign na ako. I already had enough with the thrill. May na-accomplish na ako. But I had to get out before I lose you for good. Marami pa naman akong ibang pwedeng gawing trabaho nang hindi malalayo sa iyo. Those three long months was pure hell without you.I don’t want to come back there again.”

“Reid loved the pictures you took. Now, other members were crazy about the pictures. They want you to take pictures of them with their horses in action. And they will pay a lot. May interesado din sa iyong horse magazine.”

“I love horses, Yuan. I will take the job.”

Tama si Yuan. Marami pang opportunity na naghihintay sa kanya. She wouldn’t mind if he used his connections or those people simply believed in her talent. Napatunayan na kasi niyang talented siya and that was enough. This time, she didn’t have to risk her neck anymore. Makakasama pa niya si Yuan.

He gave her a lingering kiss. “Before you proceed with your job, how about a nice trip to Europe? I think both of us needs it.”

Humilig siya sa balikat nito. “Kailangan pa ba nating lumayo? Dito na lang tayo sa riding club. Mas gusto ko dito.”

“Hindi ka ba nagsasawa dito?”

“No. This is my most favorite place on Earth. I found my freedom here. And I found you here as well. I found love here.” She interlaced her fingers with his. “At gusto ko araw-araw din tayong magpapasalamat sa Diyos. We found each other again.”

A light breeze wafted around them as they held each other and prayed. Yuan was smiling the whole time. He had a reason to smile. They knew that they would have a wonderful lifetime ahead of them.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.