Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 43

“I CAN barely recall but it’s all coming back to me now... now!” Naiinis na isinara ni Sindy ang steno pad na pinagsusulatan niya ng draft ng nobela niya at hinaklit ang headphone sa mga tainga. Muntik nang mabasag ang eardrums niya dahil sa palahaw ng kapitbahay niyang si Kylie. Malakas na malakas na ang tugtog ng CD ng Spongecola sa laptop niya pero nanunuot pa rin sa kanyang mga tainga ang boses ng mga nagbi-videoke sa katabing apartment.

“Aba! Alas-dose na pero wala pa rin silang balak manahimik. Hindi ba nila alam na nakakabulahaw na sila? Paano ba naman ako makakatapos ng istorya kung ngawa sila nang ngawa?”

She was a romance novel writer. Sa gabi siya nagtatrabaho dahil tahimik at mas malamig. Walang masyadong istorbo. Pero mukhang hindi siya makakatapos ng istorya. Nakasalalay pa mandin sa nobelang isinusulat niya ang pambayad niya sa kanyang mga bayarin. Mag-isa lang siyang namumuhay at malayo siya sa pamilya niya. Wala siyang aasahan kundi ang sarili niya.

Sinimulan ni Kylie ang pagkanta ng isa pang kanta ni Celine Dion na “To Love You More.” Tumayo siya. “Okay! That’s enough! Sobra nang noise pollution ito. This is not just pollution. Terrorism na ito!” Humahangos na pumunta siya sa kabilang apartment. Tatlong pinto ang apartment na iyon at siya ang nasa dulo. Pumasok siya sa bukas na gate. Kung tatawag siya, malamang ay wala ring makakarinig dahil sa ingay. “Kylie! Kylie!” tawag niya habang nakatayo sa pinto.

Hawak ni Kylie ang Magic Sing microphone sa isang kamay at baso naman ng brandy sa kabila. “I’ll be...” Nabitin ang pagkanta nito at bumaling sa kanya. “O, neighbor! Mabuti naman at lumabas ka ng lungga mo,” anunsiyo pa nito gamit ang mikropono. “Makiki-party ka ba sa amin?”

“No. I have more important things to do than to party. I have work to do.”

“On a Saturday night? That’s boring!”

Nagtawanan ang mga kasama nito.

Humalukipkip siya. Mukhang nakainom na ang mga ito. “Puwede bang hinaan ninyo ang volume ng kantahan ninyo? Nakaka-distract kasi sa pagsusulat ko. I have a deadline on Monday. Nakakabulahaw kayo,” aniya at ngumiti nang pilit.

“Ano ba naman iyan? Killjoy!” angal ng isang kaibigan nito.

“Pasensiya na, friends. Old maid kasi,” ani Kylie at humalakhak sa mic.

She was horrified. Old maid daw siya! Mas matanda sa kanya si Kylie. Beinte-siyete na ito at magte-twenty-five pa lang siya. Pero dahil boring daw siyang tao at walang hilig lumabas sa “bat cave” niya, wala raw siyang makikilalang lalaki. Destined to be an old maid din daw siya dahil sa pagiging romance novel writer niya. There was a myth that romance novel writers usually looked for the type of guy they wrote about in their novels. At dahil mapili, nagiging matandang dalaga.

Pinalagpas na lang niya ang pang-iinsulto ni Kylie. After all, she was tipsy. Baka hindi nito alam ang sinasabi. “Mahihinaan na ba ninyo?” tanong niya.

“Miss, baka naman puwedeng one hour pa,” hirit ng boyfriend ni Kylie at itinaas ang isang daliri. “Birthday naman ng love ko. Saka hindi pa dumadating ang guest of honor niya. Nakakahiya naman kapag boring na ang party pagdating niya.”

“Isang oras? It is already twelve midnight. Dapat tumahimik na kayo. Or else, magrereklamo na ako.”

“Napakiusapan na namin ang mga kapitbahay. Sabi nila, okay lang daw sa kanila na kumanta kami. Makisama ka naman sa amin.”

Siya pa pala ang walang pakisama ngayon. Siya na nga ang napeperhuwisyo. “They don’t have work to do. I have.” At kung hindi niya matatapos ang nobela niya, wala siyang magiging suweldo. Sa kangkungan na rin siya pupulutin.

“Ganito na lang, Sindy,” wika ni Kylie at lumapit sa kanya. “Kumanta ka lang nang isang beses. `Tapos hihinaan na namin.”

“Ha?” Pati siya ay mag-eeskandalo? “Bakit pa ako kakanta?”

“Kasi birthday ko. Saka isang kanta lang naman.” Itinaas nito ang kamay. “Promise! Hihinaan na namin pagkatapos.”

Kaysa makipagkulitan ay pinagbigyan na lang niya ang mga ito. Pinili niya ang kantang “In My Life” na madalas niyang kantahin kapag nasa KTV sila ng mga kaibigan niyang writer. Saka niya naalala na ilang buwan na rin silang hindi nakakakanta sa KTV dahil marami silang gastusin. Ni hindi na siya nakakapaglibang.

Kailangan niya nang tapusin ang kantang ito at nang makapagtrabaho na siya. Pagbibigyan lang niya ang pangungulit ni Kylie at ng mga kaibigan nito.

Umugong ang palakpakan nang matapos siyang kumanta. “Wow! Ang galing mo palang kumanta, Sindy!” sabi ni Kylie.

“Isang kanta pa riyan!” hirit ng mga kaibigan nito.

“Hindi. Babalik na ako sa trabaho,” aniya saka iniabot ang mic kay Kylie.

Pagpihit ng seradura ay natigilan siya sa paghakbang nang makita ang lalaking nakasandal sa hamba ng pinto at pumapalakpak habang nakatitig sa kanya. “Sing once more, Sindyrella. Sing my favorite song.”

Natigagal siya habang nakatingin sa lalaki. “Oh, God! Gabryel!”

GABRYEL Honasan looked like a man who came out from a very nice dream. He was a tall guy, almost filling the door frame with his height. He had the kind face of an angel. Malantik ang mga pilik-mata nito at maamo ang mga mata. Maganda rin ang ngiti nito. He looked sturdy and strong. He was every woman’s dream. Ang kulang na nga lang dito ay pakpak at anghel na ito.

Except that he was her major nightmare. Ito ang huling lalaki na gusto niyang makita. Because he represented everything she was running away from.

“Sige, tuloy lang kayo ng kanta. Happy birthday, Kylie! Goodnight!” wika niya at nagmamadaling nilagpasan si Gabryel. Kung puwede nga lang ay mag-teleport na lang siya o maglahong parang bula para hindi na siya nito makita. Kaya binilisan na lang niya ang lakad niya para makarating agad sa bahay niya.

“Sindy, wait!” Bago pa siya makapasok sa gate ay napigilan na siya ni Gabryel sa braso. “Ang tagal nating hindi nagkita, `tapos tatakasan mo lang ako.”

Huminga siya nang malalim at humarap dito. What’s the use of running away from him? Nakita na siya nito. “Hi, Gabryel! Bakit? May pag-uusapan ba tayo?”

“Marami. I never thought you would be here. Sabi ng kapatid mo, nasa Europe ka raw ngayon. Doon ka nagtatrabaho.”

“Iyon ba ang sabi nila?” Iyon marahil ang palusot ng pamilya niya para hindi niya mapagtakpan ang kahihiyang ginawa niya. “As you can see, I am here. More than two years na akong nakatira dito. And what are you doing here?”

The subdivision wasn’t so classy at all. Hindi iyon ang tipo ng lugar na pupuntahan ni Gabryel Honasan. It would cramp his style.

“Kylie is one of my employees. I am invited to her birthday.”

“She works as a creative designer for Weblink.” It was a Web site and software development company.

“I am Weblink.”

“I see,” naiusal niya. That was very Gabryel Honasan. He won’t say he owned a company. He would say he was working at the company. “I didn’t expect you’d be interested in Web site and software development.”

“A friend used to own Weblink but he sold it. Sa States na kasi siya titira. I think it’s a nice investment since the company is really doing great.”

“Good for you. It is good to see you again.”

“You, too. Won’t you invite me inside your house? I won’t stay long.”

“Sure. Then you will tell them what a rotten life I have,” she said with a grimace. Simple lang naman kasi ang bahay niya. Iilan lang ang gamit niya. There was a comfortable rattan sofa that she shopped herself, a table for two in the kitchen, a single bed and her precious laptop computer.

Umupo ito sa sofa. “It looks cozy. Hindi crowded.”

“Ang sabihin mo, wala akong kagamit-gamit.”

“You are always sarcastic with me. We are friends, Sindy.”

“We used to be friends because the Honasans and the Arevallos are friends. Pero baka nakakalimutan mong itinakwil na ako ng pamilya ko. And that’s because I refused to have you as my boyfriend.”

Niligawan siya nito noong college dahil na rin sa pagtutulak ng mga magulang nila. Pagka-graduate ng college ay binasted niya ito. Kasunod niyon ay umalis din siya ng bahay nila.

“They kicked you out because you refused to be an obedient Sindyrella. You want your own dreams. You simply love defying what your family wants for you.”

“Is that so bad? Magkaroon ng sarili kong ambisyon?”

A writer’s life was not very promising according to her mother. Iilan-ilan lang ang writers sa Pilipinas na kumikita nang malaki. Mas gusto ng mga ito na kumuha siya ng business course o kaya ay accounting o engineering course. Pero walang anuman sa mga iyon ang gusto niya. Pagsusulat ang talent niya.

“We both know your dreams had never been an issue between us. Kung may taong kakampi sa iyo sa ambisyon mo, ako iyon. We are still friends. Not because I am a Honasan and you are an Arevallo but we have our own bond. Kaibigan mo pa rin ako kahit binasted mo ako.”

“Kahit hindi ako mayaman? Kahit ganito lang ang tinitirhan ko ngayon?”

Iniikot nito ang mga mata sa paligid. “I guess you are doing great.”

“I am a starving writer,” she said with a grin.

Pinisil nito ang pisngi niya. “Come on. Be serious.”

“I know you might laugh at me. I am a romance novel writer.”

Nanlaki ang mga mata nito. “You a romance novel writer?” Humalakhak ito. “Well, that is something new. Ni minsan hindi mo nabanggit sa akin na gusto mong magsulat ng romance novel. You dreamt of becoming a hard-hitting journalist.”

“I used to. Pero sa dami ng kabi-kabilang patayan sa mga journalists dito sa Pilipinas at sa patung-patong na libel suits, mukhang mas appealing na magsulat ng novels. This is my contribution to entertaining and informing people.”

“You made it on your own,” he said with a smile. “I am sure marami ka na ring naisulat na nobela at marami ka na ring fans. Ibigay mo naman sa akin ang pen name mo at ang mga titles ng novels na naisulat mo para makakuha ako ng copy.”

“Ano naman ang gagawin mo? Hindi ka naman nagbabasa ng novels.”

“Ipapakita ko sa mga kakilala ko. Sasabihin ko sa kanila na ang author ng novel na iyon ang kauna-unahang babaeng bumasted sa akin.”

“Corny ka pa rin hanggang ngayon.” But he was still the same old Gabryel she knew. Laging nakasuporta sa kanya kahit kalaban niya ang mundo. “Huwag kang mag-alala. Sa susunod, ikaw naman ang gagawan ko ng love story.”

Inilapit nito ang mukha sa kanya. “Anong love story? Iyong sa atin?”

She held her breath then grew cold and hot all over. Her system had suddenly gone haywire. Nangyayari lang iyon dati kapag malapit na malapit si Gabryel sa kanya. At ang ganoong pakiramdam ay nangyayari lang kapag attracted ang heroine niya sa hero nito. She never thought Gabryel still had that effect on her.

Tumawa siya nang pagak at itinulak ang noo nito palayo. “Anong love story natin? Gusto mong mawalan ako ng career?”

“Lalo ka `kamong sisikat dahil sa akin.”

“Ang gusto ko, iyong mga lalaki sa commercial ng Stallion shampoo.” Na-inspire siya sa mga lalaki sa commercial na iyon at plano nga niyang gawan ng love story.

“Iyong mga pangit na iyon? Huwag mo nga akong maikompara sa kanila. Wala sa kalingkingan ko ang mga iyon.”

She rolled her eyes. “Oo na. Mas guwapo ka na sa kanila.” Kung tutuusin ay hindi pahuhuli si Gabryel kapag humilera sa mga models sa commercial.

“Here is my calling card. If you need anything, just call me up. I have to go. Dumaan lang ako para ibigay ang regalo ko kay Kylie. Humabol nga lang ako dahil may pinuntahan pa akong party. And early this morning, I have to go home to Altamerano. Birthday kasi ni Mama.”

Natutop niya ang mga labi. “Gosh! How can I forget?”

Blessilda Honasan’s birthday was one of the most important and most awaited occasions in the town of Altamerano. Old money from almost everywhere in the country showed up to grace the occasion. Fashionable clothes and accessories highlighted the gala. Like her family, the Honasans had lots of influence and influential friends as well. At mula pagkabata ay namulat na siya sa ganoong uri ng pamumuhay. And for almost four years now, she was suddenly not a part of that circle anymore.

“You want to come with me?” yaya ni Gabryel.

“No, Brye. I have work to do. May deadline pa ako sa Monday.”

“When will you come back to Altamerano? I am sure maraming tao na ang nakaka-miss sa iyo at gusto kang makita.”

“Am I still welcome there?” Ang alam niya ay itinakwil na rin siya ng buong bayan dahil isa siyang pasaway na anak.

“Of course you are!”

Ngumiti siya nang malungkot. “Just give my kisses to your mom.”

“Where are the kisses that you will give her?”

She tiptoed and kissed his cheek. “There.”

“How about my kiss?”

“Bakit pati ikaw? Hindi mo naman birthday.”

“Bakit? Dati mo pa naman ako hinahalikan. Sabi mo nga pa, French kiss ang gusto mo. Kaso, sabi ko conservative ako kaya sa pisngi lang.”

Itinulak niya ito sa pinto. “Umalis ka na nga! Nagpapantasya ka na naman.”

“May boyfriend ka na ba?”

“Siyempre. Puwede ba naman akong mawalan ng boyfriend? Sa ganda kong `to? Teka, nasa kuwarto ko, eh! Gigisingin ko lang.” Paglabas ng kuwarto ay dala niya ang nakakuwadrong Philippine money bill collection. “Boyfriend ko.”

“Mga tao sa pera? Puro patay na iyan. Saka mas guwapo ako sa mga iyan.”

“Ang pera, hindi namamatay. Saka ikaw, marami ka tiyak girlfriend.” Kahit naman noong mga bata pa sila ay habulin na ito ng mga babae.

Tumikhim ito. “Kung sasagutin mo ako ngayon, ikaw na lang ang babae sa buhay ko. At magkaka-boyfriend ka pa ng mas guwapo sa tao sa pera.”

“The offer sounds tempting but I’ll pass.”

Sa kalagayan niya ngayon, hindi na siya bagay kay Gabryel. He was still an old money. It was what she was running away from.

Inihatid niya ito sa gate. “Puwede ba akong dumalaw rito?”

“Of course. Anytime. Halos hindi naman ako umaalis ng bahay.”

He stared at her for a long time. “You are still beautiful, more beautiful than the last time I saw you.”

Bigla siyang na-conscious at hinaplos ang kanyang magulong buhok. “Hindi naman yata ako naniniwala riyan. Ni hindi pa nga ako nagsusuklay.”

“Hindi ko napansin na hindi ka pa nagsusuklay.” Hinaplos nito ang buhok niya. “Ganyan ka naman dati pa. Maganda kahit hindi nag-aayos.”

Pigil niya ang pagngiti. Nasabi na rin iyon ng ibang lalaki sa kanya. May mga nagkakagusto rin kasi sa kanya sa publication nila at sa subdivision. Pero parang kay Gabryel lang niya gustong maniwala. Magaling pa rin siyang mambola.

“Thanks, Brye. Your praises are great but I need cash.”

Umungol ito. “Mas may appeal nga sa iyo ang pera kaysa sa akin. Huwag mong sabihin na wala ka ring balak mag-asawa?”

“Mag-aasawa lang ako kapag magkasingyaman na tayo.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.