Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 70

“What the…” Hinaplos ni Illyze ang pisngi niya at may bakas ng pintura ang daliri niya. Matalim niyang tiningnan si Romanov na nakaupo sa sahig at enjoy na enjoy siya na pagtawanan. “You!”

Akala niya ay nagagandahan nga ito sa kanya. That he would kiss her passionately because he found her beautiful. He tarnished her pretty face. Iyon pala ay gagawin lang siya nitong laughingstock.

Sumugod siya at itinulak ito sa labis na iritasyon niya. “Anong palagay mo sa akin? Clown? Stop laughing! It is not funny.”

“I am sorry. I can’t help it.”

Tawa pa rin ito nang tawa kaya naman lalo siyang napikon. “I said stop it.”

She pushed him on the floor, both her hands pinning his. But he just kept on laughing as if she didn’t pose any threat at all. Gusto sana niyang punuin ng pintura ang mukha nito para di na ito makatawa pa. But she just looked at his gorgeous face. He looked so delectable in a light mood.

Sige, tumawa ka nang tumawa. Makakaganti rin ako sa iyo. Naalala niya ang pagbalewala nito sa kagandahan niya kanina. At nang umaasa siyang hahalikan siya nito pero pupunasan lang pala siya nito ng pintura.

Hahaha! Wala ka nang magagawa sa akin ngayon. Nasa ilalim ka ng aking kapangyarihan at wala kang kalaban-laban. Kung ayaw mong halikan ako, ako na lang ang hahalik sa iyo. And there is nothing you can do about it.

Yumuko siya at dahan-dahang inilapit ang mukha dito upang isakatuparan ang maitim niyang balak nang biglang bumukas ang pinto. Napatingin sila pareho sa Kuya Rolf niya na humihingal pa.

“Romanov, anong ginagawa mo sa kapatid ko?” sigaw nito.

“K-Kuya?” gulat niyang usal.

Natigilan si Rolf nang makita ang ayos nila ni Romanov. “Ano.. anong nangyayari dito? Bakit ganyan?” Mabilis siyang nilapitan ni Rolf at hinila patayo. “Illyze, anong ginagawa mo?”

Hindi siya makatingin nang diretso dito o kay Romanov man. Mission failed. Palpak na naman ako! “Ano… Kuya… kasi…” Alangan namang aminin ko na hahalikan ko sana si Romanov. Baka balatan ako ni Kuya nang buhay.

Tumayo si Romanov at bahagyang pinagpag ang damit. “It is nothing really. Gumaganti lang siya sa akin. Pinahiran ko kasi siya ng pintura sa mukha.”

“Huh?” usal ni Rolf at nagpapalit-palit ng tingin sa kanila. Bumulanghit ito ng tawa nang makita ang itsura nila. “Bakit ganyan kayo?”

Sumimangot siya. Numero-uno nga palang tagakantiyaw si Rolf Guzman. Ano pa ba ang aasahan niya? “Gusto mo bang sumama sa tribo namin, Kuya?” tanong niyang may kahalong banta sa boses.

Nawala ang ngiti sa labi ni Rolf at napaurong. “Ayoko nga!”

Nilingon niya si Romanov. “Rome, hawakan mo si Kuya. Ako na ang kukuha ng paint na ipapaligo kay Kuya.”

Gusto rin kasi niyang gantihan ang kapatid niya. Kung hindi ito dumating, sana ay nakaganti na siya kay Romanov. Sana ay naka-score na siya.

Wrong timing ka. Malapit na sana ako. Malapit na. Konti na lang.

Naglakad si Romanov palapit kay Rolf. Mukhang hindi rin gusto ng binata na pinagtawanan ito ng kapatid niya.

Itinaas ni Rolf ang kamay. “Romanov, subukan mo lang! Makikita mo, hindi ka na makakalapit kahit kailan sa kapatid ko.”

Nagpatuloy lang sa paglalakad si Romanov. Parang wala itong pakialam sa banta ng kapatid niya o baka di ito interesado kahit na di pa sila magkita. Wala na ba takagang pakialam si Romanov kahit na di na niya ako makita?

Tumigil si Romanov di kalayuan kay Rolf. Subalit di nito tinangkang pigilan o hawakan man lang ang huli. “Nasaan ang washroom ninyo? Kailangan kong tanggalin ang paint sa mukha ko bago bumalik sa polo practice.”

“Bumaba ka ng hagdan. First door to the right,” sagot ni Rolf.

Nakangiti itong lumingon sa kanya. “Illyze, maghugas ka na rin ng mukha mo. Ma-irritate ang balat mo,” anito at lumabas.

“Is that really Romanov Cuerido?” her brother asked. Di pa rin nito maalis ang tingin sa pintong nilabasan ni Romanov. “Is he drugged or something?”

Hinampas niya ito sa balikat. “Kuya!”

“Parang napaka-weird kasi niya ngayon. Nakita mo, ngumiti siya? Di lang siya ngumiti. Tumatawa pa. Naeengkanto rin pala ang Dark Lord.”

“Stop calling him that, will you? He is Romanov so call him by his name. Hindi ko na ito-tolerate na tawagin mo siyang Dark Lord.” Pinamaywangan niya ito. “And what are you doing here, Kuya? You should be at the indoor polo arena, mingling with your girls.”

Kinunutan siya nito ng noo. “They are not mine. Hindi nga ako playboy. Nadadamay lang ako dahil sa mga babae ni Reichen. Saka anong masama kung nandito ako? Sinusundo ko lang naman si Romanov. Did I interrupt something?” may halong malisya nitong tanong.

Humalukipkip siya at inirapan ito. “Wala.” Your timing ruined the golden chance I have. Wala na si Romanov. Nakatakas na!

“Why are you blushing?” he teased.

“Nothing happened, all right?” And that was what pissed her off.

“I never imagine that he could smile much less laugh. Looks like you are doing a great job of fixing him, sis,” anito at pinisil ang balikat niya. “Sa wakas nagiging normal na siyang tao.”

“I didn’t fix him, Kuya. That’s the real him.”

NAGMISTULANG mini-Japan ang Stallion Riding Club nang ganapin ang party ni Shuichira Hinata. Ancient Japan ang theme. Everyone was in his or her kimono and yukatan, ang traditional na damit sa Japan. May mga Japanese lantern na nakasabit sa paligid. Sa low table isine-serve ang pagkain. Bumabaha ng sake o Japanese ricewine, sushi, sashimi at iba pang Japanese cuisine. Traditional Japanese music din ang pumapailanlang na musika. Everyone was in a festive mood.

“Wow! Your gown is different. It is not a traditional kimono, right?” tanong ng Mama ni Hiro. “It is like an old traditional dress that only women like princesses wear.” Maluwag kasi ang damit maging ang manggas. Di tulad ng kimono na hapit sa katawan. “The painting is also distinctive. I’ve never seen one like that.”

Sumang-ayon pa ang ibang guest na nakapaligid sa kanya. Simula pa lang kasi ng party ay pinagkaguluhan na ang suot niya.

“Jenna Rose designed the dress I am wearing. But I did the painting myself. I could still remember the beautiful Sakura Festival when I was in Tokyo,” paliwanag niya. “I am actually planning to paint some more.”

“You are a great artist, Illyze. They should be placed in a canvass,” wika ni Jemaikha na nobya ni nobya ni Hiro.

“Hindi mo naman maisusuot ang canvass,” anang si Sindy.

“Jenna Rose, I want a gown that she could paint on,” request naman ni Quincy. “And a matching bag as well. Pero gusto ko Filipiniana style at Palawan beach naman ang nakalagay. Or how about the Tubatahha Reef?”

“That seems like a nice idea,” anang si Jenna Rose. “Parang gusto kong gumawa ng iba’t ibang traditional dress sa iba’t ibang bansa. Of course, you will take care of the paintings. Ipe-paint mo ang mga lugar or bagay maia-associate mo sa country na iyon. This would be a nice project. I am excited for my next fashion show. What do you think, Illyze?”

“Excited na rin ako,” aniya at lalo pang dumami ang ideas na nasa utak niya. “Anyway, we can discuss this tomorrow.”

Kung excited siya, hamak na mas excited ang patrons ni Jenna Rose. “Haute couture and a work of art. Parang walking art gallery, di ba?” sabi ni Quincy. “I am sure my camera would love it.” Ito kasi ang official photographer ng mga fashion show ni Jenna Rose at iba pang events sa riding club.

“Mukhang mahal iyan,” sabi ni Marist. “Hindi ko kaya iyan.”

“Oil baron ang boyfriend mo. Emrei Rafiq!” anang si Tamara. “Kahit na hindi ka pa kumuha ng gown, ikukuha ka pa rin niya. So you have nothing to worry.”

“You’ll do the accessories, Marist,” wika ni Jenna Rose. “Sa laki ng kinikita mo sa mga designs ng bag mo, nagtitipid ka pa rin?”

“Kahit ibili pa ako ni Hiro, bibili pa rin ako ng sarili ko,” sabi naman ni Jemaikha. Sumang-ayon ang iba. Karamihan kasi sa mga ito ay career women. Di tulad ng ibang babae sa riding club na nakaasa sa pera ng mga nobyo.

“Where is your brother?” tanong ni Jemaikha sa kanya. Bilang hostess ng party, kailangan nitong I-check ang mga guest.”

Luminga-linga siya. “I don’t know. Pinauna na niya ako dito dahil si Jenna Rose naman ang kasabay ko. Wala rin sila Kuya Reichen at Kuya Eiji.”

“At wala rin pati si Gabryel,” nakakunot ang noong sabi ni Sindy.

“Well, Yuan is not here either. Hindi ko alam kung anong grand entrance ang pinaplano nila. Basta wala lang babaeng involve, lagot siya sa akin,” banta ni Quincy.

“Bakit nga pala hindi mo isinama si Romanov?” tanong ni Jenna Rose. “You are already an item these days.”

She breathed out. “Niyaya ko siya pero may date daw siya. Alam ko naman kung sino na naman ang ka-date niya. Sarili niya. Hindi pa siguro siya handang humarap sa maraming tao at sa mga tanong nila. Sumasama lang naman siya kina Kuya Rolf dahil di naman mausisa sila Kuya. Sa susunod sasama rin iyon.”

“Heto na pala sila,” wika ni Jemaikha.

Pitong kalalakihan ang pumasok kabilang ang Kuya Rolf niya at ang kaibigan ng mga ito. Kumunot ang noo niya nang makitang pare-pareho ng design ang costume ng mga ito. They looked like Japanese warriors complete with samurai. Umugong ang bulungan dahil iyon grand entrance nga ang pito. Nag-iba pa ang musika pagpasok ng mga ito.

“You’re late!” banat agad niya sa kapatid niya. Nagulat siya nang makitang kasama rin nito si Romanov na di makatingin nang diretso. Kulang na lang kasi ay ibaba nito sa mata ang piraso ng tela na nakatali sa ulo nito. “Nandito ka rin?”

“Parang gusto ko na ngang umuwi,” anito at napalunok.

“Tanungin mo ako kung sino kami,” pangungulit ni Eiji.

“We are the Seven Samurai!” pagmamalaki ni Reichen at inilabas pa ang samurai. It looked authentic and dangerous. “Hindi ba kamukha namin ang nasa movie ni Akira Kurosawa?” Si Akira Kurosawa ay sikat na Japanese director na gumawa ng mga classic Japanese films.

Pasimpleng lumayo si Yuan sa grupo. “Six lang naman kayo. Hindi ko alam kung bakit ako nasama samantalang nananahimik lang naman ako.”

“Hindi makukumpleto ang Seven Samurai kung wala ka,” anang si Rolf at hinila ito pabalik sa hanay.

“Anong palagay ninyo dito? Costume play?” tanong niya. Kung di lang kagalang-galang ang nasa harapan niya ay baka bumulanghit siya ng tawa. Parang bata kasi ang mga ito na gustong makakuha ng atensiyon.

“Hindi kasi kami papayag na magpahuli. Sabi ni Kuya Reid, siya daw si Battosai.” Naka-samurai costume nga si Reid na may marka ng X sa mukha. Sa palagay niya ay ito si Battosai, ang legendary swordsman, noong mahilig pa ito sa bloodbath. “Si Hiro naman si Yoshitsune. Iyong sikat na young warrior sa Japan. Tapos si Jemaikha si Azumi, iyong malupit na warrior girl. Mga bida sila. Papayag ba naman kami na maging alalay o extra lang? Bida rin kami.”

“Bakit pati si Romanov isinali ninyo dito?” tanong niya.

“This is his idea,” giit ni Rolf. “Siya nga ang nag-explain sa amin kung sino sila Battosai at si Yoshitsune. Siya rin ang nagbigay sa amin ng idea tungkol sa Seven Samurai. Siya rin ang nagsabi sa amin kung ano ang costume. Pati music na gagamitin namin sa entrance, sa kanya din galing.”

Sa huli ay parang si Romanov pa ang may kasalanan. Umabrisyete siya sa binata. “Excuse us,” aniya at iginiya ang binata palayo sa magulong grupo. Isa pa, gusto niyang bantayan si Romanov bago pa ito dumugin ng ibang babae. “Those lunatics! Isasali ka pa nila sa kalokohan nila.”

“They are right. It was my idea. My first public appearance and I look like this. I must be an eyesore.”

Pinisil niya ang pisngi nito. “Hey, you are cute.”

“You are not scared of me? I am the Dark Samurai, remember?” he asked in a dark, brooding voice.

“Cut the act. It doesn’t suit you anymore.” He was not that dark person she used to know. Lalo na’t nakita na niya itong ngumiti at tumawa. “And besides, they treat you as their friend now. Kita mo nga, sinunod nila lahat ng idea mo. I wonder if they even know who Akira Kurosawa is. Wala silang hilig sa classic films.”

Itinapik nito ang paa na may wooden slippers. “I wonder why I ever detailed the entire costume to them. Lalo na itong bakya. Parang gusto kong tanggalin.”

Tumawa siya nang malakas. “Its okay. Guwapo ka naman. And this is the ancient Japanese times. You might as well experience it. Enjoy it like they do.”

Sa nakikita niya, parang bata ang kuya niya at ang mga kaibigan nito na nakatagpo ng laruan sa Stallion Riding Club. Iyon lang kasi ang lugar para sa mga ito upang mag-relax at mag-enjoy. Life outside the riding club was tough for them. Kaya ine-enjoy ng mga members ang bawat pagkakataon na nakukuha ng mga ito.

“Romanov!” tawag ng sikat na TV host na si Crawford Oreña dito. “Mukhang nag-e-enjoy ka dito sa riding club. Wala ka nang balak na umalis.”

“Come on. I had just started enjoying my self. This is Illyze Guzman,” pagpapakilala sa kanya ni Romanov.

“Nice to meet you. You are Rolf’s sister,” anang si Crawford at kinamayan siya. Ipinakilala rin nito ang kasama. “This is Neiji Villaranza. His company manufactures Stallion Shampoo and Conditioner.”

“I heard so much about you, Mr. Cuerido. Ilang beses ko na ring nakita ang mga award winning movies mo. Even the commercials. We are planning to launch a huge campaign for Stallion Shampoo. Commercial, MTV and even movie. I would like to hire you as the director for the whole campagne.”

“Wow! That’s great!” nausal niya at excited na nilingon si Romanov.

“Thanks for the offer, Mr. Villaranza,” wika ni Romanov. “But I am not sure…”

Parang may takot sa mga mata ni Romanov. How could he pass up such a great opportunity? Ano bang kinatatakutan nito?

“I am sure you would love to discuss this by yourselves,” wika niya at ngumiti. “So I’d better excuse myself, gentlemen.”

Pinigilan siya ni Romanov sa kamay. “Illyze, don’t leave.”

Tinapik niya ang kamay nito. “Don’t worry. I will be back.”

Romanov couldn’t hide inside the shadows of the Stallion Riding Club forever. He couldn’t go on living in a dream. And she would still be there for him once he wakes up.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.