“Illyze! Illyze!” malakas na tawag ni Romanov sa kanya na sa backdoor ng kitchen na dumaan. Dinaluhan agad siya nito nang makita siyang nakayukyok sa gilid ng kitchen counter. “Anong nangyari?”
Napasigaw ulit siya nang gumuhit na naman ang kidlat. Yumakap siya dito nang mahigpit habang nanginginig sa takot. “Make it stop, Rome. Make it go away. Natatakot ako,” wika niya kasabay pag-iyak.
Hinaplos nito ang likod niya at lalo pang hinigpitan ang yakap sa kanya. “It is okay, Illyze. Everything will be okay,” he said in a comforting voice.
“Andiyan pa rin siya. Hindi pa rin nawawala.” Nang tumayo ito ay humawak agad siya sa kamay nito. “Don’t leave me, Rome. I am scared. B-Baka…”
“Nothing will happen.” Binuhat siya nito. “Just hide your face. Doon sa tayo sa kuwarto. Sa palagay ko mas safe ka doon.”
Patuloy lang siya sa tahimik na pag-iyak at lalong ibinabaon ang mukha sa dibdib nito. Inilapag siya nito sa kama. Mabilis siyang dumapa at nagtalukbong ng kumot nang makitang gumuhit na naman ang kidlat sa langit.
Nagtaka siya nang maya maya pa ay di na niya narinig ang kulog o kahit ang hagupit ng malakas na ulan. Napalitan iyon ng classical piano music mula sa batang Japanese musician na si Yuko Ohigashi. Nang sumilip siya ay nakasara na ang mga bintana at natatabingan ng blinds. Tumutugtog din ang Touch Music Screen.
“Huwag kang lalabas dito sa kuwarto. Maririnig mo ang kulog ay ulan sa labas. Magbe-brew lang ako ng coffee at ihahanda ang lunch natin. Kung gusto mong manood ng DVD or palitan ang music, nasa bedside table ang remote. Okay lang ba na iwan kitang mag-isa dito?”
Tumango siya at itinaas ang kumot hanggang sa balikat niya. “Basta babalikan mo ako, ha? Huwag mo akong iiwan.”
“Of course, I won’t leave you,” anito at binuksan ang pinto. Di niya alam kung pinaglalaruan lang siya ng kanyang paningin subalit nakita niya itong ngumiti. Sandali lang iyon dahil tumalikod na ito at lumabas.
He looked so handsome when he smiles. Or maybe it is just my imagination. Inaaliw lang siguro ako ng utak ko para di ako matakot sa kidlat.
Paulit-ulit na nagre-replay sa utak niya ang ngiting nakita sa labi ni Romanov nang bumalik ito dala ang tray ng pagkain. “Do you want to eat in bed?” tanong nito. “Diyan ko na lang ise-serve.”
“Is it okay?” Nanlalambot pa rin kasi ang tuhod niya sa takot.
“I reheat the food. Beef tapa pala ang binalot natin ngayon,” anito sa pinasiglang boses. “Isinalin ko na rin sa pinggan para makakain ka nang maayos. And it won’t be coffee for you. They have rose tea. It can help calm your nerves.”
Kinuha niya ang tasa ng tsaa at nilanghap. She felt better. “Thank you, Rome. Pasensiya na kung naging pabigat pa ako sa iyo.”
“What are you saying? Hindi ka pabigat sa akin. Kung tutuusin, ikaw nga lang ang nagtitiis na makasama ako. Baka ako ang pabigat sa iyo.”
She shook her head. “That’s not true. I am happy when I am with you.”
“I am glad to hear that,” anitong nakatuon ang paningin sa kinakain. But she heard a hint of delight in his voice. Di lang niya nakita kung ngumiti nga ito.
Tahimik silang kumain matapos iyon. He occasionally checked her about her needs. Wala rin siyang ginawa hanggang huli kundi ang manatili sa kama. Malakas pa rin daw ang ulan sa labas at matatalim pa rin ang kidlat.
“Don’t worry. Matatapos din ang ulan,” anito nang mabakas ang pag-aalala sa mukha niya. “Marami kang nai-kwento sa akin pero hindi mo nasabi sa akin ang tungkol sa phobia mo sa kulog at kidlat. Care to tell me about it?”
“Bata pa lang ako, takot na ako sa kulog at kidlat. Sa halip kasi na I-comfort ako ng yaya ko na nagbabantay sa akin, tinatakot pa ako. At hindi na iyon natanggal hanggang lumaki ako. Kapag kumukulog o kumikidlat, nakayukyok lang ako sa isang tabi o kaya nagtatago. I thought I would get over it but it won’t go away.”
Ginagap nito ang kamay niya. “Wala ka bang kasama minsan?”
“Sometimes Kuya Rolf is there for me. O kaya si Mommy. Pero pinapagalitan sila ni Daddy. Di daw ako makaka-recover sa phobia ko kung di ako pababayaan na mag-isa. So in the end, I end up being alone. Now that you are here with me, I didn’t feel so alone. Thank you, Rome.”
Yumakap siya dito. Pumaikot ang kamay nito sa katawan niya. His body was warm. As if it was warming her very soul, melting away her fears.
Kinintalan siya nito ng halik sa noo. “Pwede ka nang matulog kung gusto mo, Illyze. Don’t worry, I won’t leave you.”
Pumikit ang mata niya at pinakinggan ang marahang tibok ng puso nito. It somehow served as a lullaby and she fell fast asleep. She just wished that she’d wake up with his arms around her.
“ILLYZE! ILLYZE, wake up!”
Naalimpungatan siya sa boses ng kapatid niya. Subalit sa halip na gumising at sundin ang utos nito ay lalo pa niyang ibinaon ang sarili sa mattress. “Go away, Kuya! Can’t you see that I am sleeping?”
“I said wake up!” Niyugyog siya nito sa balikat. “Tell me what that vampire did to you. Inubos ba niya ang dugo mo? Tell me!”
Bahagya siyang dumilat dahil di niya maintindihan ang sinasabi nito. “Ha? Ano bang bampira ang sinasabi mo?”
“That Romanov Cuerido. It’s just the two of you in this secluded cabin. Tapos umulan pa at di kayo nakabalik agad sa clubhouse.”
Bumangon siya. Unti-unti na kasing bumalik sa kanya ang mga pangyayari. Nasa Mountain Lodge pala siya at kasalukuyang nasa isa sa mga guestroom. Doon sila nagpalipas ng ulan ni Romanov. “Si Romanov? Where is he?”
“He is calmly having tea with Eiji and Reichen while I am fretting here!”
Di na niya pinansin pa ang pagsisintir ng kapatid niya at tumakbo sa sala. Baka mamaya ay ano na ang ginawa ng kapatid niya kay Romanov. Subalit nagku-kwentuhan lang ang tatlo habang nagtsa-tsaa. “Nandito rin kayo?” bulalas niya.
Kinawayan siya ni Eiji. “Gising ka na pala. Kinaladkad kami dito ng Kuya Rolf mo. Nag-panic siya nang di kayo ma-contact sa communicator.”
“Mukhang naapektuhan nang sunud-sunod na kidlat ang system,” dagdag ni Reichen. “Mukha namang okay ka na, Illyze. OA lang itong kuya mo.”
“Hindi ako OA. She’s my only sister. Kahit sino pang lalaki na di ko lubusang kilala ang kasama niya at ganito ang panahon, mag-aalala ako.”
“ I am fine, Kuya! Romanov took care of me.”
“Wala akong ginawang masama sa kanya,” anang si Romanov sa kalmadong boses. “Binantayan ko lang siya nang nakatulog siya. I didn’t take advantage of her.”
Ilang sandaling natahimik ang Kuya Rolf niya. Pagkuwan ay kinamayan si Romanov. “Thank you. Alam mo naman siguro na takot siya sa kulog at kidlat. I just want to make sure that she is okay.”
“Illyze knows the trick now. Hindi na siya matatakot sa susunod.” Tumingin si Romanov sa labas ng bintana. “The rain has stopped. We can go now.”
Nang pauwi ay si Romanov na ang kakwentuhan nina Eiji at Reichen. “Pare, marunong ka bang maglaro ng polo? May tournament kasi kami dito every month,” tanong ni Eiji dito.
Umiling si Romanov. “Ngayon pa lang ako nagpa-practice sa riding. Dapat magaling ang rider. Saka wala akong polo pony.”
“Marami naman dito sa club. Walang problema,” anang si Eiji. “Tuturuan na lang kita. Sasali ka sa team ko, ha?”
“Mukhang nakuha na ng dalawa ang loob ni Romanov, ah!” bulong ni Rolf.
“I think he is starting to come out of his shell.”
“THIS sucks! Umuulan pa rin hanggang ngayon.”
Nanlulumong pinagmasdan ni Illyze ang pagpatak ng ulan mula sa siwang ng bintana ng attic. Hindi na kasi natuloy ang horseback riding nila ni Romanov. Kaya nagkasya na lang siya sa pagha-handpaint sa Japanese inspired gown na gawa ni Jenna Rose. She get the plain white one. Naisip kasi niyang pintahan iyon.
Habang si Romanov naman ay niyaya ng Kuya Rolf niya at ng mga kaibigan nito sa covered arena para turuan ng paglalaro ng polo. Para daw di siya pagsawaan ni Romanov dahil lagi na lang silang magkasama. At di rin siya pwedeng sumama dahil lakad lang iyon ng mga lalaki.
“Kailan kaya ako makakalabas para ako naman ang kasama ni Romanov? Baka mamaya mas gusto pa niyang maglaro ng polo kaysa kasama ako. That would be fine. Kaso baka kung sinu-sino pang lumapit na babae sa kanya.”
Pinagsabay niya ang pagsisintimyento at pagpipinta nang mag-ring ang doorbell. Dali-dali siyang bumaba. Nang silipin niya ay si Romanov ang nandoon.
Binuksan agad niya ang gate. “Hey, what are you doing here? Hindi ba dapat kasama ka pang nagpa-practice ng polo nila Kuya?”
“It is almost lunchtime. Nag-decide akong puntahan ka dahil wala kang kasama na magla-lunch. And don’t worry. Nagdala ako ng lunch natin.”
“Wala pala tayong binalot ngayon,” sabi niya nang makita ang tatak ng Rider’s Verandah sa paper bag.
“Next time maybe. Sabi ng kuya mo nagpe-paint ka daw,” wika nito nang nagsisimula na silang kumain. “I never thought you could paint.”
“I took up Fine Arts in UST. Nasa second year na ako nang na-bore na ako. May iba akong hinahanap. I want to find discover something else. So I decided to travel the world. At sa lahat ng lugar na pinupuntahan ko, iba-ibang bagay ang gusto kong pag-aralan. Especially where culture is concerned.”
“Ipakita mo sa akin ang painting mo.”
Nakagat niya ang labi. “Actually, it is not on a canvass.”
“Saan siya naka-paint?”
Isinama niya ito pag-akyat sa attic. “I painted my gown.”
Umuklo ito at pinagmasdang mabuti ang naipinta na niya sa damit. “Cherry blossoms shower and Mount Fuji? This is awesome. Mahirap gumamit ng textile pain but you were able to manipulate it well.”
“Thanks. Gagamitin ko kasi ang gown na iyan para sa birthday ni Hiro Hinata,” tukoy niya sa isa sa mga members ng riding club. “Plain white lang fabric na ginamit ni Jenna Rose. Dapat papatungan na lang ng silk kimono. I told her to leave it alone. Nag-flash agad sa utak ko ang design. Now, other ideas keep on pouring in. As if I want to paint everything I’ve seen during my travel. It is so exciting.”
“Now I know that drives you to travel. Kumukuha ng ideas ang utak mo ng iba’t ibang experience sa iba’t ibang lugar para ma-inspire ka na. Siguro hindi lang ikaw ang type ng artist na gustong nakakulong sa sarili mong mundo. You wanted to see the world so other could see how you view it.”
“Just like you. Hindi ba kaya ka rin madalas mag-travel dati? Sabi mo don ka rin nai-inspire sa mga ginagawa mong film. Magkwento ka naman sa akin, o!”
“I can’t tell anything that would amaze you,” anito at sumalampak sa attic. “Malamang nagawa mo na rin ang mga bagay na nagawa ko na.”
Niyugyog niya ang balikat nito. “Huwag kang killjoy. Magkwento ka ng kahit ano. Paano ka nagsimulang magkahilig sa movies?”
“Galing lang ako sa simple at ordinaryong pamilya. Mahirap lang ang magulang ko. Nasabi ko na sa iyo na sa ampunan sila lumaki. Nagkataon lang na masikap sila sa buhay kaya umangat kami. Accountant si Tatay at naging supervisor naman sa pabrika si Nanay. Kung may pinagkakasunduan silang dalawa, pelikula iyon. Kapag lumalabas kami, nanonood kami ng sine. When I was old enough, nagbabasa na ako ng movie reviews at nakikihalo na ako sa mga debate nila. At minsan, nasabi ko sa kanila na gagawa ako ng magandang pelikula. Iyong pag-uusapan ng lahat hindi lang dito sa Pilipinas kundi sa ibang bansa.
“I took up a film course in UP and became a scholar. Nagtatrabaho din ako ng part-time sa isang film outfit. Uncle ng classmate ko ang isang producer at nakita niya ang potential ko. Malaking factor pa na nagsusulat ako ng sarili kong script. Ipinadala din nila ako sa film school sa New York. Pagbalik sa Pilipinas, nagsimula na akong gumawa ng pangalan.”
Nakapangalumbaba siya habang nagkukwento ito. Na-research na niya ang istorya nito sa internet. Pero iba pa rin kapag ito ang nagku-kwento. Naaaliw siya sa unti-unting pagkabuhay ng mga mata nito. As if she could still feel the passion and fire within him.
“Wow! That’s impressive. Natutuwa talaga ako sa mga taong nagsumikap at umasenso sa buhay.” Kaya nga lalo siyang na-in love dito. “Tapos… ano pa? Magkwento ka pa.”
“I guess that is enough. Madami na ang nai-kwento ko.”
“Damihan mo pa. Anong nangyari nang nag-aral ka sa New York? Nagka-girlfriend ka ba doon? Ilan sila? Nakapag-propose ka na ng kasal?”
“What the heck!” iritado nitong sabi. “Ayoko nang magkwento.”
Idinawdaw niya ang daliri sa pintura at ipinahid sa pisngi nito. “Sige na.”
Sinubukan nitong pigilan siya at ihinarang ang kamay sa mukha. “Illyze!’
Pinahiran pa niya ang kabilang pisngi nito. “Huwag ka nang killjoy!”
Naging seryoso ang mukha nito. “So this is what you want.” Kumuwit din ito ng pintura at binigyan siya ng nagbabantang tingin.
Napaurong siya. “Rome, wait! Nagbibiro lang naman ako.”
Subalit di siya nito pinansin at patuloy sa paglapit sa kanya. Sinubukan niyang tumakbo palayo dito subalit mabilis nitong nahagip ang baywang niya.
“Got you!” he said then pulled her body against his.
She inhaled sharply. Although there his eyes were still serious, there was something else in his eyes. It has a different intensity.
Hinawakan nito ang baba niya. “You are beautiful.”
“I am?” she asked breathlessly. She had been told that she was beautiful a thousand times before. But it was different hearing it from Romanov. As if it came from an angel’s mouth. She wasn’t simply beautiful. She felt like she was the most beautiful girl on earth.
Dahan-dahang lumapit ang mukha nito sa kanya. She closed her eyes as if she was ready to enter a dream. A beautiful dream. Her heart was beating so fast like a freight train. He’d finally kiss her.
Sa hali na halik, naramdaman niya na may basang gumuhit sa magkabilang pisngi niya. “Now that is more beautiful.”