Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 72

“That Romanov is stupid! Stupid!” sigaw ni Illyze habang nag-uusap sila sa terrace ng boutique nito at umiinom ng tsaa. Dito siya tumakbo matapos niyang umalis sa bahay ni Romanov. Iniwan nito ang mga customers nito para lang makinig sa mga sentimyento niya.

“Ouch! That was a bit too harsh,” komento nito.

“Harsh? Ako pa ang harsh ngayon?” Naiiyak pa rin siya. Pero naiiyak na siya sa galit. “Sino ba ang hindi magiging harsh sa mga sinabi niya? Huwag na daw akong makialam sa buhay niya. Bakit? Sino lang ba ang tingin niya sa akin? Wala ba akong kwenta sa kanya at di ako pwedeng makialam?”

“Maybe he didn’t mean it that way.”

“Ano pa ba ang ibang ibig sabihin no’n?” She stood up and trashed her hand around. “I don’t mean a thing to him. So I should stop minding his business. Kung ayaw niya sa akin, ayoko na rin sa kanya.” Matapos masabi iyon ay umupo siya at napahagulgol. “Dapat pala hindi agad ako na-in love sa kanya.”

“Hay! Masyado ka kasing mainit. Hindi ka muna nag-isip. Look, Romanov was hurt. Natural lang na mainit ang ulo niya. Sumabay ka rin ng init ng ulo. Sasabog talaga kayong dalawa.”

“What he did isn’t right. He has no right to hurt me!”

“Don’t push him, Illyze. Mabigat ang pinagdaanan niya. Mga taong pinagka-tiwalaan niya ang nagtraidor sa kanya. And he had nothing to start with.”

“He has me now.”

Tumango ito. “And I am sure that he recognized that fact. Nakita mo kung paanong unti-unti siyang nagbago. Hindi na siya ang Romanov na unang dumating dito sa riding club. He has friends now and he has you. Pero may mga bagay na di mo pwedeng biglain. There are things that he has to face and accept in his own sweet time. Can you be a little bit patient? Breathe deeply.”

Sinunod nga niya ito at huminga nang malalim. “Siguro nga naging harsh ako sa kanya,” aniya nang maisip ang ginawa. “Galit na rin siya sa akin.”

Nagkibit-balikat ito. “Well, only you can handle him when he is mad. Habang nanginginig ang iba sa takot sa kanya, nagagawa mong ngumiti. Sa tingin ko nga mahal ka niya. He won’t change if he doesn’t.”

“Hindi naman importante sa akin kung mahal niya ako o hindi. Gusto ko lang naman na maging parte ako ng buhay niya.” Tumayo siya. “Susubukan ko siyang kausapin. Kung kailangan kong mag-sorry, gagawin ko.”

“You deserve to be happy, dear. You really do.”

Excited siyang bumalik sa villa ni Romanov. Nag-doorbell siya subalit sa pagtataka niya ay walang nagbubukas. “Naku! Baka ayaw niya akong makausap.” Tinawagan niya ang ito sa cellphone subalit naka-off. “Romanov, please. Sorry na. Kahit na naiinis pa rin ako sa iyo, di na kita aawayin.”

“Hoy! Anong ginagawa mo diyan?” tanong sa kanya ng Kuya Rolf niya nang dumaan ang sasakyan nito. “Bumalik ka na sa bahay.”

“Si Romanov kasi… kailangan ko pang kausapin, Kuya.”

“Si Romanov? Umalis, ah! Nakita ko palabas siya ng riding club. Hindi mo ba alam na aalis siya ngayon?”

Umiling siya. “Bakit siya umalis? Dahil ba sa akin?”

“Hala! Kasalanan mo siguro!” pananakot ng kapatid niya.

Mangiyak-ngiyak niya itong tiningnan. “Kuya naman! This isn’t the time to make jokes. May problema na nga itong tao.”

“Okay. May LQ kayo. But he will be back. You will get the chance to talk.

“TELL MOM that I will visit her next week. Gusto ko sanang samahan ka pero maraming clients ngayon. Just call me if you have problems,” anang si Rolf kay Illyze at hinalikan siya sa pisngi. Halos sa riding club na rin umiikot ang trabaho nito. He turned it into his own office. At may facilities rin sa riding club para makapag-conduct ng mga business meetings at conference.

“Thanks, Kuya. Thanks for letting me stay here,” she said with a sad smile.

“Are you sure you can drive on your own? Di ka halos nakatulog.”

“Come on, I am used to it. Noong first time kong pumunta dito, mahigit tatlong araw akong walang tulog. I will be fine, bro.”

His lips compressed. “Kung bakit hindi man lang tumawag sa iyo ang Romanov na iyon. Pinag-aalala ka niya. Kapag nakita ko siya…”

Matalim niya itong tiningnan dahil may pagbabanta sa mga mata nito. “Don’t you dare hurt him. I want to handle things on our own. Problema namin ito.”

“Paano kung dumating siya?”

“He knows where to find me. If he wants to find me.” Hindi niya alam kung gusto pa rin siyang makita ni Romanov. Or maybe he would prefer to find solitude elsewhere. Away from the riding club. Away from her. At kapag nangyari iyon, di niya alam kung susundan pa niya ito o isusuko na lang ang pagmamahal niya.

“Nandito na pala siya!” anito at itinuro ang paparating na kotse ng binata.

Nag-park si Romanov sa tapat mismo ang villa nito. Bumaba ito at tumakbo papunta sa kanya. “Illyze, are you leaving?”

Pinisil ni Rolf ang balikat niya. “Sa loob muna ako.” Mukhang binigyan sila ng pagkakataon na magkausap nang sarilinan.

“Saan ka pupunta?” tanong ni Romanov na puno ng pag-aalala.

“Somewhere away from here.”

“Bakit? Dahil ayaw mo na akong makita?”

Umiling siya. “No. I simply have to go.”

Hinawakan nito ang kamay niya. “As if I will let you.” Sa higpit ng hawak nito sa kanya, parang mapuputol na ang daloy ng dugo niya. “We have to talk.”

Binawi niya ang kamay dito. “Romanov, I really have to go. Baka ma-traffic pa ako kapag hindi ako umalis ngayon. “Kung gusto mong mag-usap tayo, sa ibang araw na lang. O kaya…”

Umikot ito at binuksan ang kabilang pinto. He took the front seat without asking for her permission. “Then I am going with you if you want to go. Hindi ako aalis hangga’t hindi tayo nag-uusap,” he stated firmly. “Kahit na tawagin mo pa ang Kuya Rolf mo para hilahin ako, hindi ako aalis. I won’t let you out of my sight.”

Napilitan siyang pumasok ng kotse at nagmaneho. Sa palagay nga niya ay di siya nito titigilan hangga’t di sila nakakapag-usap. “Okay. Ibababa kita pagdating sa gate ng club kung di pa rin tayo tapos mag-usap.”

“Sandali lang ang oras natin. Malapit lang ang entrance ng riding club dito.”

Bahagya siyang ngumiti. “We are taking the Mountain Trail.”

His face became more solemn when he started to talk. “I am so sorry for being mean,” he said in a kind voice.

Madalang niyang marinig ang tono na iyon. Madalas kasi ay masungit ito. That even if he apologized, he still had that haughty impression around him.

“You were not mean, Romanov. You just put me in my place. You are right. It is none of my business. Wala akong karapatan na makialam. Wala akong karapatan na magdikta kung ano ang dapat mong gawin. It is your life after all.”

He shook his head. “No! You got it all wrong. Di ko sinabi iyon dahil hindi ka importante sa akin. I just don’t want you to intrude with that problem. That incident with Jewel brought me so much pain that it paralyzed my heart. May pagkakataon na pakiramdam ko na hindi ako tao. Ayoko lang na madamay ka sa problema na iyon. I don’t want to involve you to the pain I’ve been through.”

Nagulat siya at naipreno ang sasakyan. Napalingon siya dito. “Does it mean that you don’t hate me?”

He smiled at her and pinched her cheek. “Silly. How could I when you made me feel again? Magagalit na ako sa buong mundo pero hindi sa iyo.”

“Romanov.” She put her arms around his neck and felt her eyes whelm with tears. Parang dam na bumigay ang lahat ng nararamdaman niya. “Akala ko galit ka sa akin. You didn’t bother to call. You didn’t bother to answer my calls. Basta ka na lang umalis nang walang anumang sinasabi. Gusto kong mag-sorry. Sasabihin ko sana sa iyo na di kita dapat minadali. Sana inintindi pa kita. Gusto ko lang naman na bumalik ka sa pagiging Romanov nang di ka pa pumupunta sa riding club. Where you face the world with a smile. I just want you out of that dark world. At ayoko nang bumalik ka pa doon.”

“I will never go back to that dark world, Illyze. Tapos na rin ang lahat ng bangungot ko.” Kinabig nito ang ulo niya at ihinilig sa dibdib nito. “It’s over now. It’s over so stop crying.”

“Saan ka ba nanggaling? Anong nangyari sa iyo?”

“Kailangan ko lang harapin ang lahat ng kinatatakutan ko. Hinarap ko si Jewel. Finally, I get the courage to talk to her. Nang umalis ako dito sa riding club, hinanap ko agad siya.”

“A-Anong pinag-usapan ninyo?”

Kumuha ito ng panyo at pinunasan ang pisngi niya. “She asked for my forgiveness. She apologized for everything she did.”

“Really?” di makapaniwala niyang usal.

His face looked calmer now. “Hindi ko siya mapatawad noon. Pakiramdam ko kasi hindi pagmamahal ko ang ni-reject niya kundi ang buong pagkatao ko. I thought I deserve to be loved. Pero hindi ako ang pinili niya kundi ibang tao na sa palagay ko di karapat-dapat para sa kanya. Samantalang kaya ko naman siyang alagaan. Kung mahal siguro niya ako, kaya kong tanggapin kahit ang nakaraan niya.But she didn’t.”

“So you hated your self in the process.”

Ikinulong nito ang mukha niya sa palad nito. “I thought I wasn’t good enough to be loved by anybody. Dahil ang mismong taong pinagkatiwalaan ko at minahal, hindi ako kayang mahalin. Until you came and pulled me out of my dark world. Thanks for setting me free with your love. I love you, Illyze Guzman.”

He possessed her lips and she surrendered with total abandon. It was fierce and soft. The mix of emotion was overwhelming. Two days without him seemed like forever. Pero mas mahaba ang panahong hinanap niya ito at hinintay na marinig niyang mahal siya nito. And now, he was kissing her as if he was trying to drown her with his love.

“Will you still have me?”

Natawa siya sa tanong nito. “How can I say no? I am already under your spell. Sabagay, noong unang beses pa lang gusto na talaga kita. Hay! Kahit nuknukan ka pa ng suplado, nakasunod na ang mata ko sa iyo.”

“I thought you were just like the other girls in this club. Na gusto mo akong guluhin. Yes, ginulo mo nga ako. Dapat itinataboy kita pero hindi ko naman kayang gawin. I want to see you smile even if I am mad. Parang natutunaw ang lahat ng galit ko. At first I hate you for that. You were so persistent.”

“Kahit kaladkarin mo pa ako palabas ng riding club, babalik pa rin ako at kukulitin kita nang kukulitin. Makita lang kita noon, masaya na ako kahit na tarayan mo pa ako. And now that you are smiling, I really feel great.”

“I was so scared. Scared that you’ll reject me as well. Kaya mas gusto ko na lang mang-reject ng ibang tao. But you are always there for me, right?”

“You’ve been so hard on your self. I don’t think it is your fault. I think it is Jewel who has a problem. Kung talagang nirerespeto at mahal ka niya bilang kaibigan, hindi niya gagawin iyon.”

“Apparently, she really has a great problem. Hindi si Jewel ang totoong Jewel na nakilala ko. She had been living in a lie all this time.”

“Dahil nagpanggap siyang pamangkin siya ng producer ninyo?”

“It is one of the issues. It all started when she was seventeen. Ipinasok siyang prostitute ng stepmom niya sa isang prostitution den. Our producer was her first client. Nagustuhan siya dahil matalino siya. Kaysa patuloy na maging prostitute, naging mistress na lang siya. She tried to have to normal life. Nakapag-aral siya at nagkaroon ng disenteng buhay. Matagal na siyang pinapakawalan ng producer namin. It was high time that she had a more decent life. May pera na siya at may disenteng trabaho. Hindi na niya kailangang maging mistress pa. Ayaw niya. So when I proposed, she accepted it. Just to spite Mr. Lorenzo. She thought Mr. Lorenzo would disapprove our engagement. Natuwa pa ito para sa amin.”

“And why did she do that to you? You were friends!”

“Dahil magkaibigan kami, akala niya maiintindihan ko siya. Pero bago ko pa siya intindihin, nasaktan na niya ako.”

“She’s not a total bitch, you know. Tao lang siya na nagkakamali. She was truly sorry for what she did to you. Ginawa niya ang lahat ng paraan para ituwid ang mga pagkakamali niya. She even came to me just to persuade you to join the Sundance Film Festival. Sa huli, kaibigan mo pa rin siya.”

“Alam ko. She was thrilled when I told her that I am in love with you. Boto daw siya sa iyo. Nagpapasalamat nga pala siya sa iyo. Napatawad na niya ang sarili niya sa ginawa niya sa akin dahil kasama na kita. Tatapusin na lang niya ang entry ko sa Sundance Film Festival at sa Canada na siya titira. Tanggap na rin niya na kahit ano pang gawin niyang pagmamahal, mali pa rin. Mr. Lorenzo won’t leave his wife. At kahit iwan pa niya, di rin niya sasamahan si Jewel.”

“Well, that’s a bit sad. But the good news is that you will continue with your movie project!” Ginagap niya ang kamay nito. “Now I am excited. Are you sure you are ready? Baka nilalagnat ka lang.”

“Kinausap ko na ang producer namin. Malaki rin naman ang naitulong niya sa akin. I can’t just ditch the project. Lahat ng tao kailangang mag-move on, hindi ba? Kaya pagkatapos ng Sundance, tatanggapin ko na ang offer ni Neiji Villaranza. I will do the Stallion project.”

Nangilid ang luha niya.“I am so happy for you.You are really back to the old you.”

“No, you are wrong. I am not back to my old self. I am better now. Actually I am in my best elements at the moment because I have you. Minadali ko agad na plantsahin ang project sa loob ng dalawang araw dahil kailangan kong sabihin sa iyo lahat pati ang nararamdaman ko. I’ve been planning to make this conversation to be more romantic. Not inside your car.”

“But look, Romanov. What could be more romantic than this place? We are at the Mountain Trail. Where we first met and we had our first date.”

“Ah! How can I forget that day?” He gently kissed her forehead. “I resigned my self to a lifetime alone. Without someone to love me. Without someone to bother me. I was okay if I am not happy. Mabuti na iyon kaysa masaktan. But you made me want to love and live again. You made me smile again. You brought life back to my dark world. And you are everything to me now.”

“And you are my destiny. Hindi ko alam kung bakit naiisip kong sumuko minsan. Kaya nga destiny, hindi ba? Kahit anong gawin ko, ikaw pa rin ang gusto ko. I couldn’t give you up. My heart simply can’t. I don’t actually care if it’s really destiny that brought you to me. I know is that I love you.”

His lips was about to swoop down on hers when she remembered something. “Oh, no! Hindi pwede…”

“Anong hindi pwede?” His face twisted in disappointment. “You don’t want to kiss me? O iniisip mo pa rin na iwan ako?”

“Silly! I have to. In-invite ako ni Mommy at Daddy na mag-lunch. Magagalit sila sa akin kapag na-late ako.”

“Bakit hindi mo sinasabi sa akin?” pasigaw nitong tanong.

“Bakit ka galit?” ganting-sigaw niya.

“Akala ko kasi iiwan mo na ako. Na hindi ka na babalik. Na baka nag-decide ka nang iba ang destiny mo at hindi na ako.”

“Anong inirereklamo mo? Mahal na nga kita.”

Sa pagtataka niya ay umupo ito sa driver’s seat. “Get inside the car. I am driving. Ayokong mapagalitan ka kapag na-late ka.”

“Sasama ka para ma-meet ang parents ko?”

Tumango ito. “Ipagpapaalam kita kung pwede kitang isama sa film festival. Heck! They should know me because I am your boyfriend now. At gusto ko rin magpagawa kay Jenna Rose ng isusuot mo sa Sundance. Alam ko na busy ka dahil may fashion show-art exhibit ninyo. But I want you to make one. I want to show the world how talented you are.” Natigilan ito. “But will your parents like me?”

“My mom will say yes right away because you are so handsome. Importante sa kanya guwapo at matalino ang pakakasalan ko. And my dad is a fan of yours. He would be delighted to have welcome you.”

“Baka naman ayawan ako ng kuya mo.”

Kinindatan niya ito. “Don’t worry. May panakot ako sa kanya.”

Nang humalakhak ito, pakiwari niya ay humalakhak pati ang hangin, ulap at maging ang mga puno. The world is laughing with him. At iyon ang gusto niyang makita ng buong mundo. Nobody should be scared to take a chance on love. The road may be rough but it was all worth it.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.