Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 82

“Are you sure, JED? This horse is mine?” Di pa rin makapaniwala si Jenna Rose habang pinagmamasdan ang kulay chestnut na mare. “Akala ko ba hiniram mo lang ito sa stable para sa akin.”

Nag-horseback riding sila nang umagang iyon. Nasa falls sila nang sabihin nito na siya na ang may-ari ng kabayong sinasakyan niya. “You told me that you like her. Nakita mo na siya sa stable noong isang araw, di ba? So I decided to give her to you as a gift. Isn’t Clover wonderful?”

“But she is not for sale. Tinanong mo pa nga, di ba?” Clover was a prized mare. One of the finest. Kaya di iyon basta-basta pakakawalan ni Reid.

Nagkibit-balikat ito. “I offered a price that Reid can’t refuse.”

She touched the horse’s neck. Di pa rin niya maiwasang makaramdam ng panghihinayang. “You don’t really have to buy her for me. It is too expensive.”

Niyakap siya nito mula sa likuran. “It is a gift. Lahat ng regular members ng riding club hindi lang isang kabayo mayroon sila. At may sariling kabayo rin ang girlfriend nila. Actually, I will buy Mom her own horse once she comes home from her vacation. Para makakasama rin natin siyang mag-horseback riding.”

Nasa Bahamas ang mommy nito at nagbabakasyon dahil nakabili si JED ng isang isla doon. Sa susunod na buwan pa uuwi ang mommy nito kaya di pa niya nakikilala. “I guess she’ll also tell you that this is an expensive gift.”

“Wala naman sigurong mahal na regalo basta para sa taong mahal mo.” Pinagmasdan siya nitong mabuti. “Or are you going to tell me that you’ll buy your own horse if you want one?”

Marahan siyang tumango. “That is one thing. Plano ko naman talagang bumilii ng sarili kong kabayo. Except that there is a rule here at the riding club that only members can purchase horses. Very chauvinistic, isn’t it?” Exclusive lang ang membership ng riding club sa mga lalaki.

Lumungkot ang anyo nito. “And you are hurting my ego. Hindi mo ba matatanggap ang regalo ko sa iyo?”

Naglalambing siyang yumakap dito. “Of course I am happy. I gladly accept it. Thanks. However, I am not that materialistic. You don’t have to give me anything, JED. Having you here with me is enough.”

Kinintalan siya nito ng halik sa noo. “I know that. Kung naiilang ka na tanggaping regalo si Clover, isipin mo na lang na investment siya.”

She shook her head. “No. She’s a gift so be it.”

He beamed at her. “That is more I like it. Gusto mo bang makita ang villa? It is almost through.”

“Sure. I’d love to.”

Matagal na iyong ipinapaayos ni JED. Di lang balita sa riding club noon na ito ang may-ari. It was a two-story glass house. And what she loved most about it was the waterfalls effect at the glass walls. Animo’y napapalibutan ng waterfalls ang buong bahay. Di daw kasi maaring ipatayo ang bahay sa tabi ng waterfalls kaya ang waterfalls na lang ang dadalhin nito sa villa nito.

Ipinapasok na ang mga furniture nang dumating sila. Hindi pa kasi fully furnished pero malapit nang maayos ang lahat. Naroon si Eunice na siyang nagbibigay ng instruction sa kung saan ilalagay ang mga gamit. Ayon kay JED ay nagmagandang-loob na itong tumulong sa pag-aayos ng interior. Alam na daw kasi nito ang taste ni JED. When Eunice was around, she felt worthless.

Namaywang agad si Eunice nang makita sila. “JED, where have you been? It is two in the afternoon. May TV guesting ka pa mamayang gabi.”

“Relax, Eunice. Maaga pa. We can leave at four or five in the afternoon. Maaga pa rin tayong makakarating sa studio. Saka nag-e-enjoy pa kami ni Jen na mag-horseback riding. You should see her mare. She’s beautiful.”

“Yeah, great!” matabang na sabi ni Eunice. “You should be prepared by now. Why don’t you get the coat that you are going to wear tonight? It is in my car.”

“Jen, I will just get it,” sabi ni JED. “Tapos saka mo sabihin sa akin kung anong bagay na I-partner ko.”

“Sure. Hihintayin na lang kita dito,” nakangiti niyang sabi.

Pagdating sa wardrobe ni JED ay siya ang pinagkakatiwalaan nito kahit pa nga madalas ay may dala na para dito si Eunice. Ayon kay JED, dapat daw ay masanay na siya dahil kapag kasal na sila ay siya mismo ang maghahanda ng damit nito kahit pa may sarili na itong fashion consultant.

“You don’t really have to say anything about JED’s outfit. I already chose everything for him,” wika ni Eunice.

“He wants me to help him anyway. Siguro dahil sa tingin niya may maisa-suggest pa ako na mas magpapaganda sa outfit niya,” depensa niya. Bilang nobya ni JED ay hindi siya magpapatalo dito.

“So what’s this? You want to invade his life.”

Nakahalukipkip niya itong hinarap. “What is it that you have against me, Eunice? Wala naman akong ginagawang masama sa iyo. Parang lahat ng gawin ko para kay JED, mali para sa iyo.”

“You are not right for JED. Nahahati ang atensiyon niya sa iyo at sa career niya. Career niya ang priority niya pero nagbabago iyon dahil sa iyo.”

“Wala bang karapatan na magkaroon ng girlfriend ni JED? And besides, sino ka ba para magsabi sa kanya na nakakasama ako sa kanya? Ang ibang bandmates niya, may mga girlfriend din naman. At di naaapektuhan ang career nila.”

JED was a professional. Kapag oras ng trabaho, sa trabaho lang ito naka-focus. And she respected that.

“They are different from JED. He worked so damn hard while those guys are rich brats. Nakita ko kung paano siya umangat mula sa wala. Di ko gustong mawala ang lahat ng iyon dahil lang sa iyo.”

“Hindi iyon mawawala kay JED. He can handle it right,” kampante niyang sabi. “Then again, he has his own happiness to mind. Hindi mo hawak ang buhay niya. Huwag mong ulit-ulitin na career lang ang dapat harapin ni JED. Tao rin siya. HIndi siya robot na pakikilusin mo sa gusto mo. Please let him live his life.”

Tinalikuran niya ito at sinalubong si JED na papasok ng pinto dala ang outfit na isusuot nito. Naramdaman niya ang matalim na tingin sa kanya ni Eunice. Importante rin sa kanya ang career ni JED. Pero hindi rin naman niya hahayaan na mawala ang kaligayahan nito. Ang kaligayahan nila.

JENNA Rose’s boutique was buzzing first thing in the morning. Kinubukasan na ang launching ng commercial para sa Stallion Shampoo and Conditioner. Kaya naman santambak na gown ang kailangan niyang tapusin. Isa pang ipinag-aalala niya ay kung paano tatanggapin ng mga fans ang relasyon nila ni JED. He wanted to make everything official and it might affect his career.

“Good luck ulit sa aming dalawa,” naibulong na lang niya sa sarili. Nag-ring ang cellphone niya at nakita niyang naka-register ang number ni Fridah Mae. “Hey, Frids! Bakit bigla kang napatawag?”

“Have you seen the newspaper? O kaya nag-open ka na ba ng email mo? May importante kasi akong ipinadala sa iyo.”

“I don’t have time for those. I am so busy at the moment.”

“K-Kasi may mga pictures kayo sa diyaryo at sa internet ni JED.” Nagtitili ito. “Nakakainis! Bakit hindi mo sinabi sa akin na kayo na?”

“Ha?” bulalas niya. “May ganoong article sa diyaryo at sa Internet?”

“Oo. Lumalabas pa nga na interview sa iyo. You even boasted that JED bought you a mare named Clover. Nasa picture pa nga.”

Parang umikot ang paningin niya. “I-I know nothing about it. I didn’t grant any interview about us,” halos histerikal na niyang sabi.

“Paano nangyari iyon kung hindi ka naman nagpa-interview?”

Hindi siya pwedeng basta-basta mag-grant ng interview at magpakuha ng pictures nang walang permiso ng pamunuan ng riding club specifically Reid Alleje. Tiyak na magagalit ito oras na malaman ang tungkol sa article.

“Excuse me, Ma’am,” anang si Riziel sa kanya at hawak ang wireless phone. “Ipinapatawag po kayo ni Sir Reid sa office niya.”

“Frids, I will call you later,” wika niya at hangos na pumunta sa opisina ni Reid. Kailangan niyang ihanda ang sarili. Malaking gulo ang dala ng pictures na iyon.

Pagdating sa opisina ni Reid ay naroon na sina Eunice at JED. “Do you know anything about this?” tanong ni Reid at ihinagis sa kanya ang printed copy ng pictures at articles mula sa Internet pati na rin ang diyaryo.

Umiling siya. “I know nothing about this.”

“Nothing? You granted an interview and you know nothing?” singhal ni Eunice sa kanya. “You really want this, right? You want to ruin JED’s career. Napakalakas naman ng loob mo na mag-grant ng interview at ipagkalat na girlfriend ka na niya.”

“Eunice, calm down,” anang si JED at tinapik ang kamay nito. “Girlfriend ko naman talaga si Jen. It is her right to tell it to everyone.”

“But she can’t do it without my permission. Sa riding club mismo ginawa ang interview. Hindi bale sana kung sa labas,” mariing wika ni Reid at tumingin sa kanya. “The reason why most people come here is because they value their privacy. That’s why reporters are strictly off limits here.”

“I know that, Reid,” mariing sabi niya. “I know the rules here by heart. At bakit ko naman kailangang magpa-interview nang walang permiso? I am not promoting anything and I won’t gain anything from it.”

“You are just the same girl you were. You were so eager to get near JED. And now that you got him hooked, you want to tell everyone about it. Ni wala kang pakialam kung ano ang impact nito sa career ni JED,” bintang pa rin ni Eunice.

“Eunice, Jen doesn’t have to do that. After all, plano ko nang ipaalam sa launching ng commercial bukas ang tungkol sa amin,” paliwanag ni JED.

Namutla si Eunice. “You will tell everyone about the two of you?”

“Yes. And it is my idea. I really don’t mind if Jen did this interview. Nasabi ko na ito dati. I am proud to have her as my girlfriend.”

“But just the same. I won’t do anything to jeopardize the riding club. Nirerespeto ko ang privacy ng mga tao dito,” depensa naman niya. “Nagtataka lang ako kung paanong lumabas ang interview na ito. Samantalang huling beses na nakakausap ko reporter ay noong fashion show ko pa. That was months ago. At isang malaking insulto sa akin na pagbintangang lumalabag sa rules.”

“The shot looks stolen as well,” obserbasyon ni JED. “Kung interview nga ito, dapat may mas malapit na shot. Not like this.”

“Sino ang nagpapasok ng photographer nang walang permiso ko?” tanong ni JED at isa-isang iginala ang tingin sa kanila.

“Who granted a visitor’s pass the other day?” naghahamon niyang tanong. Iyon kasi ang araw kinunan ang mga pictures nila ni JED.

“I did,” ako ni JED. “Nagpunta dito si Eunice kasama ang nag-deliver ng mga furniture para sa villa ko.”

Nag-beep ang laptop ni Reid at binuksan nito ang message. “Nasa akin na ang listahan ng anim na tauhan ng furniture shop. At dalawa sa mga nakalista dito ay wala sa official list ng empleyado ng furniture shop. And according to our files at the surveillance camera, they are photographers from the newspaper.”

“Ha?” bulalas ni Eunice. “Paano nangyari iyon?”

“Why don’t you enlighten us yourself, Miss Ferona?” pormal na tanong ni Reid. Subalit nasa mata na nito ang matinding galit. Malaking insulto rin kasi para dito na nasalisihan ng media ang teritoryo nito. “Kasama ka nilang pumasok dito sa riding club. O gusto mong sila pa mismo ang paaminin ko?”

Bumakas ang gulat sa mukha ni JED. Kahit siya ay nagulat. Alam kasi niya kung gaano katindi ang loyalty ni Eunice kay JED.

“Is it true, Eunice? Ikaw ba talaga ang nagpakuha ng mga pictures?” tanong ni JED na hanggang ngayon ay di pa rin makapaniwala.

“JED, I will never do that,” kaila ni Eunice.

“Hindi mo ba talaga magagawa iyon?” tanong niya. “Katulad nang hindi mo rin kami nagawang ipakulong ni Fridah Mae dati.”

“Ipinakulong niya kayo?” gulat na bulalas ni JED.

“She did!” she stressed. “Naalala mo ba noong dinalaw ka namin ni Fridah Mae sa ospital dahil naaksidente ka? She put us in jail. Gusto ka lang naman naming makita noon. Wala ka bang alam tungkol doon, JED?”

Reid excused his self. “I guess you should discuss this on your own first.”

Umiling ito. “I was grateful to see you at the hospital then. Pero wala siyang sinasabi sa akin na may ipinakulong siya. And I would never do anything to hurt you, Jen. Hindi ko rin kayang manakit ng babae o magpakulong lalo na kung hindi naman seryoso ang offense.”

“Ginugulo nila ang pamamahinga mo, JED,” depensa ni Eunice. “They disguise themselves as nurses. Pinoprotektahan lang kita sa kanila. Sa kanya.”

“Kaya ba sinabi mo rin na ayaw na ni JED na makita kami?” tanong niya.

“You did all those things to Jen? Alam mo naman na gusto ko siya noon pa, hindi ba? How could you do that?” sumbat ni JED dito.

Ngayon na nagsisimulang luminaw sa kanya ang lahat ng nangyari. Walang kasalanan si JED sa kanya. Kagagawan ni Eunice ang lahat.

“She’s just a crazy fan!” katwiran ni Eunice.

“Not anymore!” JED’s face was grim. He was mad. Really, really mad. “Jen is the woman I love. Ngayon ko naiintindihan kung bakit galit na galit siya sa akin. Kahit na wala naman pala akong kasalanan sa kanya. Why did you do it, Eunice? I even thought that you are my friend.”

Umigting ang anyo ni Eunice. “Friend? Oo, kaibigan lang ang tingin mo sa akin. While I loved you all these years. Nagsisimula ka pa lang sa banda, parang aso na akong susunud-sunod sa iyo. Kahit nagmukha akong tanga sa pagiging assistant mo, okay lang. Dahil umaasa ako na mapapansin mo ako. Na mamahalin mo ako tulad ng pagmamahal ko sa iyo. And this girl will just storm into your life and take you away from me? No way! You are mine, JED! Mine!”

Malungkot itong pinagmasdan ni JED. “I was never yours.”

Natigagal si Eunice at nangilid ang luha. “I love you. Hindi mo ba ako mahal? Pinagsilbihan kita at lahat na.”

Huminga nang malalim si JED. “I am sorry. Kung mahal kita, noon ko pa sana sinabi sa iyo. But I only see you as a friend. My best friend.”

Ginagap niya ang kamay ni JED. Alam niyang nasasaktan ito habang sinasabi iyon kay Eunice. Lalo na’t itinuring nitong matalik na kaibigan ang dalaga. Maraming pinagsamahan ang mga ito. But he was betrayed.

Bumibigat din ang loob niya habang pinagmamasdan ang hinanakit sa mukha ni Eunice. Pareho silang nagmamahal. Alam niya kung ano ang nararamdaman nito. Mas masakit nga lang ang nararamdaman nito ngayon lalo na’t umikot na ang buong buhay nito kay JED.

“Iiwan ka rin niya,” bulyaw ni Eunice. “She doesn’t love the real you. She only sees you as a rockstar. Kapag nagsawa na siya sa iyo, iiwan ka rin niya. Ako lang ang magmamahal sa iyo nang totoo.”

Sa pagkakataong iyon ay sumagot na siya. “Hindi lang ikaw ang nakakakita sa totoong JED, Eunice. Nakita ko na iyon noon pa. And JED knows that. Kung gusto mong lumigaya kasama siya, ganoon din naman ako. I love him, Eunice.”

Kinuyom ni Eunice ang palad. Ayaw tumanggap ng pagkatalo. “I’d do anything to break you apart. Kahit anong mangyari, babawiin ko si JED. You don’t deserve him. He is mine.”

Umiling si JED at hinawakan ang balikat ni Eunice. “Please don’t do this. Hindi ka masamang tao.”

“Ginagawa ko lang naman ito dahil mahal kita,” humahagulgol nitong sabi.

“Don’t make me hate you. You are a dear friend to me. Huwag mong sirain ang friendship natin. Makakalaban ako ng sinumang mananakit kay Jen,” mariing wika ni JED. “Ako ang nasasaktan kapag nasasaktan siya.”

Walang salitang itinulak ni Eunice si JED at nag-iiyak na lumabas ng silid. Malungkot lang itong sinundan ng tingin ni JED. Niyakap niya ito dahil alam niya kung gaano kabigat ang nararamdaman nito.

“How could she do it to me? I trusted her and…”

“Nagmahal lang siya, JED. You can’t really blame her. Ipinaglaban ka lang niya sa paraang alam niya. Hindi niya intensiyon na saktan ka.”

He pressed his lips on top of her hair. “Just hold me, my fairy. Just hold me. Make the pain go away.”

“Don’t worry, JED. Everything will be okay.” Sa ngayon, natapos na ang pinakamalaki nilang problema. And tomorrow would be another day.

TAHIMIK sina Jenna Rose at JED habang nakaupo sa sofa sa gitna ng sala nito. Pumapailanlang sa buong glasshouse villa ang demo CD ng kanta na kako-compose pa lang nito. Nakatitig sila sa waterfalls effect na bumabagsak sa glasswall at animo’y kulay gold dahil sa liwanag ng buwan.

“Parang nagsisisi ako na tinanggap ang commercial,” aniya nang magkaroon na ng lakas na magsalita. “Kasama pa ako pati sa mga mall tour. Its your fault.”

Naging hit ang commercial. Mas sikat pa kaysa sa naunang mga Stallion Shampoo and Conditioner commercial dala ng kanta ng The Switch. Lalo pang nagkagulo ang mga fans dahil sa kakaibang twist ng commercial na dala nila ni JED.

“The fans love you. Tanggap ka na nila bilang girlfriend ko.”

She laced her fingers with his. Nakadama kasi siya ng lungkot. “Natuloy na ba ang flight ni Eunice kanina papuntang Madrid?”

Tumango si JED. Ito kasi ang naghatid kay Eunice sa airport. “Yes. She apologized for what she did. Di ka pa nga lang niya kayang harapin ngayon. Inamin din niya sa akin na hinarang niya ang lahat ng ipinadala kong flowers at gift para sa iyo noon. Akala ko kasi Ate Evie mo ang humarang.”

“She likes you now. Wala na siyang kontra sa atin, hindi ba? And about Eunice, sana maging magkaibigan din kami balang araw.”

“We just have to patiently wait for that time.”

“Do you think I am really worthy of your love? Kahit pa may kapalit?”

“You are my happiness, my fairy.” Hinaplos nito ang pisngi niya. “Ilang beses na tayong pinaglayo. Marami na akong naisakripisyo. All I want is to claim my happiness. Now that you are mine, I won’t let you go.”

Gumuhit ang ngiti sa labi niya. “So do I, JED. I love you.”

As their lips joined, their hears beat as one. Maaring marami pa silang pagdaanang pagsubok. But they know they could survive everything. Gaya ni JED, wala siyang planong isuko ang kaligayahan niya.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.