Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 81

“Arnette, are you sure that I am still needed here?” Jenna Rose couldn’t help asking with a strain of irritation and impatience in her voice. Malapit nang matapos ang shooting pero hindi pa rin siya lumalabas sa eksena. Ni hindi niya alam kung para pa saan ang presensiya niya doon. Wala naman yata siyang gagawin.

“Of course, sister!” maarteng sabi nito. “Be patient. Malapit ka na.”

“Baka naman hindi ganoon kaimportante ang eksena ko,” aniya at huminga nang malalim. Nagmumukha lang kasi siyang tanga sa dressing room. Habang naisalang na lahat ng nasa eksena pati mga extra, siya ay nakatunganga pa rin at naghihintay ng gagawin.

Ang swerte naman ng model na originally may hawak ng project na ito. Hindi niya kailangang danasin ang kahihiyan ko.

She hated being idle. Kung alam lang niya na wala naman siyang masyadong gagawing eksena, sana ay ipinilit na lang niya na sa iba mapunta ang eksena na iyon. Kaso ay si Romanov at Neiji mismo ang namilit sa kanya. Hindi naman niya pinangarap na ma-extra lang sa isang commercial.

Lumapit sa kanya ang make up artist. “Miss Jen, ire-retouch na natin ang make up mo. Ikaw na kasi ang susunod na eksena.”

“Anong gagawin ko?” tanong niya sa isa sa mga production assistant na siyang may hawak ng script. “Wala kasi akong instruction maliban sa tatayo lang ako at ngingiti.”

“Iyon pa rin po ang gagawin ninyo, Miss Jen. Tatayo lang po kayo at ngingiti. At hindi kayo pwedeng umalis sa pwesto ninyo kahit anong mangyari.”

Tumaas ang kilay niya. “Kahit na sabugan na ako ng Taal Volcano?”

Isang alanganing ngiti lang ang ibinigay ng PA sa kanya at nagpaalam na. Tatawagin na lang daw siya kapag ready na ang eksena.

“Miss Jen, huwag kang sumimangot. Sayang ang kagandahan mo. Baka magka-wrinkles ka at makita pa sa camera,” anang make up artist.

“Ugh! Minsan lang ako masasali sa commercial, tatayo at ngingiti lang daw ako. Tatayo at ngingiti. Hindi kaya mabaliw na ako pagkatapos.” Naitapik niya ang paa sa sahig. “Hindi na talaga ako papayag na gumawa ng commercial kung sakali.”

“Eh, di pagbutihan na lang ninyo ang pagngiti at pagtayo ninyo, Miss Jen. Kahit na ano pang eksena, dapat performance level pa rin.”

“You are right. Nakakahiya naman kung iyon na nga lang ang eksena ko, makakailang take pa sila sa akin.” Matapos ang pagre-retouch sa kanya ay pinagmasdan niya ang sarili sa salamin. Inilugay ang mahaba niyang buhok katulad ng ibang babae sa commercial. And she was wearing a red gown. Bumagay iyon sa tsinita niyang mga mata. She was perfect. Almost. Di pa rin siya sigurado kung kaya nga niyang gawin nang maayos ang pag-e-extra. “Well, good luck na lang sa akin.”

Binigyan siya ang instruction at tips ni Romanov para maging natural siya sa eksena. Wala naman siyang gagawin kundi ang ngumiti at tumayo habang nakatingin sa harapan niya. It means that it was at the dance floor full of couples dancing while The Switch serenade them on stage.

Great! Isa akong dakilang extra. Sa uulitin, di ko na ulit ito gagawin kahit pa manikluhod sila sa akin. Wala naman akong kinabukasan dito.

Di tuloy niya maiwasang ngumiti sa mga babaeng may ka-partner sa dance floor. Sana ay isa na lang siya sa mga iyon. Tumigil sa pagsasayaw ang lahat nang bumaba sa stage si JED. Nahawi ang lahat ng nasa dance floor at natigilan siya nang siya na lang ang naiwan sa bandang likuran.

Nagtatlong beses ang bilis ng puso niya nang nakatuon ang mga mata nito sa kanya habang naglalakad. May hawak itong rose sa kamay. At nang mga oras na iyon, parang sila lang dalawa ang tao sa lugar na iyon. Sa kanilang dalawa na nakatutok ang camera. At ang lahat ng taong naroon ay sa kanila rin nakatingin.

Uh oh! Anong nangyayari dito? May parte ba ng script na hindi naipaliwanag sa akin? Malapit na siya sa akin. Anong gagawin ko? Kapag naman nag-take two pa, baka mapagalitan ako. Simpleng instruction na nga lang, hindi ko pa magawa.

Kaya gaya ng inutos sa kanya ay nakangiti lang siya at nanatiling nakatayo habang kumakanta si JED. And he was looking at her and singing for her as if she was the most beautiful girl on earth.

“’Coz you are the girl who makes my dream come true.”

Nanginginig na ang tuhod niya. Subalit lakas-loob lang niyang sinalubong ang tingin nito habang nakangiti. Be natural. Challenge ito. Pretend as if he fell in love with you. Isipin mo na ganoon ka rin sa kanya, paalala niya sa sarili.

Nang iabot nito sa kanya ang rose ay atubili niyang tinanggap iyon. Smile! Smile ka lang.

“And I wish to make you mine,” kanta nito habang dahan-dahang lumapit ang mukha sa kanya.

Nag-panic siya subalit nananatiling nakangiti. Another part of her wanted to run away. Subalit nanatili siyang nakatayo. Professional ako! Professional ako! Sabi nila tatayo lang daw ako dito at ngingiti.

Pero di lang talaga kayang gumalaw ng katawan niya. She was frozen. Di niya alam ang gagawin hanggang tuluyan nang lumapat ang labi nito sa labi niya. It was such a passionate kiss. Wala na siyang pakialam kung hindi iyon nasabing kasama sa script. At that moment, she was grateful that she was the substitute for that project.

Parang hindi yata niya kakayanin kung ibang babae ang gagawa ng eksenang iyon para kay JED.

Her ears roared. Naglaho na ang lahat ng nakapaligid sa kanila. Naglaho pati ang camera. For her, they were alone in the world. All she cared about was that moment with him. Pretend that he loved her for a moment.

“Cut!” narinig niyang sigaw ni Romanov.

Nagulat pa sya nang marinig ang sigaw. Kasunod niyon ay ang palakpakan. She opened her eyes and saw the crowd cheering. Nang lingunin siya ni JED ay nakangiti ito lalo na nang marinig nila si Romanov na sabihing nice take. It was the last part of the commercial and everyone was celebrating.

“JED… I…” Di niya alam kung ano ang dapat na sabihin dito. They kissed. A very passionate kiss. Isang halik na di pa niya nagagawa buong buhay niya. Sa kay JED pa iyon nangyari para sa isang commercial. Parang sasabog na ang utak niya.

Niyakap siya nito. “I love you,” bulong nito.

“HE told me that he loves me. Bakit naman niya nasabi iyon?” naguguluhang tanong ni Jenna Rose habang nakatitig sa kawalan. Natuloy ang party sa garden ng guest house ng riding club subalit nasa labas lang siya at nakaupo sa fountain na nasa harap ng guesthouse. Parang di niya kayang makihalo sa mga tao sa loob lalo na’t lumulutang ang utak niya.

There were two things that bothered her. First was the kiss. Ni hindi niya napaghandaan ang eksenang iyon. Mabuti na lang at inalalayan siya ni JED. She was not a great kisser. Pero para sa isang substitute sa commercial, sana man lang ay mas nagawa niya nang maayos. Mas na-motivate pa sana niya ang sarili kung paano ang dapat gawin. So much for their first kiss.

Or maybe the last as well. Kung di dahil sa commercial, baka di niya ako halikan. After all, he was still that distant star for her.

“At iyong sinabi niya na mahal niya ako. Nasa script din ba iyon? Bakit late na yata niyang sinabi. Tapos na ang cut, di ba? Baka nakalimutan lang niya at di na lang pinansin ni Romanov dahil pagod na silang lahat.” Inangat niya ang kamay habang nakatitig sa isang bituin na parang iyon si JED. “And I wonder if you will really be mine like the one at the song. Parang hindi.”

“Bakit mag-isa ka lang dito?”

Nagulat siya nang marinig si JED at dali-dali niyang ibinaba ang kamay. Narinig kaya nito ang monologue niya? Sana naman ay hindi. Kundi ay baka mapahiya siya dito. “W-Wala. Gusto ko lang kasi na tahimik.”

Umupo ito sa tabi niya. “Nakakapagod mag-shooting nang buong araw. No wonder you prefer to be alone.”

“W-Wala naman akong masyadong ginawa.” Napagod siya sa sobrang tensiyon. At ngayon ay naglaho na ang katahimikan niya dahil dumadagundong na naman ang dibdib niya sa sobrang kaba. Sa dinami-dami ng makakasama niya, bakit ito pa? Di pa nga siya nakakabawi sa kissing scene nila. “J-JED, I am sorry. Hindi ko alam ang gagawin ko kanina sa eksena. Ang totoo substitute lang naman ako. Sabi nila basta na lang ako tumayo doon at ngumiti. Nagkamali yata sila ng bigay ng script sa akin. Mabuti na lang hindi pinaulit.”

Pagak siyang tumawa subalit naroon naroon pa rin ang tensiyon. Subalit sa huli ay nanlambot siya nang makitang nakatitig lang sa kanya si JED.

“You thought that kiss was just an act?”

Nagulat siya. “Ha? Act? Natural arte lang iyon dahil commercial lang iyon. Di ba nasa script ninyo iyon? Galit ka ba dahil di ko nagawa nang maayos?”

Umusod pa ito palapit sa kanya. “Yes, it was scripted. My script.”

Umawang ang labi niya. “Ha? Script mo? Hindi kita maintindihan…”

“Maybe this will explain everything.”

He bent, caressing her mouth with his until she began to burn. At sa pagkakataong ito, wala nang sumigaw ng ‘Cut’. Nobody could stop them. And the thought that he was all hers made her heart flip.

“That kiss is not scripted this time. Walang camera. Walang ibang tao. It is just the two us now.” He pressed his forehead against hers. “But that scene awhile ago, I plotted it. Walang model na nag-quit. From the start, you were the one chosen for that scene. Kaya nga pati ang damit, sa iyo naka-fit.”

“Bakit mo naman gagawin iyon?”

He laughed a little. “Silly. Because I want the world to know that you are the woman I love. So I can finally tell you that I love you.”

Kung umugong ang tainga niya nang halikan siya nito, parang nabingi naman siya nang sabihin nitong mahal siya nito. “You love me?”

“Hindi mo ba narinig kanina nang sabihin ko?”

“Akala ko kasi kasama lang iyon sa eksena na nakalimutan mong sabihin. Saka imposible naman na mahalin mo ako.” He didn’t even like her.

“It sounds silly but I thought I fell in love with you the first time I set my eyes on you. Sa dinami-dami ng mga babae sa concert, ikaw ang nakakuha ng atensiyon ko. Sabi ko walang love at first sight. Love didn’t exist in my vocabulary at all. After my dad left us and I saw how my mom broke down into pieces, naisip ko na mas mabuting huwag na lang ma-in love. Baka makasakit kasi ako tulad ni Daddy. And I was too focused with myself that time. I don’t even write or sing love songs because I never believed in it. Until I saw you in the middle of the crowd.

“Sa unang pagkakataon, nakapag-compose ako ng love song. I wanted to sing it for you. At nang kumanta ako sa harap mo at inabot mo sa akin ang kamay ko, hinawakan ko iyon kahit na alam kong bawal. Even if it would cause trouble. It was the first time that I wanted to hold someone so badly. I wanted to touch you to know if it was real, if you were real. You touched my heart and I felt so vulnerable. Ni hindi na ako nakapag-isip.”

“You risked your life just to hold me?” She could still imagine the mix horror and heaven she felt that day. Habang dinudumog sila ng mga tao, yakap siya nito. And nothing else mattered. Not even her own safety.

“I told myself that I should just treat you as a fan. An ordinary fan. That you weren’t any different from other girls who want to get my attention. Pero nang yakapin kita, alam ko na ikaw ang babaeng gusto kong protektahan. That I would even risk my life for you. And I’d give up everything to be with you.”

“I thought you were just being nice to me because I am your fan,” she said sadly. “Na ganoon ka rin naman sa ibang babae, di ba?”

“I sent you flowers and gifts since you went out of the hospital. Nagtaka ako nang di mo iyon natanggap. Nang pormal na sana akong manliligaw sa iyo noong mag-fashion show ang school ninyo, nagpaalam ako sa ate mo. She told me that you were still too young. She wanted you to grow up and mature more.”

“Sinabi niya iyon sa iyo?”

Tumango ito. “Hindi ka sigurado noon kung gusto mo lang ako dahil sikat ako. You might be infatuated with a rockstar. You might not appreciate the real me. At pareho lang tayong masasaktan kapag hindi nag-work out ang relasyon natin lalo na kapag na-realize mong hindi mo talaga ako mahal. So I took my time. Lumayo ako. I also want to make sure about how I feel. Pero alam ko ang lahat ng nangyayari sa iyo. Kung paano ka unti-unting naging successful. After six years and I still can’t get you out of my head, I joined the riding club. Pero nang magkita tayo ulit, galit na galit ka naman sa akin.”

“Maraming nangyari, JED.” Those memories could ruin them together.

Ginagap nito ang kamay niya. “I am sorry. It was my fault. I made you feel deserted.” Kinintalan nito ng halik ang kamay niya. “But I’ll try my best to make you fall for me again. Kahit na mahirap. Kahit na matagal.”

She touched his face gently. She could see so much love in his eyes and it made her weak. So weak. “No matter how much I teach myself to hate you, you can always find a way to melt my heart. I hated that rockstar who left me and made me feel worthless. Pero nang bumalik ka, ipinaramdam mo sa akin na ako lang ang pinaka-importanteng babae sa mundo. You showed yourself as a mortal. Hindi ang rockstar na tinitilian ng marami. And I can’t seem to shake you off my head. Tama ka, infatuated ako noong fan mo pa ako. But I love you now. I like you more when you are off the camera with no screaming fans at your back. As if you are mine.”

He put his arms around her. “I am yours. Always yours, my fairy. Ibig bang sabihin girlfriend na kita?”

“Of course. After that kiss… obvious naman na in love ako sa iyo, di ba? Ni wala ngang take two ang eksena natin kanina.”

Humalakhak ito. “Ikaw lang ang hiningi kong kondisyon kay Neiji para ituloy ang commercial. At hindi iyon alam ng bandmates ko. Ang alam ng lahat, kasama talaga iyon sa eksena. At sinadya ko na hindi mo malaman ang magiging eksena natin dahil baka umurong ka o kaya magalit ka lang sa akin.”

She stared at him with so much love in her eyes. “Mukha ba akong galit?”

“I think you are the happiest girl in the world right now.”

“You got it right,” she said as she pulled her nape and their lips met.

HINAHAPLOS ni JED ang buhok niya habang kinakantahan siya. They were at the waterfalls. Nasa lilim sila ng cottage habang nakahiga siya sa kandungan nito. Iyon ang bagong kantang na-compose nito para sa kanya.

“What do you think?” he asked.

Naghikab siya. “Inaantok ako. Effective na lullaby.”

Pinisil nito ang ilong niya. “Come on. Be serious.”

Bumangon siya. “Of course it is lovely.” Yumakap siya sa baywang nito. “Because you composed that song for me.”

Kapag wala itong schedule sa Manila ay lagi itong nasa riding club. Bukod sa magkasama sila maghapon, mino-monitor din nito ang ipinagagawang villa sa Woodridge Mansion na di kalayuan sa Forest Trail. Parang napakasimple lang ng lahat para sa kanilang dalawa. Marami rin silang bagay na pinagkakasunduan kaya hindi sila nagkakaroon ng problema. Everything was perfect.

“Malapit na ang launching ng commercial at MTV ng Stallion Shampoo. And the world will know everything about us.”

“JED, madidismaya ang fans mo,” nag-aalala niyang sabi. “Pwede naman nating huwag munang sabihin na girlfriend mo na ako.”

“How about my effort to inform the world how much I love you?”

She smiled sweetly. “The world doesn’t have to know. Ang importante alam nating dalawa na in love tayo sa isa’t isa. Di naman lalabas ang balita sa riding club.”

“Bakit ba masyado mong iniisip ang career ko? I want to be happy. I am proud to have you as my girlfriend.” He nudged her chin. “So forget about it. It is high time that I think about my life with you.”

Hindi na siya tumutol. Di niya alam kung bakit bahagya siyang nakaramdam ng takot. As if their lives were about to change drastically. And the paradise atmosphere of Stallion Riding Club couldn’t protect them anymore.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.