Stallion Series (Sofia Edition) Chapter 94

“Ah! They are so sweet,” usal ni Yoanna habang pinapanood ang pagsasayaw ng mga magulang ni Alastair. Mahigit singkwenta na ang mga ito pero bakas pa rin ang pagmamahal sa isa’t isa. They were dancing the Argentinean tango and there was too much passion in their eyes. “Sana ganyan din ako kapag ikinasal na ako.”

“That’s what you call love,” Alastair said with longing in his voice. Bigla itong tumikhim nang makita nitong nakatingin dito si Kester at umupo ito nang tuwid. “E-Excuse me. May nakalimutan akong ibilin sa assistant ko. I have to make a call.”

“Hanggang dito ba puro trabaho ka pa rin. Mamaya na iyan,” angal niya. Boyfriend lang naman nito ang tatawagan nito. Kapag umalis ito, silang dalawa na lang ni Kester ang maiiwan.

“Babalik din ako agad,” anito at tinanguan ang kapatid.

The air suddenly grew thick when Alastair left. Itinuon na lang ulit niya ang atensiyon sa mga nagsasayaw sa dance floor. “You must be really bored at the moment,” Kester uttered and took the seat beside her.

“No. I am actually enjoying the night,” she said then sipped the red wine.

“You really don’t have to pretend, Yoanna. I know the things you enjoy. You want it loud and wild with dancing lights. Relaxing music bores you. Saan ka ba madalas ngayon? Street parties perhaps or underground bars…”

Nakataas ang kilay niya itong nilingon. “Are you sure?”

“That’s the Yoanna I know. I am sure marami pang hindi nagbabago sa iyo. Like the fact that you still abhor blood.”

Naalala niya nang minsang isama siya ni Kester sa medical mission nito. Nagkataon na may sugat ang unang pasyente na in-assist niya. She nearly fainted. Takot naman talaga siya sa sugat. Pero ang akala ni Kester ay umaarte lang siya o sadyang maarte. Lalo tuloy sumama ang impression nito sa kanya.

She smiled sweetly. “How sweet of you, Kester. Ibig sabihin, after seven years iniisip mo pa rin ako. That is so touching,” she said in an exaggerated tone. “I am wondering. Ano pa kayang ibang bagay ang naaalala mo tungkol sa akin?”

She used a sultry voice. Parang nang-aakit. He stiffened. Of course, he also remembered the last night they were together. The night she offered her self to him and she was blatantly rejected.

Iniwas nito ang tingin sa kanya. Ngumiti ito nang makitang papalapit na sa table nila ang mga magulang nito. “That was great, Ma, Pa!”

“Do you like it, too, Yoanna?” tanong ni Katalina.

Tumango siya. “Of course. That’s what I call authentic Argentinean tango.”

“Hindi mo lang alam kung anong ginawa ng Tita Kat mo sa akin, Yoanna,” wika ni Gudofredo. “She forced me to attend that dance class with her. Gusto daw niyang matuto rin ako. At nang sinabi kong busy ako, nag-employ pa siya ng stay-in na dance instructor para sa amin. She nearly killed me.”

“You should also dance with Yoanna, Kester,” wika ni Katalina. “Show her how Argentinean tango is done.”

“Oh! He can dance!” she exclaimed with a hint of sarcasm.

“I don’t think dancing that one is a nice idea.” Argentinean tango was not a usual tango. It was a dance about passionate lovemaking. Dahil sa sobrang sensual ng sayaw ay ibinawal pa ito ng simbahan sa Argentina. Kester looked at her wearily. “I don’t think dancing with Yoanna is a nice idea at all.”

Di niya mapigilang ngumiti. Naisip siguro nito kung ano ang tumatakbo sa utak niya. With that popular kick between the legs step, she might hit his shin… bull’s eyes! Sayang ang magandang lahi nito kapag nagkataon.

“Don’t you like dancing with her?” tanong ni Katalina.

“She’s a dance diva. I would pale in comparison.”

She was a good dancer. Member siya ng dance troupe mula elementary. Isa pa, sadyang di forte ni Kester ang pagsayaw. At ayaw nitong magkaroon ng pagkakataon na maging intimate sila o magkalapit sila. She could see the fear in his eyes. Or maybe he simply loathed her presence until now. Tanggap na niya iyon pero may bahagi pa rin sa puso niya na nasasaktan sa rejection nito. Pero hanggang doon lang iyon. Di nito malalamang naaapektuhan siya.

“Tita, it’s okay,” nakangiti niyang wika kay Katalina. “Dati pa naman, alam nating walang hilig ang sayaw kay Kester. Kami na lang pong dalawa ni Alastair.”

Nakita niya ang kaibigan na papalapit sa kanila. Bago pa makalapit sa table si Alastair ay hinila na niya ito sa dance floor. “Let’s dance,” she whispered.

Napilitan itong sumunod sa kanya at di na nakipagtalo. Saka lang siya naging komportable sa pagkilos niya dahil nakalayo siya kay Kester. It was another round of traditional tango. “So what happened between you and my brother?” he asked. Isa sa talent nito ay I-lead siya sa pagsasayaw ng tango habang nakikipag-kwentuhan.

“Hindi mo kami dapat iniwan,” mariin niyang wika. “Magpasalamat talaga ang kuya mo. Kung hindi, baka nasakal ko na talaga siya.”

“Hanggang ngayon nag-aaway pa rin kayong dalawa?”

She tried to smile even if her skin was itching to make a face. “Sabi niya, huwag na daw akong magkunwari na nag-e-enjoy ako sa ganitong klaseng crowd. That I still prefer the lively and wild ones. Sa harap ng parents mo, tinanggihan niya akong isayaw. Na parang magsayaw lang kaming dalawa, masisira ang reputasyon niya. Masama pa rin ang impression niya sa akin. He still hates me.”

When she and Alastair were in college, he loved bringing her to underground bars specially designed for closer gays like him. Sa lugar lang kasi na iyon nito nailalabas ang frustration nito. Naipapakita nito ang tunay nitong pagkatao nang walang nanghuhusga dito. Minsan ay nagtalo ito at ang Papa nito tungkol sa dapat ay pagsunod nito sa Argentina. Naglasing ito at siya ang sinisi ni Kester nang makauwi si Alastair. Masama daw siyang impluwensiya.

“Huwag ka na lang magpaapekto kay Kuya Kester. Alam mo naman ang lalaking iyon. Killjoy. Masyado iyang santo. Lahat ng dapat gawin ay para sa ikabubuti ng sangkatauhan. Minsan nga iniisip ko kung virgin pa rin siya ngayon o nakahalik na siya ng babae,” anitong pigil ang ngiti.

“At the age of thirty-four?” Nanlaki ang mata niya. “You must be kidding.”

“Hindi na ako magtataka kung mangyari iyon. Kung na-rape mo siya dati, at least alam kong hindi na siya virgin?”

Magpasalamat ito dahil ayaw niyang masira ang sayaw nila. Kung hindi ay tinapakan na niya ito. Pamatay na stiletto heels pa mandin ang suot niya. “Last warning, Alastair Mondragon. I-open mo pa ulit ang topic na iyan at tiyak na mapapatili ka sa gagawin ko sa iyo.”

“Sa orgasm lang ako tumitili. At malabong maibigay mo iyon sa akin,” ngingisi-ngisi nitong sabi. “Pero kung gusto mong pagtangkaan ang puri ni brother dear, I am willing to help. Ipapa-kidnap ko siya tapos ide-deliver ko sa iyo. Tingnan ko lang kung matanggihan ka pa niya.”

“Kahit maghubad pa ang kapatid mo sa harap ko, di na ako magiging interesado sa kanya. Salamat na lang,” mataray niyang sabi.

She would never like the man who judged her easily and thought that she was a loose woman. Di naman niya mababago ang anumang iniisip ni Kester tungkol sa kanya. Kung ayaw nito sa kanya, mas lalong ayaw niya dito.

NARINDI si Yoanna sa sunud-sunod na ring ng telepono sa tabi niya. Dumapa siya sa kama at saka dinampot ang awditibo. “Hello!” Masarap na masarap pa ang tulog niya. Di niya alam kung bakit may nambubulahaw sa kanya.

“Yoanna! Kagigising mo lang?” bulalas ni Jenna Rose na nasa kabilang linya.

Bahagya niyang isinubsob ang mukha sa unan. “Anong kagigising lang? Katutulog ko lang dahil ilang araw na akong walang tulog.”

Ilang araw na absent ang night manager ng guesthouse. Kailangan niyang alalayan pati ang assistant night manager at kailangan din siyang dilat sa umaga dahil iyon ang shift niya.

“Pero ngayon ang farewell party ni Doc Celeste,” anito at narinig niya sa background ang maingay na tugtugan.

Napaungol siya nang maalala. “Nakalimutan ko.” Alas nuwebe na kaya nagsisimula na ang party. “Give me an hour. Susunod ako diyan.”

“An hour? The Switch will be performing soon. Mga thirty minutes pa. Kaya kung di ka pa dadating, di mo maririnig ang bagong composition ni JED.”

Nobyo ni Jenna Rose ang vocalist ng bandang Switch na si Jason Erwin Dean. At kahit na rock band pa, makiki-jive ang banda sa 60’s at 70’s theme ng farewell party para sa resident doctor ng riding club. At favorite niya ang banda kahit noong nagsisimula pa lang ang mga ito. Pero di halos siya makagalaw sa pagod kahit na gusto pa niyang maki-party.

“I think I am starting to feel too old for this.” Parang gusto na lang niyang matulog kundi lang gusto niyang makiisa sa pagpapaalam sa butihing doktora. Lilipad na ito papunta sa London upang sundan ang fiancé na businessman doon. Doon na rin magpapakasal ang mga ito at titira.

“Mag-stay ka lang kahit na one hour. Saka ka ulit matulog. Magtatampo sa iyo si Doctora kapag hindi ka pumunta.”

Bumangon siya. “Okay. Okay. Give me thirty minutes.”

Basta na lang niyang hinablot ang red layered dress sa closet niya at ihinagis sa kama. Saka siya nag-shower. Within thirty minutes ay dumating na siya sa labas ng Lakeside Bistro and Music Lounge kung saan ginaganap ang party.

Halos lahat ng members ng riding club maging ang kanya-kanyang companion ng mga ito ang pumuno sa grounds. Karaniwan na iyon kapag may party sa riding club. Stallion Riding Club was not only a place for those busy men to relax. Ang marami sa mga ito ay idinadala din ang kanya-kanyang business agenda sa club. Karamihan naman kasi ng members ng riding club ay may sinasabi sa lipunan.

“Finally, dumating na rin si Sleeping Beauty,” wika ni Doctora Celeste nang mamataan siya. “Akala ko hindi ka na dadating.”

Humalik siya sa pisngi nito. “I am sorry. Di bale may gift naman ako.” Wala na kasi silang chance pa para mag-bridal shower dahil lahat ng mga tao sa riding club ay busy. “Para sa honeymoon ninyo,” aniya at bumulong dito.

Napangiti na lang ito nang may halong kapilyahan. “You are forgiven.”

“I am so happy for you.” Tulad kasi niya, inisip din nito noon na dito na ito mag-aasawa at mabuburo na lang sa riding club. Hanggang magkita ito at ang dating nobyo na nagbakasyon mula sa London. Inayos na agad ang papers nito dahil ayaw na daw ng nobyo nito na magbago pa ang isip nito. “Mami-miss ka talaga namin dito.”

“Don’t worry. May papalit naman sa akin. I think he is yummy. He is the type of guy who would make your blood boil. Kung di ko lang love si Denver, iyon na lang ang pipikutin ko. Kaya sa iyo ko na lang siya ihahabilin.”

Matagal na siya nitong ipinagtutulakan na magkanobyo. Bata pa daw siya kaya dapat ay ma-enjoy niya ang buhay niya. “Bakit naman ako agad? Andiyan pa si Doktora Tamara. Mas matanda sa akin iyan. Magti-thirty na,” aniya at inginuso ang resident veterinarian ng riding club.

“Wala sa edad iyan,” sabi naman ni Tamara. “Not interested.”

“Naku! Mas mahihirapang magka-boyfriend iyang si Tamara. Alam naman natin na bawal iyang mag-asawa hangga’t di sinasabi ni Haring Reid,” sabi ni Celestine, ang may-ari ng Lakeside Bistro and Music Lounge. Si Reid Alleje ang may-ari ng Stallion Riding Club. They usually call him as The King. Pakiramdam kasi nito ay kaya nitong kontrolin ang lahat ng nasa lupain nito.

“Mas lalo namang ayoko sa doktor,” protesta agad niya. “I have this aversion to blood.” Pero mas matindi ang aversion niya sa mga male doctors na guwapo.

“Nasaan nga pala si Doc?” tanong naman ni Sindy. “Excited na akong ma-interview siya.” Bilang resident writer ng riding club, trabaho nito na mag-interview o mas tamang intrigahin ang buhay ng mga bagong empleyado para sa website ng riding club at sa isusulat nitong nobela. “May girlfriend na ba siya?”

“Mukha namang wala. Sabi ni Reid, nasa kabundukan pa ang bago nating doktor,” sabi ni Tamara. “Mahilig siya sa mga medical mission at mahilig ang pamilya niya sa mga charity works.”

“I am a charity case,” singit ng isa sa mga guest. “I am single. Baka pwede nang siya ang maging boyfriend ko.”

Lalong sumakit ang ulo niya. Ayaw niya sa mga doktor na guwapo at mahilig sa charity works. Naiisip lang niya si Kester. “Excuse me.” Ayaw na niyang makarinig pa nang kung ano tungkol sa bago nilang doktor. Naririndi na siya.

Gaano na ba katagal nang huli niya itong nakita? Isa? Dalawang linggo? Mas pabor siya kung di niya ito makikita. Narinig niya sa usapan nito at ng mga magulang nito na may medical mission ito sa Cagayan at Isabela para sa mga katutubong Dumagat na nakatira doon. Mas mabuti pang doon na lang ito para mas maging kapaki-pakinabang ito. Kaysa naman magkita sila pero sisirain naman nito ang araw niya. Mabuti na lang di ito maliligaw sa riding club.

Bitbit ang piña colada niya ay magmumukmok sana siya sa isang sulok nang harangin siya ni Reichen, ang kapatid ni Reid at itinuturing niyang pinaka-notorious na playboy sa riding club. “Let’s dance, Yoanna.”

“Iba na lang ang yayain mo, Reichen.”

“Ikaw lang naman ang kilala kong magaling magsayaw ng swing. Kapag di ka nakipagsayaw sa akin, araw-araw kitang kukulitin na makipag-date sa akin.”

Natigilan siya sa banta nito. Mas ayaw naman niya iyon. Tiyak na magiging tampulan siya ng tsismis. Sinumang madikit ang pangalan kay Reichen ay nasisira ang magandang reputasyon. At ayaw niyang mangyari iyon.

“Sige. Just this one and you won’t bother me anymore.”

“That is a promise,” he said then pulled her at the dance floor.

Reichen was a great dancer. Kaya naman pati siya ay nadala sa pagsasayaw nito. Hanggang sila na lang dalawa ang naiwan sa dance floor at pinapanood ng lahat. Humihingal na siya nang mag-side dip upang tapusin ang sayaw.

Inulan sila ng palakpakan. Nang ibalik siya ni Reichen sa table niya, dinumog naman siya ng mga lalaking gusto siyang isayaw. “Sayaw din tayo, Yoanna.”

“Next time na lang,” sabi niya. “Pagod pa ako.”

“Dance with me instead,” anang isang anak ng senador.

“E-Excuse me. Sa powder room lang ako,” aniya at tumayo. Subalit sinundan pa rin siya ng makukulit na guests. Tumigil siya sa malapit sa pinto at hinarap ang mga. “Please leave me alone!”

Dali-dali siyang tumalikod hanggang mabangga siya sa matigas na katawan ng isang lalaki. Naitukod niya ang palad sa katawan ng nabangga. “I-I’m sorry… I…”

“Having trouble with your admirers, Yoanna?”

Napakurap siya at napatitig sa nabangga niya. She was shocked. “K-Kester…” Tinitigan pa niya itong mabuti. “Kester! What are you doing here?”

“Finally, our new doctor is here,” wika ni Reid at tinapik ito sa balikat. “Everyone, let’s welcome Doctor Kester Mondragon.”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.