“Gosh! He is a hottie!”
“Doctor, Doctor, I am sick. Help me!”
Nag-iinit ang tainga ni Yoanna habang pinakikinggan ang mga usap-usapan ng mga babae sa riding club. Maging ang mga companion ng mga guest at member ay si Kester ang pinag-uusapan. She tried to focus her attention to the band playing on stage. Baka sakaling mawala sa isip niya kahit sandali si Kester.
It was hell finding out that he would be their new resident doctor. Di kasi siya interesado sa mga lalaki kanina kaya hindi siya nagtanong. At lalong malayo sa hinagap niya na magkaka-interes si Kester sa eksklusibong riding club. Bakit pa? Marami naman itong pera. At ang goal nito ay pagsilbihan ang mga mahihirap at walang kakayahang magpagamot. The riding club was hardly a charity case.
“Got tired of dancing, Dancing Diva?”
Muntik na niyang mabitiwan ang hawak na baso ng piña colada. Ang piña colada na di na niya magawang galawin pa dahil sa pagdating ni Kester. Parang props na nga lang niya iyon na hawak lang sa isang kamay.
Paglingon niya ay nasa tabi na niya si Kester. The air suddenly become so thick, she could hardly breathe. “I am not a dancing diva,” she denied and focused her eyes to the band once more.
“Regarding sa dami ng gustong makipagsayaw sa iyo kanina, you sure are. Looks like you are the riding club’s resident dancing diva.”
Tiningala niya ito. Di kasi niya alam kung pinupuri siya nito o tinutuya. Pero sa palagay niya ay mas malamang ang huli. “And what are you doing here, Doctor Saint? This is hardly a place for charity missions.”
“Bakit? Kailangan bang puro charity missions lang ang puntahan ko? At ang mga tao ba na tumutulong at mahilig makihalubilo sa mahihirap, di na ba pwedeng tumuntong sa riding club. That is a snob remark, Yoanna.”
“Hindi ka lang bagay dito.”
“Or maybe you don’t want me to be here.”
“At bakit mo naman nasabi iyan?” aniya at sinulyapan ito.
Nagkibit-balikat ito. “Just a feeling.”
Mabuti naman at alam nito. Pero di niya ipapakita dito na ayaw niya dito. Kapag kasi sinusungitan niya ito o di pinapansin, saka naman ito lapit nang lapit sa kanya. And she couldn’t get rid of him that way.
She smiled sweetly. “At bakit naman ayaw kitang makasama? I am actually glad to see you here because you are so nice to me. I am wondering why you are here.” She toyed with his tie. “Maybe you want to continue with where we left off seven years ago.”
She was fascinated as she watched his face pale. “S-Seven years ago?”
Binasa niya ng dila ang labi niya. Bahagya pa niyang inilapit ang katawan dito. “Come on. Don’t be a coy. Kaya ka nga nandito sa riding club, di ba?”
“W-Wait! Don’t get any wrong notion about it. Nandito lang ako para magtrabaho at hindi para sa iyo!” anito sa nanginginig na boses. As if he was starting to lose control. Or maybe scared.
Magaan niyang hinila ang necktie nito para lumapit ang mukha nito sa kanya. She traced the contour of his lips with the tip of her finger. “Sa dinami-dami ng lugar, bakit dito pa kung nasaan ako?”
“Coincidence. Maganda lang ang offer dito at…”
Pumalatak siya at umiling. “Don’t deny it, Kester. I know what you feel because I feel the same way.”
Pilit nitong inilayo ang sarili sa kanya. “You are crazy!”
“Sino kaya ang mas baliw sa ating dalawa? If you don’t want me, why do come here in the first place? Bakit mo pa ako kinausap? Alam mo naman ang mangyayari kapag lumapit ka sa akin, di ba? I will eat you alive.”
“Kester, are you having a great time?” tanong ni Reid nang lapitan sila.
“Of course, boss. He is definitely having the time of his life,” aniya at umabrisyete kay Kester. “I make sure that he will enjoy his new work here.”
Noong una ay kumunot ang noo ni Reid. Ang alam kasi nito ay masungit siya sa mga lalaki at suplada. Pero ngayon ay siya pa mismo ang nakadikit kay Kester. “Matagal na ba kayong magkakilalang dalawa?”
“Yes, Sir. Kung di nga lang umalis si Kester seven years ago, sana…” Sadya niyang ibinitin ang sasabihin at saka ngumiti. “I was surprised to see him again. Hindi niya sinabi na dito siya magtatrabaho sa riding club. Isn’t it sweet?”
“Ah, I see,” anang si Reid at tumango na lang.
“No. It’s not what you think,” Kester said defensively.
“Huwag mo na lang masyadong pupuyatin si Kester, Yoanna. Tandaan mo na ayokong male-late ang mga tauhan ko dito lalo na’t first day niya bukas,” sabi ni Reid at iniwan na silang dalawa.
“E-Excuse me,” sabi ni Kester sa nagpa-panic na tono. Kumalas ito sa kanya at hinabol si Reid. “S-Sandali, pare! May importante tayong pag-uusapan.”
Di niya mapigilang humalakhak nang makita kung gaano kabilis tumalilis palayo ni Kester. As if she was a bloodsucking monster. “See you later then, Darling,” pahabol pa niya at kumaway dito.
“What is that scene all about?” tanong sa kanya ni Celeste.
“What scene?” she asked innocently.
“God, Yoanna! You practically scared our new resident doctor away. You are trying to seduce him in public. That is not you! Hindi ka naman forward sa mga lalaki. Ayaw mo pa nga sa kanila. And I think our new doctor likes his women tame, docile and conservative.”
“Well, the one you saw a while ago is the real me according to his book,” she said wryly. “Tanungin mo pa siya kung ano ang tingin niya sa akin. He will tell you that I am someone wild and loose.”
“Pero imposible! You are not that type of girl.”
“I know Kester since I was seventeen. Bestfriend ako ng kapatid niya. Dahil madalas kami sa mga parties at gimmick, tingin niya bad influence ako kay Alastair.”
“Siguro dati. But you are perfect lady now.”
“Mas mabuti nang ganito ako, Doctora. Mas gusto kong huwag na lang magbago ang tingin sa akin ni Kester. Ayaw niya sa akin at ayoko rin sa kanya. The feeling is mutual and that is fine with me.”
“Akala ko pa mandin magiging okay na kayong dalawa. Sa lahat kasi ng guest na nandito, ikaw lang ang kinausap at nilapitan niya.”
“He definitely wants to ruin my day. Pero tingnan natin ngayon kung sino ang sira ang gabi.” Nilingon siya ni Kester. Matalim ang tingin nito. Matamis niya itong nginitian. Then she blew a kiss at his direction. His face suddenly became grim. At iniwas na nito ang tingin sa kanya.
“Will you stop that? Hindi mo pwedeng gawin iyan lagi. Magkakasama na kayo sa riding club. Di bale sana kung magtatagal pa ako dito para maayos ang gulo sa inyong dalawa. He should see the real Yoanna.”
“It is just a waste of time. Huwag na natin siyang isipin. Mabo-bore lang tayo.” Hinila niya ito sa dance floor. “Mag-party na lang tayo.”
The Stallion Riding Club was her territory. Problema na ni Kester kung pinasok nito ang teritoryo niya. Isa lang ang titiyakin niya. Hindi na siya nito masasaktan pa. And she would definitely enjoy ruining his day.
“ALASTAIR MONDRAGON!” makabasag-eardrum na sigaw ni Yoanna nang sa wakas ay makausap sa telepono si Alastair.
“Good morning, Yoanna! Sorry. Just woke up!”
“Just woke up? Kagabi pa ako tawag nang tawag sa iyo, di mo sinasagot.” Naka-divert ang cellphone nito sa voice mailbox. At kung tatawagan naman niya ang landline nito, answering machine lang ang sumasagot. “Hindi ko tuloy alam kung sadyang pinagtataguan mo lang ako.”
“Of course not, my darling. Bakit naman kita pagtataguan? Ayoko lang ng interruption. Burke is here,” pabulong nitong sabi. Isang American na naka-base sa Pilipinas ang boyfriend nito. At mukhang di lang laro-laro ang relasyon ng dalawa. Tanggap kasi ni Burke ang pagkatao ni Alastair. “So how’s the party?”
“Great!” she uttered sardonically.
“And how’s the new doctor? Is he a hunk?” nanukso nitong tanong.
She gritted her teeth. “Of course he is a hunk. Because he happens to be your dear brother, Doctor-slash-Saint Kester Mondragon!”
“Oh, really?” bulalas nito. “Paano nangyari iyon? Si Kuya Kester, nandiyan sa Stallion Riding Club!”
“Oh, really? Paano nangyari iyon?” she mimicked his voice. “Don’t give me that crap, Alastair. Magkapatid kayong dalawa at hindi mo alam ang plano niya?”
Saglit itong nag-isip. "Hmmm… I remember now! Nabanggit niya sa family dinner namin last week bago siya pumunta sa Cagayan Valley. May offer nga daw sa kanya si Reid Alleje para magtrabaho sa riding club. Magkasama sila sa isang organization noong college kaya close silang dalawa.”
“At bakit naman niya tinanggap ang offer? Parang malayo naman sa itsura niya na pagsisilbihan ang mga mayayaman. Hindi ba mas importante nga sa kanya na tulungan ang mga less fortunate?”
“Maganda ang offer sa kanya sa riding club. Tutulungan pa siya ni Reid para kumuha ng mga sponsors para sa foundation. Saka wala naman siyang masyadong gagawin sa riding club. Sa free time niya, makakapag-medical mission pa rin siya. Not bad, I guess.”
“How convenient!” Magpapaalipin ito sa mga mayayaman para lang tumulong sa mga mahihirap. Malapit na niyang ipagpatayo ng monumento si Kester. “At bakit hindi mo sinabi sa akin ang tungkol dito?”
“Hindi ka naman interesado, di ba? Marinig mo pa nga lang ang pangalan ni Kuya Kester, magtatakip ka na ng tainga. And if I insist, aawayin mo pa ako.”
“Siyempre. Hindi naman siya significant sa buhay ko.”
“At sabi mo, hindi ka na apektado pa sa kanya. So naisip ko na wala kang pakialam kahit na malaman mo pang magkakasama kayo sa riding club. Sabi mo pa nga, wala ka nang pakialam sa kanya kahit siya pa ang pinakaguwapong lalaki sa mundo. Di ba? Di ba?”
“Oo na. Sinabi ko na. Pero sana nagbigay ka ng warning sa akin. Para napaghandaan ko ang pagdating niya dito. Hindi na ako nagugulat.”
“Tapos na. Hindi na kita nabigyan ng warning. Alam mo nang nandiyan si Kuya at nagulat ka na. Tapos na kaya huwag mo na akong awayin.”
“Hindi ko alam kung kaibigan ba talaga kita.”
“Yoanna, okay lang na di mo aminin mo sa akin na gusto mo si Kuya. Na apektado ka na nakikita mo siya.”
“I said I don’t give a damn!”
“Then you will be fine.”
“I am not fine!” sigaw niya sa wakas pagkababa ng telepono. Kahit sabihin pa niyang wala siyang pakialam ay apektado pa rin siya kay Kester. Di pa rin niya maiwasang titigan ito habang nasa party. Iniiwas niya ang tingin niya dito pero bumabalik pa rin ang mata niya sa direksiyon nito na parang may magnet. At kapag nahuhuli siya nitong nakatingin, malakas na malakas ang kaba sa dibdib niya.
Bakit kailangan pa kasing magkasama sila sa iisang lugar lang? Naguguluhan tuloy siya kung ano ang tunay niyang nararamdaman. Kung galit nga ba siya dito o ang pagpapa-cute dito.
Napagdiskitahan niya ang mga naiwang gamit ng mga kasamahan na nakakalat sa sala. Sa kamamadali marahil ng mga ito ay di na naayos ang mga gamit. Ka-share kasi niya ang mga tauhan sa tinutuluyang lodging na para lang sa mga tauhan ng guesthouse. Maid yata ang tingin ng mga ito sa kanya.
Nagwawalis siya sa sala nang tumunog ang doorbell. Nagulat siya nang si Kester ang nabungaran niya. “Good morning!”
“Well, what do we have here? Doctor Kester Mondragon!”
“Dinadalaw kita. Masama ba?”
Dinadalaw daw. Samantalang kagabi ay nanginginig na ito at mabilis na tumatakbo palayo makita lang siya. “May sakit lang ang dinadalaw.”
“Hindi ba may sakit ka kaya hindi ka pumasok sa trabaho?”
“Ako? May sakit?” Tumaas ang kilay niya. “Sino naman ang nagsabi niyan?”
“Ako. Dumaan ako sa guesthouse kanina. Sabi ng assistant mong si Maricon, wala ka daw. Kaya nga pinuntahan kita dito. Naisip ko na baka nagka-hang over dahil sa party kagabi. Dinalhan kita ng gamot para hindi na sumakit ang ulo mo.”
“Mukha ba akong may hang-over?” nakataas ang kilay niyang tanong. Ni hindi nga siya halos uminom ng matapang na wine. Puro piña colada lang ang ininom niya. And it didn’t make her dizzy. Natural lang na wala siya sa guesthouse dahil wala naman siyang pasok. Day off niya.
But what could she expect from Kester. He always thinks the worst when it comes to her. Ang isang simpleng bukol dito ay nagiging cancer.
Tumango ito. “Yes. I guess so. Mukha ka kasing masungit ngayon. Ni hindi mo man lang ako nginingitian.”
She was taken aback. Malala nga pala ang mood swing nito. Kapag nagsusungit siya, lapit nang lapit sa kanya. At kapag naman inaakit niya ito, kumakaripas ng takbo. Hindi tuloy niya alam kung dapat siyang matuwa dahil nag-abala pa itong dalhan siya ng gamot kahit na may trabaho naman ito. Di niya alam kung concern ito sa kanya o nang-iinis lang. Kailangan pala ay maging sweet siya dito at magpa-cute para malaman nitong wala siyang sakit.
She smiled sweetly. Iyon naman kasi ang gusto nitong makita sa kanya. Saka niya hinila ang kamay nito papasok ng bahay. “Come in. Sorry kung di kita napapasok agad. Lagi mo naman kasi akong sinu-surprise.” Then she locked the door. Saka sinandalan niya ang pinto. Parang ayaw na niya itong palabasin. “Thanks for the concern, Kester. Ibig sabihin aalagaan mo pala ako kung may sakit ako?”
Napalunok ito. Halatang takot dahil silang dalawa na lang at ini-lock pa niya ang pinto. “H-Hindi naman talaga ako magtatagal. Gusto ko lang I-check kung gaano kalala ang hang-over mo. Natural lang naman na mag-alala ako sa iyo dahil isa ka sa mga empleyado ng riding club na dapat alagaan. Kasi…”
“I know. I know. But I had always been special, right?” Hinaplos niya ang pisngi nito. “Alam ko na gusto mong magkasarilinan tayong dalawa kaya ka nandito. I also like that. Very much.” She smoothed her hands over his broad shoulder. “I am willing to prove that I am okay.” Tumingkayad siya. Their lips almost touching. “Where do you want to start, darling?”
Pinigilan nito ang balikat niya at bahagyang idinistansiya ang sarili sa kanya. “Yoanna, I think you are really okay. Babalik na ako sa clinic. Baka kailangan na ako doon. M-Magpahinga ka na lang siguro.”
She pouted her lips exaggeratedly. “You are leaving right away? Ni hindi pa nga tayo nakakapagsimula.”
“I am sorry. I-I got work to do,” anitong di magkandatuto sa pagbubukas ng lock ng pinto. “Uhmmm… how does this thing work?”
She wanted to roar with laughter. Daig pa kasi nito ang batang nakakita ng monster. She unlocked the door herself. “Calm down, Kester. You are like a virgin who is torn between eagerness to make love for the first time and…”
“Hindi na ako virgin,” anitong nadulas ang dila.
Ngumisi siya. She didn’t know why he was so touchy. Nawala tuloy ang pagiging in control nito nang mga oras na iyon. “Well, that is nice to hear, darling. At least I don’t have to teach you.”
“Let me clear this, Yoanna. You don’t have to teach me anything. Walang mangyayari sa ating dalawa. You will always be my brother’s bestfriend. I will even treat you nicely but that is it. I didn’t come here for you…”
Hinaplos niya ang noo nito. “Bakit pinagpapawisan ka nang malapot?”
“Headache,” nasabi na lang nito at tuloy-tuloy na lumabas.
Sumakit ang tiyan niya katatawa nang makaalis na ito. She loved annoying Kester. Alam niyang siya ang sakit ng ulo na tinutukoy nito. At kanina lang niya ito nakitang natakot nang todo.
Nang mga oras na iyon, sa halip na mainis siya ay nag-enjoy pa siya. She would love to see Kester tremble some more.