Taming the Brash Princess (Filipino) Chapter 32

"Siya. Kasi di pa siya nakaka-move on," sagot ng tiyahin niya. "Ikaw kasi nakaka-move on na. Sinimulan mo na nga kanina, di ba?"

Muntik nang bumagsak ang panga ni Miller. What the heck! Bakit kailangan pang patulan ng tiyahin niya ang kalasingan ni Nadine o inaasar lang siya nito? Para sa isang taong gustong manuyo at bumawi sa kanya, bakit lalo nitong pinapahirap ang sitwasyon niya?

Ipinasok ni Karim si Nadine sa cottage kung saan ito tutuloy. Susunod sana si Miller pero hinarangan siya ng tiyahin. "I am sorry. You are not allowed to get inside. Hindi dito ang cottage mo." Ngumuso ito sa may kadilimang pathwalk na natatanglawan lang ng malamlam na ilaw. "Doon ka. Sasamahan ka ni Karim”

"Yes. Pero baka may maitutulong po ako. I admit kasalanan ko kung bakit malungkot si Nadine. I want to make her feel better. I need to explain..."

"Bukas ka na magpaliwanag sa kanya kapag nasa huwisyo na siya. She is wasted right now. Alam ko gusto mong bumawi pero hayaan mo na kami na mag-alaga sa kanya ngayon." Pinisil nito ang balikat niya. "Take a rest. You look like a mess. Wala kang ilalaban sa Paradise Boys ko. Hindi ka papansinin ni Nadine kung mukha kang haggard. Lalo mo siyang binibigyan ng rason para layuan ka at itaboy."

"Kakampi ba kita o kalaban, Tita? Di ko alam minsan kung tinutulungan mo ako o ibinabagsak."

Magaan nitong tinapik ang pisngi niya. "I love you even when I messed up. Pero minsan kailangan mong sampalin ng realidad para matauhan. Nadine loves you but she is at her limits. Her heart could only take so much."

"I will fix this. I will take her home..."

Humalukipkip ito. "Kung maiuuwi mo siya. I highly doubt it.”

“I am taking my chances. I will make her listen. Kahit gaano pa ako katagal dito basta sabay kaming umuwi.”

Nagkibit-balikat. “Good luck! By the way, I have another policy. Hanggang bukas ka lang pwede dito nang umaga. You have to go."

"P-Pero di ko po pwedeng iwan si Nadine dito. There must be some way."

"Of course. Pwede kang manatili dito sa resort ko bilang isa sa mga Paradise Boys."

Umurong siya. "No way! I won't be a gigolo."

"Farewell then, nephew dearest. Huwag kang mag-alala, ako mismo ang magre-report sa kay Julio kung paano namin inaalagaan ang anak niya. Who knows? He might like Lewis in the end."

“I won’t allow that to happen.” Ngayon pa ba niya pakakawalan si Nadine?

“Nasa iyo na kung paano mo ipaglalaban si Nadine, Miller. You know what to do. Pinahirapan mo siya noon, oras naman siguro na patunayan mo kung gusto mo talaga siyang makasama o hindi. Goodnight.”

“GAHDDD! I am dying! Kukunin na ako ng liwanag,” ungol ni Nadine at isinaklob ang unan sa lo nang biglang magliwanag ang paligid niya. Pusang gala! Parang may libo-libong karayom na tumutusok sa likod ng mga mata niya.

“That is just hangover that a good massage and hangover soup won’t cure,” malambing na sabi ni Lewis na siyang nakatalaga na mag-asikaso sa kanya. “Get up. Di mawawala ang hangover mo kung di ka kikilos.”

Tinulungan siya nitong bumangon at si Emie, ang isa sa mga staff ng resort. Hindi inaasahan ng dalaga na makakasundo niya si Lewis. Noong una, akala niya ay basta trabaho lang nito na mang-akit ng babae. But they were there to entertain the guests. Para iparamdam sa mga ito na may nagpapahalaga sa mga ito. Di niya naramdaman na nagte-take advantage ang lalaki. Nakuha nito ang loob niya. Siguro dahil sa lugar na iyon, di siya hinusgahan. Siya ang batas. Walang magsasabi sa kanya na mali ang kilos niya at di karapat-dapat sa estado niya sa buhay. She was free. At gayundin ang mga guest ng tiyahin. They wanted to be free. They wanted to escape from the farce they called life.

She felt free last night. Masaya lang. Malayo sa sakit. Malayo sa mapanghusgang mga mata. Malayo sa taong nagpaparamdam na kulang siya. Malayo kay Miller.

Pero first time niyang magka-hang over. Masakit na saktan ni Miller. Natiis niya iyon nang ilang taon. Pero mas masakit ang hangover. Wala siyang kalaban-laban.

The price I have to pay for this silly freedom of mine.

Matapos maghilamos at magsepilyo, hinainan si Nadine ng agahan. “Kailangan ko ba talagang kumain? Di kaya magsuka ako?” tanong niya sa lalaki.

“Mag-ginger tea ka muna,” alok ng lalaki at ipinagsalin siya ng salabat sa porselanang tasa.

“Thank you,” mahina niyang usal.

Gumuhit ang init sa sikmura niya. It somehow relaxed her. Natigilan siya sa pag-inom nang mapansin na nakatayo lang sa harap niya si Lewis. Nakangiti lang habang pinapanood siya na parang isang tapat na alipin. Ni hindi man lang siya nito masermunan. Almost patronizing. Kung si Miller iyon, baka umusok na ang tainga niya dahil pagsasabihan siya nito na parang bata.

Bakit ko ba naiisip si Miller? Wala nga siya dito. Kung nandito siya, malamang sinermunan na niya ako. Sana siya ang nasa tabi ko at hinding ibang lalaki. Sana ako ang kasama niya at hindi ang ex-girlfriend niya.

Nanariwa na naman ang sugat sa puso ni Nadine. Mariing nagdikit ang mga labi niya. Nagwalwal na siya at lahat, wala pa rin pakialam ang lalaki. Di na niya ito dapat pang isipin. She must break the habit.

“This food will make you feel better,” sabi ng lalaki at inilapag sa harap niya ang plato ng pagkain.

Omelet na sardinas ang ihinain sa kanya at soup. Napansin niya na nakamasid lang sa kanya si Lewis sa kanya. “Share tayo.”

“Hindi. Para talaga sa iyo iyan. Sabi ng nagluto niyan, perfect daw sa may hangover ang Spanish sardines omelet.”

“Pero kumain ka naman kahit na saging,” sabi niya at inabutan ito ng saging na nasa gilid ng mesa. “Ayoko na pinapanood ako habang kumakain.”

Saka lang siya humigop ng sabw at kumain nang makita itong kumain din ng prutas. She enjoyed the Spanish sardines. It was flavory. Di nakakauyam. Gustong-gusto rin niya ang texture ng itlog. Tulad ng luto siya ni Miller.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.