“LEWIS, paano makakapag-super fly? Di ako marunong,” natatarantang sabi ni Nadine habang naglalaro sila ng Nintendo computer. Nagkasundo silang dalawa ng lalaki sa sinaunang computer game na natagpuan nila sa entertainment room. Paborito daw iyon ng mga Titas of Manila na guest bukod sa paglalaro ng mahjong. Nakakaadik pala lalo na ang Super Mario 3 na game.
Di nakahiligan ni Nadine ang computer games kahit na pwede namang ibigay ng ama ang lahat ng gusto niya. Di siya nasanay sa maluluhong bagay dahil lumaki siya sa hirap. Kung may mamahalin man siyang gamit gaya ng designer clothes o bagong cellphone, para lang ma-maintain ang imahe niya.
“Press mo ‘yung left at B para makabuwelo tapos A and right,” utos ng lalaki at pumuwesto sa likod niya. Hinawakan din nito controller at tinuruan siya kung paano ang maneuver na gagawin.
“Yes! Yessssss!” sigaw niya sa wakas ay makalipad ang character niya. “Oh! This is heaven.”
Nagulat na lang sila nang biglang may kumalampag sa pinto. “Nadine! Nadine, buksan mo itong pinto. Kapag di mo ito binuksan in five seconds, wawasakin ko ito.”
Gulilat niyang tiningnan si Lewis. "Si Miller iyon."
Di na nga siya lumalabas ng kuwarto para maiwasan ang lalaki. Tapos basta na lang itong mambubulahaw sa kuwarto niya. Anong problema nito?
"Buksan mo na ang pinto. Baka pauwiin ka ni Madam Monina dahil sa pag-iingay ng pamangmin niya."
"Hala! Bakit naman ako?" tanong ni Nadine. "Ang alam ko, kaming mga babae dapat ang boss dito."
"Nakaka-distract si Miller sa ibang guest at kasalanan mo iyon. Wala sa amin ang dapat na maging seloso o possessive sa mga guest namin malibang iyon ang request ng guest.”
Tumirik ang mga mata niya. “Di siya possessive sa akin. Di rin siya nagseselos.”
“Pagbuksan mo na. Although I would love to watch him try to destroy that door. Very dramatic.” Mariing nagdikit ang labi ni Nadine. “O gusto mo bang ako ang humarap sa kanya? You might not like the consequences."
Gulo iyon kapag nagkaharap ang dalawa. Isa pa, di naman niya ugaling iasa ang isyu niya sa ibang tao. Sa kanya may problema si Miller kaya dapat lang na siya ang humarap dito.
Binuksan ni Nadine ang pinto at nakataas ang kilay na hinarap si Miller. "Yes? Anong kailangan mo?" malambing niyang tanong.
Bagong ligo ito at napalitan na ang T-shirt at pantalon na suot nito kaninang naglilinis ng garden. Nakasuot ito ng rainforest printed polo at khaki pants. Naka-brush up ang buhok nito. He looked fresh and yummy.
"I..." At inilahad ang kamay sa trolley na may pagkaing natatakpan ng mala-kulambo na food cover sa likod nito. "'Y-yung miryenda mo ide-deliver ko.”
"Namin. Dalawa ang in-order ko."
Nagtataka subalit may bahid ng hinala nang tingnan siya nito mula ulo hanggang paa. Saka hinatak ang braso niya. "What are you doing? Anong ginagawa ninyo ng lalaking iyon?"
"Excuse me. Ang pagkakaalam ko, nandito ka lang para dalhan ako ng pagkain at hindi para kwestiyunin kung ano ang gusto kong gawin kasama ang mga kaibigan ko."
"Kaibigan mo? You barely know the guy. I am just protecting you."
Matiim niya itong tiningnan habag nilalabanan ang animo’y magneto na humahatak sa kanya palapit dito. He was still her weakness. Her kryptonite. Pero talo na naman siya kung di niya ito ilalagay sa lugar. "Hands off, slave. Kapag nalaman ni Lewis na hinawakan mo ako nang walang permiso, pwede ka niyang i-report sa kay Madam Monina at paalisin dito sa resort. You are skating on thin ice, my dear. Huwag mong kalimutan na ayokong nandito ka. And you are doing me a favor.”
“Then I will mar his pretty face first before you throw me out. I won’t allow that man to corrupt you. At di ako papayag na bumalik ka pa sa kuwarto kasama niya nang kayo lang.” Dama niya ang panginginig nito. He was controlling his emotion. Parang gusto nitong maging bayolente. Alam niyang di siya nito sasaktan pero di ito mangingimi na bangasan si Lewis. She had never seen this side of him.
“Corrupt me? Paano naman niya ako na-corrupt, aber?” nakataas ang kilay niyang tanong.
“I heard you moan. Sabi mo heaven.”
Ngumisi siya. “Talaga? Heaven? Gusto mong makita ang heaven? Then I will show you…” At siya mismo ang humakbang palapit dito.
Napamaang ito at humakbang paurong. “W-Wait What do you mean…”
Siya naman ang humawak sa braso nito at hinatak ito papasok ng kuwarto niya. “Halika para makita mo ang hinahanap mo.”
“Alam ko nagrerebelde ka sa akin. Pero huwag mong sabihin sa akin na ipapakita mo pa kung paano makarating sa langit kasama ang lalaking iyon.”
“Kailangan mo ba ng tulong sa pagkain para ipasok dito?” tanong ni Lewis at tumayo mula sa pagkakaupo sa bean bag.
“Hindi. Gusto daw niyang makita kung paano makarating sa heaven. Turuan mo nga,” malambing at nakangising sabi niya kay Lewis.
“Ikaw na ang magturo sa kanya. Naturuan naman kita…”
Pinutol agad ni Miller ang sasabihin ni Lewis. “As if I would allow myself to witness such debauchery.”
“Anong debauchery?” inosenteng tanong ni Lewis.
Magaan niyang sinuntok ang braso ni Miller. “Huwag ka ngang OA. Kailan pa naging debauchery ang paglalaro ng Super Mario na computer game.”
Natigilan si Miller. “C-Computer game? Pero bakit may heaven?”
“Ito ‘yung heaven o!” sabi ni Lewis at pinindot ang play button para mawala ang pagkaka-pause ng nilalaro niya. Pinatalon ng lalaki si Mario para makuha ang coins nang walang kalaban. “Ito ‘yung heaven na pinag-uusapan namin kanina. Ano bang heaven ang iniisip mo?”
Napipilan si Miller habang namumula nang ma-realize nito ang kahangalan nito. “W-Wala. I am sorry. Ipapasok ko na lang ang pagkain n’yo,” sabi nito at dali-daling lumabas. Pagbalik nito ay tulak-tulak na nito ang trolley ng pagkain.
Nagpatuloy sila ni Lewis sa paglalaro at hinayaan si Miller na I-serve ang pagkain sa low table na nasa gilid lang ng game table. Pinakikiramdaman lang niya ang kilos ng lalaki dahil baka may violent reaction na naman ito. But he was calmer now. Naa-awkward siguro dahil sa kapalpakan nito. Mariing nagdikit ang labi niya. Gusto niya itong tanungin kung okay lang ito. Kung nahihirapan ba ito sa trabaho o nakakain na ba ito.
Where is my self-preservation? Be indifferent. Wala na akong pakialam dapat.
Hinintay ni Nadine na makaalis ang lalaki para makahinga na ulit siya nang maluwag at makakain. Di siya makakakilos nang normal kung nasa paligid ito. Hindi niya ito pinansin sa pag-aakalang aalis na ito pagkatapos ihain ang pagkain nila. Nakatitig lang ito sa kanya habang naglalaro.
“Hindi ka pa ba kakain?” matiim at may bahid ng iritasyon na tanong nito. “Lumalamig na itong pagkain mo. I even told the cook about your preference.”
Walang ekspresyon ang mukha niya nang lingunin ito. “Thank you,” matabang niyang pasasalamat dito. “You may go. Mamaya na ako kakain.”
“Pwede kitang samahan na kumain. Nangako ako sa iyo na sasamahan kita buong weekend, hindi ba?” anang lalaki.
“Di mo naman kailangang tuparin ang pangako mo. I am not expecting anything from you, Miller. Hindi mo kailangang mag-effort ng kahit ano. Ayos lang sa akin. Wala kang maririnig na kahit ano mula sa akin. Just go on with your life. Ayos lang naman ako dito kasama si Lewis. At tinapik niya ang kamay ng lalaki. “Siya na ang bahala sa akin.”
Miller looked at her with disbelief. Iyon ang unang beses na tinanggihan niya ito. Samantalang kulang na lang ay halikan niya ang paa nito nito kapag tinapunan niya ito ng atesyon. “Mas pinipili mo siya kaysa sa akin?”
Marahan siyang tumayo. “Wala ako ng pinipili. Gusto ko lang makasama ang bago mong kaibigan katulad nang mas pinili mong makasama ang mga kaibigan mo.”
“Don’t worry. I will make sure that she will enjoy her time with me. Hindi ko siya sasaktan. Susundin ko ang lahat ng gusto iyan,” Lewis said in a sensual draw. Kaya naman lalong naningkit ang mga mata ni Miller.
Akala niya ay kokomprontahin nito si Lewis o kaya ay susuntukin dahil nakakuyom ang palad. “I am going. Tawagin mo lang ako kapag may kailangan ka,” sa wakas ay sabi nito at walang tunog ang yabag nang lumabas ng kuwarto.
“Whew! That was close. I think mas effective kung pagseselosin pa natin siya.”
Pagak siyang tumawa. “Selos? Malabo iyon. Pwede ba huwag mo akong paasahin.”
“Kahit masarap pakinggan na pinagseselosan ka ng lalaking mahal mo?”
“Selos? I don’t think so. Hindi mo ako kailangang bolahin para lang gumaan ang pakiramdam ko. Buong buhay ko nang binobola ang sarili ko. Gusto ko na mabuhay sa realidad pagdating kay Miller. Okay?”
“Sabi mo e. Kumain ka na, Miss. Mukhang masarap ang luto ni Miller. Amoy pa lang mukhang sosyal na,” sabi ng lalaki at tinanggal ang net food cover. “Mukhang pinaghirapan talaga niya ito para sa iyo.”
Parang gusto niyang maiyak habang ninanamnam ang iniluto nito para sa kanya. It made her happy and sad at the same time.
Konting panahon na lang di na siya magiging responsibilidad ni Miller. Babalik na rin ang mga ama nila mula sa cruise. Di na siya nito ipagluluto. Di na siya nito susunduin at ihahatid sa trabaho. Di na siya nito kailangan pang sermunan kapag may palpak siya. And she won’t get to hug him and kiss him anymore. Hindi na niya ito makukulit. Di na siya nito maipagluluto ng agahan.
She would miss him a lot but she must endure the pain. She must set him free. She must move on.