Hi,
Thank you for your interest in reading my unofficial series - Tenses Series. I hope you will like it! Please note that the past, the present and the future is a collaboration series. This is my entry for those collaboration series :)
The Past Series Book 1 : BEST MISTAKE
Teasers:
Julienne accidentally got pregnant at the age of seventeen. Lahat ay tinuturing na pagkakamali iyon. But when she first held Julia, she knew it wasn’t a mistake. Sa pagdaan rin ng mga taon na kasama niya sina Julia at Axel---ang ama ng anak niya, hindi niya pinagsisihan ang nasirang kabataan. Mahal na mahal niya ang bagong pamilya.
Pero may nangyaring isang malaking trahedya na nagpabago sa buhay nina Julienne at Axel. Nasira ang pamilya nila. Nagkahiwalay silang dalawa.
Five years later, may kailangan si Axel na tanging si Julienne lamang ang makakapagbigay. Nagkaroon si Axel ng plano.
Mapapagaling ba ng panibagong pagkakamali ang mga sugat ng kanilang nakaraan?
The Present Series: GOING THE DISTANCE
Duty comes first before desire---iyon ang mantra ng isang babaeng kagaya ni Linette. She was the ultimate bread-winner of the family. Gagawin niya ang lahat para sa pamilya niya. Pero ang tukso na pagsabayin ang pag-ibig at responsibilidad ay mahirap i-resist. Linette tried having a boyfriend. Wala naman na masama lalo na at si Lawrence na yata ang pinakamabait at pinakamaintindihin na lalaking nakilala niya.
Parehong iniintindi nina Linette at Lawrence ang isa’t isa. Mining Engineer si Lawrence kaya lingguhan lamang sila na magkita. Sa umpisa pa lang, sinusubok na ng distansya ang damdamin nila sa isa’t isa. Mas sinubok pa iyon nang dumating ang oportunidad na makapag-abroad si Linette.
Pero determinado at may tiwala sila sa isa’t isa. Ipinangako ni Lawrence na maghihintay sa pagbabalik ni Linette. Pero paano kung hindi lahat ng hinihintay ay worth it?
The Future Series: IT MIGHT BE YOU
Dahil sa isang pustahan ay kinailangan na magpahula ni Ross. Napaka-weird noon at napatunayan niya na ganoon nga talaga nang malaman niya ang hula: may boring raw na babae na sisira sa makulay at happy go lucky niyang buhay.
Kinabahan si Ross dahil may pakiramdam siya na maaaring totoo iyon. Recently ay tinulungan niya si Clarisse---ang anak ng kaibigan ng Mommy niya na perpektong babaeng sinasabi ni Gypsy. At bukod doon, nagsunod-sunod pa ang pangyayari sa pagitan nilang dalawa. But then how could he fall in love with his total opposite? Pero ang pakiramdam naman na hindi okay si Clarisse ay binabagabag siya.
But maybe it was true that opposites do attract. Sa huli, nakita rin ni Ross ang sarili na nagkaka-interes kay Clarisse. But too bad, mukhang hindi pala pareho ang kanilang nararamdaman…