ALAS OTSO ng gabi nang makabalik si Julienne. Nadatnan niya si Axel sa sala. Nakatalikod ito sa kanya at may hawak na cell phone. Hindi man nakaharap, naramdaman niya ang tensyon rito. May kausap ito sa cell phone.
“Maaga pa? It’s already night time. Gusto kong ipahanap na siya. Napakaraming masasamang loob ngayon and who knows kung---I can’t even think about it!
“Magbabayad ako ng kahit magkano just to make sure she was all right. Damn I am so worried as hell here---“
Naglakad pabalik si Axel kaya naputol ang sinasabi nito sa kausap sa cell phone. Nang makita siya ay nagliwanag ang kanina ay namumutla ng mukha nito. “Okay, no need to worry. She’s here.”
Ibinaba ni Axel ang cell phone. Nilapitan at niyakap kaagad siya nito. “You made me worry as hell, Julienne!”
Hindi ginantihan ni Julienne ng yakap ang fiancé. Bagaman nakapagdesisyon na siya at nasagot na ang mga tanong niya, may mga kailangan pa rin siya na patunayan. “Sinong tinatawagan mo?”
“It’s the police. Natatakot na ako at hindi mo sinasagot ang cell phone mo kanina pa!”
Nagkibit-balikat si Julienne. “Na-drain ang battery ko.”
“Point taken. Pero sana naman umuwi ka ng mas maaga.”
Umiling-iling si Julienne. “Alas otso pa lang.”
“Still, its night time! Mas maraming masasamang loob kapag gabi na. Ano ba kasing nangyari?”
Hindi nagsalita si Julienne. Tinitigan lang niya si Axel. Naramdaman pa rin niya ang takot mula rito. “Julienne...?”
Huminga nang malalim si Julienne. Kailangan mo na gawin ito. “B-bakit ka nag-aalala sa akin, Axel? Are you afraid na iwanan kita?”
“I am worried because I love you. It would hurt me if you we’re hurt, too.” huminga nang malalim si Axel pagkatapos ay ngumisi ito. “For your second question, of course not. Alam ko na mahal mo ako at nagtitiwala ako roon. You will never leave me.”
Naging unease si Julienne. God, nagtitiwala sa kanya si Axel at ano siya? Nawalan siya ng tiwala rito sa mga pinagsasabi sa kanya ni Maya. Umupo siya. Sumunod sa kanya si Axel.
“May problema ba, Baby Yen?”
Huminga nang malalim si Julienne. “The baby---“
Nanlaki ang mga mata ni Axel. “What happened to the baby? May masama ba na nangyari? Ito ba ang dahilan kung bakit ngayon ka lamang nakauwi?”
Takot na takot si Axel. Hindi nagsalita si Julienne. Hindi naman iyon ang gustong sabihin sa lalaki. Hindi naman ganoon ang nangyari. Pero dahil naroroon na rin naman sila, gusto niyang gamitin ang pagkakataon para mapatunayan kung hanggang saan siya kayang mahalin ni Axel. Gusto niyang patunayan na mali si Maya at hindi siya nanatili sa buhay ni Axel dahil lamang sa bata, sa nabuntis siya nito. Kagaya ng dati.
“Oh God, Julienne...” nanghina si Axel. “B-bakit hindi mo sinabi sa akin? You shouldn’t have been alone in that situation. Naroroon dapat ako at...”
Niyakap ni Axel si Julienne. Pakiramdam niya ay naging bato siya. Inakala nga ng lalaki na kaya siya nawala ay dahil sa bata---na may nangyaring masama sa kanila.
“I’m sorry, Yen.”
“B-bakit ka nagso-sorry?”
“I know you are hurting. Masakit para sa `yo ito. Alam ko ang pinagdaanan mo nang mawala si Julia sa atin. And I’m so sorry. Naging duwag ako noon para alagaan ka. Asikasuhin ka. Pareho tayong nasaktan pero inisip ko lamang ang sarili ko...”
Hindi nagsalita si Julienne. Tinitigan lamang niya si Axel. Alam naman niya na nasaktan ito. Naging napakalapit nito kay Julia. May pakiramdam pa nga siya na mas malaki ang pagmamahal ni Axel sa anak niya. Pero ngayon lang rin niya naisip na kahit iyon pala ay hindi pa rin nila nareresolba.
“Napabayaan kita. Isinubsob ko ang sarili ko sa trabaho dahil gusto ko na makalimot. It hurts so much you know. Julia...she was my first born, my first baby. Mahal na mahal ko ang anak natin and it shattered my world when we lose her. Hindi ako nakakapag-isip ng tama. Inisip ko lamang ang sarili ko. Lumayo ako kasi alam ko na pareho tayo na nasasaktan. Mas lalo akong nasasaktan roon. But with that selfish way, mas lalo pa pala akong mawawalan. I lost you.”
Huminga nang malalim si Julienne. “I can’t blame you and I know I also have to let you go then. Dahil sa nangyari sa akin, nawala ang kabataan mo. Nagkaroon ka ng mabigat na responsibilidad sa batang edad.”
“Hindi ko pinagsisihan iyon, Julienne. You and Julia---you’re both the best thing that happened to me. Mas napatunayan ko pa iyon nang lumayo ka. I never have been contented with my life. Oo, malaya ako. Naggawa ko ang mga bagay na noon ay nag-enjoy ako at minsan ay naisip ko rin naman na nawala sa akin ng kay bilis. Partying, playing...nawala iyon nang dumating kayong dalawa ni Julia sa buhay ko. But when I am back with that, I realized I don’t feel the contentment I had when I had you and Julia. Mas masaya pa rin na kasama ka, inuuwian ka at kapag nagtatrabaho ay may mga taong paglalaanan ka noon.”
“Are you sure about this? Parang seryoso ka talaga noon. Pero nakakapagduda. Kung seryoso at mahal mo ako noon, bakit hindi mo ako pinigilan nang lumayo ako?”
“I was a mess, Julienne. Gugustuhin mo pa ba na makasama ang isang kagaya ko? Nagsisisi ako sa mga ginawa ko sa `yo kaya siguro nga ay inisip ko na I deserved you leaving me. But it doesn’t mean na dahil hinayaan at pinakawalan kita ay okay lang sa akin ang lahat. I became sadder. Subukan ko man na hanapin ang kasiyahan ay hindi ko maggawa.”
“Really? Does it mean na hindi ka nagkaroon ng kasiyahan kasama si Maya?”
Kumunot ang noo ni Axel. “Bakit siya nakasama sa usapan? She’s my past, all right. Hindi na siya mahalaga.”
Tinaasan ng kilay ni Julienne si Axel. “I was once your past, too, Axel.”
Masuyong hinaplos ng lalaki ang kamay. “You are the past that I care and love about.”
Julienne wanted to melt with the words and Axel’s touch. Pero may kailangan pa siyang malaman.
Kinalma ni Julienne ang sarili. “Do you still love me, Axel?”
“I will always love you, my Baby Yen. I know love had hit me the first time I saw you.”
“Hmmm....”
“Hindi ka naniniwala?”
Napakagat-labi si Julienne. Hindi dapat ito ang pinag-uusapan nila since nakontento na naman siya sa simpleng pagsasabi nito na mahal siya nito. Pero parang gusto niyang ungkatin ang nakaraan. “Kung ganoon, bakit ka umalis pagkatapos mong malaman na virgin pala ako? When you had me, you left me for a month.”
Pinindot ni Axel ang ilong niya. “I was on a business trip then. One month. International iyon kaya nahirapan ako na contact-in ka. And I also wanted not to. Gusto ko na siguraduhin ang nararamdaman ko sa `yo pagbalik ko. And what did I do when I landed? Pinuntahan kaagad kita and the moment I knew you were pregnant. Lalong naging cue ko iyon para magkaroon ng relasyon sa `yo and I don’t regret it. Malalim ang nararamdaman ko sa `yo. You made me missed and ache you.”
“A-at pagkatapos ng nangyari sa Isla Azul? Hindi mo man lang ako na-feel suyuin kung may nararamdaman ka pala sa akin.”
“I’m sorry for that. Wala akong excuse kundi ang natakot ako sa `yo. I know you were angry with me. But you were right about me having you investigated. But I didn’t hire any private person for that. Ginawa ko iyon ng palihim. Sinusundan kita ng hindi mo alam.”
“Oh! Kaya pala parang kakaiba iyong pakiramdam ko noon.” Naalala niya noong naghahanap siya ng trabaho at parang napa-paranoid siya. Iyon naman pala talaga ay totoong may sumusunod sa kanya! “Bakit mo ginawa iyon?”
“Because I love you. You remain in my heart, my Baby Yen. You are the only woman in my life, my happiness. You’ll always be forever.”
“K-kahit wala ang baby?”
Tumango si Axel. “There can be another babies. But you? There won’t be another you...”
Hinalikan siya ni Axel. Napaiyak siya. So napatunayan niya na kaya naman pala talaga siyang mahalin ni Axel ng wala man ang bata sa sinapupunan niya.
Inalo ni Axel si Julienne. “`Wag ka ng umiyak, okay? Everything will be all right. Ang mahalaga ay walang nangyaring masama sa `yo. I don’t want you to be sad, too. You know its hard for me, too...”
Umiling si Julienne. “Umiiyak ako dahil masaya ako.”
“Anong ibig mong sabihin?”
“I didn’t lose the baby. Kinailangan ko lamang na paniwalaan ka ng slight tungkol roon para malaman kung kaya mo pa rin akong mahalin kahit walang bata na namamagitan sa atin...”
Napaawang ang labi ni Axel. “Julienne, you got me really worried! And that’s not a good joke.”
“I’m sorry about that,” napakagat-labi si Julienne. “Pero kailangan ko na gawin ito as a test for you. Nagkausap kami ni Maya kanina.”
Tumango si Axel. Tinignan siya nito nang mataman. “At ano ang sinabi niya sa `yo?”
Ikinuwento ni Julienne ang naging pag-uusap nila ni Maya. Nang matapos siya ay guilt ang nakita niya sa mukha ni Axel.
“Totoo ang sinabi niya tungkol sa hiling ni Lolo Fidel. And yes, we tried to make a baby and we failed. It was her fault. Napakalungkot noon. Pero masasabi ko na hindi naman talaga iyon talaga ang dahilan kung bakit kami naghiwalay. Naging ugat lang iyon.
“I told you na hindi na ako naging masaya nang mawala ka sa akin. Totoo iyon. What I had with Maya is something na kailangan ko lamang. I need a partner, too, you know. For my needs. Si Maya ang pinaka-best candidate. Maganda, mabait at successful. Everybody told me I was lucky to have her. Kaya naman kahit alam ko na may kulang pa rin sa nakikita ko sa kanya, the relationship went on.
“You see, hindi ko masasabi na mahal ko si Maya. Hindi ko na siya kayang lokohin pa. Saka hindi ba mas masakit kung manatili ako sa kanya samantalang hindi ko na naman gusto ang lahat? Hindi ko siya mahal. Nagkataon lang talaga na nagkaroon ng bad timing para roon. But then, I can accept everything, Julienne. I know I’m such a jerk.”
“Yeah. At jerk ka rin para hindi ipaliwanag ito kay Maya.”
“Nag-aalinlangan ako. Ano ba ang mas masakit? Ang iniwan ka sa kapansanan mo o iniwan ka dahil wala naman talagang nararamdaman para sa `yo ang partner mo?”
“Maya knew how you felt for her. Nararamdaman niya. Kaya siguro ay dapat na sinabi mo na lamang ang pangalawang dahilan sa kanya. I feel sorry for her.”
“And sorry for yourself?”
“I believe na ganoon nga. How could I love a man like you? You’re heartless. At aaminin ko na nagalit talaga ako sa ginawa mo na iyon sa kanya. Paano kung gawin mo rin sa akin `yun? Oh well, naggawa mo na nga pala!”
“Hey, I have reasons `di ba? Naipaliwanag ko na sa `yo.” Sinubukan siyang yakapin ni Axel. “But Baby, do you really felt that I don’t love you then?”
Tinitigan ni Julienne si Axel. “Nararamdaman ko...but you didn’t tell me. Kahit isang beses.”
Nagulat si Axel. “Hindi?”
Tumango si Julienne. “That’s why I also gave up on you. Actions are better than words. Pero puwede natin na ipagkamali ang mga bagay-bagay.”
“Oh.” Nahilamos ni Axel ang mukha. “I’m sorry. Hindi ko naisip na ganoon pala. But then, hindi naman ako magaling sa mga salita, you know. Paano ko gagawin samantalang si Lolo ay hindi naman affectionate na tao? Hindi ako sanay sa ganoon. Pinalaki niya ako na kailanman ay walang matatamis na salita.”
Tinanggap ni Julienne ang paliwanag. Nakakapanghinayang nga lamang na kung sana ay naggawa ni Axel na sabihin ang mga iyon sa kanya noon, malamang ay nawala ang limang taon sa pagitan nila. Naniwala siya sa mga pinagsasabi ng iba, hindi sa naramdaman niyang pinakita nito sa kanya noong buhay pa si Julia. Wala kasi siyang kasiguraduhan noon.
“B-but lets not think about the past. Ang mahalaga ay maayos na naman ang lahat ngayon `di ba? You already have my word. I love you and I promise you, I’ll never get tired of telling those words to you. I love you. I love you. I love you. I love you forever. See? Even for the five years apart, I still keep coming back for you.”
Kumibot-kibot ang labi ni Julienne. “Iyon ay dahil alam mong kaya ko na ibigay sa `yo ang hiling ng Lolo mo...”
“Julienne...”
“Iyon nga ba talaga ang pakay mo, Axel? Kaya mo ako binalikan ay dahil alam mo na hindi ako kagaya ni Maya?”
“Naisip ko iyon. And siguro nga, plinano ko na balikan ka. But can’t you see, Julienne? Ang daming babae sa mundo na fertile pero ikaw ang naisip ko. Sa `yo ako lumapit. Binalikan kita. But when I saw you and your anger with me, alam ko na mali ang pakay ko. Ang lahat ng nangyari sa isla, coincidence lamang ang lahat ng iyon.”
“All right. Naniniwala ako roon.” Inamin ng direktor na kagagawan iyon.
“But with that, alam mo ba na naisip ko na sign na iyon. Gusto ko rin naman na igalang ka. Lumayo ako sa `yo noong Sabado na iyon dahil nagugulo ako. But when I saw how you cared for me, I felt thirsty. Naapektuhan ako sa yakap mo, sa hawak mo. And it happened. Hindi plano iyon. It’s just happen because of my overflowing desire for you. That’s how you affect me. Napakahirap i-resist.”
Napakurap si Julienne. Huminga nang malalim si Axel.
“I know I’ve done a lot of bad things, Yen. And I’m sorry na kailangan na dumating pa tayo sa ganito. But please believe that I did all of these out of love.”
Niyakap ni Julienne si Axel. “I know. I’m sorry, too. For a while, nawalan ako ng tiwala sa `yo. Pinag-alala kita. Kinailangan ko kasi na mag-isip kung anong gagawin ko sa mga nalaman ko. Pinaniwala pa na nalaglag ang sanggol na dinadala ko. I’m sorry. Mahal kita at hindi dapat ako nagduda.”
Umiling si Axel. “There’s no need to. Kung tutuusin ay mas malaki ang kasalanan ko sa `yo. Kaya nga alam mo na nagulat talaga ako ng pumayag ka agad sa proposal ko. I didn’t expect it...and the love you also said to me. Napakasuwerte ko na naggawa mo pa rin akong patawarin at mahalin pagkatapos ng lahat.”
“I guess puwede rin natin isisi ang lahat noon dahil bata pa tayo. Hindi pa tayo sanay na maghandle ng problema. And it was really a tragedy. Napakaayos ng lahat noon at biglang nangyari ang napakasaklap na trahedya kay Julia. Kahit naman ako ay masasabi na hindi pa rin nakaka-moved on sa nangyari sa kanya...” napapikit si Julienne. Napaiyak na rin siya.
Inalo ni Axel si Julienne. “Hush. Masakit nga ang nangyari kay Julia. But it doesn’t mean na dahil doon, kailangan na rin natin na forever na masaktan. We have to move on. Nasasaktan pa rin naman ako hanggang ngayon but I just think I have you now. I may lose Julia but not you, my other baby. My Baby Julienne. At ngayon, another baby again...” hinaplos ni Axel ang tiyan niya. “Magiging panibago muli tayong pamilya. Hindi natin mapapalitan si Julia pero this is our chance. I will make sure na ang relasyon na ito ay magiging matatag sa kabila ng trahedya. Malinaw na sa atin ang lahat ng nararamdaman natin sa isa’t isa.”
“Promise me that.”
Hinalikan ni Axel si Julienne. “I promise you forever.”
And Julienne hold on to Axel’s word. Magiging maayos ang lahat ngayong malinaw na ang lahat para sa kanila: mahal nila ang isa’t isa.