Tenses (Unofficial) Series Chapter 12

THE PRESENT SERIES: GOING THE DISTANCE

Present

PUNO ng saya at pananabik ang puso ni Linette habang naglalakad palabas ng sinakyang eroplano. Ito na ang pinakahihintay niyang araw. Pagkatapos ng limang taon na pagtatrabaho sa Canada, sa wakas ay nakauwi na siya sa Pilipinas. Mas excited rin siya dahil hindi lang siya umuwi ngayon para magbakasyon.

Linette went home for good. Siguro ay hindi pa ito ang tamang panahon. Pero gagawin niya ang lahat para sa ikabubuti ng sitwasyon. Nagsisimula na siyang makaramdam ng depression sa Canada.

Iniisip na lang ni Linette na marami na naman siyang naipundar sa maraming taon na pagtatrabaho niya sa ibang bansa. Nakapagtapos na sa college ang dalawang kapatid niya at patapos na rin ang isa. Sa pamamagitan ng mga pera na pinapadala niya bilang nurse sa ibang bansa, napalaki nila ang dating sari-sari store. Naging isang grocery store na iyon. Stable at maganda ang kita ng grocery store. Sa tulong ng negosyo, masusuportahan na noon ang bunsong kapatid na si Lydia at ibang pangangailangan pa ng kanyang ama.

Maganda na rin naman ang buhay nina Linette. Puwede na rin niyang unahin ang kanyang sarili. May trabaho na ang sumunod sa kanyang si Lenard. Malapit ng magkaroon ang pangatlong si Leanne. Hindi na dapat niya pinaninidigan ang pagiging bread winner ng pamilya. Marami na siyang naggawa. Ang sarili na niya ang iisipin niya. Gagawin na niya ang matagal na niyang gusto at nararapat lang naman niya na gawin: ang ibigay ng buong-buo ang sarili sa boyfriend niyang si Lawrence.

Mahirap ang buhay sa ibang bansa. Pero sa kabila noon, hindi gusto ni Linette isipin na malas siya. Masuwerte siya dahil may isang Lawrence sa buhay niya. Ang isipin na makakasama na niya ito ang talagang nakapagpasaya sa kanya. Missed na missed na niya ito. Ano kaya ang iisipin nito at ng pamilya niya sa sorpresa na pagbabalik niya?

Sorpresa ang pagbabalik ni Linette. Walang kahit sino ang may alam ng plano. Sa tingin niya ay hindi naman masama. Hindi rin siya nalungkot na walang susundo sa kanya sa airport. Ginusto niya ang lahat ng iyon. Inisip niyang mas makakabuti ang sorpresa niyang pag-uwi.

Nag-taxi na lang si Linette papunta sa bus station. Sa Itogon, Benguet pa ang bahay nila kaya kung mag-taxi siya papunta roon ay magiging malaki iyon na gastos. Sanay naman siya sa hirap kaya balewala sa kanya kung hassle na mag-commute siya sa kabila ng pagod at jetlag niya. Isa pa, napakasaya niya kaya nawawala rin ang pagod.

Habang nasa bus at hinihintay iyon na mapuno, inaliw na lang ni Linette ang sarili na manood ng telebisyon. Saktong balita ang palabas sa telebisyon---balita na nakapagpayanig nang mundo ni Linette.

Isang sikat na minehan sa Baguio, nag-collapse! Sampu ang patay, lima ang nawawala at dalawa ang malubhang sugatan kabilang ang isang mining engineer.

Nanginig si Linette. Kilalang-kilala niya ang lugar na naka-flash sa screen. Iyon ang minehan kung saan nagtatrabaho si Lawrence bilang mining engineer.

Napaiyak si Linette. Ni hindi niya na inintindi kung paanong nag-collapse ang minehan. Ang nasa isip niya lamang ay paano kung isa si Lawrence sa mga biktima?

Kaagad na napatawag si Linette sa mga kailangan niyang tawagan. Nang malaman ang katotohanan, napahawak siya sa kanyang dibdib. Bakit ngayon pa? Kung kailan naman gagawin na niyang priority ang boyfriend na matagal na siyang hinihintay.

Sa sorpresang pagdating ni Linette, siya pa ang mas nasorpresa.

HILAM sa luha ang mata ni Linette nang makarating siya sa malaking ospital sa Baguio. Mas lalo pa iyong lumala nang makita ang kalagayan ni Lawrence. Hindi lang ito basta sugatan, halos nag-aagaw rin ang buhay nito. Nasa ICU ang boyfriend.

“H-hindi pa siya nagigising simula nang dalhin sa ospital,” hirap ang boses ni Tita Leticia Grande---ang ina ni Lawrence. Sa Baguio nakabase ang mga ito kaya mabilis na na-attend-an nito ang anak.

Huli ng ilang oras nabalita ang insidente. Nang makarating si Linette sa Baguio, twenty hours na ang nakalilipas simula nang mangyari ang insidente. Nasa eroplano pa siya ng mga sandaling iyon.

“May mga nasabi pa po ba ang Doctor? Magiging maayos po ba si Lawrence? Makaka-recover po ba siya?” Punong-puno ng takot ang boses ni Linette. Bakit naman kasi ganoon? Dapat ay masaya ang araw na ito. Makakasama na niya si Lawrence. Magiging priority na niya ito---ang alam niya na matagal na nitong gusto at hinihintay.

Pero bakit kailangan pa nilang dumaan sa pagsubok? Bakit sumakto pa ang sitwasyon sa pagdating niya?

“Umaasa sila na magigising rin siya sa lalong madaling panahon. Gusto ko rin na umasa. P-pero sa lagay ni Lawrence---“ sumilip ang Ginang sa maliit na glass hole sa pintuan ng ICU room ni Lawrence. “Parang nawawalan na ako ng pag-asa...”

Nanghihina lalo si Linette. Physically at emotionally drained na siya. Pero hindi niya gustong sumuko. “Maging thankful na lang po tayo na hindi natuluyan si Lawrence....”

May pag-asa pa. Pero sa lagay ni Lawrence na nakabenda ang maraming parte ng katawan, mukhang magiging madali nga na mawala iyon. Naging napakatindi ng pinagdaanan ng boyfriend.

Niyakap siya ng ina ni Lawrence. “Hindi ko kayang mawala si Lawrence...”

Hindi niya masisisi si Tita Leticia. Dalawa lamang na magkapatid sina Lawrence. Bunso pa ito. Noong isang taon ay nag-migrate pa sa Australia ang panganay na kapatid ng boyfriend. Bago niya pa makilala ang binata ay patay na ang ama nito. Paniguradong kung may pinakamalulungkot, ito ang ina ni Lawrence. Unico hijo rin nito ang boyfriend niya.

Sinubukang patahanin at pakalmahin ng kapatid si Tita Leticia. Ito ang kasama nito na magpunta sa ospital. Niyaya muna nito na mag-dinner ang kapatid. Naiwan si Linette sa waiting lounge ng ICU.

Maraming kailangan na gawin si Linette. Ni hindi niya pa nakakausap ang pamilya niya. Hindi niya pa nababalita na nakarating na siya sa Pilipinas. Pero mas pinili niyang silipin si Lawrence mula sa glass hole kahit na ba mas masakit sa dibdib iyon.

“Nandito na ako, Love. Dapat masaya tayo, eh. Dapat masaya ka. Makakasama na natin ang isa’t isa. Pangarap natin na dalawa iyon `di ba?” pagkausap niya sa boyfriend.

Gusto ng kumalma ni Linette. Sinusubukan naman niya, lalo na nang nasa harap siya ni Tita Leticia. Mas mahihirapan lalo itong tanggapin ang lahat kung pati siya ay magbe-break down sa harap nito.

Nasa ganoong kalagayan si Linette nang may pumasok na nurse sa kuwarto ni Lawrence mula sa ICU station. Nang makitang nakasilip siya, tumingin at ngumiti ito. Ibinuka nito ang mga kurtina sa bintana nang kuwarto ni Lawrence. Nagkaroon siya ng malakihang view sa boyfriend. Binuksan rin nito ang pinto pagkatapos.

“Kamag-anak po ba kayo ng pasyente? Visiting hours na po. Puwede na po kayo na pumasok.”

Nanginginig na pumasok si Linette. Binigyan sila ng privacy ng nurse. Hinawakan niya kaagad ang kaliwang kamay ni Lawrence. May benda iyon kaya ginaanan lang niya ang paghawak.

Malamig ang kamay ni Lawrence. Lalong nalungkot ang puso ni Linette. Maibabalik pa ba nila ang dati? Makakabalik pa ba si Lawrence sa dati?

“Get well soon, my Love. Kailangan mo. Nandito na ako. Hindi na kita iiwan ulit…”

Hinalikan ni Linette ang kamay ni Lawrence. Pinaulit-ulit niya iyon sa kabila ng kapansanan ng lalaki. She was proud of it. Sugatan at wala lang malay si Lawrence. Pero ito pa rin ang boyfriend niya. Ito pa rin ang lalaking mahal niya at mahal na mahal siya.

Tumigil lang sa paghalik si Linette nang maramdaman niya na tila nagkaroon ng kakaiba sa kamay ni Lawrence. Nagkaroon ng init iyon at gumalaw. Nanlaki ang mata ni Linette nang makita na umulit ang paggalaw. Tumingin siya sa bagama’t sugatan rin na mukha ni Lawrence ay nanatili pa rin na guwapo at napakaamo. Napaiyak muli siya nang makita na pati mata nito ay gumalaw. Nagmulat iyon.

Gising na si Lawrence!

Natutop ni Linette ang bibig sa sobrang saya. Sumigaw kaagad siya. “Nurse, nurse!”

Tumakbo kaagad ang mga nurse papunta sa ICU room. May kasama rin na isang Doctor ang mga ito. Pinalabas muna siya para obserbahan at i-examine si Lawrence. Nanatiling nakatingin lang si Linette sa bintana habang ginagawan ng procedure si Lawrence. Napansin niya na panaka-naka ay tumitingin sa kanya si Lawrence. There was something in his look that made her bothered. Pero hindi niya pinansin iyon. Masaya siya na makitang may reaksyon kay Lawrence. Magiging maayos ito.

Nagsalita si Lawrence sa nurse. Nahawa sa pagkakunot noo nito ang mga nurses. Panaka-naka na tumingin ang mga iyon sa kanya at tumango. Maya-maya ay isinara ang kurtina ng kuwarto. Nilabas naman siya ng isang nurse.

“A-ano na po ang nangyari? Puwede ko bang makausap si Lawrence? Hindi pa naman tapos ang visiting hours at---“

“I’m sorry, Ma’am. Pero as much as possible, mga kamag-anak o kaibigan lang po ang pinapapasok namin sa ICU.”

“Naiintindihan ko. Pero girlfriend niya ako. Sa tingin ko ay tama lang naman na bisitahin ko siya.”

Tinitigan na mabuti ng nurse si Linette. Mula ulo hanggang paa ay in-eksamin pa siya nito. Gusto tuloy niyang mapakunot noo. Wala ba sa itsura niya na papatulan siya ni Lawrence? Hindi man stunning ang kagandahan niya ay marami rin naman nagsasabi na maganda siya. Bakit parang ayaw yata nito na maniwala na totoo ang sinasabi niya?

Namutla ang nurse. “P-pero ang sabi po ng pasyente ay hindi ka raw po niya kilala. Hindi ka niya naalala...”

Natulala si Linette. Anong sorpresa pa kaya ang mararanasan niya ngayon sa pag-uwi niya?

“SINO ang babaeng iyon, Mama?” Mahigit beinte kuwatro oras ng may malay si Lawrence pero hanggang ngayon ay hindi pa rin bumabalik ang buong alaala niya. Alam na niya ang lahat ng nangyari sa kanya bago siya dumating sa ospital na iyon. Naalala niya. Nag-collapse ang mining site kung saan siya nagtatrabaho. Nakita niya kung paano nabagsakan ng bato ang mga kasamahan niya at ganoon rin siya. Pero masuwerte na na-rescue siya kaagad at ang mga tinamo niya ay hindi kasing lala ng mga ito.

Gagaling ang mga sugat ni Lawrence. Pero maibabalik pa ba niya ang lahat ng alaala?

Malungkot na tinignan ng ina si Lawrence. “Sigurado ka ba na hindi mo talaga maalala si Linette, Anak?”

Linette. Linette. Linette. Kahit ilang beses na i-chant ni Lawrence ang pangalan ng babae sa utak ay walang pumapasok sa utak niya. Hindi niya ito maalala.

Napaka-weird ng nangyari kay Lawrence. May paliwanag naman kung bakit may bagay na hindi siya maalala. Well, hindi bagay kundi tao. Bumagsak siya kaya nawalan siya ng malay. Napuruhan ang ulo niya kaya nagkaroon ng certain damage iyon at iyon nga, hindi niya makilala ang babaeng nagke-claim na girlfriend niya. Naaalala naman niya ang lahat tungkol sa kanya maliban sa babaeng iyon.

Bakit hindi niya maalala si Linette? Alam niya kung sino siya, anong pangalan ng ina niya, anong klase ang pamilya niya, ang trabaho niya, mga kasamahan niya sa trabaho at kahit nga ang current news ay kaya niya na ikuwento. Pero bakit hindi si Linette? Kung girlfriend niya ito, importante ito sa kanya. Dapat ay hindi niya ito nalimutan.

Umiling si Lawrence. “This is frustrating.”

“Naiintindihan ko. Pero isipin na lang natin na babalik rin ang lahat ng alaala mo. Nasabi na rin naman ng mga Doctor na bihirang kaso lang ang amnesia. Makakaalala ka rin, sooner or later.”

Na-diagnose si Lawrence na nagkaroon ng selective amnesia bukod pa sa mga sugat na natamo niya sa iba’t ibang parte ng katawan. Hindi naman daw dapat ipag-alala dahil gagaling rin ang mga iyon sa tamang panahon. Ganoon rin daw ang kanyang amnesia. Marami ang cases ng amnesia na temporary lamang.

Gustong maniwala ni Lawrence na makakaalala rin siya. Pero bakit ganoon? Nakaalis na siya ng ICU pero ayaw pa rin pumasok sa utak niya ng mga alaala. Alam niya na hindi siya dapat magmadali. Pero naiinis na kasi talaga siya sa kakaisip pero walang kahit ano tungkol sa babae siyang naalala.

Bumuntong-hininga si Lawrence. “Sana nga...”

“`Wag kang mainip, Anak. Mahal na mahal mo si Linette. Puwedeng hindi siya maalala ng isip mo ngayon. But the heart always remembers...”

Inalala ni Lawrence ang mukha ni Linette. She was pretty, all right. Hindi nga siguro kadududa-duda na nagustuhan niya ito. Nagkaroon rin ng kakaibang lukso ang puso niya sa pag-iisip lamang rito. Pero hindi niya maintindihan kung bakit may pag-aalinlangan siyang nararamdaman. May nagsasabi sa kanya na hindi dapat niya nararamdaman ang mga bagay na iyon. Hindi niya masigurado kung saan nangangaling ang nararamdaman. Isa pa iyon sa nakakapagpa-frustrate sa kanya.

“Okay. Pero napapag-usapan rin naman si Linette, kailan siya babalik?”

Dahil maselan ang lagay ni Lawrence, inilayo muna sa kanya si Linette. Kailangan raw niya na magpahinga, hindi ang mag-isip ng mga hindi niya maalala. Baka mabigla raw siya kagaya noong una. Ang tanging pinapasok lang sa ICU ay ang mga taong naalala niya---ang pamilya niya. Hindi rin naman raw giniit ni Linette na makapasok. Inintindi nito ang payo ng Doctor.

“Nasa labas siya. Hindi naman talaga siya umalis. Naghihintay lang siya ng go signal para makausap ka.”

“P-puwede ko ba siyang makita, Mama?”

“Kaya mo na ba, Anak? Sinabi ng Doctor sa `yo na `wag mo munang pilitin ang sarili mo. Baka kapag nakita mo siya ay pilitin mo ang isip mo at baka lalo iyong makasama. Hindi pa ganoon ka-stable ang lagay mo.”

“Hindi rin naman ako matatahimik habang hindi nasasagot ang mga tanong sa isip ko. Baka kung sakaling makausap o kaya ay makasama ko siya, bumalik na ang lahat. Kaya ko na rin ang sarili ko, Mama.”

Tumango ang kanyang ina. Lumabas ito ng kuwarto. Ilang sandali, pumasok ang babae. Napansin kaagad ni Lawrence ang kakaibang tibok ng kanyang puso. Maganda ang babae.

Ngumiti si Linette at parang nawala yata ang iniinda pa rin na sakit ng sugat ni Lawrence. Her smile made the room brighter. It made things lighter. Pero ewan ba niya at parang may bumubulong sa isip niya na pigilan ang damdamin na iyon.

Hindi mo na dapat siya minamahal.

Hindi. Hindi dapat niya pinapakinggan ang negatibong instinct. Why will he judge Linette? Ni hindi niya pa alam ang buong istorya.

“Hello. Kumusta ka na?” bungad sa kanya ni Linette.

“Kagaya pa rin kahapon. Hindi pa rin kita maalala at makilala...”

Tumango si Linette. Nagkaroon ng pait ang ngiti nito.

“I’m sorry...”

Umiling si Linette. “Hindi mo kasalanan iyon. Walang may gusto noon.”

“Yeah,” at iyon na nga rin siguro ang masakit. Wala siyang puwedeng sisihin sa nangyari sa kanya. Wala siyang mapapagbuntunan ng galit kaya mas nakakainis. “P-pero puwede mo ba akong tulungan na makaalala, Linette?”

“Siyempre naman. Gagawin ko ang lahat para sa `yo, Babe.” Hinawakan ni Linette ang kamay niya. Pinisil pa nito iyon.

Tinitigan niya si Linette. “Puwede mo bang ikuwento sa akin ang lahat?”

“Tungkol sa atin? Simula sa umpisa?”

Tumango si Lawrence. “Simula sa umpisa. And please, tell me all the details. Ipakilala mo rin ang sarili mo. Kung alam mo rin kung ano ang damdamin ko sa `yo sa mga sitwasyon na iyon, `wag kang mahiyang sabihin. Naisip ko na baka kapag ginawa mo, maalala ko na ang lahat.”

Ngumiti ng pagkakatamis si Linette. “It will be a pleasure for me to share our beautiful memories, my Love...”

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.