Tenses (Unofficial) Series Chapter 27

“BUSY na naman?” hindi na napigilan na ipahalata ni Clarisse kay Ross na naiinis na siya. Hindi na rin niya gustong isipin ang iisipin ni Ross. Alam niya na nagiging demanding na siya sa sinabi. Pero siguro, dala ng nalaman kagabi ay napupuno na rin siya.

“I’m sorry. Babawi naman ako sa `yo pagkatapos nito,” sagot ni Ross. Nasa boses nito na apologetic ito. Pero hindi iyon sapat para mawala ang inis na nararamdaman ni Clarisse.

“Nasaan ka ba ngayon? Pupuntahan kita,” hindi rin napigilan na sabihin ni Clarisse sa tawag. Kahit kasama niya naman si Ross kagabi ay na-miss niya ito.

Na-miss niya na lahat ng libreng oras nito ay para sa kanya lamang. Alam niya na may performance ito mamaya sa isang sikat na bar. Pero kahit naman ganoon ay madalas na nagkikita sila. Dumadalaw ito sa bahay nila dahil alam nito na hindi siya abala dahil wala siyang pasok ng Sabado.

“Ha?” nagulo ang boses ni Ross. Bahagyang pumiyok pa ito. “A-ah, may rehearsal ako para sa performance ko mamaya.”

Kumunot ang noo ni Clarisse. “Sanay na sanay ka na sa trabaho mo. Hindi ka na nagre-rehearse `di ba?”

“Oo. Pero may may bigatin akong bisita mamaya kaya kailangan ko.”

“Gusto kita na panoorin. Alam ko naman ang bar kung saan ka tumutugtog kapag Sabado kaya---“

“No, Clarisse!” halos sumigaw pa si Ross sa pagputol sa kanya sa kabilang linya.

Naningkit si Clarisse. Nakaramdam siya ng masama sa pagtanggi na iyon ni Ross. “May itinatago ka ba sa akin, Ross?”

“Well,” Doon pa lamang ay naramdaman na ni Clarisse ang pag-aalinlangan ni Ross. At nakaramdam na naman siya ng sama ng loob. Well, hindi na naman iyon nawala simula kagabi pero lumala pa lamang ngayon. Gusto na naman niyang maiyak. Pero naisip niyang wala rin naman na magagawa iyon sa kanya. Napagdaanan na niya kay Sean ang pagmukmok at pag-iyak. Naging hindi lang maganda ang dulot noon. Isa pa, nasa bahay rin siya. Ayaw niyang makita ng Mama niya na nasasaktan siya. Alam niyang magiging disaster rin ang dulot noon kagaya noong una.

Isa pa, ayaw rin na masira si Ross sa kanyang ina. Masama ang loob niya rito pero hindi naman ibig sabihin noon ay gusto na niyang sirain ito. Itinatago niya muna sa ngayon ang inis niya sa ibang tao. Kay Ross na lang niya hindi napigilan na ipahalata iyon. Pagkatapos ng lahat, ito rin naman ang dahilan kung bakit siya nagkakaganoon. Tama lamang na ipahalata niya iyon rito.

“Sagutin mo ako nang maayos, Ross.”

“Wait, I have to go. Mamaya ko na lang sasabihin sa `yo, ha? I will call you later,” palusot ng lalaki at tinapos na ang tawag.

Halos itapon ni Clarisse ang cell phone sa inis sa sinabi ni Ross. Nasabunutan rin niya ang sarili. Ganoon ang palagi niyang ginagawa kapag nauubos na ang pasensya niya. Bihira lang naman iyon na mangyari sa kanya kaya nahihirapan siya kung paano iyon i-handle. Hindi siya ma-reklamo na tao.

Pero iyon nga siguro ang problema. Masyado siyang matiisin. Kaya siya naabuso. Kaya siya madaling nagagawa na masaktan.

Naniniwala pa rin si Clarisse na hindi dapat binabago ang sarili para sa lalaking minamahal. Pero sa tingin niya, ang pinagbago rin naman niya ito ay para sa ikabubuti.

Lalaksan na ni Clarisse ang loob. Kahit natatakot siya sa maaaring kalabasan nang pagkompronta niya kay Ross tungkol sa kakaibang ginagawi nito ay karapatan niya na malaman iyon. Kailangan rin na matahimik ng kanyang isip.

Bumuo ng desisyon si Clarisse. Gagawin na niya ang sinabi kay Ross kanina. Pupuntahan na niya ito. Kapag sa personal sila nag-usap ay mas makikita niya kung may itinatago talaga ito. Tama na ang kanyang pagtitiis.

Tinatagan ni Clarisse ang loob niya. Pero habang nasa sasakyan ay maraming pumasok na tanong sa utak niya. Paano kung masama ang itinatago ni Ross? Paano kung may ibang babae pala ito? Malaki ang posibilidad dahil playboy ito. Bukod pa sa nararamdaman niya na panlalamig nito. Paano kung hindi siya sapat para rito? Paano kung maging mabisa ang pangontra na ginagamit nito? Gusto nito na mapaalis ang isang boring na kagaya niya sa makulay na buhay nito.

Mali si Clarisse para mag-isip ng ganoon. Dapat ay nagtitiwala siya kay Ross. Pero naroroon pa rin ang pag-aalinlangan.

Ganoon pa man, hindi rin naman masisisi si Clarisse. Pinaparamdam sa kanya ni Ross na may mali. At ngayong wala ng pinaparamdam na espesyal sa kanya ang lalaki ay nawawala na ang karapatan niya na mag-assume. Dahil iyon lang naman ang pinanghahawakan niya sa relasyon nila ni Ross `di ba? Dahil wala naman itong sinasasabi sa kanya. Walang salita.

Nag-breathe in, breathe out muna si Clarisse bago pumasok sa loob ng bar. Sigurado siya na naroroon nga si Ross dahil nakita niya ang kotse nito sa labas. Ang alam niya ay hindi pa opening ngayong oras noon. Pero wala naman na guard at bukas ang pinto. Pumasok na siya roon kahit walang paalam.

Mabilis na nakita rin naman ni Clarisse si Ross. May kasama itong isang babae. Ewan kung bakit nagdilim ang mata niya nang makita si Ross sa ganoong sitwasyon. Inaayos lang naman ng babae ang damit ni Ross pero nagsisintir na ang loob niya.

“Magugustuhan niya kaya ako sa suot kong ito?” narinig pa ni Clarisse na tanong ni Ross sa babae. May alinlangan sa ngiti nito.

“Kahit naman yata sako ang isuot niyo, mananatiling guwapo pa rin kayo, Sir.” Tila kilig na kilig pa na wika ng babaeng kasama ni Ross.

Kire! Nahahawa na yata si Clarisse kay Sean kaya naggawa niyang maisip man lang ang salita na iyon para sa babae.

Humarap si Ross sa salamin sa bar. Doon nito napansin ang presensiya niya. Mula rin sa salamin na iyon ay nakita ni Clarisse na namutla ito.

“Kung ganoon ay ito ang itinatago mo. May pinaghahandaan ka!” nakahalukipkip na pagkompronta ni Clarisse kay Ross.

Bumuntong-hininga si Ross. “Kailangan ko na itago ito sa `yo, Clarisse. I’m sorry.”

Naiyak na si Clarisse sa inis. Bakit kailangan na itago sa kanya ni Ross na may pinaghahandaan ito? Iisa lamang ang naiisip niyang dahilan: para hindi niya malaman. Para hindi siya masaktan. Para hindi niya maisip na pinaasa lang siya nito. O `di kaya ay para puwede pa rin siya nitong gawing spare tire?

Niyakap ni Ross si Clarisse. “Damn,”

“And damn you, too! Niloloko mo ako!” hindi na napigilan ni Clarisse ang sarili. Sinuntok niya ang dibdib nito.

“That hurts, Love.”

“`Wag mo akong tawaging Love! We both know that you don’t even feel that for me!”

Kumunot ang noo ni Ross. “Hindi mo alam ang sinasabi mo.”

“Maaaring boring ang tingin sa akin ng nakakarami pero matalino ako, Ross. Marunong akong magtagpi-tagpi ng mga bagay. At lahat ay pumupunta lamang sa isang konklusyon: niloloko mo ako.

“Ngayon na ang huling alas ko. May itinatago ka sa akin. Hindi ko na gustong pigilan pa ang sarili ko. Nakapagpaliwanag na ako tungkol sa mga bagay na may kinalaman si Sean pero hindi ka naniniwala. Mukhang hindi ka naniniwala. Dahil kung naniniwala ka, bakit nanatili ka pa rin na malamig sa akin? Ni hindi mo na ako hinahatid-sundo sa trabaho ko. Nagbago ka na. At ganoon iyon dahil pinaasa mo lang ako.”

“Kung iyon ang iniisip mo, siguro ay bulag ka, Clarisse. Bakit hindi mo tignan ang paligid?”

Doon lang naggawang tumingin ni Clarisse sa paligid at napagtanto niya na iba ang itsura ng bar na iyon. Nagmukhang hindi iyon bar dahil maraming pink at red sa paligid. May mga balloons at bulaklak na nakapaligid roon.

The place feels like a romantic place now. At dahil nanlalamig sa kanya si Ross, hula niya ay hindi para sa kanya iyon.

“Ako ang nagpahanda nito.”

“Parang ganito ang mga nakikita ko sa pelikula kapag gustong i-sorpresa ng boyfriend ang girlfriend nila…” lalo lang pinasakit ng hudyo ang puso ni Clarisse. “Paano mo naggawa ito sa akin?”

“Because I love you, Clarisse. That’s why I want to surprise you,”

Kumunot ang noo ni Clarisse. “Ano ang ibig mong sabihin?”

Napakamot ng ulo si Ross. “Hindi mo pa dapat na malaman ito. Kaya ko nga tinatago `di ba? Bakit kasi hindi ka makipaghintay?”

“Para sa akin ito? Ipinahanda mo ito para sa akin?”

Tumango si Ross. Sa ginawa nitong iyon ay gusto muling mapaiyak ni Clarisse. Pero sa ibang dahilan na ngayon---sa tuwa. Parang natanggal rin ang malaking tinik sa dibdib niya.

“P-Pero bakit?”

Hinawakan ni Ross ang pisngi ni Clarisse. “Nasabi ko na. It’s because I love you.”

“Ross, bigyan mo ako ng magandang dahilan para maniwala ako roon.”

Hinalikan siya ni Ross. “Whenever I kissed you, my heart went crazy. Sa dinami-rami ng babaeng nakasama ko, tanging sa `yo ko lang naramdaman iyon.”

“Nahalikan mo na rin ako noon pero hindi ka naman mukhang naloko. Hindi mo ako ipinaglaban.”

Itinaas ni Ross ang isang kilay. “Sa pagkakatanda ko, ikaw ang may ayaw. Tinanggihan mo ako. Sinabi mo na wala ka naman naramdaman sa halik na iyon. Hindi mo rin ako pinaglaban.

“Dahil itinanggi mo ako kay Stephanie,” ikinuwento ni Clarisse kung paano siya nasaktan sa narinig na usapan

“Sabi na nga ba. Nagpunta ka roon. Pero I guess, hindi mo tinapos ang mga narinig mo? Umalis ka na lang basta.”

“Kung ganoon, maaaring sabihin mo sa akin ang kasunod?”

“Hanggang ngayon ay tanong ko pa rin ang sinabi ko na iyon kay Stephanie. How could a guy like me end up with someone like you? Pero kagaya noon, iisa pa rin ang sagot. Because love is unexplainable. Hindi rin natin mapipili kung sino ang mamahalin natin. Love just happens.”

“Hmmmm…”

“Hindi ka pa rin naniniwala?”

“Kailangan mo pa na ipaliwanag ang panlalamig mo sa akin.”

“All right.” Tumango si Ross. “Dahil kay Sean. Hindi mo rin naman ako masisisi `di ba? You told me he is your first love. Mahirap kalaban ang first love.”

“Pero nagpaliwanag na ako sa `yo.”

“Yes. Pero nakalimutan mo na ba ang sinabi mo sa akin? Gusto mo na bumawi kay Sean. Hindi panlalamig ang ginawa ko sa `yo, Clarisse. Binigyan lang kita ng time para makasama at makabawi sa kanya. Isa pa, medyo gusto ko rin na lumayo sa `yo dahil natatakot ako na baka malaman mo ang inihanda ko na sorpresa sa `yo. Baka madulas ako at hindi na mangyari iyon.”

“Na nangyari na ngayon. Nalaman ko na ang itinatago mong sorpresa,” napailing-iling pero nakangiti na si Clarisse. “Bakit kasi sinosorpresa mo pa ako?”

“Girls love romance. Surprise is romance.”

“Pero I’m different. Simpleng babae lamang ako. Hindi mo na kailangan ng ganito para mapasaya ako.”

“But I want you to feel special, Clarisse. At puwede ba na i-appreciate mo na lang rin ang ginawa ko? Ngayon ko lang ginawa ang isang ito para sa isang babae. Sabi ng mga kaibigan ko, baduy daw. Pero baduy na kung baduy pero ganito nga siguro kapag nagmamahal.”

“Kaya pala dito mo pa naisipan na mang-abala.”

Ngumisi si Ross. “Baka mabawasan ang customer’s ng The Rack’s Bistro kapag nalaman nilang hindi na single ang isa sa mga taong madalas roon. Kami pa naman na magkakaibigan ang dahilan kung bakit nag-boom iyon. Anyway, kaibigan ko rin naman ang may-ari nito kaya pumayag siya.”

“Speaking of The Rack’s Bistro, may nalaman pala ako tungkol sa katapat na café noon. Nagpahula daw kayo?”

“Ah, oo. Pero naniniwala naman ako na peke iyon.”

“Nalaman ko ang hula at pangontra sa `yo. Ipaliwanag mo sa akin kung bakit itinago mo ang pangontra na iyon. Nasasaktan ako sa isipin na iyon. Nakita ko ang pangontra sa cabinet mo.”

“Nakalimutan ko lang na itapon. Saka sa tingin mo ba ay effective rin ang pangontra? I don’t think so. What happened is the other way around. Hindi ko napigilan na lumapit sa `yo. Nang makita ko na may pagkakataon ako para makasama ka, palagi ko na lang kinukuha iyon. Because maybe, I know in my heart that I want to be developed with you. I still want you, kahit minsan na tinanggihan mo na ako noon.”

May point. Napaisip tuloy si Clarisse kung matalino nga ba talaga siya? Bakit hindi niya naisip iyon? Pero naalala niyang nasasaktan nga pala siya. Nabulag siya sa sakit at tanging negatibo lamang ang pinapasok niya sa utak niya.

“So, ngayon na alam mo na ang nararamdaman ko, is it a yes?”

“Ha?”

“Ginawa ko ang surprise na ito para itanong sa `yo kung ano talaga ang nararamdaman mo sa akin. I want to ask you to be officially my girlfriend now, Clarisse.”

“Hmmm… but can I ask you a favor, too?”

“Alam mo naman na hindi ako makakatanggi basta para sa `yo.”

“Parang ayaw ko na maging simple ngayon. Gusto ko na mag-inarte kaya mamaya ko na sasagutin `yan kapag nakita ko na itong ihanda mo sa akin.”

“All right. Pero dahil nag-inarte ka, alam mo na ang parusa `di ba?” nakakaloko ang ngisi ni Ross.

Hindi na hinintay pa ni Clarisse ang paglapit ng mukha ni Ross. Siya na ang unang naglapit ng mukha. Pagkatapos ng lahat, kailangan rin naman niya na parusahan ito dahil nag-inarte rin ang lalaki sa kanya.

“THAT I was born for you…It was written in the stars…Yes, I was born for you…And the choice was never ours,”

Tanging kay Clarisse lang nakatingin si Ross habang kinakanta ang romantic song na iyon sa stage. Maliwanag ang mukha nito at lahat ng mga tao na nanonood ng performance nito.

Alam na ni Clarisse ang sorpresa pero pakiramdam niya ay nasorpresa pa rin siya. Paano, noon lamang niya nalaman na kasama pala sa surprise ang pamilya ni Ross at ang Mama niya. Naroroon ang mga ito para masaksihan ang pagiging official na magkasintahan nila ng lalaki.

“What we have the world could never understand…Or ever take away, And as the years go by…Until the day I die…I bless the day that I was born for you,”

Sa pagkanta ni Ross ng huling linya ay bumaba ito sa stage. Lumapit ito sa kanya. Pinatayo siya nito at hinawakan ang kamay niya.

“I was born for you, Clarisse Recio. Kagaya ng kanta, the world maybe could never understand why I have this feeling for you. But I promise you, it would never ever take away.”

Ngumiti si Clarisse. “Changed your preference now? Akala ko para sa akin iyong kinanta mo na “It might be you” dati?”

“I think all romantic songs would suit all my feelings for you.”

“Nag-assume ako na para sa akin iyong kinanta mo noon.”

“Yes. Pero napagtanto ko na hindi rin pala iyon pinaka-appropriate. Dahil hindi “maybe its you that I’ve been waiting all my life”. Ngayon ay sigurado na ako na ikaw iyon. My love is with you till eternity.”

Hindi na napigilan ni Clarisse na ma-touch sa sweet words na iyon. Pinahid ni Ross ang luha sa mata niya.

“Hindi ganito ang inaasahan ko na reaksyon mo. You are not surprised with this, remember?”

“Oo. Pero nakaka-sorpresa na nag-uumapaw pa rin ang saya sa dibdib ko sa ginawa mo. I don’t know what good I did to deserved all of this.”

“The only thing you could do is to love me back. Iyon ang pinakamaganda at pinakamabuting bagay na magagawa mo, pangako.”

Idinikit ni Clarisse ang ilong sa ilong ni Ross. “I love you, Ross. And I declare that I am officially yours now.”

“And you are mine…” wika ni Ross at tuluyan ng ipinagdikit ang mukha nila sa pamamagitan ng halik na siyang nakapagpalakpak sa lahat ng tao.

THE END OF BOOK 3

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.