ZACH'S POV
" Hoy! Sino ang tinititigan mo diyan? " Tanong ni Zandro sabay upo sa katabi kong bakanteng upuan. " Bro, si Francesca yan ah? Don't tell me.. " Pabitin niyang sabi sa akin.
" H'wag mo ng ituloy ang sasabihin mo Zandro. Dahil ang sagot ko diyan ay hindi. " Defensive kong sabi sa kanya.
" Alam mo Zach, mag sinungaling kana sa iba h'wag lang sa akin. Ang tagal na nating magkakilala at magkaibigan kaya kilalang-kilala na kita mula ulo hanggang paa. " Tinapik niya ako sa balikat ko sabay tawa ng nakakaloko.
" Ewan ko sa'yo! Para kang bakla na maraming alam. " Tumayo na ako at naglakad papuntang Gforce building. Sumunod naman si Zandro sa akin.
" Yung mga tingin mo na yun parang ganyan na ganyan din kapag nakatingin ka kay Skye. Nag iba na ba ang taste mo sa babae dude? " Pang aasar niya pa sa akin. Pero tama siya, lately kasi para akong na chachallenge kay Francesca. Sobrang taray niya kapag ako ang nakakaharap niya. Pero kahit tinatarayan niya ako di ko parin maiwasang hindi mapangiti sa kanya. I find her cute when she's mad. Kaya lalo ko pa siyang iniinis dahil natutuwa ako kapag namumula na siya sa inis. She's interesting and i somehow like her. I like her being herself. Walang kaarte arte sa katawan, walang kinakatakutan at higit sa lahat siya lang ang nerd na kung ibully man ng iba ay hindi din nagpapatalo. That's what make her unique and interesting. " Patay na, may tama na nga ito sa babaeng nerd. " Nagulat pa ako sa biglang pag suntok ni Zandro sa braso ko.
" Gago ka ah! Bakit mo ako sinuntok? " Inis kong sabi sa kanya. Ang sakit ng suntok ng hinayupak na'to.
" Bakit kita sinuntok? Kasi parang ang utak mo nilipad na sa outer space kaya sinuntok kita para bumalik ka sa earth. " Saka siya tumawa ng malakas. Hindi ko namalayan na napatulala na pala ako.
" Oh, anong nangyari diyan? " Tanong ni Zander kay Zandro na kararating lang.
" Inlove yan bro, binata narin sa wakas si Collins. " Zandro
" Naks! Congrats dude, and who's the lucky girl? I'm sure super ganda at sexy niyan gaya ni Skye. " Zander
" Maswerte talaga dude, Francesca Salvatore ang babaeng nagugustuhan ni Zach. " Nakakalokong tawa ang pinakawalan ni Zandro pagkatapos niyang sabihin yun kay Zander. Tinapunan ko naman siya ng nakakamatay na tingin.
" What. The. Hell? Seryoso ba si Zandro, Zach? " Hindi makapaniwalang tanong ni Zander sa akin. Tumango lang ako bilang sagot. " Shit dude! Inaasar pa natin yun tapos nahulog ka pala dun? " Zander
" Pag-ibig nga naman, wala talagang pinipiling tao. All is fair in love. " Zandro
Binato naman ni Zander si Zandro ng throw pillow pero nakailag naman ang huli.
" Baduy mo Zandro! " Sigaw ni Zander kay Zandro. Natatawa ako sa dalawang ungas na kasama ko.
" Seryosong usapan Zach, kahit gasgas na ang linyang 'to sasabihin ko parin sa'yo. Kung saan ka masaya dude, susuportahan ka namin ni Zander. Parang kapatid na ang turingan natin sa isa't isa kaya kung saan ka masaya, masaya narin kami para sa'yo. " Zandro
" Tama si Zandro, pero tama na itong drama na'to nakakabakla eh. " At napuno ng tawanan ang Gforce building.
***
Sinusundan ko si Francesca at nakita ko na papunta siya sa kabilang side ng Branston kung saan ang stock room located. Anong gagawin niya sa stock room? Mangilan ngilan lang ang mga tao dito dahil hindi naman ito pinupuntahan ng mga estudyante. Binuksan niya ang pinto ng stock room at biglang bumuhos ang pulang likido sa ulo niya.
" Shit! " Sigaw ni Francesca sa sobrang gulat at galit.
Agad akong lumapit sa kanya at nagulat pa siya sa biglang pag dating ko.
" Are you okay? " Tanong ko sa kanya habang hinahawi ang basang buhok niya na nakatabing sa mukha niya. Basang-basa ang suot niyang bestida at namantsahan na ito ng pulang likido na nabuhos sa kanya.
" Are you blind? Do i look okay? " Sigaw niya out of frustration. Pinupunasan na niya ang mukha niya gamit ang basang panyo niya. Agad ko namang hinubad ang jacket na suot ko at ibinigay sa kanya.
" Here, wear this jacket. " Tiningnan lang niya ang jacket na hawak ko at hindi man lang kinuha. Ang tigas talaga ng ulo ng babae na'to. Bakit ko nga ba ito nagustuhan?
" Thanks, but no thanks. " Agad na siyang tumalikod sa akin at naglakad na paalis sa lugar na yun. Hinabol ko naman siya at hinawakan sa braso niya.
" Don't be such a hard headed, Francesca. Suotin mo 'tong jacket or pagtatawanan ka nila sa ganyang itsura? " Tinitigan niya ako ng matiim at pagka maya-maya lang hinablot niya sa akin ang jacket na hawak ko at agad na isinuot ito. Hinawakan ko naman siya sa braso at agad na dinala sa parking lot.
" What are you doing? Bakit mo ako dinala sa parking lot? " Pagpupumiglas niya sa pagkahawak ko sa braso niya.
" Get in the car. May pupuntahan tayo. " Utos ko sa kanya pero dahil may katigasan ang ulo ng babaeng ito hindi niya ako sinunod.
" Saan mo ba ako dadalhin? Hindi porke't pinahiram mo sa akin ang jacket mo ay pwede mo na akong kaladkarin kung saan. " Sigaw niya sa akin. Hindi ko naman inexpect na sisigawan niya ako kaya nakatawag na tuloy kami ng pansin ng ibang estudyante dito.
" Papasok ka sa loob ng kotse or bubuhatin kita papasok sa loob? Please, you don't need to shout. I just want to help you. " Puno ng awtoridad na sabi ko. Malapit ng maubos ang pasensiya ko sa babaeng 'to pero pilit ko paring hinahabaan ang pasensiya ko. Kung hindi ko lang gusto ang kaharap ko kanina pa ako umalis dito.
Pumasok naman siya sa kotse ng tahimik lang. Kung kanina puno ng frustration ang mukha niya ngayon naman para itong pipi na sobrang tahimik. Buong biyahe kaming di nag imikan at ayoko din na umimik dahil baka tarayan nanaman ako nito.
" Bakit mo ko dinala sa mall? Anong gagawin natin dito? " Pasupladang tanong niya sa akin. Napahilot ako sa sentido ko sa tanong niya. Bakit ba ang kulit at ang ingay ng mga babae? Just for once, hindi ba pwedeng tumahimik sila?
" Bibili tayo ng damit mo. Alangan naman na buong araw mong suot ang basang damit mo. Baka magkasakit kapa niyan. " Sabi ko na hindi nakatingin sa kanya.
" I'm not your responsibility Zachary Collins, I can take care of myself. " Tumalikod na siya at pumasok sa isang boutique shop. Napailing nalang ako sa sinabi niya at agad na sumunod sa kanya.
" Girls and their mood swing. " Bulong ko sa sarili ko.
" Miss, basang-basa ka po. Lumabas kana ng boutique na'to baka madumihan mo ang mga damit. " Taboy ng saleslady kay Francesca.
" Bibili ako ng damit kaya wag mo akong itataboy na parang hayop. " Tinarayan niya ang saleslady na hindi na bago sa akin. Mataray talaga siya.
" Mahal ho ang mga damit dito. Baka di mo kayang bilhin kaya umalis kana dito. " Nairita ako sa inasta ng saleslady kay Francesca kaya lumapit na ako.
" Ganyan ba kayo mag trato ng customer niyo? Napaka unprofessional niyo naman. Kahit ano pa ang itsura nila you must treat them fairly. Kung hindi nila kayang bumili ng damit dito pwede mo naman sabihin sa kanya in a nice way Miss. Hindi yung babastusin mo siya. " Napatungo naman ang saleslady dahil sa sinabi ko.
" Sorry sir. " Saleslady
" H'wag kang mag sorry sa akin, sakanya ka mag sorry. " Turo ko kay Francesca na nakikinig lang sa usapan namin ng saleslady.
" Sorry maam! If you like maam, i will assist you. " Saleslady
" No need, i change my mind. Sa ibang boutique nalang ako bibili ng damit. Nawalan na ako ng ganang bumili dito, poor quality na nga ng mga damit niyo pati ugali ng tao dito poor din. " Naglakad na si Francesca palabas ng shop na yun.
" Ikaw kasi, bakit mo kasi itinaboy agad yung babaeng yun? " Girl 1
" Malay ko bang bibili siya ng damit? Mukha kasi siyang mahirap kaya naisip ko na baka madumihan niya ang mga damit dito. " Girl 2
Napailing nalang ako sa narinig ko na usapan ng dalawang saleslady. Hinila ko naman si Francesca sa isang shop na katabi ng unang shop na pinasukan namin.
" Hi sir and maam, how may i help you? " Nakangiting bungad ng saleslady sa amin.
" Paki assist siya sa paghahanap ng damit na bibilhin niya. " Utos ko sa saleslady at agad namang iginaya si Francesca sa mga damit na naka hang sa gilid.
" Zach, iwan ko muna sa'yo ang bag ko. Alam ko naman na hindi ka magnanakaw kaya pag may nawala yan diyan babayaran mo. " Taray niya sa akin. Mukha ba akong magnanakaw? Tsk.
Tumungo na si Francesca sa fitting room at bitbit ang damit na napili niya. Napansin ko naman na panay ring ng cellphone niya pero hindi ko nalang pinansin. Pagkamaya-maya nag ring nanaman ito kaya sinagot ko na dahil baka emergency call yun.
[ Hello Skye, pupunta ba tayo sa bahay niyo? ] -CALLER
Natahimik ako sa narinig ko. Did she call Francesca, Skye?
[ Skye.. Nandiyan kapa ba? Hello? ] Caller
Binaba ko na ang tawag na hindi man lang nag salita. Napaisip ako ng malalim dahil tinawag niya itong Skye. Wait, Skye Salvatore nga pala ang fullname ni Skye. Hindi kaya si Skye at Francesca ay iisa? Pareho silang Salvatore at imposible namang kambal silang dalawa.
" Okay na ba ito? " Francesca
Nagulat ako sa biglang pag salita ni Francesca. Nakatingin lang ako sa kanya at doon ko napansin na siya nga si Skye. Yung tindig niya, yung katawan niya at pati na ang korte ng kanyang mukha. Kahit nakasuot siya ng malaking salamin at makapal ang kilay no doubt na siya nga ito. Siguro kung unang tingin lang hindi mo siya makikilala pero kapag tinitigan mo siya ng maigi dun mo siya makikilala.
" Hoy Zachary Collins, nasa earth ka pa ba? " Hinablot niya ang bag niya sa gilid ko at agad na pumunta ng counter para bayaran ang damit na napili niya. Agad ko naman siyang pinigilan na mag bayad pero tinaasan niya ako ng kilay niya.
" I'll pay for it. In the first place, I was the one who dragged you to this place. " Kinuha ko na ang credit card ko at ibinigay dun sa cashier. Akala ko makikipag talo pa siya pero nanibago ako dahil tahimik lang siyang nakatayo sa tabi ko. Pagkatapos kong magbayad agad ko na siyang inaya pabalik sa school.
Pagkababa palang niya sa kotse lahat ng mga mata nakatuon sa kanya or sa amin. Deadma namang naglakad si Francesca patungo sa classroom namin. Hinabol ko siya para makasabay ko siya sa pag pasok. Tahimik lang siyang naglalakad ni hindi niya ako tinapunan ng tingin kaya nanatili nalang akong tahimik. Pagkapasok namin sa classroom namin napatigil sa pagtuturo ang prof namin at halos lahag ng mga classmates namin sa amin nakatingin. Nabaling naman ang paningin ko kina Zander at Zandro at ang mga ungas nakangisi lang sa akin.
" Collins and Salvatore, inuna niyo pa ang date niyo kesa sa klase niyo. Next time ipapalagay ko kayo sa detention room pag inulit niyo pa ito. How disrespectful! " Anas ng Prof namin. Umupo nalang ako sa upuan ko at ganun din si Francesca.
" Zach, where have you been dude? Kasama mo pa talaga si ehem si Francesca. " Zandro
Napailing nalang ako dahil biglang napatingin sa gawi namin ang prof. Tiningnan ko si Francesca na tila wala sa sarili. Nakatanaw lang siya sa labas ng bintana at ang lalim ng iniisip dahil sa pag kunot ng noo nito. Kahit naka kunot ang noo niya maganda parin siya. Kahit anong gawin niya yata maganda parin siya sa paningin ko. Hays! Francesca, ano bang mahika ang ginamit mo sa akin at para akong nababaliw sayo?!