The Goddess Nerd Chapter 10

SKYE'S POV

" Skye, is that you? " Ang tagal ng panahon nung huli kong marinig ang boses na yun. Akala ko hindi ko na marerecognize ang boses niya pero ngayon na tinawag niya ako pakiramdam ko parang kahapon lang yun. Unti-unti akong lumingon and there he was standing with disbelief written all over his face. I smiled at him and I see to it that I gave him the sweetest smile he never saw in his entire life.

" Nathaniel Elizalde. " Tawag ko sa buong pangalan niya. Sino ba ang makakalimot sa taong nanakit sa'yo? Sa taong nanloko sa'yo at pinaglaruan ka lang? Sino siya? Siya ang first boyfriend ko. My first love and my first heartbreak. Hinding-hindi ko makakalimutan ang ginawa niya sa akin 4 years ago.

" Skye, I'm sorry but I'm breaking up with you. " Daig ko pa ang sinakluban ng langit nung sinabi niya yun sa akin. Bigla namang tumulo ang mga luha ko na para bang wala ng bukas.

" You're kidding, right? You're not breaking up with me. Tell me you're kidding. " Pag susumamo ko sa kanya. I knew he's not joking at that moment 'coz he was very serious. Pero umaasa ako na sasabihin niyang nagbibiro lang siya kasi mahilig siyang mag biro. But not this time.

" I don't really love you Skye. It was just a bet. Sorry kung pinaasa kita na totoong mahal kita. It was all part of the bet. Sorry! " Gusto kong sumigaw at mag wala nung oras na yun pero hindi ko magawa. Pero pinilit ko parin ang sarili ko na gawin ang bagay na alam kong pagsisisihan ko sa bandang huli. But I love him so much and I don't care kung mag mukha man akong tanga sa gagawin ko. At that moment lumuhod ako sa harap niya at nagmakaawa na h'wag akong iwan.

" Please Nathan, I'm begging you. Don't break up with me. I love you so much and I don't wanna lose you. Hindi ko kaya! " Humagulhol na ako dahil sobrang sakit na ng nararamdaman ko. Parang pinipiga ang puso ko lalo na nung hinawi niya ang kamay ko. Imbes na patayuin ako at aluin ay hinayaan niya akong nakaluhod dun. At ang masakit sa lahat yung binitawan niyang huling salita sa akin.

" Skye, you're hopeless. Anu ba ang hindi mo naiintindihan sa mga sinabi ko? HINDI KITA MAHAL. I LOVE MARTINA AND THAT IS ONE OF THE REASON WHY I'M BREAKING UP WITH YOU. Whether you like it or not we're done. This stupid relationship of ours is over. Starting today, hindi na kita kilala kaya please lang huwag na huwag kang lalapit sa akin. Goodbye!! " Ang sakit sakit ng ginawa niya sa akin. He was my first love and my first heartbreak. Minahal ko siya pero niloko lang niya ako. At ang masakit si Martina pa ang mahal niya, ang dati kong matalik na kaibigan na ngayon matindi ko ng kalaban.

" You"re beautiful as always. How are you? Long time no see? " Masigla niyang bati sa akin na nag pabalik sa isip ko sa kasalukuyan. Napataas naman ang kilay ko sa sinabi niya. Kapal ng mukha niya para tanungin ako kung kamusta ako?! Pagkatapos ng sinabi niya na hindi na niya ako kilala noon.

" Did i hear it right? Tinatanong mo ako kung kamusta na ako? See for yourself, Nathan. " I smirked. Di ko maiwasang maging sarcastic sa kanya. You can't blame me. He ruined my life and broke my heart into tiny pieces.

" Hanggang ngayon ba hindi ka parin nakaka move on sa nangyari four years ago? " Tanong niya sa akin at bigla naman akong napatawa.

" Nathan, don't flatter yourself. I'm not that stupid to dwell from my past. I moved on but i will never forget what you did to me. Now, if you'll excuse me. I have a very important things to do rather than talking to you. " Umalis akong nakataas ang noo. Kung akala niya na ako parin yung dating Skye na nakilala niya, pwes nagkakamali siya. Matagal ng patay ang Skye na niloko at winasak niya. Kinapa ko ang dibdib ko kung may nararamdaman parin ako sakanya but surprisingly,  wala na.

" Saan kapa ba nang galing? Ang tagal mo naman, gutom na kami e. " Reklamo ni Abby sa akin. Malas nila at may nagpainit ng ulo ko.

" Abbyruth, nandito ba sa akin ang bunganga mo? Pwede naman kayong kumain kahit wala pa ako. " Pagtataray ko sa kanya na ikinataka naman niya.

" What's wrong with you? Ang taray mo ngayon, meron ka ba? " Inirapan ko lang siya at nagpatiuna ng lumakad. " Hoy bruha, tinatanong kita kung bakit ang taray mo ngayon? May nangyari ba along the way? "  Nakalimutan ko na ipinaglihi nga pala sa kakulitan si Abby. Hindi siya titigil hanggat hindi ko nasasagot ang tanong niya.

" May nakita lang akong nagpainit ng ulo ko. Akala ko nga hinding-hindi na magkukrus ang landas namin. Pero its my lucky day kaya nakita ko siya ulit. " Litanya ko sa kanya na parang nag-iisip naman kung sino ang tinutukoy ko.

" Wait, correct me if I'm wrong but you just saw Nathan Elizalde? " Tumango ako bilang sagot sa tanong niya. Natutop naman niya ang bibig niya na para bang hindi makapaniwala sa nalaman niya.

" Does that mean.. Martina's here also? Are you ready to face your long lost BESTFRIEND? " Maarteng sabi ni Ayana na pinakadiinan pa talaga ang salitang Bestfriend. Bestfriend? May bestfriend bang maatim na masira ang friendship dahil lang sa lalake? Meron, at yun ay si Martina. I dunno if she really treated me as her bestfriend kasi kung ako sa sitwasyon niya, i'm not gonna ruin our friendship just because of a guy.

" She's not my bestfriend, never was and never will be. " Naiinis ako tuwing naaalala ko ang nangyaring yun four years ago. Galit ako sa kanya dahil sa ginawa niyang panloloko sa akin pero ganun pa man napatawad ko na siya pero hinding hindi ko yun makakalimutan kahit kailan.

" Nag-usap ba kayo ni Nathan? " Biglang tanong ni Abby habang naghihintay kami ng pagkain na inorder namin.

" Kinamusta niya ako like as if we're close. " Bored kong sagot kay Abby. Nagkibit balikat lang siya sa sagot ko. May sasabihin pa sana si Abby ngunit sakto naman na dumating na ang order naming food kaya di na niya naituloy ang dapat na sasabihin niya sana. After naming kumain namili na kami ng mga damit at umuwi din kaagad dahil may lakad kami mamayang gabi.

****

May usapan kami ng Ace Goddess na magkikita sa old airport na ngayon ginawa nang drag racing place. Papasok palang ang lamborghini ko sa gate pero sinasalubong na ako ng kakilala kong drag racer din.

" Long time no see Ace Dragon. Kamusta na ang reyna ng kagandahan? " Nag bro fist kaming dalawa ni Alfred.

" Alfred, long time no see. Sasali ako sa race ngayon. " Napangisi naman si Alfred sa narinig. Matagal ko ng kilala si Alfred at siya ang nag introduced sa akin sa drag racing. Nung una hindi ko matalo-talo si Alfred sa karera pero nung kinalaunan nagawa ko din siyang talunin at maraming beses pa.

" Tamang-tama dahil may mga malalakas na kalaban sa karerahan. Siya ang top 1 ngayon dahil matagal ka naring hindi nagddrag race. " Na curious naman ako sa top 1 racer na yun. Bigla tuloy akong na excite sa ideyang may tatalunin akong top racer. Its about time to get back my position.

" Sino itong top 1 na racer? Kilala ko ba siya? " Sumandal sa kotse ko si Alfred at napasandal din ako sa kabilang side.

" Ayaw magpakilala ng totoong pangalan niya. Parang ikaw din Skye na may alyas din. Kilala siya sa alyas na Black Phantom. Magaling siya sa karera pero sa tingin ko naman kayang-kaya mo siyang talunin. " Napangisi naman ako sa sinabi niya. Kahit papanu naman malaki ang tiwala ni Alfred sa racing skills ko. Nag aral din akong mag drag racing sa abroad kaya masasabi kong magaling din akong makipagkarerahan. Nasa ganun kaming posisyon nung dumating ang kotse ni Ayana at Abby. Sabay pa talaga silang dumating. Simula kasi nung sumali ako sa drag race nakahiligan narin ng dalawa ang manood ng drag race kapag makikipag karera ako.

" Hey beautiful ladies, long time no see. " Nakipag beso beso ang dalawa kay Alfred since close narin sila kay Alfred.

" Yow Alfred! Its been a while. Sasali ba sa race si Skye? " Lumapit si Abby sa tabi ko. Nakisandal narin sa kotse ko ang bruha.

" Yeah, sasali daw siya. Anu pupusta ba kayo? " Tanong ni Alfred. Agad namang kinuha ni Abby at Ayana ang bugkos ng pera nila. Ganito talaga kapag pumupusta kami bugkos bugkos na pera ang pusta namin. Once in a while lang naman kami nakikipag pustahan  kaya nilulubos na namin.

" Ibang klase talaga kayo kung pumusta, ubusan ng pera ang labanan. Tara na Ace Dragon, nandun na sa unahan si Dyosa. " Dyosa ang name ng sports car ko na ginagamit ko pang race. Kay  Alfred ko kasi pinapatago si Dyosa kaya siya din ang nagdadala kay Dyosa sa racing field.

" Skye, alam ko naman na kayang kaya mong talunin ang kalaban mo. I trust your racing skills. " Sabi ni Abby sabay kindat sa akin. Pinuyod ko na ang buhok ko na parang bun saka sinuot ang bonnet na lagi kong gamit pag nakikipag karera ako. Sinuot ko narin ang mask na korteng dragon na pinagawa ko pa sa Paris. Lumapit si Alfred sa akin at may binulong sa akin.

" Skye, tumingin ka sa right side mo. " Bulong niya sa akin at sinunod ko naman ang sinabi niya. Nakita ko ang isang lalakeng naka mask ng parang kay Phantom. " Siya si Black Phantom, ang top 1 racer. Hindi basta-bastang kalaban si Black Phantom kaya mag ingat ka sa technique mo sa pag ddrive. " So, siya pala si Black Phantom ang top 1 racer ha?! Bigla namang nag ingay sa bandang left side ko na nakaagaw ng atensyon ko. What the hell are they doing here? Nakita ko lang naman sila Nathan at Martina sa kumpulan na yun. So, she's really back?!

" Did you see Martina and Nathan? " Pabulong na sabi ni Ayana sa akin. Nakita na rin pala niya ang dalawa. Anu kaya ang ginagawa ng dalawang 'yan dito? Nasagot naman ang tanong ko ng mag salita ulit si Alfred.

" On your left side is Nathaniel Elizalde. Drag racer din at magaling din siya. Siya ang nasa top 2 rank ngayon sunod kay Black Phantom. " Parang lalong nabuhay ang dugo ko sa narinig ko. Kelan pa siya natutong mag drag race? Hmmm.. Basta, tatalunin ko siya sa drag race.

" Skye, naisip mo ba ang nasa isip ko? "  Biglang tanong ni Abby. Anung akala naman nito sa akin ako si B2?

" Can you go straight to the point? Hindi ako manghuhula para hulaan pa ang nasa isip mo Abby. " Angil ko sa kanya. Minsan kasi she's playing stupid na hindi naman nakakatuwa.

" Fine! Sungit mo talaga! Well, naisip ko lang naman na its payback time na. Oras na para pakainin ng alikabok yang Nathan Elizalde na yan. " Ngumisi siya sabay hawi sa hibla ng buhok niya na nakatabing sa mukha niya. Kahit papaano ginagamit din pala ni Abby ang utak niya.

" You're right Abby. Oras na para maningil ng utang. " Inannounce na para maghanda ang mga racer. Lumapit silang tatlo sa akin na nakangiti.

" Good luck Ace Dragon, pakainin mo sila ng alikabok. " Nakipag high five si Abby sa akin at tinawag pa ako sa alyas ko.

" Go there and kick some ass! " Niyakap naman ako ni Ayana at tumabi na siya kay Abby na nakatayo naman dun sa likuran.

" Alam mo sa lahat ng mga racers ikaw ang pinaka iba sa lahat. Sexy kana nga dyosa ka pa. Malupit pa sa race. Good luck! Don't worry, nasa kundisyon si Dyosa kaya sure ako na matatalo mo sila. " Sobrang tiwala talaga ni Alfred sa akin na kahit medyo matagal narin ang huling karera ko still may tiwala parin siya sa kakayahan ko. Kaya gagawin ko ang lahat para manalo ngayong gabi at gusto ko lang din talunin si Nathan. Tinawag na kaming mga driver at agad naman akong lumapit na kay Dyosa. Sasakay na sana ako kay Dyosa pero napalingon ako sa direksyon ni Black Phantom and he  smirked. Ugh! Yabang! Tiningnan ko naman ang side ni Nathan and found out that he was staring at me and i can feel the tension. Sumakay na ako sa kotse ko at agad na inistart ang makina. Nag iingay narin ang ibang kotse na para bang atat na atat ng makipag karera. Nakatingin lang ako sa unahan at hinihintay na ibaba ng flag bearer ang flag na hawak niya. Nung ibinaba na niya ang flag agad kong pinasibad si Dyosa. Nangunguna si Black Phantom at sunod naman si Nathan. Shit! Hindi ako pwedeng matalo ni Nathan, kailangan kong malagpasan siya.

Tinapakan ko pa ang silenyador ng kotse at malapit ko ng mahabol ang kotse ni Nathan. Ngunit madumi din makipagkarera si Nathan dahil gusto niyang ibangga ang kotse niya kay Dyosa. " Shit! That bastard is really getting into my nerves. Gusto pa yatang gasgasan si Dyosa. " Sabi ko sa sarili ko. Kaya bago niya pa ako gitgitin agad kong kinabig pakanan ang manibela at pinasibad ko na si Dyosa. Nalagpasan ko si Nathan pero humahabol parin ang loko sa akin. Natapatan niya ang kotse ko at binuksan niya ang bintana ng kotse niya at nag middle finger siya sa akin. " Asshole! " Sigaw ko sa kanya at napangisi lang siya. Buti nalang nilipad ng hangin ang boses ko kaya medyo hindi niya ako nabosesan. Kinabahan ako dun ah. Malapit na kami sa finish line kaya pinindot ko na ang speed button ko kaya mas lalong bumilis ang takbo ng kotse ko. Maaabutan ko na si Black Phantom pero ang walanghiya nakaharang siya sa dinadaanan ko. Sinasadya niyang harangan ako para hindi ko siya malagpasan. Ugh.. Nakikita ko na ang babaeng may hawak ng flag sa unahan pero hindi parin ako makalusot kay Black Phantom. Nag swerved ako ngunit nasagi ng kotse niya si Dyosa kaya sa inis ko kinabig ko pakaliwa ang manibela at finull speed ko na hanggang sa makarating ako sa finish line. Rinig na rinig ko pa ang malakas na ingay ng gulong nung mag preno ako. Lumabas na ako ng kotse at nakita kong napasuntok sa kotse niya si Nathan. Serves you right! Natalo kita Nathan Elizalde.

" Wow! Ang galing mo talaga Ace Dragon. Walang kupas kahit na ilang months kang hindi nagpakita sa karera. " Napangiti lang ako kay Alfred. Tinanggal ko na ang bonnet ko at agad na nilugay ang buhok ko. Pagtingin ko sa direksyon ni Black Phantom nakatitig siya sa akin. Bigla naman akong nailang sa titig niya. Ewan ko ba pero parang pamilyar sa akin ang mga matang yun. Hindi parin ako nag bawi ng tingin at nakipag titigan din ako kay Black Phantom. May lumapit naman sa kanya na dalawang lalake din na naka mask din. Weird! Parang kami lang na Ace Goddess naka mask din kaming tatlo.

" Hoy!  Nilipad na yata ng hangin yang isip mo. " Napapitlag ako nung bigla akong tapikin ni Abby sa balikat.

" May sinasabi ka ba sa akin? " Tanong ko sa kanya. Napailing nalang siya sa inasta ko. Lumingon ako ulit sa direksyon ni Black Phantom ngunit wala na sila doon. Nakaalis na yata sila.

" Kanina kapa nakatingin sa likuran mo. Sino ba tinitingnan mo diyan? " Lumingon din si Abby sa likuran ko. Napaka usyusera talaga ng babaeng to.

" Napalingon lang ako may tinitingnan na agad? Hindi ba pwedeng sumakit lang ang leeg ko kaya iniexercise ko? " Napaismid lang si Abby like as if hindi naniniwala sa sinabi ko. Bahala siya diyan kung maniniwala man siya o hindi.

" Oh ayan na ang pera na napanalunan niyo. Next time ulit? " Ibinigay na ni Alfred sa amin ang perang napanalunan ko. Ibinigay ko narin sa kanya ang susi ni Dyosa.

" Alfred, ikaw na ulit bahala kay Dyosa. Sige mauuna na  kaming umalis. Thanks ulit! " Nakipag handshake lang ako kay Alfred at nakipag beso beso naman ang dalawa sa kanya saka kami umalis. Pag dating ko sa bahay hindi ako agad nakatulog dahil naiisip ko parin yung mga titig ni Black Phantom sa akin. Sino kaya siya? Sino nga ba si Black Phantom?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.