The Goddess Nerd Chapter 18

SKYE'S POV

Halos pigil hininga ako habang sinasabi ni Zach yun sa akin. Aminado akong kinilig ako sa kanya. Sino ba naman ang hindi diba? Nasa kanya na ang lahat pati na yung mga katangiang hanap ko sa isang lalake. Gusto kong bigyan ng chance yung sarili ko na mag mahal ulit, at gusto kong maexperience yung feeling na ako naman ang pinapahalagahan ng taong mahal ko. Pero natatakot parin ako na baka maulit muli yung nangyari apat na taon na ang nakalipas.

"Skye, para kang ewan jan. Nakangiti ka tapos nakatingin sa kawalan. Nakakabaliw talaga ng pag ibig. " Napapailing na lang si Abby sa akin. Ano bang magagawa ko, eh kinikilig pa rin kasi ako sa mga sinabi ni Zach sa akin?

" Dapat ko na bang sagutin si Zach? Nakikita ko naman na sincere siya sa panliligaw niya sa akin. Ayoko naman na maging heartless sa kanya. " Hindi naman ako heartless ang totoo nga niyan may gusto na talaga ako sa kanya.

" Bakit ako ang tinatanong mo? Kung mahal mo na siya edi sagutin mo. I just want to see you happy, Skye. " sabi niya sabay hawak sa aking kamay.

Kaya nakapag desisyon na akong sasagutin ko na si Zach kapag nag tapat na siya ulit sa akin. I want to give myself another chance to be happy again in love.

Nasa mall kami ngayon kasama ko sila Abby at Ayana. Wala si Alex dahil niyaya daw siyang mag date ni Stephen. Mantakin mo yun, yung pinsan ko na chickboy ngayon sumeseryoso na sa isang babae. Kung dati siya ang hinahabol ng mga babae, ngayon naman siya ang humahabol sa isang babae.

Biglang nag ring ang cellphone ko kaya tiningnan ko kung sino ang tumawag. Si Zach lang pala at nakailang misscalls na siya. Kaya nung nag ring ulit ay sinagot ko na ito agad.

" Zach, napatawag ka? " tanong ko sa kanya. Medyo kinakabahan pa ako dahil si Zach yung kausap ko. Parang my kuryenteng dumadaloy sa buong katawan ko ng mag salita si Zach.

" Nasa mall ka ba ngayon? Maingay kasi ang background mo eh. "

Tanong niya sa akin. Sinabi ko sa kanya kung saang mall kami at sinabi niyang pupuntahan niya kami dito. Mas lalo akong kinabahan dahil pupunta siya kung na saan man ako.

" Girls, pupunta si Zach dito. O-okay lang ba sa inyo? " kailan pa ako natutong kabahan? To be honest, parang gusto kong tumakbo sa banyo ngayon at mag suka doon. Na eexcite ako na kinakabahan at the same time.

" Okay lang naman. Eh, bakit parang di ka mapakali diyan? Si Zach lang yun relax. Masyado ka ng obvious sa feelings mo para sa kanya. " natatawang sabi ni Abby.

" Oo nga Skye, why are you so tensed? Chill, it's just Zach. Sa dami ng mga boys na nagkakagusto sayo ngayon ka pa kinabahan? Haha. "

Niyaya ko silang pumasok sa isang shop ng mga damit. Namili kami ng mga bagong labas na mga dress para mawala sa isip ko si Zach and it really help. After namin mamili nag decide kaming kumain since medyo matatagalan pa si Zach makarating sa mall dahil sa traffic. Weekend kasi ngayon kaya maraming mga tao ang nasa labas plus Ber months narin kaya super traffic na talaga.

" Hi Skye, hindi ko inaasahan na makikita kita dito. Of all places, dito pa talaga? " Martina and her gang is here. So friends narin pala sila ni Sandrea the bitch? Sabagay, birds with the same feathers flock together ika nga nila.

" Oh please Martina, save your rants. Wala akong panahon sayo ngayon. Now, will you excuse us? Dadaan kami at nakaharang kayo sa daanan namin. " I'm not in the mood to face Martina, not now. Kaya nilagpasan ko na sila kahit nakaharang pa sila sa daanan ko.

" Alam mo Skye, bastos ka rin eh no? Kinakausap pa kita pero tinalikuran mo ako. Ganyan ka ba maki harap sa bestfriend mo? " Biglang nag panting ang tenga ko sa sinabi ni Martina. Ang kapal ng mukha niya.

"Excuse me, you are not my bestfriend. You don't deserve my respect and how dare you call me bastos? Kung may bastos man dito ikaw lang yun. " Tinalikuran ko na siya. Ayoko ng marinig pa ang mga sasabihin niya kasi for sure walang kwenta lang din naman ang sasabihin niya.

" What a bitch! Akala mo kung sino ka? Hinding hindi ko hahayaang maging masaya ka, Skye. Tandaan mo yan! " -pahabol ni Martina. Pero bago pa ako nakasagot sa kanya inunahan na ako ni Abby.

" Look who's talking? Ikaw itong bitch na nang agaw ng boyfriend ng kaibigan mo. Ang kapal ng mukha mo, alam mo ba yun? Ikaw pa talaga ang may ganang mag sabi ng ganyan kay Skye pagkatapos ng ginawa mo sa kanya four years ago? Wow! Just get lost. " Saka niya ako hinila paalis doon. Inis na inis si Martina sa mga sinabi ni Abby pero hindi na siya nakasagot dahil umalis na agad kami doon. Hahaba lang ang usapan at marami naring nang uusyosong mga tao doon.

Makalipas ang isang oras dumating din si Zach at bigla nanaman akong hindi mapakali dahil sa presensiya niya. Parang babaliktad na naman ang sikmura ko dahil sa kaba at tensiyon na dulot ni Zach. Ngumiti siya sa akin ng sobrang tamis at ako naman parang hihimatayin na. Pasimple akong kinurot ni Ayana sa likuran ko at sabay bulong sa akin.

" Yung kamay ko masakit na sa sobrang pisil mo. Nakakaloka ka! " Bigla ko namang binitawan ang kamay niya. Hindi ko napansin na sa sobrang kaba ko napahigpit na pala ang pag hawak ko sa kamay niya.

"Zach, huwag kang ngumiti ng ganyan baka himatayin na yung isa diyan. " Kinurot ko sa kamay si Abby nung hindi nakatingin si Zach. Ang tabil ng bunganga ni Abby ang sarap tahiin para manahimik.

" Pwede ko bang hiramin si Skye sa inyo girls? " Ang gentleman talaga ng Zach na to dahil sa kanya nawala ang inis ko na kanina lang naramdaman ko nung makita at makasagutan ko si Martina.

" Kahit iuwi mo na yan sa bahay niyo Zach ayos na ayos lang sa amin. Diba, Ayana? " Napatango naman si Ayana kay Abby at natawa naman si Zach dahil sa sinabi ni Abby. Yung totoo, kaibigan ko ba talaga ang dalawang ito? Kulang na lang ipag tulakan nila ako kay Zach eh.

Umalis na kami sa mall at dinala ako ni Zach sa isang restaurant na nasa tuktok ng burol. Nasa parteng south ito at mahigit isang oras ang binyahe namin bago makarating sa lugar na yun. Sulit naman ang biyahe dahil sobrang ganda ng view doon at halos lahat ng pumupunta doon puro mag kasintahan maliban na lang sa amin ni Zach.

May pinareserved na pala siyang table para sa amin bago pa kami pumunta dito kaya dumiretso na kami doon. Nag order kami ng food at pagkatapos ng fifteen minutes na pag hihintay dumating na ang inorder namin. Kumain kami ng walang imikan dahil nangangapa pa ako ng sasabihin ko.

" Skye, tara labas tayo. Mas maganda ang view sa labas kapag madilim na. " biglang sabi ni Zach. Inalalayan naman niya akong makatayo na hinayaan ko naman. Kung ibang tao ang kaharap ko at ginawa niya to sa akin baka natarayan ko na to. Pero iba kasi si Zach, na kahit sa simpleng gesture niya lang para akong kinilig na hindi naman dapat. Aba, nagpapaka gentleman yata itong si Collins. One point!

" Ilang babae na ba ang dinala mo dito? " tanong ko sa kanya. Baka mamaya pang sampu na akong dinala dito, tapos ako heto feeling special na may mas nauna na pala siyang mga dinala dito.

" Grabe ka naman, mukha ba akong babaero? Ikaw palang ang dinala ko dito. " Depensa niya sa kanyang sarili. Mukha namang nag sasabi siya ng totoo kaya di ko na siya ginisa pa. Madali pa naman akong makakaalam kung niloloko ako ng kaharap ko. I learned a lot from my past.

" Ang ganda nga ng view dito. Super nakakarelax ng tanawin at ang sarap ng simoy ng hangin dito. " sabay hawi ko sa buhok ko na nililipad ng hangin. Nakatingin lang ako sa mga ilaw ng siyudad na nag kikislapan.

" Ang ganda nga ng view, hindi nakakasawang tingnan. " sabi niya sa mahinang boses. Napalingon ako sa kanya at nakatingin pala siya sa akin habang sinasabi niya yun. Bigla naman akong nag bawi ng tingin dahil yung tingin niya parang matutunaw ka. Bigla nalang bumilis ang tibok ng puso ko na parang daig ko pa ang nag marathon. Pinaharap niya ako sa kanya at ako naman parang wala akong kontrol sa katawan ko dahil kusa itong sumunod. Hinawi niya ang buhok ko at nilagay ito sa gilid ng tenga ko. Habang ginagawa niya yan para naman akong kinukuryente at hindi ako mapakali kasi putang ina kinikilig ako.

" You're so beautiful. Habang tumatagal na kasama kita parang di ko na mapipigilan ang sarili ko na mahulog sayo ng tuluyan. Mahal na yata kita, Skye. " Para naman akong na estatwa sa kinatatayuan ko. Gusto kong mag salita pero parang hihimatayin na ako sa sobrang kilig ko. Pero hindi ko yun pinahalata sa kanya kahit na any moment mangingisay na ako. Magsasalita na sana ako pero nag salita na siya ulit. " Hindi kita minamadali at kaya kong mag hintay sa sagot mo. Gusto ko lang na maging tapat sayo sa nararamdaman ko. Oo, alam ko hindi naging maganda ang first impression mo sa akin. Pero hayaan mo akong makabawi sayo. Gagawin ko ang lahat mahalin mo lang ako. " Hindi ko na talaga kinaya yung tagpo na to. Habang nakatingin ako sa mga mapupungay niyang mata ramdam ko ang sinseridad sa bawat salitang binibitawan niya.

" Mahal din kita na kupal ka. Kahit unang kita ko palang sayo na bwiset na ako sa ugali mo na napaka antipatiko. " Pag tataray ko sa kanya.

" Anong sinabi mo? Pakiulit nga. " Tanong niya sa akin na parang di makapaniwala sa sinabi ko.

" Sabi ko mahal din kita kahit bingi ka. " Bigla naman siyang napanguso dahil sa huli kong sinabi. Ang cute lang tingnan ni Zach habang naka nguso.

" Ibang klase talaga ang pagiging sweet mo. Napaka brutal lang. " At bigla niya nalang akong hinalikan ng walang pasabi. Nanlaki ang mga mata ko dahil unang una, first kiss ko to pero biglaan pa. Dibale, mahal ko naman itong kupal na to. Nanatili parin akong nakatayo roon na parang tuod. Di ko alam kung tutugon ba ako sa halik niya kasi wala pa akong experience sa kissing scene. Bigla namang tumigil sa pag halik si Zach sa akin saka naman ako nahimasmasan.

" Sorry, nabigla ba kita? Di ko lang kasi napigilan ang sarili ko. I love you, Skye.

Tara, iuwi na kita sa inyo at gabi na. " Buong biyahe kaming walang imikan, madaldal ako pero sa pagkakataong ito parang nalunok ko ang dila ko. Naka focus lang sa pag drive si Zach pero naka hawak siya sa kamay ko paminsan minsan. Nakatingin lang ako sa kanya at ang gwapo niya kahit madilim. Ang tangos ng ilong, maninipis ang labi at may mapupungay na mga mata. Sinong hindi magkakagusto sa kanya, diba?

" Are you okay, babe? " Basag niya sa katahimikan. Aba, may endearment na si Zach sa kanya.

" Yeah, I'm fine. Babe? Ayoko niyan. Very common na at ang baduy lang. " Natawa naman siya sa sinabi ko. Tawagin ko kaya siyang Kupal para maiba lang, napangiti ako sa iniisip ko.

"May naisip ka bang unique na endearment? Basta, tatawagin kitang babe. " Kinuha niya ang kamay ko at hinalikan iyon. Kinilig naman ako ng bongga. Bwiset ka Zachary, ibang klase ka magpakilig.

" Babe na kung babe. Kung ako lang masusunod tatawagin kitang kupal. " Natawa naman siya sa sinabi ko at ninakawan naman ako ng halik sa pisngi.

" Hoy, mag drive ka h'wag panay halik. Nakakarami kana Collins. " Nakakainis pero kinikilig naman ako. Putek!

" Okay babe, mag bebehave na ako. " Nag focus na siya ulit sa pag drive at ako naman nakatingin naman sa labas ng bintana. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako. Nagising nalang ako nung maramdaman ko na may humahaplos sa pisngi ko. Pag mulat ko ng mga mata ko mukha ni Zach ang nakita ko at sobrang lapit na ng mukha niya sa akin at kunting kunti nalang mahahalikan na niya ako. Bigla naman akong napabangon at nauntog ang ulo ko sa ulo niya.

" Are you okay? Bakit bigla ka nalang gumalaw? Yan tuloy nauntog ang ulo natin pareho. " Sabi niya habang sapo niya ang kanyang noo. Tiningnan naman niya ang noo ko kung may bukol pero wala naman. Nag panic lang kasi ako dahil baka may makakita sa amin sa ganoong posisyon.

" Sige, papasok na ako. Thank you for tonight. " Hahakbang na sana ako ng bigla niya akong hapitin at siniil ng halik. Nabigla ako sa ginawa niya pero kusang tumugon ang labi ko sa mga halik niya. Gusto ko siyang itulak pero wala akong lakas para gawin yun. Parang nanghihina ako sa mga halik niya. Waaah.. Natigil lang ang halikan namin ng biglang may umubo sa likuran ko kaya naitulak ko si Zach palayo sa akin.

" Skye, bakit nandito ka pa sa labas? Hindi ka pa ba papasok? " Sermon ng pinsan ko. Aba, daig pa niya si daddy kung maka sermon ah.

" Ka babae mong tao ginabi kana sa daan. Di ka naman nag text na gagabihin ka sa pag uwi. At sino yang kasama mo? " Walang prenong sabi ni Stephen.

" Tatay ba kita Teptep? OA mo ha! This is Zachary Collins my boyfriend and Zach, meet my cousin Stephen Salvatore. " pagpapakilala ko sa kanilang dalawa. Nakatingin ng masama si Stephen ky Zach na para bang possessive na pinsan. Normal lang naman siguro yung ganun sa mga lalake no?

" Nice to meet you pare. " Balak sanang makipag kamay ni Zach ky Stephen pero tiningnan lang ng huli yung kamay ni Zach at pumasok na sa loob ng hindi man lang tinanggap ang pakikipag kamay ni Zach sa kanya.

" Pasensiya kana sa pinsan ko, tinotopak yata ngayon. Sige, umuwi kana at gabi narin. Ingat ka sa pag uwi, drive safely Zach. " Nag wave lang siya at pumasok na ako sa loob ng bahay. Nakita ko naman na nag hihintay si Stephen na makapasok ako sa loob.

" Ayoko sa lalaki na yun, Skye! Makipag hiwalay ka sakanya. " Galit na sabi ni Stephen. Aba, anong nakain ng mokong na to at inayawan niya si Zach.

" Bakit ko naman gagawin yun Stephen? Kakasagot ko lang sa tao tapos hihiwalayan ko na agad? Nababaliw kana ba? " Kumuha ako ng tubig at ininom ko iyon. Para akong nauhaw bigla dahil sa usapan namin ni Stephen.

" Basta, sundin mo nalang ako. Masasaktan ka lang kung ipagpapatuloy mo yang pakikipag relasyon mo sakanya. Chickboy yun, it takes one to know one. " Sabi niya at umakyat na sa taas. Naiwan akong nakatanga sa ibaba. Hindi ko alam kung matatawa ba ako or maiinis sa sinabi ni Stephen. Alam ko na playboy si Stephen pero si Zach hindi ko naman nakikitang nakikipag landian yun sa ibang mga babae.

Umakyat na ako sa kwarto ko at nag bihis. Pagkatapos ko mag bihis humiga ako sa kama ko habang iniisip ko parin yung sinabi ni Stephen sa akin. Gagong Stephen, idadamay pa talaga si Zach sa gawain niya. Naramdaman ko naman ang sincerity ni Zach at ramdam ko naman na mahal niya talaga ako. Very protective lang si Stephen dahil sa nangyari sa akin four years ago and I can't blame him for that. Nasaksihan niya kung paano ako nasaktan at kung paano ko iniyakan ang kupal kong ex noon. Buti nga hindi nag krus ang landas ni Stephen at ni Nathan nung time na yun dahil kung nagkataon na nagkita sila, bugbog ang aabutin ni Nathan kay Stephen.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.