The Goddess Nerd Chapter 19

SKYE'S POV

Kararating ko lang sa campus at hindi pa ako nakababa sa kotse ko, pero ang tatlo nakaabang na sa akin. Na informed ko na sila ng tungkol sa amin ni Zach pero hindi talaga kuntento na ikwento ko sa tawag lang.

Bumaba na ako ng kotse ko at sinalubong naman ako ng tatlo. Agad akong hinila nila sa isang tabi para mag kwento sa mga kaganapan nung date namin ni Zach.

" Mag kwento kana dali. Kanina pa kaming tatlo atat na atat sa ikukwento mo. " Ang bruhang Abby makahila sa akin akala mo walang bukas. Mas excited pa sila kesa sa akin, kilig na kilig na sila hindi pa naman ako nag sisimulang mag kwento.

" Diba nga sabi ko over the phone na kami na. Same story din naman ang sasabihin ko, so bakit ko pa ikukwento ulit? " Inirapan ko sila at nag simula ng lumakad paalis sa parking lot. Nakasunod naman sila pero hindi maipinta ang mukha ni Abby.

" Yabang! Porke may boyfriend na, ayaw ng mag open up. Pero girl, infairness blooming na blooming ka ngayon. " Alam ko masaya sila para sa akin at nababakas yun sa mga mukha nila.

" Lagi akong blooming kahit wala pa akong boyfriend, no. " Sabi ko sa kanila. Natawa na lang si Alex sa sinabi ko, alam niya kasi na may pambabara ako lagi kaya hindi siya nakikisali.

" S-skye, may nagpapabigay pala nito para sayo. " Tiningnan ko yung lalaking lumapit sa amin na may dalang bulaklak. Sa ichura niya, halatang kabado siya. Wala kasing may nangangahas na lumapit sa akin at mag-bigay ng kung anu-ano. Alam nila na hindi ako yung tipong tumatanggap ng kahit na anong bagay galing sa hindi ko kilalang tao.

" Kanino naman ito galing? Wala naman akong sakit para bigyan ako ng bulaklak. " Napayuko naman ang lalaking kaharap ko. Halatang napag utusan ng kung sino man. Poor thing, siya ang tinarayan ko kahit hindi naman dapat kasi napag utusan lang naman siya. Pinaalis ko na siya kahit hindi pa niya sinagot ang tanong ko, hindi rin naman ako interesadong malaman pa. Tinapon ko ang bulaklak sa basurahan na nakita ko.

" Bakit mo tinapon yun? Sayang kaya yun. Nag effort yung tao na ibigay sayo yun eh. " Sermon sa akin ni Abby. Aba, kailan pa ito naging concerned sa effort ng ibang tao?

" Kailan ba ako tumanggap ng mga bagay na galing sa ibang tao, na hindi ko naman kilala? You know me, I don't accept things just like that. " Reminding her again. I've known them since we were a kid but she's acting like she doesn't know me well.

" Yeah, right! Nakalimutan ko na si Skye ka nga pala. " At pumasok na sila sa kani-kanilang klase.

Pumasok na rin ako sa klase ko at halos lahat sila nakatingin sa akin. Pero dahil wala akong pakialam sa kanila, dumiretso na ako sa upuan ko. Mayroong nakapatong na bulaklak sa table ko at nakangiti ng ubod ng tamis si Zach. Kinikilig ako pero hindi ko pinahalata sa kanya, baka mabaliw na siya sa sobrang lapad ng ngiti niya. Nakatingin naman yung ibang mga classmates ko na babae sa akin na alam ko na inggit na inggit sa akin. Pantasya kasi nila si Zach pero ang mokong sa akin nainlove.

Buong klase akong parang lutang dahil ky Zach. Iniisip ko pa rin yung sinabi ni Stephen sa akin nung mga nakaraang gabi. Bigla akong nangamba but I trust him.

" Skye, let's go. Sabay na tayong mag lunch. " Nagulat ako dahil bigla na lang nag salita si Zach. Hindi ko namalayan na tapos na pala ang klase namin. Ganun ako kalutang na ultimo yung bell hindi ko narinig.

" Okay! Libre mo ako, mayaman ka naman eh. " Afford ko naman bumili ng lunch ko kaya lang gusto ko lang magpalibre sa kanya.

" Uy, sama kami diyan. Libre mo din kami Zach. " Binatukan naman ni Zach sila Zandro at Zander. Natawa ako sa kanila for the first time. Nung nerd pa ako grabe mang-lait ng mga to, pero ngayon ibang-iba yung pinapakita nilang ugali sa akin.

" Si Skye lang ililibre ko at hindi kayo kasamang dalawa. " At hinila na niya ako palayo sa dalawa.

" Skye, ang damot naman ng boyfriend mo. " Sa lakas ng pagkasabi ni Zander biglang napatingin sa amin ang lahat na mga estudyante na nandoon sa cafeteria.

Kasama na doon si Martina na nakatingin sa akin ng masama. Mamatay ka ngayon sa inggit bruha ka.

" Zander, may ilalakas pa ba yang boses mo? Baka gusto mo bigyan kita ng microphone para marinig na sa buong campus. " Napatutop naman sa bibig niya si Zander pero huli na. Alam na ng lahat na boyfriend ko na si Zach.

Pumunta na kami sa table na lagi naming tinatambayan sa cafeteria. Nandoon narin ang tatlong mga diyosa na halatang inip na inip na.

"Oh, bakit ganyan mga mukha niyo? " Tanong ko sa kanilang tatlo. " Kumain na nga tayo and for sure gutom lang yan. " Bumili na sila Zach sa cafeteria ng food namin at kaming apat naman nagpaiwan sa table namin.

" Bakit kasama sila Zandro dito? " Halata sa tono ng boses ni Abby na ayaw niya na nandito sila Zandro. Alam ko nag dedate silang dalawa but I'm not sure what the real score between the two of them. Wala pa daw sa isip niya ang mag boyfriend pero kung umasta parang jowa na niya si Zandro.

" Nag away ba kayong dalawa? Akala ko ba dating pa lang kayo not exclusive pa ha? " Inirapan lang ako ng gaga, sambakol pa rin ang mukha niya.

" Hay naku, walang hiya yang Zandro na yan. Hindi ako sinipot nung Sunday, usapan namin manonood kami ng movie pero nakita ko may kasamang ibang babae. " Halatang nag seselos ang bruha pero ayaw pang aminin. Ang taas din ng pride nito. Nakakatawa!

" You sounds like you're jealous. Yeah, you guys are MU.. Malabong usapan. " Sabay tawa ni Ayana. Natawa din kami ni Alexa samantalang inis na inis naman si Abby sa amin.

" Whatever! " Sabi niya para matapos na ang usapan. Parating na rin kasi ang mga Zion kaya nanahimik na kami.

" What happened to her? " Bulong ni Zach sa akin. Bigla naman akong kinilabutan sa ginawa niyang pag bulong. Ang lapit lapit kasi ng bibig niya sa tenga ko na kung titingnan sa malayo parang hinahalikan na niya ako.

" D-don't mind her. " Hindi na siya nag tanong at kumain na lang din siya. Sobrang sweet ni Zach sa akin at nakakapanibago yun para sa akin. I'm not used to this kind of gesture. Nakakailang para sa akin.

" Maawa naman kayo sa amin. Baka langgamin na kayo pati kami madamay dito. " Biglang sabi ni Zander. Anak ng tokwa, ang ingay talaga ni Zander buti natagalan to nila Zandro at Zach.

" Ulol! Inggit ka lang eh. Palibhasa kasi single ka. " Tinaas naman ni Zander ang middle finger niya saka umalis na dun.

Nung uwian na, gusto sana akong ihatid ni Zach sa bahay pero tumanggi ako kasi dala ko ang kotse ko. Pag dating ko sa bahay nadatnan ko ang parents ko sa dining table.

" Mom, Dad, kailan pa kayo dumating? You did not inform me that you guys are coming. " Niyakap ko silang dalawa dahil na miss ko silang pareho.

" We want to surprise you. How's your studies? " Tanong ni daddy. Yakap yakap niya parin ako.

" Okay naman po, daddy. "

" I heard, my boyfriend ka na daw. " Fucking Stephen, inunahan na akong magsumbong sa parents ko. Nakatingin lang ako kay daddy. Wala naman akong balak na itago sa parents ko yung tungkol sa amin ni Zach. Sasabihin ko naman yun sa tamang panahon.

"Dad, hindi ko naman po yun ililihim sa inyo ni mommy. You know me. " Depensa ko sa sarili ko.

" Iha, I'm not against sa pakikipag relasyon mo. Ang gusto ko lang naman na makapag tapos ka ng pag aaral mo. Promise me that you will finish your studies whatever it takes. " Tumango ako kay daddy.

" I promise, I will never break your trust, daddy. " Hinalikan niya ako sa noo saka umakyat na ako sa taas.

Sa pag akyat ko, nakasalubong ko si Stephen na nakabihis at mukhang may date ang mokong. Pangiti-ngiti pa ang kupal niya samantalang ang laki ng atraso niya sa akin.

" Teptep, tigilan mo yung pagiging chismoso mo, ha? " Natawa lang siya sa sinabi ko.

" What? Hindi ako chismoso cousin. " Hinampas ko naman siya sa braso niya. Hindi raw chismoso. Gagong to ah.

" Sumbungero ka lang kung ganun. " Inirapan ko siya dahil sa inis ko.

" Uy, kunwari inis siya pero hindi naman ako matitiis niyan. " Ginulo na naman niya ang buhok ko na kinaiinisan ko naman. Tinabig ko yung kamay niya pero natawa lang ang mokong.

" Bwiset ka talaga Stephen. Sa susunod na guluhin mo pa yung buhok ko, buhay mo naman ang guguluhin ko. Mark my word. " Tinalikuran ko na siya sa sobrang inis ko pero humalakhak lang ang gago.

Nakahiga na ako sa kama ko nung tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si Zach sa akin at agad ko naman na sinagot ang tawag niya, bago pa matapos ang ring.

" H-hi, napatawag ka? " Kinakabahan na tanong ko. Gusto kong kumalma pero ang hirap pakalmahin ng puso ko. This is not so me.

" Namimiss lang kita. " Mas lalong nag-wala ang puso ko. Grabe talaga ang epekto ni Zach sa akin, boses pa lang niya parang sasabog na ang puso ko. Ughh.

Hindi ko alam kung anong sasabihin ko, bigla na lang akong natahimik. Parang nalunok ko ang dila ko ng wala sa oras. Ilang segundong katahimikan ang lumipas pero tahimik pa rin ako.

" Skye, are you still there? " Pambabasag niya ng katahimikan.

" Yeah, I'm listening. Hindi ko lang kasi alam kung ano ang sasabihin ko sayo to be honest. " Dinig ko ang pag buntong hininga niya.

" Babe, baka di ka lang sanay na may tumatawag sayo. How long have you been single, anyway? " May ganito talagang tanong? Huminga akong malalim para mabawasan ang pag kabog ng dibdib ko at nakatulong naman ito.

" Four years. " Sabi ko sa kanya. Sa totoo lang ayoko ng pag usapan yung ganitong bagay. Kaya maiksi lang ang sagot ko dahil ayoko ng humaba pa ito.

" Okay, at least ngayon tayo na. Skye, I love you. " Masyadong vocal itong si Zach at hindi ako sanay.

" T-thank you for loving me, Zach. Good night at mahal din kita. " Wait, sinabi ko ba talaga yun? Narinig ko na parang may kumalabog sa kabilang linya.

" Zach, are you okay? Ano yung kumalabog?"

" Yeah, I'm okay. May nahagip lang ang kamay ko kaya may kumalabog. Good night, Skye. Dream of me. " Magsasalita pa sana ako pero binaba na ni Zach ang tawag. Ayokong kiligin pero kinikilig talaga ako. Dream of me daw, baka di na ako makatulog sa sobrang kilig ko. Tangina!

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.