The Goddess Nerd Chapter 25

Ngayon ang araw ng pag alis ng parents ko papuntang France. Hindi ako pumasok dahil gusto ko na ihatid sila sa airport.

" I will miss you iha. Are you sure na okay  ka lang na maiwan ulit sa bahay? " I just rolled my eyes. Sanay na ako na lagi silang umaalis pero tuwing hatid ko sa kanila sa airport hindi ko maiwasan na hindi malungkot.

" Mom, sanay na po ako. I can take care of myself. Plus, Stephen is here. No need to worry. " Hinalikan  niya ako sa noo. Nakayakap naman si Daddy sa akin na animoy ayaw akong pakawalan. I am a grown up woman now, but I will always be my daddy's girl.

" Basta ang bilin ko lang lagi sayo na mag iingat ka dito. I know you can take care of yourself. But please, always be careful. " Kahit kailan talaga si Daddy ginagawa na naman akong bata.

" Dad, I'm not a small kid anymore. Sige na po, I'm going now. Baka mag iyakan pa tayo dito if I stay long. " Bigla naman na pinunasan ni Mommy yung mga mata niya. Niyakap ko na sila pareho.

"I will miss you both. " Bago pa ako umiyak, kumalas na ako sa pag yakap sa kanila. Humalik ako sa parents ko bago tuluyang umalis.

Ang bigat ng pakiramdam ko. Nilibot ko ang tingin ko sa paligid at puro mga nag iiyakan ang nakikita ko. Bigla naman tumunog ang cellphone ko at tiningnan ko kung sino ang tumawag. Si Zandro.

" Skye, pumunta ka na dito sa ospital. Gising na si Zach. " Bumilis ang tibok ng puso ko nung marinig ko ang sinabi ni Zandro. Para akong nabunutan ng tinik dahil gising na si Zach.

"Okay, I'm on my way there. " Binaba ko na ang tawag.

Halos paliparin ko ang kotse sa sobrang saya ko. Pagdating ko sa ospital dumiretso na ako sa kwarto ni Zach. Kumatok ako sa pinto at pagbukas ko nakita ko na masaya silang nag kukwentohan. Hindi na ako nag atubili na yakapin siya.

" I miss you, babe. " Anas ko at niyakap ko siya.

I hugged him but he did not hug me back. Para siyang naparalisa nung yumakap ako sa kanya.

" W-who are you? Why are you hugging me? " I was stunned and confused when he said that. Kumawala ako sa pagkayakap ko sa kanya. At tumingin ako sa mga mata niya. He look confused too.

" Dude, Skye is your girlfriend. Kung nagbibiro ka, it's not funny. " Wika ni Zandro.

" Girlfriend? Fuck no! Do I look like I'm joking here? " Nang uuyam na sabi niya.

Lumapit naman agad si Tita Zeny kay Zach  samantalang tinawag naman ni Zander ang doctor. Agad naman nilapitan ng doctor si Zach at sinuri.

" Doc, bakit hindi maalala ng anak ko yung girlfriend niya? Pero kilala naman niya kami. " Pahayag ni Tita Zeny. Para akong natuod sa kinatatayuan ko, kanina pa nagbabadya ang mga luha ko pero pinipigilan ko itong bumagsak.

" He has selective amnesia. Yung recent event lang ang hindi niya maalala. " Paliwanag ng doctor. Para akong binagsakan ng langit sa narinig ko. Naaalala niya ang lahat na mga tao dito sa kwarto but he doesn't remember me at all. How strange!

" How long he will have this selective amnesia? " Tanong ni Tita. She's looking at me with a pity look.

" Depende, it might take days, weeks, months or it will stay like that forever. Tulungan niyo na lang siya na makaalala.  Kung wala na po kayong tanong, aalis na ako Mrs. Collins. Excuse me. " Nag paalam na ang doctor at nagkatinginan kaming lahat. Lumapit si Natasha sa tabi ni Zach at ngumiti naman siya dito.  I don't like what I'm seeing right now. Zach is very sweet towards Natasha and the latter is acting like she's the girlfriend of Zach. Napatungo na lang ako kasi nagseselos ako sa nakikita ko. That fucking bitch, she's taking advantage of the situation.

Nilapitan ako ni Zander at hindi ko inaasahan yung sumunod niyang ginawa.  He pulled me closer and encircle his hand around my back.

" Are you okay? " He whispered. I can't contain my tears anymore. I hugged him and tears slowly streaming down my face.

Lumapit na rin si Zandro at pinapatahan na ako. When I'm done crying, I saw Zach staring at us. Blanko ang mukha at hindi ko alam kung ano ang iniisip niya.

" Nagugutom ka ba? " Biglang tanong ni Natasha kay Zach. Ibinaling naman niya ang atensyon niya kay Natasha. Kung wala lang sakit si Zach baka nasabunutan ko na itong bruhang Natasha.

" Yes, can you peel some orange for me? " Pacute niyang tanong. Hinayaan ko na lang kasi may amnesia siya. But how long I will act like I'm not affected at all? Hanggang sa kaya ko pa na tiisin ang sakit. Hanggang sa bumalik ang alaala niya.

" Zach, maiwan ka na namin dito. Total hindi mo naman kailangan ng tulong namin. " Hinila na ako ni Zander palabas ng kwarto. Nung nasa pintuan na kami nilingon niya ulit si Zach.

" Isasama ko ang girlfriend mo, total nakalimutan mo naman siya. You don't mind if I date her, right? " Napanganga ako sa sinabi ni Zander.

" I don't care Zander. " Nanibugho ako sa sinagot niya. Posible ba na magka amnesia din ang puso? Halata kasi sa mukha niya na wala siyang pakialam. Kung hindi nawala ang alaala niya for sure magagalit na siya kay Zander.

Napakuyom ang mga palad ni Zander sa narinig niya. Hinila na niya ako palabas ng kwarto habang nakasunod naman sa likuran namin si Zandro.

" Hey, bitawan mo na nga ang kamay ko, Zander. Kanina ka pa hila ng hila sa akin. " binitawan naman niya ito sabay tawa.

" Gago talaga yang boyfriend mo, Skye. Nagawa ka niyang kalimutan samantalang nung nanliligaw pa lang sayo grabe ang effort niya. " Natahimik ako sa sinabi niya. Totoo naman eh. Sobrang effort ni Zach nung nanliligaw pa lang siya sa akin. Pero dahil lang sa isang aksidente, nakalimutan na niya na nag eexist ako sa buhay niya. Ang galing talaga mag biro ng tadhana. Nakaka putang ina.

" Hoy, anong date yung pinagsasabi mo kanina? Gago, may amnesia lang yung tao pero hindi naman sila nag hiwalay ni Skye. "  Ani ni Zandro.

" Pag seselosin ko lang naman si Zach. Baka sakali bumalik ang alaala niya kapag nakikita niyang ibang tao ang kasama ni Skye. " My point siya pero tingin ko hindi mag seselos si Zach kay Zander. Alam niya ang personality ni Zander kaya malabo ang pinaplano niya.

" I don't know if gagana yan. Kung hindi niya ako maalala, pwes ipaalala ko sa kanya kung sino ako sa buhay niya. " Saka iniwan ko na silang dalawa sa parking lot. Sumakay na ako sa kotse ko at dumiretso na ako sa bahay.

Pagdating ko sa bahay nandun na yung tatlo. Agad nila akong niyakap pagkakita nila sa akin.

" Gising na daw si Zach at may amnesia? " Bungad ni Abby. For sure nakwento ni Zandro sa kanya.

" Masaklap kasi ako yung nakalimutan niya sa dami ng pwedeng makalimutan. Buti pa yung Natasha hindi niya nakalimutan. " Napabuga ako ng hangin sa inis ko. I can't blame Zach though.

" What? I'm sure she's taking advantage of the situation. That bitch! " Inis na turan ni Abby. " So, what's your plan now? Hindi naman pwedeng hahayaan mo na lang ang bruhang yun na agawin sayo si Zach. " Himutok niya.

" Ipaalala ko sa kanya na ako ang girlfriend niya. Ang kapal lang ng mukha ng babae na yun para bumida sa istorya ko. " Gigil na gigil ako kay Natasha pero wala akong magawa sa ngayon.

" Una pa lang, I don't like her already. My hidden desire pala kay Zach. " Bihira lang mag bigay ng opinyon si Alex pero direct to the point.

" First love daw siya ni Zach. " sabi ko sa kanila na ikinalingon naman nilang tatlo.

" First love my ass. Huwag niyang gagamitin na excuse yan para landiin si Zach. Sasabunutan ko talaga siya. " Sobrang asar na asar talaga si Abby kay Natasha. First impression niya kay Natasha ay hindi maganda. Mukha daw kasing doble kara. May tinatagong landi sa katawan.

" Ikaw ang girlfriend? Kung maka react ka naman dyan dinaig mo pa si Skye. " Napailing na lang si Ayana kay Abby.

" Shut up, Ayana. Palibhasa wala kang jowa kaya ganyan ka. " Tinaasan naman siya ng kilay ni Ayana.

" Wow, you are single too, remember? " Natameme naman si Abby sa banat ni Ayana.

" Natahimik ka tuloy kasi barado ka. " Umirap lang si Abby.

" Girls, Club Republiq tayo. I badly need a drink. " Anunsyo ko sa kanila. Bigla naman sumulpot si Stephen out of nowhere kaya si Alex napatungo tuloy.

" Skye, ibinilin ka ni Tito sa akin. I want to come with you. " Biglang sabat ni Stephen.

" No way, Stephen. Iinom kami dun at pagbabawalan mo lang si Alex. Hindi ka masayang ka bonding. " Napasimangot naman siya sa sinabi ko.

" Grabe ka naman sa akin. Pinsan mo ko at ako ang pinaka paborito mong pinsan. Basta sasama ako sa inyo sa ayaw at sa gusto mo." Pinal na sabi niya. May magagawa pa ba ako?

" Fine! Pero huwag kang KJ mamaya. " Inirapan ko na siya at lumabas na ng bahay. Nakasunod naman silang tatlo sa akin pero hinila ni Stephen si Alex. Ayun, gusto lang pala niyang solohin si Alex nakipagtalo pa sa akin. Bruho talaga!

Dumating kami sa Club Republiq bandang 8pm na. Unti unti ng dumadami ang mga tao. Pinapasok na kami agad sa loob dahil kilala na kami ng bouncer. Doon kami pumwesto malapit sa bar counter. Nag order ng isang bucket ng beer si Abby at umorder din siya ng tequila. After 10 minutes dumating din ang inorder namin at nag simula kaming uminom. I can't find Stephen kaya hinayaan ko na lang siya. Baka kasama ang kagrupo niya.

" Girls, let's dance. "Sigaw ni Abby. Medyo naparami na rin ang nainom niya kaya nawala na ang hiya niya.

" Kayo na lang muna. I'm tired. I just need a drink kaya ko kayo niyaya dito. " Tinaboy ko na silang tatlo at pasayaw sayaw naman sila habang papunta sa gitna. Napailing na lang ako sa kanila. My life is boring without them in it.

Patuloy pa rin ako sa pag inom ng biglang may umupo sa harap ko. Tatarayan ko na sana siya pero nakilala ko ang mukha niya. He smiled at me. But I forgot his name. I'm not good in remembering names you know.

" Hi, why are you alone here? " Umiral na naman ang pagka maldita ko kaya tinaasan ko siya ng kilay ko.

" Pakialam mo ba kong mag isa ako dito? " Napailing na lang siya. Pero hindi man lang siya natinag sa pag tataray ko sa kanya.

" Kung hindi lang talaga kita kilala na mataray baka nag walk out na ako. I'm Ethan. " Shoot! I remember him. He's the same guy na tinarayan ko last time nung party ni Sarah.

" I remember your face but not your name. " Ngumiti naman siya dahil sa sinabi ko. Weird guy.

" I did not expect you to remember my name. When I introduced myself to you before, you were not interested. This is not your usual self. You hate talking to me. " Ganun ba ako ka snob before? I had no idea.

" I'm still not interested and just wondering why you still keep talking to me. " Tumawa siya ng malakas. " Walang nakakatawa, so shut up. " Angil ko sa kanya.

" Bakit nga ba ang suplada mo sa akin? What did I do to deserve this kind of treatment? " Napailing lang ako. Wala naman kasing reason kung bakit ako mataray. Lahat naman tinatarayan ko.

" Trip ko lang. Bakit ba? Just be thankful at kinakausap pa kita. " Hindi pa naman ako nakikipag usap kung di ko talaga kilala totally ang isang tao. I don't like wasting my fucking time talking to a total stranger.

" Thank You, kasi kinakausap mo na ako. " Tumahimik na ako at nag concentrate sa iniinom ko. Tagal ng tatlo, hindi pa yata pagod sa pagsasayaw. 

Napatingin ako sa kaharap ko dahil nakatingin siya sa akin. Kung ibang tao ito, siguro ibinaling na sa iba ang tingin niya kapag nahuli ko itong nakatingin sa akin. Pero makapal din ang mukha ng isang to. The more na tinititigan mo siya mas lalo siyang  makikipag titigan sayo. Ako na ang unang nag bawi ng tingin dahil hindi ko kinaya ang mga titig niyang nakakatunaw. 

" Bakit ka nakatingin sa akin? May dumi ba ako sa mukha? " Umiling naman siya sa tanong ko. 

" Nagtataka lang ako kasi hindi mo kasama si Zach. Knowing that guy, ni ayaw niyang may lumalapit sayo na ibang lalaki. " The moment he mentioned Zach's name, bigla akong nilukob ng lungkot. 

" May amnesia siya. Hindi niya ako maalala. " Natahimik siya sa sinabi ko. Bumabalik na naman yung lungkot at inis ko.  

" Okay ka lang ba? " Ngumiti ako ng mapait. Okay nga ba ako? 

" Do I look okay to you? " Umiling naman siya. 

" You look horrible. Parang pasan mo ang mundo. Don't worry too much. Minsan kasi may mga bagay na hindi natin inaasahan na mangyayari pero nangyayari sa atin. " May bahid ng lungkot ang mga mata niya. Problemado din ba siya?

"Alam ko, kaso mahirap pala pag daanan yung ganito. Akala ko sa tv lang nangyayari yung ganito at hindi ko inaasahan na mararanasan ko ito sa totoong buhay. " Unti unting bumibigat  ang dibdib ko. Nagawa kong mag open up sa kanya kahit hindi naman kami close.

" Mahal mo talaga siya no? " tumango ako ng walang pag alinlangan. Mahal ko naman talaga si Zach. 

" Ikaw, parang may pinagdadaanan ka rin. You can tell me. Mas madali daw kasing mag open up ng problema sa hindi mo kakilala masyado. I'm willing to listen kahit hindi ko ugaling makialam sa problema ng ibang tao. " Bigla siyang natahimik. Pinapakiramdaman ko lang siya. Kung ayaw niyang mag open up, ayos lang naman sa akin. At least sinubukan kong magpakatao at this moment.

" Sa akin naman sinusubukan ko na kalimutan yung past ko. Kung ang pag inom sana makatulong na makalimutan ko yung babae na minahal ko noon edi sana hindi ako pabalik balik dito. " I feel his pain. Nangyari na rin ito sa akin before and without any luck, mukhang mauulit na naman ito for the second time.

" Pain is part of our life. In order for us to grow, we need to pass this stage. " Ngumiti ako ng mapait. Kasing pait ng iniinom ko na alak. Nilagok na niya ang laman ng baso na may alak saka tumayo na.

" Thank you for your time. I did not expect that you will listen to my rants. "

" Me too, I am not my usual self lately. " Ngumiti siya sa akin saka nag paalam na. I was left there alone again. Thinking, what if Zach will never remember me anymore? Kahit gustohin ko man na ipaalala sa kanya yung tungkol sa amin kung siya mismo ayaw alalahanin yun, may magagawa ba ako?

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.