Katatapos lang ng klase namin at plano ko ng pumunta sa hospital. Sinalubong ako nila Abby at Ayana sa parking lot. It's been three days since Zach had an operation but until now He is still unconcious.
"Skye, pupunta ka ng hospital ngayon? " Tanong ni Abby. Nakasunod lang sila sa akin.
" Yes, kailangan ko na dalawin si Zach. Baka gumising na yun ngayon eh. Gusto ko nandun ako kapag gumising siya. " Niyakap ako ni Abby to comfort me.
" Don't abuse yourself, rest if you are tired. I'm sure ayaw ni Zach na magkasakit ka. " Paalala ni Abby sa akin. I've been so stressed lately. Paano ba ako kakalma kung nasa ospital si Zach?
" I know Abby, thank you for reminding me. " I smiled at her kahit pilit lang yun. Ang hirap ngumiti kung opposite naman yung nararamdaman mo.
" Take care Skye. Always remember that we're just one call away. " Sabi ni Ayana sa akin. I'm lucky I have a friend whose always been there in the most difficult time of my life.
" I love you guys. " Tumango lang sila sa akin at nag paalam na ako sa kanila. Mabilis lang ako nakarating ng ospital dahil hindi naman ganun ka trapik.
Kumatok muna ako sa pinto bago pumasok ng room ni Zach. Naabutan ko si Natasha na kausap ang mommy ni Zach. Napatingin sila sa gawi ko at ngumiti si tita Zeny sa akin. Natasha just stared at me. Parang ayaw niya na makita ako na dumadalaw kay Zach. I'm the girlfriend and I have the right to visit my boyfriend. Siya nga sabit lang dito pero dinaig niya pa ako kung umasta siya.
" How's Zach, Tita? May improvement na po ba? " Lumapit ako sa tabi ni Zach at hinawakan ang kamay niya. Para lang siyang natutulog dahil sobrang peaceful ng mukha niya kahit naka benda ito.
" Unconcious pa rin siya. Sabi ng doctor kailangan na niyang magising this week dahil kung hindi baka nasa state of coma na siya ng mahabang panahon. " Para naman akong binuhusan ng malamig na tubig dahil sa narinig ko. He can't be like this forever. He needs to wake up.
"Iha, maiwan muna kita dito. Bibili lang kami ng dinner ni Natasha sa labas. Is that okay? " Tumango lang ako kay Tita. Ayaw pa sanang umalis ni Natasha pero hinila na siya ni tita palabas ng kwarto. Naiwan akong mag isa kay Zach.
" Babe, wake up. Three days ka ng tulog. Hindi mo ba ako namimiss? Kasi ako, miss na miss na kita ng sobra. " Unti-unting nag bagsakan ang mga luha ko. Hindi ko mapigilan na umiyak dahil sa narinig ko na binalita ni Tita.
" Itutuloy pa natin yung date natin na nacancel last time. Namimiss ko na yung boses mo, yung mga tawa mo. Yung pagpapakilig mo sa akin. Lahat yun miss na miss ko na. Mahal na mahal kita Zach. Kahit hindi ko man yun sinasabi sayo lagi dahil hindi ako yung typical girlfriend na katulad ng karamihan. Pero sayo lang ako nag tiwala ulit. Ikaw lang ang nagpatibok ng puso ko after four years of being single. Ayokong mawala ka sa akin ng hindi ko man lang naipakita sayo na sobrang mahal kita. Please, wake up! " Napasubsob ako sa higaan niya dahil sobrang lakas na ng mga hikbi ko. Sobrang bigat ng damdamin ko at tanging pag iyak lang ang alam ko na sulosyon para mabawasan ito.
Pinunasan ko na ang mga luha ko at inayos ko ang buhok ko. Sakto lang na nakapag retouch ako nung dumating sila Zander at Zandro. Lumapit sila sa tabi ko at nakikiramdam.
" Lumabas sila Tita to buy some dinner. Kumain na ba kayo? " Tanong ko sa kanilang dalawa. Napakamot naman sa ulo si Zander. For sure hindi pa ito kumakain.
" Hindi pa, dumiretso na kasi kami dito after namin mag bihis. Ikaw, kumain ka na ba? " Nakatingin siya kay Zach habang tinatanong niya ako. Sa totoo lang wala akong ganang kumain.
" Busog pa ako eh. " Sabi ko sa kanila pero kabaliktaran naman ang sinasabi ng tiyan ko. Bigla kasi itong tumunog na narinig naman nilang dalawa. Tumawa naman sila nung marinig nila yung huni ng tiyan ko.
" May busog bang maingay ang tiyan? " Pang-aasar ni Zander. Kung hindi lang nakahiga sa hospital bed si Zach ang sarap batukan ni Zander. Sobrang ingay parang hindi lalaki.
"Hintayin natin sila Tita na makabalik saka tayo lumabas at kumain ng dinner. " Anas ni Zandro.
" Hoy Zach, matutulog ka na lang ba dyan? Wala ka bang balak na gumising. Sige ka, kami muna ang makikipag date kay Skye total tulog ka naman. " Malakas na sabi ni Zander. Inaasar si Zach na akala mo aware sa pinagsasabi ni Zander. Biglang gumalaw ang isang daliri ni Zach the moment Zander mentioned my name.
Lumapit naman kami palapit kay Zach dahil akala namin magigising na siya pero hindi na nasundan ang paggalaw niyang yun.
" Nakita niyong gumalaw ang daliri niya diba? Akala ko magigising na siya hindi pa pala. Ano bang pinapanaginipan ng kupal na to at ayaw gumising? " Walang prenong daldal ni Zander. Binatukan naman siya ni Zandro dahil sa sinabi niya. Gago talaga.
" Gago! Puro ka dyan biro hindi naman nakakatawa. " Saway sa kanya ni Zandro.
"Pinapagaan ko lang ang sitwasyon. Hoy Zach, kakain kami sa labas isasama namin itong girlfriend mo. " Tumaas na naman ang boses ni Zander. Loko talaga kahit kailan. Dumating naman sila Tita Zeny at may dala silang pagkain.
" Tita, lalabas po muna kami para kumain. Babalik naman kami dito after namin mag dinner. " Paalam ko kay Tita.
" No need, i brought food for you. " At ibinigay ni tita yung hawak niyang paper bag sa akin. Marami ang laman nun kaya pwede sa aming tatlo yun. Kaso matakaw nga pala itong dalawang to kaya baka kulangin din.
" Naku Tita, matakaw po itong si Zander. Itabi niyo na lang po ang dala niyong food para po sa inyo mamaya. " Pahayag ni Zandro.
Napanguso naman si Zander at may balak pa na mag protesta pero tinakpan na ni Zandro ang bungaga niya. Napailing na lang si tita sa kalokohan ng dalawa.
" Alam niyo kayong dalawa hindi pa rin nagbabago, ang kukulit niyo pa rin. Siguro kung gising si Zach matinding ingay na naman ito. " Bigla na lang nalungkot si Tita pagkasabi niya ng pangalan ni Zach. Kung ako nga na girlfriend pa lang sobrang sakit na sa akin na makitang nakahiga sa hospital bed si Zach at unconcious, how much more sa Mommy niya? Sabi nga nila kayang tiisin ng mga anak ang mga magulang pero sa mga magulang hindi nila kayang tiisin ang kanilang mga anak. Kung pwede pa lang na sila na yung sasalo ng lahat ng mga bagay na makakasakit sa mga anak nila gagawin nila.
Nagpaalam na kami para kumain sa labas. Ginamit namin ang kotse ni Zandro para hindi na kami mahirapan sa pag hahanap ng parking mamaya.
" Skye, are you okay? " Pambasag na tanong ni Zandro. Nakakunot noo naman akong tumango. " Sana gumising na si Zach. Alam ko namimiss mo na rin siya kahit hindi mo sabihin. " Napatungo ako sa sinabi niya. Ganoon na ba ako ka obvious? Huminga ako ng malalim na para bang kumukuha ako ng lakas ko doon.
" I miss him everyday. " Ayokong umiyak sa harap ng dalawa kasi baka asarin lang nila ako pag naging okay na ang lahat.
" Don't worry, everything will be fine. Zach will wake up before this week is over. " Ginulo niya ang buhok ko kahit nanibago ako sa ganoong gesture niya.
" I hope so. And stop messing my hair. " Inirapan ko si Zandro at tinawanan lang niya ako.
" Hay, Girls talaga. What's the big deal about your hair? Si Abby ganun din ayaw niya rin na ginugulo ang buhok niya. " Napailing na lang siya.
" Speaking of Abby, kamusta naman kayong dalawa? What's the score between the two of you? " Iniba ko na ang topic. Bigla naman naging seryoso ang mukha ni Zandro.
" We're just dating. " Tugon niya.
" Are you in love with her? " Bigla naman siyang napalingon sa akin pero binaling din sa iba ang paningin niya.
" What are you talking about? Ako? Inlove sa kanya? I don't think so. " Iniwas niya ang tingin niya sa akin.
" So, malabong usapan pala kayong dalawa? Then, why are you dating her? Wala naman pala kayong gusto sa isa't isa. Ano yun, naglolokohan lang kayo? " Alam ko may gusto na si Abby kay Zandro pero in denial lang ang bruha. Ngayon alam ko na kung bakit siya in denial. Kasi alam niyang hindi kayang ireciprocate ni Zandro ang nararamdaman ni Abby. Poor Abby.
"Gusto kasi ng parents namin na mag date kaming dalawa. Ayoko naman na tumanggi kasi masasaktan ko si Abby. " Napilitan lang pala siya na gawin yung gusto ng parents niya. No feelings involve. " I like someone else. I only see Abby as a friend. I'm sorry, Skye. " Tiningnan ko siya sa mga mata niya pero hindi niya kayang salubungin ang tingin ko.
" Kung wala kang gusto kay Abby better stop dating her. Be man enough to tell your parents that you like someone else. If you want to keep your friendship with Abby, you better stop this before it's too late. Bago mo pa masaktan si Abby. " Bumaba na ako ng kotse ni Zandro. Nakikinig lang si Zander sa usapan namin ni Zandro. Halatang ayaw makialam.
Kumain kami ng dinner namin ng tahimik. Hindi din kami nag tagal sa restaurant at bumalik din kami agad sa ospital. Pag dating namin nadatnan namin si Tita Zeny na mag isa na lang doon.
" Tita, where's Natasha? " Napatingin si Tita sa gawi ko.
"She went home. Ikaw din iha, umuwi na kayo at mag pahinga. May pasok pa kayo bukas di ba? " Sakto naman na nag ring ang cellphone ko kaya nag excuse ako para sagutin ko ang tawag.
" Skye, what time are you coming home? " - Mommy
" I'm leaving now, Mom. See you. "
" Okay anak, drive safely. " At binaba na niya ang tawag.
Nagpaalam na rin ako at sumabay na rin ang dalawa sa akin sa pag uwi. Pagdating ko sa bahay nasa sala ang parents ko hinihintay ako.
" How's Zach? Is he awake now? " Bungad na tanong ni Daddy. Kahit papaano nakikibalita din ang parents ko sa kalagayan ni Zach.
"Ganun pa rin po. Unconscious pa rin. Kailangan niyang magising this week or forever na siyang nasa state ng coma. " Natahimik naman si Daddy.
" Magigising din siya anak. Don't worry too much. Lalaban si Zach. " Ngumiti si Mommy sa akin. Yeah, lalaban siya. I know he will.