The Goddess Nerd Chapter 3

SKYE'S POV

Wala pa ang prof namin kaya sobrang ingay ng mga classmates ko. Para ngang  nasa palengke lang ako sa sobrang ingay nila.

Walang may balak na makipag kaibigan sa akin dahil nerd daw ako at hindi nila ka-level. Duh? Hindi talaga dahil isa akong diyosa at sila feeling maganda. Naging maganda lang dahil sa make up at kung anu-ano pang mga cosmetics na pampaganda.

Biglang nagtilian ang mga classmates kong girls. Pag tingin ko sa pintuan papasok pala ang Zion. Grupo ito nila Zachary, Zander at Zandro. No wonder kung mag tili ang mga hitad parang mababasag ang eardrums ko sa sobrang lakas. Ibinaling ko ang tingin ko sa phone ko at nag online sa facebook.

Zachary Collins added you on facebook.

Confirm. Not now.

Hindi ko pinansin ang friend request niyang 'yon. Sariwa parin sa isip ko ang ginawa niyang pagpapahiya sa akin nung first day of school.

Ni log out ko na ang facebook ko at ibinalik na sa Louis Vitton bag ko ang phone ko.

" Hoy nerd, alam mo maganda ka sana kung hindi ka lang pangit. " At nagtawanan silang lahat sa sinabi ni Zandro na kabarkada nila Zach at Zander. Ang kapal ng mukha para laitin ako? Sige lang tawa lang kayo diyan may araw din kayo sa akin.

" Oh bakit ang tahimik mo nerd? Akala ko ba matapang ka? " What's her name again? Ugh.. I forgot, basta hindi importanteng tao hindi ko inaalala ang pangalan.

Tinaasan ko siya ng kilay ko na makapal at inirapan. Tumahimik nalang ako kesa patulan pa ang mga patutsada nila. Pero pag ako napuno humanda lang sila sa akin. I'm not a bad person neither a saint.

" Hey classmates, hayaan niyo na si Nerdy, just be kind to her. " Okay na sana pero may kasama pang lait ang pag saway ni Zach. Hindi parin ako umimik hanggang sa dumating ang profesor namin. Lecture lang siya ng lecture pero ang isip ko nilipad na sa malayo. Hindi ko namalayan na bell na pala para sa breaktime.

Sinadya kong magpahuli sa pag labas since I'm not the kind of person na kailangan makipag unahan lagi. Papunta ako ng cafeteria para bumili ng food ko. Since I'm a nerd, I need to act like one. No friends around and I'm a loner for three months. Tsk!

" Hey nerd, ibili mo nga ako ng pagkain ko. Here's my money. " Inuutusan ba ako ng babae na'to? Tiningnan ko siya mula ulo mukha namang paa. Para siyang hipon na maganda lang ang katawan but the face-- ugh, nevermind! Tinalikuran ko lang siya at bumili na ako ng pagkain ko. Pero nung naghahanap na ako ng table ko, hinarangan ako ng babaeng hipon dahil hindi ko sinunod ang utos niya.

" Ang kapal ng mukha mong nerd ka. Bakit mo ako tinalikuran kanina? Never in my life na may tumalikod sa akin at isang nerd pa na kagaya mo ang gumawa nun. " This girl is making a scene. Anung akala niya sa sarili niya, celebrity? Nilagpasan ko lang siya pero hinila niya ako pabalik.

" Get off your dirty hand on me. " I demanded.

" Eh kung ayoko? May magagawa ka ba? " Tila nang hahamon pa niyang sabi. Okay!

" Ah ganun? Gusto mo bang ako pa ang mag tanggal ng madumi mong kamay sa braso ko? " Hamon ko sa kanya. Ngumisi lang ang bruha na lalong nag painit ng ulo ko. Pwes, kung hindi ka madala sa mabuting usapan edi daanin natin sa dahas. At hindi niya inaasahan ang next na ginawa ko. Hinawakan ko ang kamay niya at pinilipit ito sa likuran niya. Napasigaw naman siya sa ginawa ko.

" You bitch! Bitawan mo ang kamay ko. " Sigaw niya sa akin.

" Next time hindi lang 'yan ang mangyayari sa'yo kapag inulit mo pa ito. I don't like using physical here but do it once more and I wont hesitate to do this again. Naintindihan mo? " Mariin kong sabi sa kanya saka ko siya binitawan. 'Yung mga estudyante naman doon parang pigil ang hininga nila sa eksenang iyon. Bakas sa mga mukha nila ang galit dahil sa ginawa ko. I don't effin care!

C.R.

Hindi na ako nakakain dahil sa eksena na 'yon kanina. Kainis! That girl is really provoking me. Arrghh.. Palabas na sana ako ng cubicle ng cr pero may dumating na mga estudyante at nag-uusap sila.

" Anu ba naman itong Branston University akala ko ba exclusive school ito? Bakit nila tinanggap ang nerd na 'yon dito? - Girl 1

" Oo nga, she is so pangit and she's not nababagay here. This school is just for pretty and handsome students. She is so nakakatakot pa 'coz she's like a freak. "  - Conyo Girl

" Hay naku, pangit na nga war freak pa! " - Girl 1

Padabog akong lumabas ng cubicle at humarap sa salamin. Sinamaan ko ng tingin ang dalawang chismosa na nasa gilid ko. Inismiran lang nila ako at nagpatuloy sa pag ayos ng sarili nila.

" Excuse me lang ha, ako ba ang pinag uusapan niyo kanina? " Hinarap ko na ang dalawang chismosa na 'to. Humarap din sila sa akin na naka cross arm pa with matching taas kilay para mag mukhang mataray.

" So what if ikaw nga? May angal ka? " - Pandak na girl

" Yeah, so what if ikaw nga? Why are you here ba? You're not even maganda para pumunta here to retouch your face. " Conyo girl

Imbes na mainis ako gusto kong matawa sa dalawang to. Hindi ko napigilan na tumawa na ikinataka naman ng dalawa.

" What so funny? Are you nababaliw na ba? Pangit ka na nga crazy kapa. " Conyo girl

" You know what? Pinasaya niyo ako. At dahil diyan palalagpasin ko ang araw na to. " Umalis na ako sa cr at pumunta na ng classroom. Natatawa nalang ako sa mga taong galit sa isang nerd na kagaya ko. Kung tutuusin wala naman akong ginawa sa kanila para kainisan nila ng ganito katindi.

" Miss Salvatore, you're late! My classroom is not a shopping mall. So please, be on time. " Sermon ng terror teacher ko.

" Nag cr lang maam. " Sagot ko sa prof ko. Papunta na ako sa upoan ko pero may nag patid sa akin kaya muntikan na akong masubsob sa floor. Nilingon ko ang mga classmates ko at nakita kong nagpipigil sa pagtawa ang mukhang clown na girl sa left side ko. Tumayo ako at inayos ang sarili ko.

" Ikaw ba ang nagpatid sa akin? " Malumanay kong tanong kahit na gusto ko ng mag sabog ng galit ko sa nag patid sa akin.

" Do you have any evidence na pinatid kita? " Tinaasan niya ako ng kilay. Ahitin ko kaya 'yang kilay mo? Bwiset!

" Miss Salvatore, what's the matter? Why are you still standing there? Go to your chair now! " Sita ng prof ko sa akin. Pag untogin ko kaya ang mga ulo nila? Bakit ba ako nalang ang nakikita nitong pangit na to? Bwiset!!

" Nothing! " Sagot ko at pumunta na ako sa upoan ko. Nilingon pa ako ng mukhang clown at ngumiti ng nakakaasar. Inirapan ko nalang siya at dineadma. Pero may araw din siya sa akin.

****

Nagising ako sa tunog ng cellphone ko. Kanina pa yata ito nag riring pero hindi ko pinapansin dahil sobrang antok pa ako. Hinablot ko ang phone ko at akmang sasagutin ko na sana ito ngunit saka naman ito nag end call. Matutulog na sana ako ulit nung tumunog nanaman ito kaya agad ko na itong sinagot.

" Hello? " Walang ganang bati ko sa kabilang linya.

" My god! I've been calling you for seven times already. What are you doing ba kasi? " Maarteng tanong ni Abby. Letche!

" Alam mo Abbyruth kung tumawag ka lang sa wala tigilan mo ako. Istorbo ka sa tulog ko. " Angil ko sa kanya.

Siya pa ang may ganang magalit dahil hindi ko nasagot ang mga tawag niya. Sino ba kasi ang may sabing tawagan niya ako ng ganito ka aga?

" Don't call me that! Kainis ka talaga. Nakalimutan mo ba na may party tayong pupuntahan later? " Sabi ng bruha. Kiber ko sa party!

" So? Anung kuneksiyon nun sa pagtawag mo ng ganito ka aga sa akin? " Tumingin ako sa orasan na nasa side table ko, 8:30am palang. The heck?!

" Pupunta po tayo ng salon para magpaganda at--"

" Bitch please! I'm a goddess, hindi ko na kailangan magpa salon para gumanda. Dahil maganda na talaga ako since birth. " Putol ko sa sasabihin niya.

" Ewan ko sa'yo! Kahit kailan talaga napaka conceited mo. " Naiimagine ko na ang ichura niyang naka pout. Haha. Ang sarap asarin kasi ni Abby, madaling mapikon.

" I'm just stating the obvious. Maganda naman talaga ako. Pero dahil binulabog mo na ang tulog ko sasama na ako. Libre mo na ako sa lahat. "

" Ang yaman yaman mo kaya sa---" - Abby

" Ssssshhhh.. That's final! " Putol ko ulit sa kanya.

" Letche! Mayaman ka nga pero ang kuripot mo! " Binabaan na niya ako ng phone. Pikonin talaga ang bruha. Hahaha.

Tiningnan ko ang phone ko at may six misscalls nga siya.

Bumangon na ako at dumiretso sa cr. Naligo ako at nag ayos ng sarili. Now I'm at my usual self. Si Skye na ako ulit at hindi na si Francesca. Inayos ko ang sarili ko at pagkatapos pasadahan ng tingin ang sarili ko sa body size mirror bumaba na ako.

" Good morning iha! Ang aga mo ngayon ah? " Bati ni mommy  habang kumakain siya ng breakfast. Himala at wala si daddy.

" Good morning mom! Pupunta kasi kami ng salon nila Abby at Ayana. " Umupo na ako at kumuha ng cereal and milk.

" Iha, your dad and I are going to Europe on monday. We'll be gone for one month, is that okay with you? " I rolled my eyes. What's new? Lagi naman silang out of the country kaya sanay na ako.

" Yes mom! Don't worry about me. Sanay na ako na lagi kayong wala. " Tinapos ko na ang kinakain ko pero nanatili parin akong nakaupo sa harap ng table. Si mommy naman may binabasa na magazine about fashion. She's at her mid 40s but she doesn't look like one. Minsan napagkakamalan pa kaming mag kapatid kapag mag kasama kaming nag sashopping. Ngayon alam niyo na kung bakit ako ganito? May pinagmanahan lang ako.

Dumating na sila Abby at Ayana kaya tumayo na ako dun. Binati naman nila si mommy na busing-busy sa pag babasa.

" Hi tita, looking gorgeous as always. " Puri ni Abby kay mommy sabay halik sa pisngi niya.

" Hi Abby, thank you! You too, beautiful as always. " -Mommy

" Hi tita, you look stunning! " -Ayana

" Bolera talaga kayong dalawa. " Tinawanan nalang kami ni mommy.

" Let's go girls. Tama na 'yong bolahan niyo diyan. " Nag paalam na kami kay mommy para makaalis na kami.

****

Kinagabihan pumunta kami ng party ni Sara. Sa club republiq ito ginanap kaya doon na kami dumiretso. Sinalubong kami ni Sara nung papasok na kami sa loob ng bar.

" Happy birthday Sara. Pina-deliver ko na sa bahay niyo ang gift ko. " Nakipag beso-beso kami sa kanya.

" Thank you Skye, the best ka talaga! Kailan niyo kaya ako isasali sa Ace Goddess? " Pabiro niyang tanong. Matagal narin naman kasing nagpapasaring si Sara na gusto niya mag join sa Goddess kaso nga lang up to now hindi ko parin siya kinoconfirm.

" We'll see in the future. " Ngumiti ako at pumasok na kami sa loob. Marami naring mga taong nag-sasayaw sa dance floor. Mostly mga anak mayaman kaso may mga attitude na hindi ko gusto. May lumapit sa akin na guy. Gwapo siya at mayaman but he's not my type.

" Hey Skye, I thought nasa abroad ka? " Napataas ang kilay ko sa lalakeng 'to. Ganun na ba ako kasikat at pati siya nakikibalita din ng whereabouts ko? To think na hindi ko naman siya kilala.

" I'm sorry, but have we met before? " Tumawa lang siya sa tanong ko. Weird!

" Oh, sorry for being rude. I'm Ethan Araneta by the way. " Inilahad niya ang kamay niya para makipag handshake na hindi ko naman tinanggap. Sorry pero hindi ako nakikipag handshake sa kung kani-kanino lang. Napasipol siya nung hindi ko tinanggap ang kamay niya.

" Oh, i forgot! Hindi ka nga pala nakikipag kamay sa kung kani-kanino lang. " 'Yung totoo, ipina imbestigahan niya ba ako? He seems so updated about my profile.

" Excuse me, I need to go to my friends. " Paalam ko sa kanya. Naiwan naman siyang nakatayo dun at napakamot nalang sa batok niya. Minsan talaga gusto ko ng matakot. Masyado na pala akong sikat na halos lahat ng makaka-salubong ko kilala ako.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.