The Goddess Nerd Chapter 4

SKYE'S POV

" Who was that? " Salubong na tanong sa akin ni Ayana.

" Ethan Araneta. I just met him but he knows a lot about me. " Balewalang sabi ko. Kumuha ako ng tequila at ininom ko 'yon ng derecho. Sanay naman ako sa alcohol but i don't drink too much.

" I know him. His family own a chain of restaurants here in the Philippines and outside the country. He's hot! " Parang kinilig pa si Ayana habang nag kukwento sa akin tungkol sa guy na 'yon. The thing is I'm not interested in him.

" Abby, let's dance! Naiingayan ako kay Ayana. " Sinamaan ako ng tingin ni Ayana na dineadma ko naman. Sanay na ako sa ganyang attitude niya.

" Ayana, are you coming with us or you'll gonna stay here and get drunk? " Aya ko sa kanya. Hinihila na ako ni Abby dahil atat ng sumayaw. Sumunod naman si Ayana sa amin sa dance floor and everyone step aside. Kilala kaming mga Goddess kaya wala ni isang nag dare na balewalain ang presence namin.

Nag eenjoy na kami sa pag sasayaw nung may isang girl na parang nag wawala kung sumasayaw. Nasiko niya ako ngunit imbes na mag sorry tinaasan niya lang ako ng kilay niya sabay irap sa akin. What the heck? Pinalagpas ko 'yon at sumayaw nalang ulit. Ngunit siniko nanaman niya ako and this time i know na sinadya na niya kaya hinila ko siya paharap sa akin.

" What's your problem? " Kompronta ko sa kanya. Nag cross arm siya at tiningnan ako from head to toe. Aba! Iniinis ba ako ng mukhang clown na 'to?

" Wala akong problema baka ikaw meron? " Sabi ng babaeng mukhang haggard na ewan.

" Malaki nga ang problema ko simula nung makita ko ang pangit mong mukha. Get lost! " Biglang uminit ang ulo ko dahil sa babaeng kaharap ko. Dala narin siguro ng alak kaya mabilis akong mairita ngayon.

" Wow! Just wow! Ako? Pangit? Manalamin ka nga bago mo sabihing pangit ako! " - Girl. Ako pa talaga ang sinabihan na manalamin? Kapal huh?!

" Oh please, hindi ko na kailangan ng salamin kasi alam kong maganda na ako. May nakapag sabi na ba sa'yo na mukha kang haggard? " Tanga nalang ang hindi maka gets sa sinabi ko. Tinaasan nanaman niya ako ng kilay niya at pinameywangan niya ako.

" Wala pa naman bakit? " Akala ko naman sisigawan niya ako. Napangiti tuloy ako.

" Well, ngayon meron na! Haggard kasi ng mukha mo at kung makasabi ka sa akin na manalamin akala mo looking fresh ka? To tell you frankly, daig mo pa ang natuyot na dahon na kulang sa dilig sa sobrang haggard ng mukha mo. " Tinalikuran ko na siya ngunit bago pa ako makalayo doon bigla na lang niya akong hinila sa buhok. Letche! Sa lahat ng pinaka ayaw ko ay 'yong hilahin ako sa buhok. Kaya sa inis ko, i punched her face na hindi naman niya nailagan. Napa "Oh" ang lahat sa ginawa ko.

" Shit! That hurts! Kapal ng mukha mo pati kamay ko nasaktan sa sobrang kapal niyan. " Umalis na ako sa kumpol ng mga tao dun at 'yong mga tao naman balik sa pag sasayaw like as if nothing happened.

" Skye, I'm so sorry! Okay ka lang ba? That girl is just a third wheel. Friend siya ng friend ko kaya nandito siya. " Nag aalalang sabi ni Sara. Natawa nalang ako dahil sa totoo lang hindi ako ang dapat na tinatanong niya ng ganyan kundi 'yong kupal na babaeng sinuntok ko kanina.

" I'm fine Sara. I'm just pissed off. " Uminom ulit ako ng isang shot ng tequila. Umalis narin si Sara doon dahil may dumating pa siyang mga bisita.

" That was hilarious! " Sabay tawa ng malakas ni Abby. Lokang 'to gustong gusto niya talaga kapag may nakakaaway ako kasi lagi siyang natatawa sa mga encounter ko sa mga epal na mga babae.

" That was epic, I never seen you punched someone's face before. And that was the first time! My gosh! Really funny. " - Ayana

I don't know how I became friends with this two but we have a lot in common. Sila talaga ang mga kaibigan ko na tatawa kapag may nakakaaway ako. Imbes na tulungan ako well, makikitawa nalang sila dahil kaya ko naman daw ipagtanggol ang sarili ko which I agreed!

Biglang tumigil ang mga nag sasayaw sa gitna at napatingin sa paparating na tatlong lalake. I didn't pay much attention sa kung sino man ang dumating. I'm just enjoying my drinks nung may tumikhim sa likuran ko.

" Hi Skye! " Napalingon ako sa nagsasalita. Biglang nawala ang ngiti sa mga labi ko nung makita ko kung sino 'yun. Si Zach!

" Yes? " Walang gana kong sagot. Sana man lang makuha niya na hindi ako interesado sa kanya. May atraso pa silang mag kabarkada sa akin.

" Would you like to dance? " Muntik na akong masamid sa tanong niya. Manhid ba itong kaharap ko? Di ba ito marunong makiramdam?

" Sorry, I'm tired! " Tinalikuran ko na siya at ibinaling ang atensyon ko sa iniinom ko. Bigla namang nag hiyawan ang mga tao kaya napalingon ulit ako. Nahawi na ang mga tao sa gitna at ang nandun na lang sa gitna ay ang grupo ng Zion na sumasayaw. Halos lahat ng mga babae sa bar nagtitili dahil sa Zion. Nung nagtama ang tingin namin ni Zach kumindat siya sa akin kaya mas lalong tumili ang mga malalanding babae na animo'y sila ang kinindatan. Inirapan ko na nga lang siya at pumunta sa bar counter.

" Vodka please, make it double. " Agad naman akong dinalohan ng bar tender at ibinigay ang order ko.

" Here's your drink Miss Skye! " - Bartender

Nagtataka ba kayo at kilala ako ng bartender? Kasi nga ito ang tambayan namin. Kilala ko rin ang may-ari ng club republiq, si Peter Hurley. He's a friend of mine actually. Ahead lang sila sa amin at kilala ko ang group nila.

"Why are you alone here? " Hindi ko na kailangan lumingon para malaman kung sino ang nag sasalita dahil boses palang kilala ko na. ZACH!

" Who cares if I'm alone here? " Bored kong sabi sa kanya. Nasaan na ba kasi ang dalawang iyon? Naiwan pa tuloy ako sa bwiset na'to.

" Ang taray mo naman! Manhater ka ba? " Nag smirk siya sa akin na kinaiinisan kong makita. Akala niya gwapo siya? Oo gwapo talaga! Ay teka,erase erase! Bakit ko ba nasabi iyon sa isip ko?

" Do I know you? " Makasabi ng manhater ako akala niya close kami? Tumaas ang dalawa niyang kilay sa tanong ko.

" Oh, I thought kilala mo na ako?! " Kilala ko siya classmate nga kami diba? Naiinis lang ako sa pag mumukha niya kaya ko sinabi 'yun.

" Nevermind! " Kinuha ko ang phone ko at dinial ang number ni Ayana. Nag riring lang pero hindi sinasagot ang tawag ko. Bwiset!

" I'm Zachary Collins, I am the leader of Zion group. " Pagpapakilala niya. Ngunit patuloy parin ako sa pag kalikot ng phone ko. Dinial ko naman ang number ni Abby. Naka ilang ring din 'yon bago sinagot.

" Excuse me! " Sabi ko kay Zach at lumayo na sa kanya.

" Who are you talking? " Abbyruth

" Saan kayo? I wanna go home now. " May kinakausap siya pero hindi ko marecognize ang boses ng kausap niya.

" Wait Skye, I'm talking to Zandro. " Wait, who? ZANDRO?

" Abbyruth, anung wait ka diyan? Where the hell are you? " Uminit bigla ang ulo ko sa sinabi ni Abby. Epekto narin siguro ng alak dahil naka ilang shots din ako at medyo tipsy na ako ngayon pero kaya ko pa naman ang sarili ko. Nakita ko si Abby sa table namin at kausap nga si Zandro samantalang si Ayana naman kasayaw niya si Zander. Ang mga walanghiya, kaya pala ako ang sinundan ni Zach dahil lumalandi pala ang dalawa dito.

" Abby, I'm going home now. If you don't want to go home yet, then I'll go ahead. Mag tataxi nalang ako. " Aalis na sana ako pero pinigilan pa ako ni Abby.

" What? I'm not gonna allow you to ride a cab. Baka mamaya pag samantalahan kapa ng driver. " Tanga nito. I can take care of myself kaya.

" Basta uuwi na ako and that's final. Don't stop me. " At nag lakad na ako palabas ng bar. Tatawagan ko nalang ang driver namin pero pag tingin ko ng oras 2am na ng madaling araw and for sure tulog na siya. Kainis!

" Hatid na kita sa inyo. " Boluntaryo ni Zach. Nagulat pa ako sa biglang pag sulpot niya sa likuran ko.

" Para kang kabute na pasulpot sulpot. Wag na, I can go home by myself. " Nag abang na ako ng taxi pero inabot na ako ng fifteen minutes sa pag hihintay wala paring taxi. Naiinis na ako dahil antok na ako at pagod na pagod. Nahihilo na rin ako dahil tinamaan na ako ng alcohol.

" Skye, ihahatid na kita sa inyo. Don't argue with me anymore. Look, I'm just giving you a favor so please lang wag ng matigas ang ulo. " - Zachary

" Fine! Wag na wag kang mag balak ng masama sa akin. I tell you now, black belter ako sa taekwondo. " Ngumiti lang siya sa akin at napailing na lang.

" Don't worry, you're not my type. " Alam kong inis ako sa kanya pero bakit nakaramdam ako ng panghihinayang nung sinabi niyang hindi niya ako type? Ah.. I'm drunk! Kung anu-ano na ang pinag iisip ko.

Biglang pumarada sa harap ko ang isang BMW. Bumaba si Zach at inilalayan akong makapasok sa kotse niya. He even put on my seatbelt. At habang nilalagay niya ang seatbelt ko, amoy na amoy ko ang pabango niya. Pakiramdam ko mas lalo akong nalasing na napapikit nalang ako. Napamulat nalang ako nung marinig ko ang pag sarado ng pinto ng kotse.

" Are you really tired and sleepy? Kaya mo pa kayang ibigay ang direction ng bahay niyo? " Huminga ako ng malalim para matanggal ang pag bilis ng pintig ng puso ko. Sinabi ko sa kanya ang direksyon at hinayaan na niya akong makatulog pero truth is hindi naman talaga ako nakatulog knowing that he's just inches away from me. Namalayan ko nalang nakatigil na pala kami at nasa tapat na kami ng mansyon namin.

" Skye, we're here. " Tawag niya sa akin. Nag kunwari akong tulog kahit na gising naman talaga ako. Ewan ko ba kung anu ang pumasok sa isip ko at bigla nalang akong nag kunwaring tulog. Tinapik pa niya ako ulit pero di parin ako dumilat. Hinawi niya ang buhok na nakatabing sa mukha ko. Amoy na amoy ko ang hininga niya na amoy mint. Pakiramdam ko namumula na ako dahil sa sobrang lapit niya sa mukha ko. Nung hindi ko na talaga nakayanan bigla akong dumilat. Gahibla nalang ang layo ng labi niya sa labi ko. Agad ko siyang itinulak palayo sa akin. God! Nag huhurumentado ang puso ko dahil sa tagpong iyon.

" Skye/Zach-- " Sabay pa naming sabi.

" T-thanks sa pag hatid. S-sige pasok na ako. " Tumango lang siya sa akin at agad na akong bumaba sa kotse niya at pumasok na sa bahay. Napahawak pa ako sa dibdib ko nung nasa loob na ako ng bahay. Bakit ganun nalang ang bilis ng tibok ng puso ko? Could it be?-- Nah, I'm just drunk! Iwinaksi ko ang thought na 'yun at pumasok na sa room ko. Hindi ako makatulog dahil naiisip ko parin ang nangyari kanina. Waaaah.. Mababaliw na ako sa kakaisip nun nang paulit-ulit. Wala akong gusto sa mokong na 'yon. Period!

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.