The Lady Marine Engineer Chapter 12

Tahimik sa byahe ang dalawa hanggang makarating sila sa mansion ng mga Estrella.

Tuwang tuwang sinalubong sila ng mag asawa at dumiretso agad sa hapag at dun na itinuloy ang kwentuhan nila.

Normal lang din naman ang pakikitungo ng dalawa sa isat isa na parang di sila nagtalo kanina sa daan.

Natapos din ang kainan nila na puro parin kwentuhan tungkol sa business at kung ano pa.

"Hija, kamusta pala ang Daddy mo? Matagal ng di pa siya ulit umuuwi ah.." Tanong ni Donya Amanda sa apo.

"Okay naman siya Lola, busy po as usual. Pero kapag naman may oras tumatawag po siya kay Mommy at sakin. Alam niyo naman ang trabaho niya.." Paliwanag ni Jane habang inaabot ang dala dala ng maid na inutos nito kanina.

Si Coleen naman ay nakangiting nakikinig lang sa mga ito habang masarap na nagkkwentuhan.

"Napakasipag talaga ng Daddy mo. Hayaan mo sa susunod dadaan kami ng Lola mo para naman mabisita namin kayo ng Mommy mo sa mansion.. Medyo matagal na rin kaming di nagagawi doon sa dami ng inaasikaso namin ng Lola mo." Don Altheo.

"Sure Lolo. Sigurado matutuwa si Mommy nun." Sagot naman ni Jane na umupo sa tabi ni Coleen at iniabot ang platito na may lamang gamot.

"You should drink that, para gumaan ang pakiramdam mo." Sabi nito pagkaabot ng tubig sa dalaga.

"Oo nga hija. Tama si Jane.. Malayo pa ang byahe niyo mamaya. Pero kung di mo kayang bumyahe pwede kayong magpalipas ng gabi dito.. madilim na rin naman sa labas."

"Okay lang Don Altheo, magiging okay na rin siguro ako. Kailangan ko din po talagang bumalik ng Manila ngayong gabi." Nakangiting sagot ni Coleen bago ininom ang gamot na binigay ni Jane.

"Lolo na lang din hija, parang apo ka na rin namin eh. Nako salamat talaga ha. Kung di dahil sa inyo ng Kuya mo di namin makikita ulit ang batang to. Madalang kasi naming maabutan ito sa bahay nila kapag dumadaan kami dun e."

Ngumiti naman si Coleen bilang pag sang ayon sa matanda. Nagkapalagayan na rin naman sila ng loob dahil kanina pa sila nagkkwentuhan at inabot na rin sila ng dilim.

"You sure you'll be okay? Kaya mo ba talagang bumyahe? Pwede naman tayo magpalipas ng gabi dito kina Lolo at Lola hanggang maging okay ka bukas." Puno ng pag aalalang tanong ni Jane kay Coleen. Mainit kasi talaga ito kanina ng hawakan niya ang noo nito.

Tumango naman ang mag asawa at ngumiti pa.

"Oo nga hija, malawak ang buong bahay para sa inyong dalawa. Para din makapagpahinga kayo." Donya Amanda.

"Lolo, Lola kung pwede lang po talaga eh. Kaso kailangan ko talagang makaluwas ngayong gabi. Saka kasama ko din naman si Jane.. Wag po kayong mag alala, mag iingat po kami." Malawak ang pagkakangiting turan nito sa mag asawa.

"Wag na po kayong mag alala Lolo at Lola. Ako na po ang bahala kay Coleen, di ko pababayaan yan. Saka nako, kailangan na rin namin pala umalis bago pa kami abutin ng dis oras.." Singit ni Jane dahil nahalata nitong gustong gusto na rin makauwi ni Coleen at para makapagpahinga ito pagkadating.

Kaya naman pagkatapos magpaalam ng dalawa ay sumakay na rin ito at kumaway kaway pa bago makalayo sa mansiyon ng mga  Estrella.

Tahimik lang ang dalawa habang nasa byahe. Kapwa nagpapakiramdaman ng si Coleen na mismo ang bumasag ng katahimikan.

"Your grandparents where nice."

"Makukulit talaga ang mga yun. Lalo na si Lolo." Sagot naman ni Jane na nakatutok sa kalsada.

"Salamat pala ha, pumayag kang dumaan muna tayo saglit dun." Dugtong pa ni Jane.

"Its okay.." Plain lang na sagot ni Coleen dito.

"Jane...'' Tawag ni Coleen dito.

"Pasensya na pala sa pagiging rude ko kanina. Ang kulit mo din kasi eh, pagod pa ako sa maghapong pakikipag usap sa kung sino sinong tao regarding the company." Paumanhin nito sa dalaga.

"Okay lang yun, makulit naman talaga ako eh. Lalo na kung may gusto ako. Sorry din sa kotse ng Kuya mo."

Natawa bigla ang dalawa sa sinabi ni Jane.

"Kasi naman ayaw mokong kausapin, saka iniiwasan mo pa ako." Tumatawang paliwanag ulit ni Jane.

"Jane.. We already talk about that.."

"Coleen.. Seryoso nga ako." Putol nito sa sinasabi ni Coleen.

"Youre too young. Baka nalilito ka lang o kaya naguguluhan." Coleen.

''Young? Ganyan ba ang tingin mo sakin? Bata pa ako at nalilito lang?" Seryosong sabat ulit ni Jane.

"Magdrive ka nalang Jane, di maganda ang pupuntahan ng usapang ito. Sa halip na okay na tayo." Coleen.

"Umidlip ka na nga lang dyan, gigisingin nalang kita kapag andun na tayo. Saan ba ang bahay niyo?" Pag iiba rin ni Jane ng usapan.

"Sa CBCT hotel mo nalang ako ihatid. May mga kailangan pa akong kunin sa penthouse. Umuwi kana rin after, ipapahatid nalang kita." Ipinikit na ulit nito ang mata niya. Hinayaan nalang ito ni Jane para makapagpahinga.

Sinusulyap sulyapan na lang niya ito paminsan minsan habang nagmamaneho siya.

JANE'S POV

Hinayaan ko nalang na matulog buong byahe si Coleen dahil alam ko naman na masama ang pakiramdam nito. Masaya din ako dahil kahit paano naging okay kaming dalawa simula nung dalhin ko siya sa bahay nina Lolo Altheo.

Kinausap niya na rin ako ng maayos kanina kaya masayang masaya ako. Nasira nga lamang dahil napunta na naman kami sa usapang pilit niyang iniiwasan.

Seryoso naman talaga ako na gusto ko siya. Di lamang gusto. Mahal na nga ata.

Pero ayaw niya namang maniwala, iniisip niya lang na baka nalilito lang ako sa feelings ko at dahil bata pa daw ako. Bakit ba kahit anong gawin ko ayaw niya pa rin makinig at maniwala? Dahil ba mas matanda siya sakin?

Pero di ako titigil hanggat di napapatunayan sa kanya na seryoso ako at hindi ako natatakot o nahihiya sa sasabihin ng iba.

Mahal kita Coleen, at di ako papayag na di ka mapunta sakin.

Baliw na kung baliw pero ewan ko. Di ko alam kung bakit ganito nalang ang nararamdaman ko sa kanya.

Di kumpleto ang araw ko na di siya kinukulit hanggang mabwisit siya. I find her more beautiful kapag pikang pika na siya sakin. The more na tinatarayan niya ako lalo akong nachachallenge para ipakita sa kanya na di ako susuko. Kaya gagawin ko ang lahat mapalapit lang sa kanya.

Nagtataka rin naman ako sa sarili ko eh. Di ako ganito dati. Dati kapag may nagustuhan ako at naging kami na, 2-3 days ayoko na siyang makita. Saka kapag inayawan ako di ko na rin pinipilit.

Pero iba talaga si Coleen..

Willing akong maghintay at pagtyagaan ang pagsusungit niya basta makita ko lang sya araw araw.

Napangiti ako at napatingin sa salamin ng kotse ni Kuya Vincent kung saan natatanaw ko siya mula sa likod.

Napakaganda niya talaga kahit natutulog.

Nawala ako sa pag iisip ko ng matanaw ang CBCT hotel, maghihiwalay na naman kami.

Nalungkot ako sa isipin kong yun pero naisip ko na pwede ko naman siya puntahan ulit bukas.

Pagka park ko ng kotse niya sa lobby ng hotel ay tinitigan ko ulit sya saka tinapik ko sya konte para magising.

"Hey, wake up. Andito na tayo.."

Gumalaw naman sya at unti unting iminulat ang mga mata niya.

"Shit. My head is spinning." Narinig kong mahinang bigkas nito.

"Okay ka lang ba? Wag ka gagalaw ha." At bumaba ako saka binuksan ang pinto sa tapat niya.

Hinawakan ko ang forehead niya at halos mapamura din ako.

"You're sick! Ang taas ng lagnat mo! Gusto mo bang dalhin na kita sa hospital?" Di magkaintindihang sabi ko. Lalo na kasi akong nag alala dahil pakiramdam ko hinang hina siya.

"Im not a baby Jane. Kaya ko na ang sarili ko. Okay na ako nito bukas. I just need a full rest." Namamaos nitong sagot.

"Wag na ngang matigas ang ulo mo baka mapano kapa niyan eh. Or gusto mo tawagan ko nalang si Kuya Vincent ?" Kandabulol na sabi ko. Kasi naman sobrang init niya talaga.

"I said im fine. Mag aalala lang yun. Kaya ko naman talaga. Just help me till maka akyat ako ng kwarto ng pent at kaya ko na." Mahinay na sabi nito.

"Sigurado ba kaba? Pinag aalala moko eh.. Lika na nga para makapagpahinga kana." Sabi ko dito habang inaalalayan ko siyang lumabas ng kotse.

Inutusan ko nalang ang lumapit na tauhan ng hotel para sabihing iakyat nalang ang ibang gamit ni Coleen sa penthouse niya.

Inalalayan ko nalang siya dahil sabi niya masakit daw ang ulo niya. Ramdam na ramdam ko rin ang nakakapasong init ng katawan niya dahil sa mataas na lagnat. Naramdaman ko rin na nung nasa elevator kami bahagya siyang sumiksik sa akin dahil sa ginaw dala ng aircon. Kaya naman medyo kinabig ko siya palapit sakin, di naman siya tumutol at tahimik lang hanggang maka akyat kami sa taas.

Pagkapasok na pagkapasok namin ng penthouse ay pinahiga ko muna siya sa kama niya at sinabing magpahinga muna siya para makapagshower siya mamaya ng maligamgam at para makapaglinis ng katawan. Di naman siya nagsalita pa at sumunod nalang.

Inantay ko lang na maihatid ang gamit niya at saka ko isinara ang pinto at bumalik sa kwarto niya.

Binalot ko muna siya ng kumot kasi lamig na lamig siya. Nalilito na ako kung ano ang una kong gagawin. Di naman kasi ako sanay mag alaga ng may lagnat. Ayaw din naman niya na tawagan ko ang Kuya niya.

Kaya naman nagmamadali akong tumawag sa mga kaibigan ko pero di naman sumasagot ang mga ito kaya di ko na alam ang gagawin ko. Pabalik balik ako sa kitchen para hanapin ang medicine kit at kung ano ang pwede kong makitang gamot dun.

Di naman nagtagal ay tumawag si Wendy at dun ko siya tinanong kung ano ang pwede kong gawin. Tinawanan pa ako ng gaga dahil para daw akong manganganak na baboy kasi di daw ako mapakali.

Pagkakababa ng tawag ay sinunod ko ang sinabi niya na maglagay ng maligamgam at punasan ko raw si Coleen para sumingaw ang init sa katawan nito at medyo umaliwalas ang pakiramdam.

Di ako magkaintindihang inihanda lahat iyon at ginising ulit si Coleen. Medyo natulala pa ako ng kusa itong naghubad sa harapan ko at tanging ang dalawang saplot lang sa katawan ang naiwan dito. Magsshower nalang daw muna siya ng warm water kaya naman inabot ko dito ang robe na galing pa sa cr dahil parang di ko kayang makita siya sa ganung itsura.

Marami na rin naman akong nakitang hubad na babae, yung iba pa nga hubot hubat talaga pero wala namang ganung epekto sakin. Pero nung siya ang naghubad parang tumigil ang ikot ng mundo ko at napatitig lang ako sa kanya habang palakas ng palakas ang tibok ng puso ko. Natauhan lang ako nung mapansing nilalamig na siya kaya inalalayan ko na sya papasok ng cr.

"Bi.. bilisan mo ng... ng pag shower ha.. Baka lalo kang magkasakit. Aantayin kita dito. Saka... ahm.. Warm water dapat.." Bilin ko bago siya pumasok ng shower room.

Kasi naman. Nadedemonyo na ata ang utak ko kasi gusto ko siyang hilahin at yakapin kanina pa.

"You're stammering. What's wrong?" Takadong tanong nito.

"Ha? Uhm.. Nothing.. Bilisan mo na.. Sige na, antayin kita dito." At ako na mismo ang humila ng pinto pasara para di ko na siya makita pa.

God! She's really a goddess.

Parang ansama sama ko na. May sakit na nga siya kung ano ano pang kamanyakan ang pumapasok sa utak ko. Di naman na bago sakin ang mga ganung scene.

5minutes at wala pa siya kaya kinatok ko na ito. Lumabas naman ito ilang minuto lang na nakabalot ng robe at halos nanginginig na kaya inalalayan ko ulit ito papunta sa kama niya. Naglakas na ako ng loob na tulungan siyang isuot ang tshirt niya saka siya nahiga.

"Dapat kasi di ka na nagshower eh, sabi ni Wendy punasan na lang kita. Ayan tuloy.." Parang nanay na sabi ko dito habang kinukumutan siya.

Hinalungkat ko pa ang cabinet na malapit sa kama niya para maghanap ng comforter o makapal na kumot para sa kanya. May nakita naman ako doon kaya agad ko itong ibinalot sa katawan niya.

Inabot ko na rin muna ang gamot na nakita ko at pinilit siyang inumin yun kahit nahihirapan na siyang tumayo.

"Co.. Coleen? Okay ka lang ba? Tawagan ko na kaya si Kuya Vincent?" Nanginginig na rin ata ako sa kaba ng tinanong ko siya.

"I'll be fine.." Sagot lang nito.

Ang tigas din naman ng ulo ng isang ito. Binantayan ko lang siya hanggang medyo nakakaidlip na ata siya kasi di na gumagalaw. Kaya naman naisip ko magshower na rin muna. Kasya naman siguro sakin ang mga damit ni Coleen.

Mabilis lang akong nagshower dahil baka magising siya at may itanong o hanapin. Pagpasok ko naman ng kwarto niya tulog pa rin ito. Kaya naman hinanap ko ang cellphone ko at nagtext muna sa Mommy ko na bukas na ako uuwi. Di ko pwedeng iwan si Coleen ng ganito.

Nag ayos lang ako ng sarili ko saka binuhay ang lampshade at pinatay ang ilaw bago tumabi sa kanya.

Nilalagnat parin ito pero atleast medyo mababa na siguro. Di na kasi kasing init kagaya kanina nung bumaba kami sa kotse.

Sana naman bukas magaling na siya..

Tinitigan ko ang magandang mukha niya saka ko siya hinalikan sa cheeks.

"Good night babe. Bukas okay kana.. I love you.." Saka parang baliw na hinalikan siya ng mabilis sa labi.

Sasamantalahin ko na ito habang tulog siya dahil kung gising lang ito at walang sakit. Sigurado tatarayan na naman ako nito.

Natawa ako sa mga naisip ko.

Inayos ko nalang ulit ang kumot niya saka nakaharap sa kanyang ipinikit ko na ang mga mata ko.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.