The Lady Marine Engineer Chapter 11

JANE'S POV

Nandito ako ngayon sa Batangas kasama ang babaeng mahal ko at Kuya niya. Di dapat ako talaga sasama kasi di naman ako interesado sa mga ganitong bagay pero nung malaman ko kasama siya bigla akong pumayag sa Kuya niya.

Kitang kita ko sa mukha ni Coleen ang inis kapag nagkkwentuhan kami ng Kuya niya. Di ko alam kung selos ba yun o baka naman talagang ganito lang siya kapag wala sa mood. Humiwalay pa nga siya kanina ng kotse, kaming tatlo sana ang magkakasama sa kotse pero sabi niya dun na siya sasabay sa kotse ni Trishia dahil may pag uusapan pa daw sila, kaya dito sumakay si Cherry na secretary ni Trishia kapalit niya.

Medyo nainis pa ako kanina kasi pakiramdam ko ayaw niya talagang makasama ako pero buti nalang makulit si Kuya Vincent at kwento ng kwento kaya nalibang ako buong byahe. Medyo boring kasi halos business lang ang knkwento niya pero masaya naman siyang magkwento at puro pa jokes kaya di ako inantok buong byahe.

Bihira naman namin pag usapan si Coleen, dahil di rin palakwento si Kuya Vincent tungkol dito. Ang sabi lang niya, pribadong tao ito at ayaw ng pinag uusapan. Maliban dun puro business na ang pinag uusapan namin.

Tuwang tuwa naman si Lolo Altheo nung nakita niya ako kanina pagkatapos ng ribbon cutting. Napagod rin ako dahil halos pinakilala ako ni Lolo sa halos lahat ng kilala sa business na nandun. Di daw niya kasi inaasahan na makikita niya ako doon at nagulat daw siya na kasama ako ng magkapatid na Tan. Si Kuya Vincent nalang ang nagpaliwanag kay Lolo ng lahat.

Nakita ko rin talaga na tuwang tuwa si Lolo habang pinapakilala ako sa mga kaibigan niya. Lingid sa kaalaman niyo di naman kasi takaga ako interesado sa mga ganitong events. Lalo na sa business business na yan. Isa nga yan sa pinagtatalunan namin ni Daddy at Mommy e. Kasi bukod sa pagpaparty at bumili lahat ng luho na gusto ko, di na ako interesado pa sa iba at wala na akong pakialam. Kaya todo pasalamat si Lolo kay Kuya Vincent dahil naisama nila ako.

Tahimik at pormal lang naman si Coleen na nakikipag usap sa iba pang tao na nandun. Bihira ko nga itong makitang ngumiti e. Peto talagang napakaganda nito kahit ganun.

Lalo tuloy akong naiinlove.

Kapag nahuhuli nito akong nakatitig sa kanya pag hindi nagsasalubong ang dalawang kilay nito minsan naman tinataasan lang din naman ako ng kilay. Pero ewan ko ba. Mas lalo siyang gumaganda sa paningin ko kapag ganun.

Ito na ata ang pinaka weird na naramdaman ko sa lahat.

Ilang beses na akong nagtangkang lapitan siya kanina pa para kulitin pero iwas lang ito ng iwas. Saka di rin ako masyadong makalapit sa kanya dahil mayat maya ay may kumakausap dito.

Kailangan makagawa ako ng paraan para makapag usap ulit kami. Yun din ang dahilan kayat sabi ko kay Lolo sasabay nalang din ako kina Kuya Vincent pabalik ng Manila. Niyaya kasi ako ni Lolo na dun muna ako magstay sa resort niya sa Laiya pero tumanggi na lang ako at sinabing may gagawin pa ako pagkabalik ko ng Manila.

"Miss Jane, kanina pa po kayo hinahanap ni Sir Vincent. Nagtatanong po siya kung sasabay ka daw po pabalik ng Manila." Biglang sulpot ni Cherry.

"Yes. Kinausap lang ako saglit ni Lolo. Pabalik na ba tayo? Where's Coleen?" Tanong ko naman.

"Nasa wash room lang po Ma'am. Medyo masama ata ang pakiramdam e. Hinihintay na lamang po namin matapos ang last part ng program kasi may pipirmahan pa po si Miss Coleen tapos babalik na rin po ng Manila." Paliwanag nito habang sinusundan ko siya papunta sa table nila Kuya Vincent.

Bigla akong nag alala ng malaman ko na masama daw ang pakiramdam ni Coleen. Okay lang kaya siya?

Pagkarating namin sa table may kausap sa cellphone si Kuya Vincent at halatang balisa ito. Si Trishia naman ay nakatayo at may kausap. Nung lumingon pa ako ay nakita ko si Coleen na papalapit na rin sa table at wala akong makitang emosyon sa itsura nito. Linagpasan lang ako nito at umupo sa bakanteng silya na katabi ko.

"Coleen, kailangan ko ng mauna ng Manila. Di daw maganda ang pakiramdam ng ate Grace mo kaya dinala sa hospital. Maiwan nalang kayo dito dahil may pipirmahan kapa mamaya." Narinig kong sabi ni Kuya Vincent.

"E nandito naman si Trishia e. Sasabay na ako sayo Kuya." Reklamo naman ni Coleen.

"Hindi pwede. Dito kana para makausap mo pa ang ilan sa kaibigan ni Daddyn hahanapin ka ng mga yan. Saka iaasa mo na naman ba kay Trishia? Pano ka matututo e diba sa susunod ikaw na ang mamamahala niyan." Paliwang ni Kuya Vincent. Nakatingin lang naman ako sa kanilang dalawa ng umupo rin sa table namin si Trishia hawak ang isang folder.

"Sasama na ako kay Sir Vincent, kakausapin ko pa yung isang Australian investor na parating mamayang 7pm. Ikaw dapat yun Ma'm Coleen pero di ka naman pwedeng umalis dito." Singit ni Trishia na ikinaiba ng mood ni Coleen.

"I texted her. Sabay na kami ni Trishia. Kaya mo na yan bunso. Alam ko naman na magaling kang makipag usap sa mga business partners natin." Nakangiting sabi ulit ni Kuya Vincent habang nakatingin sa cellphone at may binabasa ata na kung ano.

"Maiiwan ako?  Sinong kasama ko pabalik ng Manila? Kaninong kotse ang gagamitin ko? Naman e.. Trish sabay nalang tayo. Si Cherry na lang ang isabay mo Kuya." Parang bata na pakiusap nito.

"Well, i can stay here with you. Sabay nalang tayo." Nakangiti ko namang presenta.

"Yun naman pala eh. Iiwan ko nalang yung kotse ko ulit sayo. Yung kotse nalang ni Trishia ang gagamitin namin pabalik ng Manila. Gamitin niyo yung kotse ko. Okay lang ba sayo Jane na samahan si Coleen?" Tanong ni Kuya Vincent na umaliwalas ang mukha habang nakatingin samin ni Coleen.

"Oo naman. Wala din naman akong gagawin sa Manila. Sasamahan ko nalang siya."

"What? How about the driver? Ako parin ang magddrive? Kuya naman. Kanina pa ako napapagod." Reklamo pa ulit ni Coleen na di na maipinta ang mukha pero pinipilit ngumiti dahil sa ilang dumadaan sa table namin at bumabati sa kanya.

Napatayo din ito ng tawagin siya ng isang babae para ata kausapin. Napipilitan man ay sumama ito dito at sumenyas nalang na hintayin siya at mag uusap pa sila. Kaya naman naiwan kami ni Trishia at Kuya Vincent sa table.

"I can drive. Di naman ako pagod saka its really fine with me." Napatingin silang dalawa sa akin.

"You sure? Baka naman mapagod ka..?" Kuya Vincent.

"Basta para kay Coleen.''

"Saka its totally fine with me talaga. Pagod din naman si Coleen e. You may go Kuya Vincent saka may importante ka din namang lakad kaya kailangan mo narin sumama Trishia diba?" Paliwanag ko. Baka magtanong pa sila dahil sa unang nasabi ko na basta para kay Coleen.

"Okay lang ba yun? Nakakahiya, magiging driver kapa tuloy ni Ma'm Coleen. Pero okay lang ba talaga? Kailangan na rin namin isama si Cherry kasi may ipapaayos pa akong papers mamaya bago imeet yung investor namin." Tanong ulit ni Trishia.

"Yea, okay lang talaga, dont mind me. Sanay naman akong magdrive. Saka kaibigan ko naman si Coleen. Kami na ang bahala mamaya."

"Salamat talaga Jane ha.. Buti nalang nandyan ka. Pero kailangan na naming mauna talaga ni Trishia. Pupuntahan ko pa ang asawa ko eh.. ikaw nalang bahala magsabi kay Coleen ha? Malapit na rin naman matapos ang program. Saka nga pala, mukhang di masyadong maganda ang pakiramdam nun. Ikaw na ang bahala sa kaibigan mong yun ha."

Nag alala ako sa sinabi ni Kuya Vincent na di daw maganda ang pakiramdam ni Coleen. Matanong na nga lang mamaya. Siguro pagod at puyat yun. Ang aga pa niya kanina sa office.

"Sige Kuya Vincent. Wag niyo po kaming isipin. Ako na ang bahala kay Coleen mamaya. Ingat po kayo." Pagpapaalam ko.

Nilingon pa namin si Coleen pero di namin makita. Busy siguro ito sa kausap niya kaya naman nauna ng umalis sina Trishia at Kuya Vincent at sumunod na rin si Cherry. Inabot nalang sakin ang susi ng kotse niya at saka nagsabi na mag ingat nalang daw kaming dalawa.

Sa wakas. Wala ka ng choice Coleen kundi kausapin ako mamaya dahil dalawa lang tayong magkasama.

Masosolo rin kita.

Nakangiti akong iniisip ang pwedeng mangyari mamaya habang sinizip ko ang juice na laman ng baso ko.

Excited na ako para mamaya.

Ngumiti ako ulit at tiningnan ang hawak kong susi.

Halos 3pm na natapos pirmahan ni Coleen ang mga papel na kailangan niya dahil napahaba ang kwentuhan nila ng mga business partners niya. Pagod man at masakit ang ulo niya pinakiharapan niya nalang ng maayos ang mga ito.

Kanina pa siya paikot ikot kakahanap kay Cherry o kay Trishia at kahit sa Kuya niya pero di niya makita ang mga ito.

Si Jane lang ang nakita niya na kausap si Don Altheo na nakausap niya rin kanina pero ayaw naman niyang istorbohin ang maglolo para lang magtanong.

Di pa naman maganda ang pakiramdam niya dahil pakiramdam niya lalagnatin siya. Siguro dahil sa pagod at puyat dahil maaga lagi siya nagigising sa dami ng nilalakad at dapat niyang asikasuhin sa opisina.

Naupo na muna siya sa table nila ng makita niyang may tumatawag sa kanyang international number kaya sinagot niya agad ito.

Galing sa temporary reliever  Chief Engineer ang tawag. Tinanong lang kung kailan ang balik niya ng barko dahil kailangan na siya dito. Kaya sinabi niya dito na kinabukasan na bago maglunch ang flight niya kaya wag mag alala dahil makakabalik siya in time bago pa sila mag pull out.

11:45 am kasi ang schedule ng flight niya. Sinabi niya na rin yun sa Mommy at Daddy niya pati na rin sa kuya niya nung nagdinner sila. Kaya din talagang tinapos niya lahat ng dapat gawin dahil matagal na naman siyang makakabalik ng Pilipinas.

Nasa malalim siyang pag iisip ng sumulpot sa harapan niya si Jane kasama ang Lolo nito.

"Miss Tan, thank you for accompanying Coleen to join us here. Sa wakas nakasama ko rin saglit ang apo ko." Bakas sa mukha ng Don ang sobrang saya habang naka akbay kay Jane.

"Wala po yun Don Altheo, mabuti naman po at nagkita po kayo.." Yun na lang ang naisagot ng dalaga na medyo ngumiti.

Nakangiti lang din naman si Jane habang nakatingin kay Coleen.

"Gusto nito bang sumama muna sa isa sa mansiyon ko? Malapit lang dito yun. Nagpahanda ako ng konte dahil nandito na rin naman ang apo ko. Saka sabi ni Jane nakaalis na rin naman sina Vincent at secretary mo dahil may importante pang lalakarin." Don Altheo.

Medyo nagulat si Coleen sa sinabi ng matanda pero di nalang niya ipinahalata na di niya alam na nakaalis na pala ang kapatid niya. Napasulyap nalang siya kay Jane na nakatitig sa kanya.

"Ahm... Busy po ako kanina dahil kausap ko si Mr Chua kaya di ko po namalayan na nakaaalis na pala sila. Di man lang nagpaalam sakin." Plain pero seryosong sabi ni Coleen habang nakatingin kay Jane.

"Di ba nagpaalam sila kanina? Saka you don't mind naman diba kasi kasama mo naman ako." Ngumiti si Jane ng pagkatamis tamis at kinindatan pa si Coleen. Buti nalang at di nakatingin ang matanda.

"Talaga palang close kayo ng apo ko Miss Tan, sayang lang at ngayon lang din kita nakilala kadalasan kasi yung kapatid mo o si Enrique ang nakikita ko sa mga business meetings."

"Let's go for a while. Kumain lang tayo at ng maipakilala ko kayo sa maybahay ko. Saka para na rin makapagpasalamat at maipakilala din kita kasi kung di dahil sayo hija wala dito ang apo kong ito." Sabi ng Don na nakangiti at hinawakan pa sa pisngi si Jane.

"Tara na Coleen, mabilis lang naman tayo eh. Para makilala ka rin ni Lola Amanda. Matutuwa yun." Yaya ni Jane sa dalaga na lumapit pa dito at humawak sa kamay nito.

Pilit naman ngumiti si Coleen at sinakyan nalang ang ginawa ni Jane dahil baka magtaka ang Lolo nito kapag sinungitan niya ito.

"S.. sure Don Altheo.. Pero saglit lang po siguro dahil kailangan ko ring bumalik na ng Manila bago mag gabi kasi marami pa po akong kailangang tapusin. Right Jane?" Napilitan na lang ngumiti si Coleen na tumingin ng makahulugan kay Jane para makiayon ito.

"Ofcourse Coleen, saglit lang tayo promise." Ngumiti ng sobrang tamis si Jane sa dalaga at lalong idinikit ang sarili niya dito.

Ngumiti nalang din ang matanda at niyaya na ang dalawa. Sinabi nalang ni Jane na siya na ang magmamaneho dahil dala nila ang kotse ni Vincent. Di naman tumutol ang matanda at sinabing sa mansiyon nalang nito sila magkita.

COLEEN'S POV

"I need to be home before 6pm." Nakatingin sa labas ng bintana na sabi ko kay Jane.

"May curfew ba? Di kana 15 Coleen." Tumatawa tawang sagot nito na tumingin pa sa rear mirror habang nagddrive ito.

Ayoko sanang siya ang magdrive dahil nakakahiya na rin baka ano ang sabihin ng Lolo nito pero ayaw niya naman ibigay ang susi. Saka pagod na rin ako para makipagtalo pa sa kanya.

Tinapunan ko nalang ito ng masamang tingin at ibinalik ang tingin ko sa labas ng bintana.

"Alam mo, okay lang sakin na lagi mo kong tarayan. Lalo ka gumaganda sa panigin ko eh." Humahagikhik na sabi nito na nakatitig ulit sa rear mirror para makita ako.

"Pwede bang sa kalsada ka tumingin! Ayoko pang magdisgrasya dahil sayo. Saka tigilan mo na yang kakaganyan mo. Nagsisitayuan ang balahibo ko!" Ayan na naman siya. Bat ba ayaw niyang tigilan ng kakapalipad hangin sakin.

Tumawa lang naman ito saka ibinalik ang mga mata sa kalsada.

"Im a bisexual Coleen, and i like you. Seryoso ako sa mga sinasabi ko sayo simula pa nung gabing yun sa bar." Di ngumingiting sabi nito.

"Lalong sumasakit ang sentido ko sayo Jane! Alam mo ba ang mga sinasabi mo? Parang nakababatang kapatid na kita. Isa pa parehas tayong babae at straight ako. Ano nalang ang sasabihin ng ibang tao! Kaya please. Tigilan mo na yang kabaliwan mong yan."

Halos masubsob naman ako dahil sa biglang pagpreno nito at dahan dahan nitong iginilid ang kotse sa kalsada.

"I said i like you! Wala akong paķialam sa sasabihin ng iba basta gusto kita! Saka alam naman ng whole family ko kung ano ako kaya wala kang magagawa pag sinabi kong gusto kita." Sabi nito na lumingon sa kinatatayuan ko pagkatapos niyang patayin ang makina.

"You're impossible Jane. Napakabata mo pa. At wag na wag mong masasabi sa kahit sino yang kabaliwan mo na yan. Nag sasayang kalang ng oras."

Ano bang problema ng babaeng ito.

This is not happening. Straight ako. Magpapatalo paba ako dito sa spoiled brat na to.

"Kung ayaw mong magdrive, umalis kana dyan. Ako nalang ang magddrive at bumalik na tayo ng Manila. Wala ako sa mood para sakyan yang kabaliwan mo." Striktong sabi ko na di man lang siya tiningnan.

Binuhay naman nito ang makina at nagdrive na ulit. Tahimik lang itong nakatingin sa kalsada at di na ulit nagsalita pa.

Ipinikit ko nalang ang mga mata ko para di na humaba ang usapan. Di ko mabasa ang emosyon sa mga mata niya ng mapasulyap ako sa gawi niya. Pero ramdam ko na nasaktan siya sa sagot ko.

Mali naman talaga. Parehas kaming babae at napakabata niya pa. Ni hindi ko pa nga siya kilala at di pa rin niya ako ganun lubos na kilala.

''Okay ka lang ba?" Tanong niya bigla. Nakita niya siguro ang paghilot ko sa sentido ko. Sumasakit talaga ang ulo ko kanina pa.

"Just drive. I'm fine." Masungit na sagot ko.

"Kumain lang tayo pagdating sa bahay ni Lolo para din makainom ka ng gamot. Sinabi sakin ni Kuya Vincent na di daw maganda ang pakiramdam mo." Narinig ko pang sabi nito.

Makulit talaga. Sinabi ng okay lang ako. Kaya ko pa naman.

"Walang magbabago sa sinabi ko. I like you, and i mean it. Di naman kita mamadaliin eh. Hayaan mo lang ako na ganito. Di ako gagawa ng ikakapahiya o ikakapahamak mo. Just let me prove you na seryoso ako at wala akong pakialam sa sasabihin ng iba." Dugtong pa nito kaya napabuntong hininga nalang ako.

Di ko nalang sinagot dahil alam ko na hahaba pa at kung saan pa mapunta ang usapan.

Di ko alam kung ano ang dapat kong maramdaman sa mga narinig ko.

Bata pa nga siya. Di pa siguro niya alam ang mga sinasabi niya.

Gusto ko ring sabihin na ganun din ang nararamdaman ko. Na gusto ko ang presensya niya. Na kahit napipikon ako sa kanya, kinikilig pa rin ako.

Pero alam kong bawal at hindi pwede. Ako ang mas nakakatanda at tama lang na ako na ang umiwas. Kaya rin lagi ko nalang siyang iniiwasan at tinatarayan.

Maling mali talaga.

Makakalimutan niya rin lahat lahat kapag di na kami magkita. Paalis na rin naman ako bukas.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.