"Jane ano ba! Tama na yan, may pasok pa kaya tayo bukas!" Naiinis na sabi ni Wendy sa kaibigan. Halos magtatatlong araw na rin kasi itong pabalik balik sa bar ng kapatid niya para uminom. Isa din sa dahilan nito ay ang paulit ulit na pangungulit nito sa kapatid niyang si Meg para alamin kung nasaan ba si Coleen. Ayaw naman itong sagutin ng kapatid niya kahit nakailang tanong at pabalik balik na ito ng bar niya.
"Tama na yan okay! Alam mo namang inaaway na rin ako ni Ate dahil sa pangungulit natin sa kanya. Let go of that girl! Andami dami naman dyan." Nagpapalatak na sabi nito na binawi sa kamay ni Jane ang bote sa kamay nito.
"Relax. Di pa ako lasing okay, aantayin ko lang si Ate Meg." Seryosong sagot ni Jane.
"Oh no! Not again Jane! Alam mo naman na halos mamatay na ako sa pagmumura nun nung nakaraan dahil sa pangungulit natin. I know her. Di talaga magsasalita yun.."
"Di ako titigil. Kilala moko." Nakasimangot na sabi nito na inagaw ulit ang boteng inagaw ng kaibigan.
Nagtatalo naman ang dalawa ng napataong kakapasok lang ng bar si Meg, kaya di na napigilan ni Wendy ang pagsalubong ng kaibigan dito.
"Ikaw na naman Jane? Di ba kayong dalawa titigil? E kung pumasok na lang kaya kayo sa mga klase niyo at mag aral kesa araw arawin niyo ako dito. Wala kayong makukuhang information sakin!" Agad na sabi nito ng makalapit ang dalawa sa kanya.
"Ate Meg naman, come on. Just tell me where your friend is. Gusto ko lang siyang makausap talaga. Gusto kong malaman kung...."
"I already told you Jane. Di ko rin alam. Marami pa akong gagawin kaya ubusin niyo na lang yung inorder niyo at umalis na kayo dito. Tatawagan na naman ako ni Tita para itanong kung nanggaling ka dito. Nakakapagod ng pagtakpan ka!" Pagputol ni Meg sa sasabihin ni Jane. Magkaibigan kasi ang pamilya nilang dalawa kaya siya ang isa sa tinatawagan ng Mommy nito kapag di ito umuuwi ng bahay nila.
"Ate sabihin mo na kasi kung nasaan yung friend mo. Alam mo naman na di titigil ang babaeng ito eh.." Singit naman ni Wendy sa kapatid.
"Isa kapa! Sinabi ko na ngang wala din akong alam. Wag niyong madamay damay sa kalokohan niyo ang kaibigan ko. Di niyo pa kilala yun."
"Saka pwede ba umalis na kayong dalawa dito. At ikaw naman Wendy di na talaga kita pagtatakpan kay Daddy dyan sa mga kalokohan niyo!" Pagalit na sabi ni Mega sa dalawa.
"Ate naman eh.. Asan ba kasi yung kaibigan mo na yun? I promise you, sabihin mo lang di na talaga kami mangungulit. Saka alam mo naman na di titigil ang isang ito diba.. Ate pleaseeee? " Nagmamakaawang sabi ulit ni Wendy sa kapatid. Nanatili namang nakatingin lang din si Jane sa dalawa habang nag uusap.
"Please Ate Meg, i just need to talk to her. May gusto lang akong itanong.." Jane.
"Sumasakit ang ulo ko sa inyong dalawa! Bahala nga kayo! Ubusin niyo na lang at umuwi na kayo. May pasok pa kayo bukas."
"Wendy wag mo na akong idahilan kay Daddy, namumuro kana! Ako lagi ang napapagalitan kakatakip ko sa mga kalokohan mo!" At naiinis na tumalikod na si Meg at iniwan ang dalawa.
Parehas namang nanlumo ang dalawa sa sinabi ni Meg kaya nag umpisa na silang maglakad pabalik ng table nila. Mukhang wala talaga itong balak na sabihin kung nasaan ang kaibigan nitong hinahanap nila.
Pero natigilan sila ulit ng mapansin ang pagtigil bigla sa paglalakad ni Meg at lumingon sa dalawa.
"Pero isa lang ang alam ko. Di niyo talaga makakausap si Coleen dahil wala naman yun dito sa Pilipinas. Kaya kahit anong gawin niyo, di niyo talaga makikita ang kaibigan ko. At kung ako sa inyo. Tumigil na lang kayo at ibang babae nalang ang isama niyo dyan sa kalokahan niyo."
"Umuwi na rin kayo kesa maglasing kayo sa bar ko. Huling beses ko na yan sasabihin." Saka ito tuluyang naglakad palayo sa dalawa.
Naiwan naman ulit na natigilan ang dalawa habang kapwa nag iisip. Nakabalik na rin sila sa table nila pero tahimik lang si Jane na kinuha ulit ang bote na iniinom niya.
"Your girl is not here naman pala eh. We're just waisting our time looking for her." Wendy.
"No. Baka sinabi lang yun ng kapatid mo. Alam mo naman na siya ang may ari ng hotel na pinuntahan namin diba. Kaya imposible."
"I know my sister. Di nagsisinungaling yun girl. Maybe she's out for work. Or baka nga wala na talaga dito yun o may asawa na kaya nasa ibang bansa. Diba sabi mo paggising mo nun wala na siya, tapos di mo na nga talaga nakita pa. Baka nakonsensya kasi may asawa na?"
"Wala ring balita. Saka hello! Close friend sila ng kapatid ko noh, believe me she's telling the truth." Nakahalukipkip na dugtong ni Wendy.
"Ano naman ang gagawin nun sa ibang bansa? Asawa??" Napangiti ng mapait si Jane at bahagyang tumawa habang inuubos ang laman ng huling bote ng order nila.
"We make love. At alam ko sa sarili ko nung nangyari yun na wala pa siyang asawa. She doesn't even have a ring on her finger maliban sa singsing niya na parang may bulaklak ba yun na tatlong petals. Basta parang ganun." Nakangiti at parang kinikilig na kwento naman ni Jane.
"Ughhhh... Please Jane, pati ba naman yun ikkwento mo pa.. And it was just a sex no.. How can you say na wala pang.." Nagpause ito saglit at napatingin kay Jane na nakangiti pa rin.
"Ah basta! Yun na yun. Pero in fairness ha, parang ngayon ka lang nagkwento na pati singsing ng kasex mo alam mo. Hahahahaha! Flower with just three petals? Meron ba nun?" Nakakunot ang noong sabi nito na nagtataka sa mga sinabi ni Jane.
Nanatili namang nakangiti si Jane at nangalumbaba pa sa harapan ng kaibigan.
"What's with that smile? You look stupid Jane! Tigilan mo nga yan. Parang may halong kamanyakan yang tawa mo na yan." Saway nito sa kaibigan na parang wala sa sarili habang nakangiti. Naweweirduhan na kasi siya dito dahil kanina lang masama ang mood nito tapos ngayon naman kung makangiti ay tinalo pa ang nanalo sa lotto.
"Wendy, i think i'm really inlove with her. Di pwedeng di ko siya makita ulit. Baka mabaliw na ako kapag di ko pa siya naka usap." Wala sa sariling banggit naman ni Jane.
"Wait, alam ko na! Why don't you ask her brother? Diba sabi mo nameet mo na yun at naging close naman kayo sabi mo?"
Medyo nagliwang ang mukha ni Jane sa sinabi ni Wendy pero mabilis rin ulit nagbago ang mood nito.
"Ano kaba Wen. Nakakahiya. Saka ang alam nun close friend kami ng kapatid niya. Magtataka yun kung bat di ko alam kung nasaan si Coleen. Isa pa, he's busy." Napapailing na sagot ni Jane sa suggestion ng kaibigan.
"Oh come on Jane! Ano ba ang di kayang gawin ng isang Mondragon?" Inasar asar pa nito ang nag iisip na kaibigan.
Tumawa na lang naman si Jane bilang sagot dito saka nilagok ang natitirang alak sa boteng hawak niya.