The Lady Marine Engineer Chapter 15

JANE'S POV

Maaga akong nagising dahil tumawag kagabi ang secretary ni Kuya Vincent para sabihin ang pinapasabi nitong sabay daw kaming magbbreakfast. Ngayon lang din kasi ang available time nito dahil mamayang hapon ay lilipad ito papuntang L.A para sa business trip.

Buti na lang naisip ni Wendy ang ideang 'to. Magulong magulo kasi talaga ang isip ko kakaisip ng paraan para makita ko ulit ang babaeng di halos nagpapatulog sakin.

Kagabi pa ako nagpapractice ng sasabihin kay Kuya Vincent para di ito masyadong magtanong kung bakit interesado akong malaman kung nasaan ang kapatid niya.

Kararating ko lang dito sa isang Italian restaurant na sinabi niya medyo naipit kasi ako sa traffic. Medyo kinabahan naman ako ng makita ko siya pagpasok ko ng hotel. Mukha kasing kanina pa ito dito. Kasama niya ang asawa niya ata, nabanggit niya rin naman ito dahil after ng breakfast namin ay pupunta daw sila sa mansion ng mga Tan para bisitahin ang mag asawa.

"Good morning Miss Mondragon! Asawa ko nga pala, si Grace. Hon, si Miss Mondragon. Yung naikwento ko sayong kaibigan ng kapatid ko." Nakangiting pakilala nito sa akin sa asawa niya. Mukha namang mabait ang asawa niya dahil niyakap ako nito at nakangiti pa itong bumeso sa akin.

"Hello Mr and Mrs Tan, sorry if i keep you waiting. Medyo naipit kasi kami ng driver ko sa traffic." Paumanhin ko.

"It's fine Jane, masyado namang formal ng Mr and Mrs Tan. Saka kaibigan ka naman ni Coleen kaya Kuya Vincent na lang." Nakangiting sabi nito sa akin. Sumang ayon naman si Ate Grace na tumawa pa at pinuri ako. Kaya napalagay na rin ang loob ko sa kanilang dalawa.

Dumating na rin ang inorder naming pagkain kaya nagsimula na kaming magkwentuhan habang kumakain. Napag alaman ko rin na may dalawang anak na pala sila at buntis pala ngayon si Ate Grace. Binola pa ako nito na sana daw magmana sakin kapag babae ang maging baby nila. Tawa lang naman ng tawa si Kuya Vincent.

"We should do it often, or kahit kayong dalawa lang. Alam mo kasi Jane, wala din namang ginagawa sa bahay ang Ate Grace mo. Buti na nga lang at nakalabas ulit yan.. Di kasi sumasama sakin yan kapag may mga lakad ako." Natatawang kwento ni Kuya Vincent.

"Oo nga naman Jane, wala din naman akong ginagawa sa bahay. Saka wala naman ang kaibigan mong si Coleen, kaya habang wala pa siya at di pa nakakabalik welcome ka sa bahay namin ng Kuya Vincent mo. Para din makilala mo ang dalawang makukulit na anak namin."

"Sure po Ate Grace, hayaan niyo kapag wala akong pasok dadaan ako sa bahay niyo ng makilala ko naman ang mga pamangkin ni Coleen." I smiled while looking at her. For sure talagang makakasundo ko sila. Di ko alam na ganito pala kabait ang kapatid ni Coleen at ang asawa nito.

"Uhm.. Kuya Vincent. Isa pa nga pala sa problema ko. Umalis lang si Coleen ng di man lang nagpaalam sakin kung saan siya pupunta." Nako sana naman wag silang makahalata. Napahigpit ako ng kapit sa kutsarang hawak ko.

Napansin kong medyo natigilan si Kuya Vincent kaya medyo kinabahan ba talaga ako.

"Di ka paba sanay? Alam mo naman yun. Di talaga nagsasabi yun kung saan siya madedestino." May lungkot sa boses ng Kuya niya.

Di si Coleen nagpapaalam kahit sa kanila? Madedestino? Anong ibig sabihin ng kuya niya.

"Eh kasi Kuya sabi niya sasabihin niya kung saan siya susunod na pupunta e. Nakakatampo lang. Akala ko pa naman kaibigan ko sya." Kunway nalungkot ako para di maghinala si Kuya Vincent sa mga sinasabi ko.

"Ganun talaga ang batang yun Jane. Kahit nga samin di rin sinasabi. Yan din ang madalas na pinagtatalunan nila ng Daddy niya. Coleen is a brillant girl. She also wants to be the personal planner of her own life. Ayaw nun na may nagdidictate sa kanya ng mga dapat niyang gawin. Alam mo naman na ayaw talaga nun na pinapangunahan siya. Kaya hinahayaan na lamang namin." Kwento rin ni Ate Grace.

Medyo clueless ako sa totoong pagkatao ni Coleen. Kung bat ganun ang kwento nila sa akin.

"Saka kaibigan ka niya diba? Masanay kana. Ayaw talaga nun ng pinapakelaman siya. Tingnan mo di ka rin tatawagan nun parang sa amin. Once in a blue moon nga lang yun makaalalang tawagan ako kahit sina Mommy at Daddy." Natigilan ako sa huling sinabi ni Kuya Vincent.

Ganun ba talaga si Coleen? So talagang wala rin silang alam dito? Kahit tawag wala? Ano bang trabaho nito?

Gusto ko pa sanang magtanong kaso baka makahalata na sila kung bat matanong ako at bat wala akong masyadong alam.

"Pero wag kang mag alala, sabi niya aayusin na niya lahat ng dapat ayusin para dito na raw siya magsstay sa Pilipinas kasama kami. At para din maasikaso n miya yung business na pinahawak sa kanya ni Daddy. Yun nga lang. Kilala ko yung isang yun. Sigurado matagal pa yun. Mahal na mahal nun ang trabaho niya eh. Di nga kami maalala kapag andun yun." Napabuntong hiningang sabi ulit ni Kuya Vincent habang may binabasa sa cellphone niya.

"Pabayaan niyo nga muna kasi hon ang kapatid mo. Saka nagpromise naman siya na babalik at magsstay na siya dito diba. Let her enjoy her remaining months with her work.  Alam mo rin na kahit pa anong sabihin mo, di susunod sayo yung kapatid mo. Alam na niya ang mga ginagawa niya. Lagi niyo kasing pinapangunahan."

Napatingin naman ako sa nagsalitang si Ate Grace.

"Ayan, kinakampihan mo kasi hon. Kaya lalong tumitigas ang ulo nun e." Sabat naman ni Kuya Vincent habang nakatingin sa asawa.

Natawa naman ako sa palitan nila ng salita kaya nung napansin nila ang reaksiyon ko ay napangiti na rin si Kuya Vincent.

"See? Tinotolerate din kasi ng asawa ko ang kaibigan mo kaya di lalong sumusunod sa amin. Nako. Kapag yang dalawang yan talaga magkausap parang di na ako kapatid ni Coleen kasi parehas sila ng asawa ko na matigas din ang ulo. " Nakangiti pero seryosong sabi ni Kuya Vincent. Pinanlakihan naman ito ng mata ng asawa niya kaya hinalikan niya na lang ito at tumatawang niyakap ito.

Tanging tawa nalang din ang naisagot ko, di ko na kasi alam pa ang sasabihin baka magtaka lang din sila kapag nagtanong pa ako. Saka wala narin talaga akong makukuhang impormasyon pa dahil kahit pala sa kuya niya ay di nito sinasabi kung nasaan siya.

"Nga pala Jane, paalis itong si Vincent papuntang L.A mamayang gabi. Wala akong kasamang mangshopping, you can come to our house kapag wala kang ginagawa. Saka di naman na iba sa amin ang mga kaibigan ni Coleen. At para makilala mo na rin ang dalawang anak namin."

''Also para din makita mo ang Daddy at Mommy ng kaibigan mo, for sure matutuwa ang mga yun. Business partners ata ang Lolo Altheo mo at si Daddy Enrique dati pa. Di kasi nila alam na magkaibigan pala kayo ni Coleen, kaya talagang matutuwa yun kapag naisama kita dun. Masekreto kasi masyado ang batang yun, saka wala gaanong isinasama sa mansiyon." Dagdag ni Ate Grace.

"Sure po Ate, tatawagan ko po kayo kapag wala akong pasok para makapagbonding tayo at makilala ko po sila personaly. Nakkwento na rin sila ni Lolo at Mommy dati pa pero eala lang po kasi ralagang chance na mameet ko sila dahil busy din po ako sa school. Sigurado matutuwa si Coleen nun." Nakangiting pahayag ko. Pero deep inside talagang masaya ako sa sinabi ni Ate Grace kasi mas mapapalapit ako sa pamilya niya. Kinakabahan na rin dahil nagsisinungaling ako sa ibang sinabi ko. Desperado na ata talaga akong mapalapit at mas makilala si Coleen at ang pamilya niya. Mas makikilala ko na rin sila at sana wag malaman ni Coleen ang mga ginawa ko. Lagot ako nito. Pero sabagay, di nga daw ito tumatawag o kung ano man sa kanila. Gusto ko ring malaman kung ano ba talaga ang trabaho nito at kung bakit sa ibang bansa pa. Saka ko nalang iisipin ang problema kapag nalaman ni Coleen ang mga pinaggagagawa ko.

"I guess nakahanap na naman ng bagong kakampi ang asawa ko. Hahahaha!" Tanging nasabi nalang ni Kuya Vincent. Nagtawanan na lamang kami at nagkwentuhan na lamang ulit tungkol pa sa ibang pinagkakaabalahan nila. Nagtanong rin si Kuya Vincent sakin tungkol sa family business namin pero tumawa nalang ng malamang di rin ako interesado. Halos magkaparehas daw kasi kami ng kapatid niya.

Bago pa kami maghiwa hiwalay ay kinulit pa ako ni Ate Grace na hihintayin niya raw ang tawag ko dahil naiinip lang daw talaga siya sa bahay nila. Madalas rin daw kasing nasa mansion ng mga Tan ang dalawang anak nila.

Kahit di ko nalaman kung nasaan ang babaeng gustong gusto kong makita ulit at masaya na rin ako dahil unti unti nakikilala ko ang pamilya niya at napapalapit ako sa kanila.

Ang weird lang dahil di naman ako ganito dati. Wala akong pakialam at di ako interesado sa pamilya ng mga nagiging girlfriend ko o nakikilala ko.

Sigurado, kapag nalaman ito ng mga kaibigan ko tatawanan ako ng mga yun.

Di ko din kasi alam bat bat ganito na lang ang epekto sa akin ni Coleen. Sana talaga makita ko na siya ulit.

NovelDark

Your free library of light novels, web novels and translations. Romance, fantasy, action, drama — thousands of chapters updated daily, no signup needed.

Genres

© 2026 Noveldark. All rights reserved.